Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 381 - Nadurog ng Isang Paa

Chapter 381 - Nadurog ng Isang Paa

Ang sampung Sky Stone Statues ay maitim pa rin at tila sampung diyos na sinusugpo ang lahat ng demonyo at mga halimaw sa kabundukan.

Nang pumili na sila Zhao Yufei at Yu Tianhao ng panggagalingan ng kanilang transferring across space, ang mga Sky Stone Statues ay dumilim pa lalo.

Mula sa kanila, ang ikauna at at ikalawa ay walang ilaw sa loob nila at mukhang nasa mahimbing na pagtulog.

Ang lahat ng mga natatawag na Sky Stone Statue ay nasa 600 na yarda pataas ang sukat.

Ang unang tatlo ay umabot ng 900 yarda pataas samantalang ang mga natitira ay nasa pagitan ng 700-800 na yarda.

Dahil wala talagang ilaw ang unang dalawang estatwang bato, pinili na lang ni Zhao Feng ang ikatlo pero wala pa rin itong reaksyon.

Ang estatwang bato na iyon ay may matalim na eleganteng mental energy intent na mukhang hinahamak siya sa pagiging isang langgam.

"Ganoon ba kasama ang aking talento kumpara kay nila Yu Tianhao at Zhao Yufei?"

Hindi sumuko si Zhao Feng at sinubukan ang ikaapat na estatwa.

Hindi pa rin.

Ikalima, wala pa ring reaksyon.

Wala pa rin bawat oras….

Sobrang sama ng pakiramdam ni Zhao Feng.

Kung tutuusin, ang kanyang dragon blessing ay katulad ng isang napakahusay na prodigy at kakaiba rin naman ang kanyang bloodline. Ang kanyang tsansa ng pagkatagumpay ay mas mataas naman kaysa Xin Wuheng.

Tanging ang ikasiyam at ikasampung estatwang bato lamang ang nagpakita ng reaksyon pero nang hawakan na ng intent nila si Zhao Feng, muli na naman silang nawala at hindi na nagkaroon ng reaksyon.

Pagkatapos ng maraming kasawian, naramdaman na rin ni Zhao Feng na natalo siya. Subalit, nang maisip kung paanong natalo rin si Xin Wuheng, gumaan nang bahagya ang kanyang pakiramdam.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay tumalon sa balikat ni Zhao Feng at tumingin sa Sky Stone Statue nang may taimtim na ekspresyon.

Sa puntong iyon.

Mula sa limang napakahusay na prodigies, sina Yu Tianhao, Shi Chengtian, Goddess Bing Wei at Tantai Lanyue ay natanggap na ang kapangyarihan ng transferring across space.

Halos kalahati o lagpas pa ng True Dragon One Hundred na malalakas ay nakuha na ang kadakilaang ito.

Bilang isang napakahusay na prodigy, ang bawat kilos ni Zhao Feng ay nakakuha ng atensyon.

"Bakit hindi pa nakatatanggap ng intent si Zhao Feng?"

Ang mga mata ng iilang mga True Dragon Geniuses ay kumislap at nagpakita ng mga mapanghamak na ekspresyon.

Tama iyan.

Si Zhao Feng lang naman ang milagrosong henyo na unti-unti umaangat at ninanakaw ang liwanag na nakatapat sa ibang henyo.

Sinong nakakaalam kung gaano karaming tao ang naiinggit sa kanya.

"Ang lakas ng karamihan sa mga henyong nasa first tier ay umabot na sa lebel ng napakahusay na prodigy matapos nilang matanggap ang kapangyarihan ng transferring across space."

"Hehe, kung ang Zhao Feng na ito ay walang makukuha, ang lakas niya ay maaaring bumaba at mawala na siya sa top 20."

Maraming mga henyo ang pinapanood ang bawat galaw ni Zhao Feng at nang makita ang kanyang ekspresyon, hinuhulaan nila na baka walang natanggap na interaksyon si Zhao Feng mula sa mga estatwang bato.

"Hmph, ang Zhao Feng na ito ay nakadepende lamang sa mga walang hiya niyang pamamaraan para maabot ang posisyon ng isang napakahusay na prodigy at ngayon wala siyang matanggap na kahit anong intent. Ito ang tinatawag na karma."

Ang mukha ni Goddess Bing Wei ay puno ng lamig at pagkutya.

Sa likod niya ay may isang malaking ice goddess na nasa ibabaw ng isang ice lotus at nagbibigay ng nakakapagpangatog na lamig.

Ang lahat ng nasa loob ng isang milya kay Goddess Bing Wei ay naninigas na at ang sakop ng kanyang nagyeyelong aura ay sapat na para masaktan ang isang normal na eksperto sa True Spirit Realm.

Hindi niya alam na ang anyong nasa likod niya ay minsang nilapitan rin si Zhao Feng pero hindi niya lamang ito kinuha.

