Ang lalaking may agilang mata at ang mga kasama nito ay galit na galit at ang kanilang mga mata ay halos sumabog habang pinapanood si Zhao Feng na nakawin ang kanilang mga pabuya.
Ang Blackpool Lightning Crocodile ay talagang pinagkaabalahan nila ng oras at pasensya para patayin. Mayroon itong kakarampot na ancient bloodline sa loob nito at kakaiba rin ang lightning bone at water heart pulse nito.
Ang mga kilos ni Zhao Feng ay mabilis at agaran niyang nakuha ang dalawang pinakamahalagang bahagi ng buwaya.
"Ang tarantadong ito!"
Si Li Xiao na kasalukuyang nagpapagaling ay naramdaman kinakain ng apoy ang kanyang puso at napadura siya ng dugo.
Pumangit ang mukha ng lalaking may agilang mata, at ang kanyang katawan ay nagsimulang manginig sa galit: "Pakibalik ang mga kinuha mong aytems at hahayaang kitang mabuhay."
Qiu!
Hindi pinansin ni Zhao Feng ang tatlong tao na ito at naging isang arko ng kidlat na biglang nawala sa isang distansya.
Kung hindi lamang dahil sa kadahilanan na hayok na hayok ang mga tao sa Wind Snow Pavilion na patayin si Zhao Feng, hindi sana sila malilinlang,
Hindi nakonsensya si Zhao Feng nang kunin niya ang mga aytems na ito. Kung may lakas pa nga siya ay hindi niya hahayaang mabuhay ang mga iyon.
Ang lalaking may agilang mata at ang iba pang nasa huling yugto ng True Mystic Rank ay hindi sumuko at patuloy pa rin siyang hinahabol.
Subalit.
Forte ni Zhao Feng ang bilis at gamit ang kanyang Three Flowered Treasured Lotus, mas lalo pa siyang tumulin.
Mula sa apat na nagmula sa Wind Snow Pavilion, tanging ang lalaking may agilang mata lamang ang halos makasabay sa kanya, pero siya ang pinakamalayo sapagkat siya ang talagang nalinlang.
Pagkatapos tumakbo ng ilang distansya, itinabi na ni Zhao Feng ang Three Flowered Treasured Lotus at ginamit naman niya ang kanyang Yin Shadow Cloak para itago ang kanyang sarili at makiisa sa komplikadong anyo ng kagubatan.
Para masiguro ang kanyang kaligtasan, binuksan niya ang kanyang bloodline power para gumawa ng dalawang Yin Shadow Doppelgangers para malito ang mga humahabol sa kanya,
Ang mga Yin Shadow Doppelgangers ay umiiral sa loob ng maiksing oras at nakagagalaw na tila may tunay na katawan talaga.
Kapag mag-isa ito, agad itong matutuklasan ng spiritual sense pero sa Purple Sacred Ruins, ang spiritual sense ay pinaghihigpit at hindi magagamita kung kayamahirap malaman kung totoo ba ang isang tao o hindi pwera na lang sa malapitan.
Hindi nagtagal.
Nagtagumpay si Zhao Feng na makatakas mula sa mga tao ng Wind Snow Pavilion na tila ba naging langaw na walang mga ulo.
"Hmm?"
Napag-alaman ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang halos sampung anyo na patungo sa direksyong ito mula sa ilang dosenang milya.
Sa kalangitan, isang itim uwak na may madilim na pulang mga mata na punong-puno n lamig ang sumuri sa lugar sa loob ng ilang dosenang milya.
Ang kakaibang itim na uwak na ito ay una munang nakita ang mga tao sa Wind Snow Palace at saka malamig na tinignan ang direksyon ni Zhao Feng nang may panghahamak.
Tumalon ang puso ni Zhao Feng at naramdaman niyang ang itim na uwak na ito ay hindi kasingsimple ng kanyang iniisip lalo na't nahanap siya nito.
"Mukhang may nagmamanman na naman sa akin na ibang pwersa."
