Sa isang maliit na burol.
Kinuha ni Zhao Feng si Qing Xiaoxue bilang kanyang bihag. Ang mukha ng babae ay maputla at wala na itong enerhiya. Ang kanyang kapangyarihan ay nakapigil at wala rin itong kakayahan na magsalita.
Ang tatlong henyo ng Wind Snow Pavilion ay gulat na gulat at galit rin pero hindi nila sinubukang gumawa ng kahit anong patumpik-tumpik na atake.
"Tarantado, pakawalan mo si Xiaoxue at humingi ng tawa at hahayaan ka naming mabuhay."
Ang lalaking may agilang mata at tila kanilang pinuno ay sinabi ito nang malamig.
Ang kanyang cultivation ay umabot na ng Peak True Mystic Rank at ang kanyang battle power ay maikukumpara kay Yu Tianhao. Ang kanyang mga yapak ay kampante at nagbibigay ng malamig na aura. Bawat kilos na nagmumula sa kanya ay sapat na para hindi mapakali ang isang normal na True Spirit Realm.
Walang ekspresyon na nilagyan pa ng kapangyarihan ni Zhao Feng ang lalamunan ni Qing Xiaoxue.
Agad na naging berde ang mukha ni Qing Xiaoxue habang nanlalaban ito at umuubo na ito nang walang katapusan. Halatang-halata na nasasaktan ito.
"Tama na!"
Ang mga mukha nila Li Xiao at ng iba pang mga nasa huling yugto ng True Mystic Rank ay nagbago at napahinto rin pati na ang yapak ng lalaking may agilang mata.
Palihim na nagulat ang lalaking may agilang mata sapagkat ang kabataang may kulay asul na buhok ay nasa maagang yugto pa lamang ng True Mystic Rank pero hindi man lang ito nabahala sa binibigay niyang aura. Tila ba sanay na sanay ito sa mga sitwasyon na may bihag ito.
Bukod pa roon, sa cultivation na mayroon ang kalaban, paano naman niya nahuli si Qing Xiaoxue nang ganoon lamang kadali?
"Hmph, ako, si Qiao Changting, ay hindi mahilig sa mga pagbabanta. Kung mamamatay siya, gagawin ko ang lahat hanggang sa magmakaawa ka na paslangin na lang kita."
Madilim na sabi ng kabataang may agilang mata.
Wala pa ring pakialam si Zhao Feng: "Ang kahit sino sa inyo na gagawa ng isang yapak papunta rito ay magiging dahilan para putulin ko ang isa sa kanyang mga braso. Kung hindi kayo naniniwala, pwede niyo namang subukan."
Ang tatlong lalaki ay nagtinginan, hindi nila akalanin na eksperyensado na talaga ang kabataang kaharap nila pagdating sa ganito.
Totoo nga, hindi ito ang unang beses na nagkaroon ng bihag si Zhao Feng kaya alam niya na talaga ang gagawin niya.
Ang pamamaraang ito ay napakamabisa lalo na sa mga malalakas na kalaban.
Noong nasa Water Moon Treasury siya, binihag niya ang mechanisms master at agad niyang napalitan ang direksyon ng alon at nasalag niya ang tatlong True Spirit Realms kahit na nasa Ascended Realm lamang siya.
Minsan niya ring binihag si Empress Qin ng Capital ng Canopy Great Country at pinagulantang ang buong bansa.
"Ano bang gusto mong bata ka?"
Hindi mapigilan ni Li Xiao ang kanyang sarili sapagkat ang babaeng minamahal niya ay naghihirap at maaaring mamatay kahit anong oras.
"Huwag kayong lalapit sa akin hanggat nasa sampung milya na ang layo ko. Kahit anong paggalaw niyo ay nangangahulugan ng kanyang kamatayan."
Mabagal na wika ni Zhao Feng.
"Sinong nakakaalam na hindi mo siya papatayin pagkatapos?"
Sabi ng kabataang may agilang mata.
Sampung milya? Bahagyang nagulat ang lalaking may agilang mata sapagkat ang distansyang ito ay hindi naman ganoon kalayo.
