Si Zhao Feng ay nakatayo sa hagdan at dahil sa dominanteng atake, nagulat ang mga True Dragon Genius.
Ang kaniyang atake ay hindi lang isang tao ang pakay na tamaan kung hindi ang lahat ng mga True Dragon Genius pati na ang mga nasa unang tier at ang mga napakahusay na mga prodigy.
Lahat ng mga nasa unang tier ay napinsala at may isa o dalawa pang namatay.
Ang anyong 900 yarda sa likuran ni Zhao Feng ay tila isang demonyong pinamunuan ang mga langit.
"Ang lakas ng Zhao Feng na ito ay nakaabot na sa nakakasindak na hakbang."
"Naitulak niya tayong lahat palayo nang mag-isa?"
Maraming henyo ang nanlamig.
Ang mga kalahok na True Dragon Genius ay mabilis na tumakas at nanood na lang mula sa malayo.
Syempe.
Ang dalawang napakahusay na prodigy na si Tantai Lanyue at Goddess Bing Wei ay parehong madaling naharap ang atake ni Zhao Feng.
Bukod pa sa kanila ay may iba pang mga henyong nasa unang tier ang nagawang pigilan ito at nakalapit mula sa iba't ibang direksyon.
Ang galaw ni Zhao Feng ay nakagulat sa buong lugar at naikintal sa maraming tao.
"Dali!"
Malamig na nagliwanag ang mga mata ni Goddess Bing Wei at nang sumigaw ay sumugod rin sa kaniyang magkabilang tabi ang lalaking may malamultong mata at si Qin Kunwu.
Bakit hindi maghahanda si Goddess Bing Wei para sa Mystic Ice Inheritance?
Inipon niya ang mga kaaway ni Zhao Feng, ang lalaking may malamultong mata at si Qin Kunwu.
Ang dalawang ito ay tinalo ni Zhao Feng sa ikalawang hakbang at ninakaw ang kanilang True Dragon Token. Syempre, sa kanilang lakas ay kaya pa rin nilang nakawin ang True Dragon Token ng iba.
Ang lalaking may malamultong mata ay labis na nagseselos kay Zhao Feng at dahil sa pangako ni Goddess Bing Wei, sumama sila rito para makaharap si Zhao Feng.
"Ang Zhao Feng na ito ay masyadong mayabang at kailangang mabugbog."
Ang lalaking may malamultong mata at si Qin Kunwu ay umatake para tulungan si Goddess Bing Wei.
Ghost Mist Sky!
Ang mga mata ng lalaking may malamultong mata ay nagliwanag nang may isang ghost flame at ulap na hindi nagtagal ay bumalot sa lugar kung nasaan si Zhao Feng.
Ang ghost mist ay may malakas na nilalabas na puwersa at kayang makasunog gamit ang ghost flame. Ito ay isang pisikal na atake at hindi atakeng maelemento.
Sa galaw na ito pa lang, alam na ng lahat na ang lalaking may malamultong mata ay gumamit na ng pinakamalakas ng paraan laban kay Zhao Feng.
Ang mga mental energy attack ay walang silbi kay Zhao Feng, ngunit ang Ghost Mist Sky na ito at orihinal na may kakayahang makagawa ng mga ilusyon, ngunit ang lalaking may malamultong mata ay hindi ito ginamit at sa halip ay mas pinalakas ang kapangyarihan ng mga apoy.
"Gankun Demon Snatching Palm!"
Ang boses ni Qin Kunwu ay kasinglakas ng kidlat at ang kaniyang dalawang mata ay tila mga bituin. Kasabay ng kapangyarihan ng paglipat sa lugar ay nagpadala siya ng isang higanteng palad na isang daang yarda ang laki na nagliwanag ng lila at ginto. Tila isa itong pugon na lila at ginto na kayang pigilan ang lahat ng mga demonyo sa mundo.
Gamit ang kapangyarihang makalipat sa lugar, ang lakas ng lalaking may malamultong mata at ni Qin Kunwu ay nakaabot na sa lebel ng mga napakahusay na henyo.
Dagdag pa rito, ang dalawa ay nakatuon sa 'pagsugpo' at 'pagpigil' kay Zhao Feng.
Ang pangunahing tagaatake ay halatang si Goddess Bing Wei. Ikinaway niya ang kaniyang mga braso at nagpadala ng ice flames na sapat na para pigilan ang mga nasa True Lord Rank at ang kaniyang Qi of True Spirit ay nagniningas ang kalahati.
