Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 396 - Tumitingin Sa Baba

Chapter 396 - Tumitingin Sa Baba

Nang masira ang mental energy symbols sa dalawang green bronze ghost corpses, sila ay umungol at nagpakawala ng air of death habang sila ay gumagalaw.

Nakatayo si Zhao Feng sa tabi at interesadong nanonood.

Ang babaeng mayroong itim na lotus ay gulat pa rin, subalit siya ay kumibo at nanginig sa pagkagulat: "Hindi…."

Roar! Hu~~

Matapos makalaya muli ng dalawang green bronze ghost corpses, binuksan nila ang kanilang mga bibig at sumunggab patungo sa babae.

Sinabi ng mga pakiramdam nila na huwag lumapit kay Zhao Feng, kaya't pinili nilang atakihin ang babae.

Ang mga green bronze ghost corpses ay kayang makaramdam ng kahit anong mayroong dugo at kakainin nila ito ayon sa pakiramdam nila.

Sa pagkakita ng paglapit ng dalawang green bronze ghost corpses, ang babae ay tuluyang nahulog sa walang hanggang bangungot.

"Hehe."

Isang mahinang boses asng maririnig mula sa likuran ng mga ghost corpses.

Pa! Pa!

Isang pares ng makapangyarihang mga kamay ang tumapik sa balikat ng dalawang green bronze ghost corpses at isang nakakapanginig na lamig ang kumawala.

Nanigas ang dalawang ghost corpses at hindi sila naglakas-loob gumalaw.

Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay kumislap ng mayroong liwanag at nagpakawala ng isang sinaunang aura na hindi kapani-paniwalang nakakagulat para sa mga multong ito.

Noon, nakadurog na ng ilang mga ika-unang yugtong mga True Mystic Rank ghosts sa loob lamang ng isang titig ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng.

Noon, sa Hundred Graves Forbidden Ground, ang nakakasindak na sumpa ay hindi man lamang makalapit sa katawan ni Zhao Feng.

Sa puntong ito, sinadya ni Zhao Feng pakawalan ang kaniyang mental energy aura at nanginig sa takot ang dalawang green bronze ghost corpses.

Ikinagulat ng batang babae ang eksenang ito. Hindi siya makapaniwala na may ganito kalakas na eye bloodline na lubhang kayang tapatan ang Wicked path ghost Dao.

Pagtapos nito, nasaksihan niya ang pagtatak ni Zhao Feng ng kaniyang mental energy symbol sa dalawang green bronze ghost corpses.

Para magawa ito, kinailangan ng babae ng halos kalahating araw ng kaniyang cultivation at kailangan hindi rin gumagalaw o pumapalag ang mga ghost corpses.

Sa kabilang banda, pasimpleng sinuri ni Zhao Feng ang dalawa at itinatak lamang niya ang kaniyang mental energy symbol sa kanila.

Shua! Shua!

Dali-daling tumayo sa kaliwa't kanang balikat ni Zhao Feng ang dalawang green bronze ghost corpses na parang personal niyang mga taga-bantay.

"En… hindi na masama, hindi na masama."

Tumango si Zhao Feng nang maisip niya ang tungkol sa teknik upang kontrolin ang mga ghost corpses. Napagtanto niya na madali lamang niya itong makokontrol kahit hindi niya sadyaing subukan. Tila ba ito ang nakasanayan na niya.

Sa isang banda, mayroon na talagang karanasan si Zhao Feng bilang isang beast tamer.

Sa kabilang banda, ang God's Spiritual Eye ang sumpa para sa mga green bronze ghost at madali silang nakokontrol nito.

Sa madaling salita, ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay talentado sa aspetong ito at ang pagkontrol sa mga ghost corpses ay hindi mahirap kumpara sa Ancient Dao of the Soul.

"Paano… paano naging posible ito!?"

Nanlaki ang mga mata ng babaeng mayroong itim na lotus at natulala siya dahil hindi siya makapaniwala.

Sa isang iglap, ang dalawang green bronze ghost corpses na ay pagmamay-ari niya noon ay 'ninakaw' ni Zhao Feng.

Ang lalaking ito ang nemesis ng mga nageensayo ng Ghost Dao of the Wicked Path.

"Kukuhanin ko ang itim na lotus at ghost corpses mo."

Inilabas ni Zhao Feng ang kaniyang mga kamay at tinapik ang itim na lotus, na nagdulot upang lumayo ang mga green bronze ghost corpses.