Isang mapanganib na pakiramdam ang dumaloy sa puso ni Zhao Feng nang tignan niya ang itim na uwak at ang papalapit na mga anyo.
Halata namang ang itim na uwak na ito ay may talento na makakita mula sa malayo at makontrol ang bawat galaw sa loob ng ilang dosenang milya.
Parehong si Zhao Feng at ang mga nasa Wind Snow Pavilion ay hindi matakasan ang mga mata ng itim na uwak.
Isa itong labanan ng pagnanakaw at pagmamanman.
"Takas na!"
Agad na iniwasan ni Zhao Feng ang mga papalapit na anyo. Mas gugustuhin niya pang harapin ang mga nagmula sa Wind Snow Pavilin kaysa sa mga taong ito.
Sinuri agad ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang mga anyong ito at napag-alaman nilang ang aura nito ay napakalakas at ang malamig na mental energy ang siyang dahilan para hindi na surriin pang lalo ni Zhao Feng ang mga ito.
Pagkatapos umiwas ng ilang distansya, sinigurado ni Zhao Feng na wala siya sa paningin ng itim na uwak.
Sa ikapangalawag yapak.
Eye of Heart!
Tinignan ni Zhao ang itim na uwak sa kalangitan gamit ang kanyang God's Spiritual Eye.
Mga kapiranggot ng hindi nakikitang mental energy ang siyang dumaloy sa kakaibang itim na uwak na ito.
Kahit na ang bloodline ng uwak ay hindi simple, ang True Lord Rank na mental energy ni Zhao Feng ay sapat na para kontrolin ito.
Hindi ito nakontrol nang lubos ni Zhao Feng sapagkat mukhang pumirma ito ng blood contract sa kanyang may-ari.
Sa ilalim ng impluwensya ng Eye of Heart, nabalewala tuloy siya ng itim na uwak.
Kung kaya.
Sa isip ng itim na uwak, hindi na si Zhao Feng ang kalaban niya. Ang kapangyarihang ito ay katulad sa hipnosis pero mas mataas nga lamang ang antas.
Ang itim na uwak ay tumigil nang sandali para huminga ng isa o dalawang beses bago nito muling sinuri ang mga nasa Wind Snow Pavilion.
"Mukhang ang mga henyo ng Wind Snow Pavilion ay nasa kapahamakan ngayon."
Walang kahit anong naramdaman si Zhao Feng.
Kung nagawa ni Zhao Feng na balewalain ng uwak na itim ang lahat, siguradong aabangan at babantayan na siya ng may-ari nito.
Sa parehong pagkakataon.
Sampung anyo na nakasuot ng itim na mga damit ang lumapag sa kabundukan sa loob ng 20-30 na milya.
Ang isa sa kanila ay isang kabataan na may matalim na mukha na nakasuot ng itim na singsing sa kanyang ilong at may pangit na mukha. Nakasuot siya ng itim at gintong roba na may mga larawan ng buto. Mayroong kabuuang bilang ng siyam kasama na ang mga hugis ng tao at halimaw.
"Eh? Sa tingin ko ay may bakas lamang ng mental energy na siyang nakaapekto sa 'black demon crow'."
Ang kabataang matalim ang mukha ay nilagay ang kanyang mga kamay sa kanyang baywang habang nagniningning sa kulay puting apoy ang kanyang berdeng maliliit na mata.
Isang mahinang alon ng kapangyarihan ang kanyang naramdaman sa loob ng sampung milya. Ang mga malapit na halimaw sa kanila at kahit ang mga nasa ere ay agad na umiwas at lumayo sa kanila.
Ang mga malapit na anyo ng True Mystic Rank ay nakaramdam ng isang matinding presyur.
"Kapatid na Chi Gui, gamit ang 'black crow demon' na bloodline power, paano naman ito naaapektuhan ng iba? Hindi ba perpektong ito at maayos na ngayon?"
Isang kabataan na kasingpayat ng patpat ang nagwika nito nang may paggalang.