"Ilalagay ko siya rito at pwede niyo siyang kunin pagkatapos kong makalagpas ng sampung milya, Isa itong tapat na kasunduan."
Nilagay ni Zhao Feng si Qing Xiaoxue sa lapag.
Eh?
Tinignan ng mga kabataan ang isa't isa at inisip sa kanilang mga puso: "Sinto-sinto ba ang sutil na ito? Iiwanan niya ang kanyang bihag at saka tatakbo?"
Kung gagawin niya iyon, ang apat mula sa Wind Snow Pavilion ay maliligtas ang bihag habang hinahabol siya nang sabay.
Lahat ng lahat.
Ang paggawa nito ay maglalagay kay Zhao Feng sa isang agrabyadong sitwasyon kahit na isang 'tapat' na kasunduan ito.
"Sige, payag kami."
Sobrang natuwa si Li Xiao at agad siyang pumayag.
Kahit na nagsususpetsa ang tatlo, napagpasyahan nila na gawin ito pagkalapag ni Zhao Feng kay Qing Xiaoxue at papatayin na lamang nila ito pagkatapos nitong makarating ng ilang milya.
Bilang isang pangako? Walang kuwenta iyon.
"Sige, makakaalis ka na. Wala kaming kahit anong gagawin bago makarating ng sampung milya."
Nagningning ang mga mata ng kabataang may agilang mata.
Tumango si Zhao Feng at saka dahang-dahang umalis pagkatapos ilapag si Qing Xiaoxue.
"Umalis lang talaga siya nang ganito?"
Hindi makapaniwala ang tatlong nagmula sa Wind Snow Pavilion.
Sa pagkakataong iyon, pinigil ng tatlo ang kanilang mga hininga habang nakatitig kay Zhao Feng sakaling pagsisihan niya ang kanyang desisyon.
Pagkatapos ng lahat, malapit pa rin si Zhao Feng kay Qing Xiaoxue habang sila ay ilang distansya pa ang layo.
Subalit.
100 hakbang, 200 hakbang, 100 yarda… Isang milya.
Naglakad lamang si Zhao Feng palayo nang palayo at ang tatlo mula sa Wind Snow Pavilion ay natuwa.
"Li Xiao, ikaw ang pinakamalapit kay Qing Xiaoxue. Kapag umabot na ng dalawang milya ang batang iyon, agad mong puntahan si Qing Xiaoxue at iligtas siya."
Wika ng lalaking may agilang mata.
Sa kanilang mga kalkulasyon, kapag nakaabot na si Zhao Feng ng dalawang milya, ang kanyang banta sa bihay ay napakababa na.
Itinango ni LI Xiao ang kanyang ulo at isang pagnanasa na makapatay ang gumuhit sa kanyang mga mata.
Nang malapit nang maabot ni Zhao Feng ang dalawang milya.
Hindi na makapigil si Li Xiao at ginawa na niya ang dapat niyang gawin.
Subalit, sa pagkakataong iyon.
Lightning Fire God's Eye!
Biglang lumingon si Zhao Feng at ang kanyang kaliwang mata ay nalagyan ng asul na apoy.
Whoosh!
Isang half-transparent na umaapoy na likido ang lumapag kay Li Xiao at sumabog at nagsimulang sunugin ang kanyang mental energy dimension.
"Arghhh!'
Umatungal si Li Xiao at lumapag sa kalupaan sa tunog na 'plop' habang pinapadaloy niya ang kanyang Qi ng True Spirit para tupukin ang apoy.
Sa saglit na oras habang ang kanyang isip at katawan ay sinusunog.
Ang biglaang pagbabago nito ay ikinagulat ng dalawang nasa likod.
Gagalaw pa lamang sana sila pero agad na nabaling ang atensyon ng kaliwang mata ni Zhao Feng kay Qing Xiaoxue nang may half-transparent na nagliliyab na kidlat.
Walang panalag si Qing Xiaoxue at paniguradong mamamatay ito kapag tinamaan ito ng Lightning Fire God's Eye.