Ang itim na lotus ay naglalaman ng siksik na air of Yin sa loob at ito ay nababagay sa pagsasanay ng mga multo.

Bukod sa mga green bronze ghost corpses, na kung saan ang kanilang mga battle power ay malapit na sa True Lord Rank, ang mga natitira ay hindi na nabigyang-pansin ni Zhao Feng.

Pinag-iisipan ni Zhao Feng kung papakainin niya ang dalawang green bronze ghost corpses na maaaring magpataas ng kanilang mga kapangyarihan hanggang sa peak True Mystic Rank.

Sa pagkakataong ito, labis na nagbago ang ekspresyon ni Zhao Feng nang tumutok ang kaniyang God's Spiritual Eye sa isang tiyak na direksyon.

"Ganito kabilis? Ang Black Cliff Palace ay parang isang multong hindi maitaboy-taboy."

Nakita ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang lumulutang na Dark Light Ghost Eye sa alapaap sa layo ng isang daan hanggang dalawang daang milya.

Sa katotohanan, napakaliit lamang ng Dark Light Ghost Eye at mas malaki ito ng kaunti kaysa sa mata ng isang normal na tao at ito ay natatago sa mga ulap.

Subalit, gaano kalinaw ang paningin ni Zhao Feng? Kaya niya pang malaman kung ang isang lamok ay babae o lalaki sa ganitong distansya.

Hindi nakikita ng babaeng ito ang Dark Light Ghost Eye subalit mula sa ekspresyon ni Zhao Feng, masasabi na niyang ang mga tauhan ng Black Cliff Palace ay parating na at dahil dito napangiti siya.

Hindi kalaunan, nakita ng mata ni Zhao Feng ang pitong mula sa Black Cliff Palace na papalapit sa kaniya.

"Napakataas na tracking skill. Ginagamit ang void upang maramdaman ang aking aura."

Hindi agad-agad tumakbo si Zhao Feng at sa halip sinubukang solusyunan ito. Kung hindi niya makikita ang pinanggagalingan ng Dark Light Ghost Eye, kung ganoon mahihirapan si Zhao Feng tumakbo.

Matapos malaman ang rason, sumubok ng ilang estratehiya si Zhao Feng.

Una, sinubukan niyang itago ang kaniyang aura, subalit ang epekto ay hindi masiyadong maganda.

Ang Dark Light Ghost Eye ay isang napakamabisang paraan na kayang makaramdam ng pakay sa loob ng tiyak na sukat ng lugar.

Matapos no'n, ginamit ni Zhao Feng ang Yin Shadow Cloak at gumawa ng dalawang Yin Shadow Doppelgangers na lumipad sa iba't-ibang direksyon.

"Ang mga doppelgangers na ito ay lahat naglalaman ng aking aura."

Naisip ni Zhao Feng.

Subalit, ang Dark Light Ghost Eye ay sumuri lamang ng isang beses bago tumutok kay Zhao Feng.

Kung ito ay ang Dark Light Ghost Eye lamang mismo, hindi ito maaaring magkaroon ng ganitong abilidad, subalit ito ay kinokontrol ng Black Wicked Eye ni Chi Gui.

Tracking ang espesyalisasyon ni Chi Gui at hindi siya naloloko ng mga auras ng mula sa Yin Shadow Doppelgangers.

Dagdag pa rito, sa pagdating ng gabi, ang sensing ability ng Dark Light Ghost Eye ay mas lumakas.

"Kung hindi ko ito maiiwasan, kailangan ko itong sirain."

Isang malamig na liwanag ang kumislap sa mga mata ni Zhao Feng, subalit ang Dark Light Ghost Eye ay halos nasa isang daan hanggang dalawang daang milyang layo at hindi ito masiyadong malapit.

Ang apat na eye skills at ang Luohou Bow ay hindi makakaabot sa ganito kalayo.

"Mukhang kailangan kong subukan ang galaw na ito."

Huminga ng malalim si Zhao Feng. Wala siyang buong lakas ng loob sa 'galaw na ito' at aksidente lamang niyang natagpuan ang skill na ito.

Subalit, ngayon na ang kaniyang mental energy level ay nasa True Lord Rank na nangangahuluguhan ito na ang kaniyang tagumpay ay kontrol ay mas mataas.

Sa pag-alala nito, si Zhao Feng ay naging isa sa kalikasan, at sa pagsanib ng mental energy, ng kapangyarihan at ng focus state.

Ito ay unang hakbang pa lamang upang maibigay ang pundasyon ng skill na iyon.