"Ah, huwag mo na iyong pansinin, tatapusin muna natin ang mga dapat nating tapusin. Ang mga taong ito ay may inheritance tokens at ang kanilang aura ay mukhang nagmumula sa subordinate clan ng Pure Moon Spiritual Sect."
Si "Chi Gui" na may singsing ang ilong ay itinango ang kanyang ulo.
Sa kumpas ng kanyang kamay, limang anyo ang nilipad. Ang dalawa sa kanila ay nasa Peak True Mystic Rank at tatlo naman ang nasa huling yugto ng True Mystic Rank. Ang bawat isa sa kanila ay mas malakas sa isang normal na napakahusay na prodigy ng Sacred True Dragon Gathering.
Shua! Shua! Shua!
Ang apat na anyo ay tila multo sa kadiliman na siyang nakahanda na para atakihin ang lugar ng apat na nagmula sa Wind Snow Pavilion.
"Hindi ito maganda! Iyan ang black demon crow. Ang Black Cliff Palace ay papunta na! Tumakas na tayo!"
Ang ekspresyon ng kabataang may agilang mata ay nagbago at bigla siyang kinabahan.
Black Cliff Palace.
Ang apat mula sa Wind Snow Pavilion ay nataranta at agad na tumakas.
Subalit, halos napalibutan na sila ng Black Cliff Palace.
Biglang lumaki ng dalawa hanggang tatlong yarda ang black demon crow sa ere at saka naglabas ng mga itim na usok at umatake.
Hu!
Isang kakaibang itim na usok ang siyang bumalot sa kinaroroonan ng Wind Snow Pavilion.
Ang mga usok na ito ay siyang nagpawala ng direksyon ng mga nasa loob at nilimitahan rin ang kanilang paningin. Naglalaman pa nga ito ng lason na siyang gumagawa ng mga ilusyon.
Sa mismong pagkakataong iyon.
Nakatakbo na si Zhao Feng ng ilang dosenang milya at nagtago muna siya sa isang kagubatan habang sinusuri niya ang sitwasyon gamit ang kanyang God's Spiritual Eye.
Naapektuhan rin nang bahagya ng itim na usok ng black demon crow ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng, pero nakikita niya pa rin ang kabuuang eksena.
Sa unang bahagi ng pag-atake, una muna nilang sinaktan ang pinakamahina, sina Qing Xiaoxue at Li Xiao.
Matapang na ipinagtanggol ni Li Xiao si Qing Xiaoxue pero habang kaharap ang mga matitinding atake ng black demon crow at dahil na rin sa nasa ilalim siya ng mga usok, sa ilang atake lamang ay nagkaroon na siya ng maraming pinsala sa katawan.
Ang limang mga henyo ng Black Cliff Palace ay agad na sumugod sa itim na usok.s
"Mukhang wala sa Wind Snow Pavilion ang makakatakas."
Napabuntong hininga si Zhao Feng sa kanyang puso.
Habang tumatakas siya, binubuksan niya ang kanyang God's Spiritual Eye para manood.
"Zhe zhe zhe…. Wu! Roar!"
Mula sa bahagi ng may itim na usok, may maririnig na mga tawa at mga atungal ng mga halimaw.
Tumingin nang malapitan si Zhao Feng at nakita niya ang isang tansong bangkay na halos nasa dalawang yarda ang taas at may mga linya ng pilak sa buong katawan nito.
Bukod pa roon, mayroon ring isang halimaw na kasinglaki ng maliit na bundok at isa pang napakaitim na kalansay.
"Arghhh!"
Napasigaw si Li Xiao nang tusukin ng black demon crow ang kanyang puso at nalaglag na lamang siya sa sariling lusak ng kanyang dugo.
Nahimatay si Qing Xiaoxue at ang dalawa pang natitira ay sinunog ang kanilang Qi ng True Spirit habang lumalaban nang wala sa katinuan.
Mamaya-maya.
Ilang daang milya na ang layo ni Zhao Feng mula sa itim na usok at hindi niya na makita nang malinaw kung ano ang nangyayari.
Shua!