"Tama na!"
Napasigaw ang tatlo kasama na si Li Xiao na sugatan.
Ang kabataang may agilang mata at may pinakamataas na cultivation ay huminga nang malalim at muling sinuri si Zhao Feng.
Inaamin niyang minaliit niya ang kanyang kalaban.
Ang sutil na may kulay asul na buhok ay kumikilos na tila alam na alam niya ang gagawin at ang paglapag kay Qing Xiaoxue ay nangangahulugang umaasa siya.
"Ang eye technique skills ko ay nasa loob ng sampung milya at kita niyo naman kung gaano ito kabilis."
Walang ekspresyon ang mukha ni Zhao Feng nang muli siyang tumalikod at naglakad palayo.
Sampung milya.
Hindi makapaniwala ang tatlo.
Hindi naman dahil sa hindi pa sila nakakakita ng ganitong skill, pero ang sakop ng lamang nito ay hindi kapani-paniwala.
Syempre, nangyari lamang ito dahil may God's Spiritual Eye si Zhao Feng at ang sampung milya ay ligtas na distansya. Subalit, habang lumalayo ang distansya, humihina rin ang lakas nito, at kaapag nakaabot na sa isang malayong distansya, wala na itong kwenta.
"Bibigyan kita ng huling pagkakataon o kaya mamamatay siya."
Tumalikod na si Zhao Feng at umalis.
Sa pagkakataong ito, ang kanyang pagtakas ay mas mabilis.
Shua!
Isang arko ng kidlat ang nakipag-isa sa mga kagubatan at sa Purple Saint Ruins, ang spiritual sense ng kabataang may agilang mata at ang mga kasama nito ay humina nang higit at tanging nalalaman na lamang kung asan si Zhao Feng.
Hindi nila agad na napagtanto na nagtago si Zhao Feng sa isang madilim na sulok ng kagubatan at naglabas ito ng isang 'shadow' o anino.
Habang lumilipas ang oras.
Ang bilis ni Zhao Feng ay bumabagal nang bumabagal.
Pagkatapos ng kalahating oras na kinakailangan para makapaghanda ng tsa, ang tatlo mula sa Snow Wind Pavilion ay hindi na makapagpigil.s
"Kapatid na Qiao, lagpas na siya sa sampung milya."
Agarang wika ni Li Xiao.
"Li Xiao, ikaw ang bahala sa pagligtas kay Qing Xiaoxue. Lu Yuan, tulungan mo siya."
Ibinahagi ng kabataang may agilang mata ang mga dapat gawin.
Ililigtas ni Li Xiao si Qing Xiaoxue at si Zhao Feng naman ngayon ay isang mapusyaw na anino lamang.
Ang isa namang nasa huling yugto ng True Mystic Rank na si Lu Yuan ang tagabantay. Ang nasa harap ay ang magliligtas habang nsa likod naman ang bangkay ng Blackpool Lightning Crocodile.
Pagkatapos ng lahat, marami pa namang tao bukod sa Snow Wind Pavilion at kailangan nilang magbantay mula sa mga henyo ng ibang pwersa.
Sou!
Ang Peak True Mystic Rank na kabataang may agilang mata ay nawala sa ere at agad na hinabol si Zhao Feng.
"Papatayin ko ang sutil na ito kahit anong mangyari. Wala naman siyang aura ng taong may inheritance token at hindi rin naman siya kabilang sa tatlong partido. Siguro ay kontrolado niya lamang ang isa sa mga butas ng Purple Saint Ruins."
Isang malamig na liwanag ang makikita sa mga mata ng kabataang may agilang mata.
Mula sa unang beses na nakita niya si Zhao Feng, hindi niya talaga ito hahayang makatakas.
Sa bilis na mayroon ang kabataang may agilang mata, agad siyang nakaabot kay 'Zhao Feng'.
"Bata, sumuko ka na."
Ang kabataang may agilang mata ay tumingin sa ibaba at sinuri ang Zhao Feng na tumatakbo sa kagubatan.