Agad na kasunod nito, pinadaloy ni Zhao Feng ang kaniyang God's Spiritual Eye sa pinakahangganan nito at isang sinaunang makapangyarihang aura ang sa wakas ay kumawala mula kay Zhao Feng.

Ang babae at ang dalawang green bronze ghost corpses sa malapit ay nanginig.

Kasabay nito, si Chi Gui at ang iba pa ay sumusunod sa direksyon ng Dark Light Ghost Eye.

Napanatili ni Chi Gui ang Dark Light Ghost Eye gamit ang kaniyang mental energy at bahagya siyang napagod subalit sa pagbaba ng gabi at pagtaas ng air of Yin, ang paglalakbay ay naging kaunti.

Sa isang tiyak na oras, nakaramdam ng isang bagay si Chi Gui at tila ba siya ay minamanmanan.

Para bang mayroong isang diyos sa alapaap na tumitingin pababa sa mundo na parang mga langgam.

Noong una, akala ni Chi Gui ito ay isang ilusyon lamang, subalit sa pamamagitan ng pakiramdam ng kaniyang Black Wicked Eye, masasabi niyang sila ay totoong pinagmamanmanan nga.

Sa huli, lahat ng mga henyo mula sa Black Cliff Palace ay nakaramdam ng hindi nakikitang mental pressure at mga alon ng mental energy na biglang lumitaw sa itaas ng Dark Light Ghost Eye.

"Iyon ay!?"

Nagsigawan ang mga henyo mula sa Black Cliff Palace nang tumitig sila patungo sa alapaap.

Nanigas din ang mga hakbang ni Chi Gui.

Sa alapaap sa itaas ng ghost lantern, isang 'Eye of Heaven' ay lumitaw at nakatingin pababa sa mundo.

Wu~

Tumingin ang Eye of Heaven mula sa Dark Light Ghost Eye ng isang paghinga lamang atsaka nagpakawala ng isang mental energy pressure.

Shuu~~~~~

Nanginig ang Dark Light Ghost Eye at naglaho.

Ang buong proseo ay nagtagal lamang ng isang paghinga.

Si Chi Gui, na siyang nakakonekta sa Dark Light Ghost Eye, ay naghmphed at sumigaw: "Ano… ano iyon!!?"

Ang ibang mga henyo ng Black Cliff Palace ay lahat nagulat, at ang kapaligiran ay nanahimik.

Ang eksena kanina ay napakaikli subalit nakakagulat kaya't parang hindi ito totoo. Subalit, talagang naglaho ang Dark Light Ghost Eye at halos napinsala si Chi Gui.

"Senior brother Chi Gui, ano ang eye technique na iyon na kayang tumingin pababa sa atin?"

"Kahit na hindi nagpakita ng isang nakakapanlulang kapangyarihan ang matang iyon, ang aura nito ay parang ang supremo sa mundong ito."

Pakiramdam ng ibang mga henyo na sinuwerte sila.

Kahit na ang Eye of Heaven ay hindi nagpakita ng masiyadong kapangyarihan, ang kalamigan at aura mula rito ay nakapanginig ng kanilang mga puso.

"Ang misteryosong mata na ito ay katulad ng isang tracking eye technique, subalit ang aura nito ay ang dumurog sa Dark Light Ghost Eye."

Si Chi Gui na mayroong patusok na ilong ay huminga ng malalim at itinikom ang kaniyang mga kamao.

Kumislap ng puti ang kaniyang mga mata at kinailangan niyang aminin na siya ang talunan sa palitang ito.

Maaaring hindi niya kasinglakas ang kalaban, subalit ang kaniyang bloodline power ay harapang natalo.

Kahit ang isang taong kasinglakas ni Chi Gui ay nakaramdam ng pagragasa ng paglalayong makipaglaban.

Sa isang puno sa malayo.

Nakatayo ng tuwid si Zhao Feng, at ang dalawang green bronze ghost corpses ay parang mga taga-protekta niya.

Hu~

Mahaba ang kaniyang paghinga at ang kaniyang mukha ay namumutla at siya ay basang-basa ng malamig na pawis.

Kani-kanina lamang ang kaniyang kamalayan ay lumabas bigla sa kaniya at lumipad sa ere.

Ang taas at ang kapangyarihan na ipinakita nito ay parang ang namumuno sa kalangitan.

Siyempre, kumunsumo ng tatlumpung porsyento ng kaniyang mental energy si Zhao Feng bilang kabayaran.