Ang mga ragasa ng mga ice flame ay nakagawa ng ice phoenix at si Zhao Feng ay nakaramdam ng lamig na umabot na sa dimensyon ng kaniyang mental energy habang ang kaniyang Qi od True Spirit ay may bakas na ng pagyeyelo.
Napigilan na siya ni Goddess Bing Wei sa yelo noon at ang phoenix of ice flames ay mas malakas na kaysa noon.
Dagdag pa rito, ang atake ni Qin Kunwu at ng lalaking may malamultong mata ay napigilan rin siya.
Weng~
Nilipad ang buhok ni Zhao Feng at isang kahanga-hangang anyong may hawak na itim na espada, may korona at nakaupo sa trono ang lumitaw sa kaniyang likuran.
Kasama ng sobrang korona at itim na espada, ang bloodline ni Zhao Feng ay may kapansin-pansing pagtaas ng kaniyang kakayahang umatake.
Ice Lightning Raging Dragon!!
Hindi umatras si Zhao Feng at sumama ang anyong kayang lumipat sa lugar sa kaniyang kapangyarihan ng yelo at kidlat, na nakagawa ng nakasisirang dragon na nilamon ang lahat ng madaanan nito.
Booooom Peng--- Bam! ~
Ang dalawang panig ay nagtama at nakagawa ng malaking pagsabog at nagulo pa ang Mystic Ice Inheritance.
Dahil sa isang bitak ay nasira ang ice phoenix ni Goddess Bing Wei at napaatras nang dalawang hakbang nang mamanhid ang kaniyang katawan.
Ang mga atake ni Qin Kunwu at lalaking may malamultong mata ay agad na nasira.
"Bwisit… atras!"
Ang dalawa ay sumigaw ngunit natamaan ng kidlat at yelo at ang kanilang apat na binti ay namanhid at nawalang ng kakayahang gumalaw.
Nang may 'bam' ay napalipad ang lalaking may malamultong mata at ang kaniyang katawan ay nasunog at naging isang bloke ng yelo, hindi malaman kung siya ay buhay pa o patay na.
Si Qin Kunwu ay tumakbo at dumura ng dugo, labis na napinsala ngunit buhay pa.
Ang black horse ay tumingin pababa at narating ang hakbang kung saan isa na siyang langgam.
Ang mga natitirang ragasa ng laban ay nakapinsala nang labis sa kanya.
Syempre, ito ay hindi lang dahil sa pagiging napakahusay na prodigy ni Zhao Feng. Mayroon din siyang isang anyong 900 yarda sa kaniyang likuran.
"Zhao Feng, bakti mo ako inatake…."
Sumigaw si Tantai Lanyue sa pagkataranta at galit. Sumakay siya sa kaniyang spirituak beast at gustong makapasok ngunit hindi inasahang tatamaan ng atake ni Zhao Feng.
Sa sandaling ito…
Ang pagpigil ni Zhao Feng sa dalawang napakahusay na prodigy at labis na pagpinsala sa dalawang henyong nasa unang tier ay nagdahilan sa mga henyong may gustong makuha ang pabuya na magdalawang isip.
"Paano naging napakalakas ng Zhao Feng na ito? Ang dalawang napakahusay na prodigy at ilang henyong nasa unang tier ay napigilan niya nanag mag-isa."
"Hindi ito maganda. Wala na bang tatapat kay Zhao Feng ngayon?"
Ang mga True Dragon Genius ay nagulat sila man ay kalahok o hindi.
Ang mga itim na pupil ni Yu Tianhao ay napuno ng kagalakan at battle intent. Isang invisible na puwersa ang tila nanggaling sa kaniyang bloodline power at nakatulong sa paglaki ng anyo sa kaniyang likuran.
Si Xin Wuheng ay hindi gumalaw at tumingin kay Zhao Feng nang kaguguluhan.
Noon pang nakalaban niya si Zhao Feng sa Sun Feather City ay alam na niyang hindi magiging normal ang hinaharap ng youth na ito.
Matapos niyang umalis at ginamit niya ang kaniyang sariling kakayahan para makalagpas sa Ascended Realm at makapasok sa mapanglaw na lugar gamit ang mga laban para mapagyabong ang sarili. Nang makarating sa Great Country ay nasa half step True Spirit Realm na siya.
Nang mga oras na iyon ay inisip ni Xin Wuheng na ang youth na ito ay magiging napakalayo sa kaniya at ang impresyon sa kaniya ay malabo na.