Subalit, hindi sumagot ang sutil na batang may kulay asul na buhok at nang lumapit siya para gamitin ang kanyang spiritual sense, nagbago ang kanyang ekspresyon.
"Hindi ito maganda! Nalinlang ako!"
Ikinumpasa ng lalaking may agilang mata ang kanyang kamay at isang malamig na hangin ang sumira kay 'Zhao Feng'.
Poof!
Ang anyo ay biglang naglaho sa ere na tila isang panaginip.
Ginamit ni Zhao Feng ang kanyang Yin Shadow Cloak para makagawa ng isang Yin Shadow Doppelganger at dahil sa mataas na ang kanyang cultivation, ang kanyang doble ay naglalaman rin ng kakarampot na battle power.
Dahil sa katotohanang ang spiritual sense ay hindi nagagamit sa Purple Saint Ruins, hindi nila nalalaman ang o nasusuri ang mga bagay mula sa malayo.
Ang Yin Shadow Doppelganger ay natatakpan ng kagubatan at ang kabataang may agilang mata ay gamit lamang ang kanyang mata para tukuyin ang lokasyon ni Zhao Feng.Pagkatapos ng lahat, hindi naman sila katulad ni Zhao Feng na may God's Spiritual Eye at pwedeng hindi gumamit ng spiritual sense.
"Kung iyan ang pekeng katawan, kung ganoon, nasaan ang totoo?"
Naramdaman ng kabataang may agilang mata na may mali.
Sa parehong pagkakataon, si Lu Yuan na nakabantay ay napabulalas: "Magnanakaw! Sino ka para mangahas na kunin ang mga pabuya namin sa digmaan!?"
Shua!
Isang kabataang may kulay asul na buhok ang biglang nagpakita sa tabi ng Blackpool Lightning Crocodile.
"Hehe, ang ilayo ang tigre sa kabundukan, nagtagumpay ako."
Tumawa si Zhao Feng at kumuha ng isang matalim na sandata at mabilisang hiniwa ang Blackpool Lightning Crocodile at saka kinuha ang Lightning Bone at ang Water Heart Pulse.
Sa katotohanan.
Ang Blackpool Lightning Crocodile ay nabuksan na talaga pero hindi pa nakukuha ang mga pabuya rito.
Napagtanto agad ito ni Zhao Feng kaya ginawa niya na ang kanyang mga plano.
Ngayon, ang pinakamalakas na lalaking may agilang mata ay nasa 20 milya ang layo at si Li Xiao naman ay nasa pito hanggang walong milya ang layo para iligtas si Qing Xiaoxue.
Si Lu Yuan ang pinakamalapit kay Zhao Feng at nasa dalawa hanggang tatlong milya pa ang layo niya.
Syempre, ang isang napakahusay na prodigy ay hindi sapat para pagbantaan si Zhao Feng.
Shu Shu!
Agad na kinuha ni Zhao Feng ang Lightning Bone at Water Heart Pulse mula sa bangkay.
"Ang Blackpool Lightning Crocodile ay may kakaunting ancient bloodline at wala na rin ito sa Azure Flower Continent. Ang Lightning Bone ng buwaya na ito ay isang magadang materyal para sa paggawa ng lightning elemental weapon at dahil sa naglalaman ito ng esensiya ng lightning, parehas rin ang gamit nito sa Lightning Mystic Stone pero mas mabuti nga lang. Ang Water Heart Pulse naman ay nabibilang sa elemento ng tubig pero kaya nitong palakasin ang meridian ang isang tao at pagalingin ang mga nakatagong sugat. Kaya rin nitong palakasin ang aking mga kakayahan at patatagin ang aking pundasyon."Ang puso ni Zhao Feng ay napuno ng saya. Gamit ang dalwang aytem na ito, ang kanyang lakas ay muling magiging ibang antas na naman.
"Napakapangahas naman ng sutil na ito para nakawin ang ating pabuya?"
Ang kabataang may agilang mata at ang mga kasama nito ay galit na galit at ang kanilang mga nguso ay halos magiba na sa galit.