"Umalis kayong lahat sa dinaraanan ko."

Sumigaw si Goddess Bing Wei at naging isang bloke ng yelo na mabilisang tumungo sa direksyon ni Zhao Feng.

Saan man siya magpunta, isang nakakapangatog na lamig ang siyang kumakalat at ang ibang mga True Dragon Geniuses ay umaalis agad sa kanyang daan.

Kahit marami sa kanila ang nakatanggap ng kapangyarihan ng transferring across space at tumaas ang kanilang lakas nang bahagya, ang transferring space ng mga napakahusay na prodigy ay mas malakas at agad nitong matatalo ang mga normal na True Dragon Geniuses.

Shua!

Isa o dalawa ang nahuling tumabi at natamaan sila ng malamig na kuryente.

Shew Shew!

Ang dalawa ay nanigas at kahit na may gusto pa silang sabihin, nagyelo na sila at hindi makagalaw. Kahit ang mga anyong nasa likod nila ay nagyeyelo na rin.

"Ang mga napakahusay na henyo ay napakahusay na henyo pa rin naman sa dulo."

"Walang kahit sino na mas mababa sa True Lord Rank ang siyang makakaharang sa kapangyarihan ni Goddess Bing Wei."

Maraming mga henyo ang nakatingin kay Goddess Bing Wei nang may respeto at pagkabahala.

"Hindi ito maganda, ang kanyang aatakihin ay si Zhao Feng!"

Nagbago bigla ang ekspresyon ni Zhao Feng habang mabilis siyang lumipad sa hangin gaya ng isang maya.

Matapos makatanggap ng kapangyarihan ng transferring across space, ang mental energy level ni Zhao Yufei at pang-unwa sa skill ay umangat na. Ang kanyang cultivation ngayon ay umabot na sa maagang yugto ng True Mystic Rank.

Kung bilis lang naman ang pag-uusapan, pantay lang sina Zhao Yufei at Goddess Bing Wei.

Qiu Qiu!

Dalawang binibini ang patungo ngayon sa direksyon ni Zhao Feng nang sabay at ang eksenang ito ang siyang nakapagpagulantang sa lahat ng mga True Dragon Geniuses na naroroon.

Ramdam ng lahat ang intensyong makapatay ni Goddess Bing Wei.

Ang alitan sa pagitan ni Zhao Feng at Goddess Bing Wei ay nagsimula noong unang bahagi at umabot hanggang sa kasalukuyan.

Matapos matanggap ang kapangyarihan ng transferring across space, ang lakas ni Goddess Bing Wei ay tumaas nang higit at gustong-gusto niya nang patayin si Zhao Feng kung kaya talagang nasa panganib ang lalaking ito.

"Muli na naman akong nabigo. Ang intent ng ikatlong estatwa ay humihina na at maglalaho na mamaya."

Nakatingin lamang si Zhao Feng sa mga estatwang bato na ito at muli na namang nabigo.

Sa pagkakataong iyon.

Nakaramdam si Zhao Feng ng isang malamig na intensyon na gustong makapatay at ito ang nakapagyelo ng kanyang puso.

Nang tumingin siya, nakita niya si Goddess Bing Wei na pasugod papunta sa kanya at ang kanyang anyo ay nagdala ng yelo kahit saan.

"Ang lakas ni Goddess Bing Wei ay dumoble. Kung pupuntahan niya ako ngayon, baka hindi ako magtagal kahit tatlong atake lamang."

Sumikip ang puso ni Zhao Feng at napagpasyahan niyang sumubok ulit sa huling pagkakataon.

Kung muli kayong mabibigo, kailangang pumili muli ni Zhao Feng mula sa ibang mga estatwang bato.

Sa pagkakataong iyon, ang mental energy, kapangyarihan at atensyon ni Zhao Feng nang magkakasama ay pumasok sa isang mystical state.

"Kombinasyon ng mental energy, kapangyarihan at atensyon. Pakikiisa sa kalikasan."

Ang aura ni Zhao Feng ay tila nakiisa sa kalangitan at kalupaan.

Pagkatapos agad niyon, nilagay niya ang kanyang enerhiya sa God's Spiritual Eye at saka ginamit ang kanyang pinakamalakas na mental energy intent para subukang makipag-usap sa mga Sky Stone Statues.

Peng! Peng! Peng! Peng!

Biglang bumilis ang daloy ng kapangyarihan sa kaliwang mata ni Zhao Feng at ang aura ng kanyang God's Spiritual Eye ay nailabas na.

Sa mismong pagkakataong iyon, bawat bloodline genius sa floating arena kasama na si Goddess Bing Wei na papalapit sa kanya ay naramdamang nayanig ang kanyang bloodline.

Nagulat si Goddess Bing Wei pero hindi niya ito nilagay sa kanyang puso at patuloy na sumugod sa hindi gumagalaw na si Zhao Feng.