Sa pagkakataong iyon, naglaho na ang itim na usok habang nag-iwan ito ng maraming bangkay.
Mula sa apat na nagmula sa Wind Snow Pavilion, tanging ang Peak True Mystic Rank lamang na kabataan na may agilang mata ang nakatakas matapos niyang sunugin ang kanyang Qi ng True Spirit at pagkatapos mawalan ng isang braso.
Ang natitirang tatlo ay namatay at ang kanilang mga katawan ay nakatanggap ng malaking kapinsalaan. Ang may pinakakumpletong katawan ay si Qing Xiaoxue, per ang kanyang balat ay punong-puno ng mga kulay pula at berdeng marka dahil sa usok.
Kahit para sa isang tao na kasingkalmado ni Zhao Feng, nanlamig rin ang kanyang puso.
Para magawa ito, nagpadala lamang ang Black Cliff Palace ng kalahati ng kanilang mga tao at mula sa lima, tanging dalawa o tatlo lamang ang umatake.
"Wala namang kuwenta ito, ganito lang pala karami ang aytems ng Wind Snow Pavilion? Pero maganda naman ang babae nila."
Shua Shua Sou!
Pinangunahan ng kabataang may singsing sa kanyang ilong, si "Chi Gui", ang apat pang iba.
Nakaupo naman nang masunurin ang black demon crow sa kamay ni Chi Gui.
"Nabasa ko ang mga alaala ng black demon crow at mayroon pang isang tao rito. Ang taong iyon ay hindi lamang nakatakas sa linya ng paningin ng black demon crow pero sinira niya rin ang puso nito para hindi siya masundan."
Ang boses ng kabataang may singsing ang ilong ay umalingawngaw na tila galing ito sa isang puntod.
Nang marinig ito, nagbago ulit ang ekspresyon ng iba.
"Paano ito naging posible!?"
"Bukod sa atin, ang Black Cliff Palace, sino pa ang may kakayahan sa Purple Saint Ruins at napagtagumpayan niyang makatago sa blood pact crow ng ating kapatid na si Chi Gui?"
Dapat lamang malaman na ang kabataang ito na may singsing ang ilong ay naabot na ang maagang yugto ng True Lord Rank at agad niyang mapapatay ang apat ng Wind Snow Pavilion nang walang kahirap-hirap.
Bukod sa Ten True Lords, walang kahit sino ang siyang makakapagpaatake kay Chi Gui sa Purple Saint Ruins.
"Interesado ako sa taong ito. Pero ang kakaibang bagay, mula sa alaala ng black demon crow, mukhang ang kanyang aura ay hindi nabibilang sa kahit ano sa tatlong partido."
Inilabas ni Chi Gui ang kanyang dila at ipinakita lalo ang kanyang pangit na mukha.
"Ano, mayroon pa bang iba bukod sa tatlong pwersa rito?"
Halata namang hindi sila makapaniwala.
"Mayroon akong kakaibang pakiramdam na tila ba pinapanood ng taong ito ang bawat galaw natin… Gusto kong ilabas ang taong iyon."
Naging malamultong puti ang mga mata ni Chi Gui habang nakatingin siya sa isang distansya.
Sa parehong pagkakataon.
Nakatakas na si Zhao Feng sa loob ng 100 milya at bahagyang namahinga habang nakatingin siya sa lugar na iyon.
Sa puntong iyon, nakatingin lamang si Chi Gui sa may kagubatan at biglang nagkasagupaan ang kapangyarihan ng kaliwang mata ni Zhao Feng at ang malamultong putting mata ni Chi Gui. Sa segundong naganap iyon, naramdaman ni Zhao Feng na may kalamigan na tila sinisira ang dimensyon ng kanyang mental energy.
"Mayroon rin siyang eye bloodline at isa itong special control type."
Tumalon ang puso ni Zhao Feng at kahit sigurado siya na hindi alam ni Chi Gui kung asan ang eksaktong lokasyon niya, alam niya pa rin kung saan ito banda.
Ito ay isang labanang namamagitan sa mga eye bloodlines.