Gayunman, sa loob lang ng isang taon ay lumitaw pa rin ang youth na kaniyang kinopya noon.
Hindi mahirap kay Xin Wuheng na makitang ang mga skill ni Zhao Feng ang naglalaman ng isang intent na pinaglalagyan niya ng lahat ng kaniyang intent.
"Nagawa ko ito gamit ang ibang mga memorya ng aking nakaraang buhay ngunit madali niyan nakuha ito."
Si Xin Wuheng ay bahagyang nalungkot.
Simula pa noong ipanganak ni Xin Wuheng ay may mga kakaibang memorya na ang lumilitaw sa kaniyang mga panaginip.
Habang tumatanda siya ay mas maraming mga parte ang lumilitaw. Ito ay tila iba siyang tao.
Ito ang kaniyang sikreto.
Wala siyang bloodline o talento ngunit kaya niyang abutin ang sukdulan ng mga henyo at gamit ang kapangyarihan makalipat ng mga lugar, ang kaniyang kakayahan ay nasa lebel ni Zhao Feng at Yu Tianhao.
"Ang mga parting iyon ng memorya ay nagbanggit din ng Heavens Legacy Inheritance, ang pinakamatanda at misteryosong Imheritance. Kahit ang maliit nito ay puno ng pabuya. Dagdag pa rito, ang Heavens Legacy Race na nakagawa ng Heavens Legacy Inheritance ay isa sa mga nasa mataas na antas sa Ten Thousand Ancient Races…"
Ang kaalaman ni Xin Wuheng ay mas mataas pa kaysa sa ibang mga henyo ngunit ang Sacred True Dragon Gathering ay nakaabot na sa late stages, ngunit ang Heavens Legacy Inheritance ay hindi pa rin lumilitaw.
"Ang Heavens Legacy Inheritance ay ang simula ng buhay ng Kalangitan at kung nasaan ang biyaya, buhay, at mabuting kapalaran."
Bulong ni Xin Wuheng.
Isang mahinang pagyanig ang tila nanggaling sa kaniyang mga salita at pandama.
Sa puntong ito ay maraming kalabang henyo si Zhao Feng nang mag-isa, kasama na rito si Tantai Lanyue at Goddess Bing Wei.
"Zhao Feng, hindi ka makakapasok at gusto mo akong pigilan?"
Nagngalit ang ngipin ni Goddess Bing Wei sa poot at itinodo na ang kaniyang Mystic Ice skill.
Hindi nahirapan ang ibang makita si Zhao Feng na sinadyang pigilan si Goddess Bing.
Si Tantai Lanyue ay umangal sa gilid: "Zhao Feng, dapat si Goddess Bing Wei ang iyong pinipigilan, bakit mo ako idinadamay?"
"Kung hahayaan kitang makapasok ay makakapasok rin si Goddess Bing Wei."
Sabi ni Zhao Feng.
Ang kaniyang tunay na pakay ay mapigilan ang dalawang napakahusay na prodigy at hayaan si Goddess Bing Wei kapag ginamit niya ang lahat ng kaniyang skill.
Sa huli ay kailangang makapasok ni Zhao Feng at Goddess Bing Wei. Sa ganitong paraan lang niya mapapatay si Bing Wei.
Weng~ Huang!
Ang mga ulap sa sinaunang arena ay biglang nayanig, at walang makikita gamit ang mata, ngunit nakaramdam sila ng pagsabog sa hindi malamang lugar.
"Ano iyon?"
"Ayon!!"
Ang siyam na Sovereign ay kinabahan ay sabay na tumingala.
Sa larawan sa langit ay may isang malaking tore ng orasan, making higante at mga misteryosong toreng panghula.
Hindi mabilang ang mga senaryong ipinakita at ang sinaunang aura ay kumalat sa sinaunang arena.
Karamihan sa mga larawan ay sira na at tila mula pa sa sinaunang panahon.
Nang lumitaw ang inheritance shadowing na iyon at nayanig na ang ibang inheritance shadowings.
Kahit ang Mystic Ice Inheritanc ay nawalan ng isang katlo ng sukat nito.
"Ang Heavens Legacy Inheritance!"
Ang siyam na Sovereign ay sumigaw, at ang ilang maraming nalalamang eksperto ay sumigaw rin: "Hindi ba ito ang Heavens Legacy Inheritance?"
Ang Heavens Legacy Inheritance ay bumaba at hindi pinansin ang lahat ng patakaran ng sinaunang arena habang binuksan nito ang sinaunang misteryosong kulay asul na pinto.