Sa kanyang paningin, ang kabataang kulay asul ang buhok ay isang tuldok lamang na lumalaki.

Papalapit na siya lalo.

"Ang aura mula sa ancient era…. Hindi kaya….?"

Isang malamig na boses ng ancient ang umalingawngaw sa isip ni Zhao Feng nang may gulat.

Kung nakatuon ang atensyon ng isang tao, mapagtatanto nila na ang naglalahong aura ng ikatlong estatwa ay muling bumabalik.

Ang ikatlong Sky Stone Statue ay isang eksperto mula sa ibang lahi na nadamitan ng itim na mga kaliskis. Ang kanyang mga mata ay kulay asul at mukhang butas na walang hanggan. Mayroon siyang hawak na isang kulay asul na dragong sibat na may palakol habang nakatayo sa isang malademonyong dragon na gawa sa itim na usok. Nakapalibot sa kanya ang nagniningas na apoy ng itim na usok.

Kung titignan mula sa malayo, mukha siyang diyos ng impyerno na sinusuri ang kalangitan.

Weng~

Ang demon lord of hell na ito ay nagbigay ng liwanag at tila naglakad mula sa walang hanggang kadiliman.

Sa mismong iyon, hindi mabilang na auras mula sa mga estatwang bato ang nanigas at tila yumuko sa kanya.

Sa parehong pagkakataon, nagtagumpay na si Zhao Feng na makipag-ugnayan sa mental energy intent ng Lord of Hell.

"Hahahaha… Hindi nakapagtataka. Kahit natapos na ang great ancient era, ang kapangyarihan ng mga desolate bloodlines ay nagpatuloy pa rin sa kalawakan. Kahit…. Ito? At ang makalaban ang isang nilalang na ganito ay aking pagkadakila."

Isang dominanteng boses ang maririnig sa isip ni Zhao Feng.

"Halika."

Naramdaman ni Zhao Feng si Goddess Bing Wei sa loob ng isang milya at hindi niya na matiis pa ito.

Kahit alam niyang ang lord of hell na estatwang bato ay 'iniisip' na ibang tao siya, hangga't matatanggap niya ang kapangyarihan ng transferring across space, ikalulugod niya pa rin ito.

"Zhao Feng, isa kang tarantado, mamatay---"

Napabulala si Goddess Bing Wei, at ang kanyang mga kamay ay gumawa ng isang ice phoenix na siyang nagpayelo sa lahat ng bagay na nasa loob ng isang milya.

Sa isang bigla, ang lahat sa loob ng isang milyang paikot ay naging mundo ng yelo.

Ang nakasisindak na lamig ang siyang nagdulot para sa iba pang mga henyo at iilang kabilang sa nakatatandang henerasyon ang kabahan.

"Ang battle power ni Goddess Bing Wei ay bahagyang mas malakas kaysa sa maagang yugto ng True Lord Rank ngayon."

"Anong mga nilalalang ang nagmamay-ari ng mga estatwang bato na ito?"

Ang lahat ng mga manonood ay nagulat sa lakas na mayroon si Goddess Bing Wei.

Shuu!

Naramdaman ni Zhao Feng na may lamig na bumalot sa kanyang mga binti at ang kanyang dugo ay halos manigas.

Sa pagkakataong iyon.

Huang!

Isang anyo na may sukat na 900 na yarda ang bumaba sa floating arena.

Ang kahanga-hangang anyong ito ay tila isang lord of hell na naglabas ng mga itim na singaw habang nakatayo sa isang malademonyong dragon. Ang mga usok na itim ay nagkalat sa kalangitan.

"Diyos ko… Anong klaseng nilalang iyan…."

"Ang may-ari ng estatwang ito ay baka isang diyos noong makalumang panahon."

Ang puso ng mga Sovereigns sa entablado ay nagsitalunan.

Maraming mga henyo sa floating arena ang hindi makahinga at ang mga anyo sa kanilang likod ay nanginig rin.

"Iyan iyan iyan ay si…."

Agad na sumugod si Goddess Bing Wei at nagpadala ng mga daloy ng yelo patungo kay Zhao Feng.

Kahit nabuga na ni Goddess Bing Wei ang kanyang atake, napatifil pa rin ito ng isang napakalakas na malademonyong aura na hindi man lang nagbigay ng pagkakataon para makalaban siya.

"P****** i**!"

Naramdaman ni Zhao Feng na tila may isang misteryosong kapangyarihan ang nadagdag sa kanya at agad niyang natunaw ang yelo na nasa kanyang harap.

Bam!

Sa isang bigla, nasipa ni Zhao Feng si Goddess Bing Wei sa kanyang tiyan at napadura ito ng dugo habang napalipad ito sa ere.

Isang malabong anyo ang nagpakita bago siya lumapag.

Boom!

Isang kabataang kulay asul ang buhok ang siyang bumaba mula sa kalangitan at dinurog siya sa paa nito na tila isang malademonyong diyos.