Sinalubong ng Sacred True Gathering ang pinakadakila nitong henerasyon.
Ang misteryoso nitong ancient arena ay napuno ng kakaibang kapangyarihan matapos itong aktibahin ng malaking bilang ng dragon blessing at pagnanasang makipaglaban.
Ang transferring across space ay umabot hanggang sa henerasyon na ito ng mga sikat, magagaling at henyo!
Ang puso ng siyam na Sovereigns ay nayanig nang bahagya habang ang kanilang mga mata ay napupuno ng ligalig.
Sa pagkakataong iyon.
Tinignan nila ang mga estatwang bato nang may paggalang.
Nasa pagitan ng ilang dosenang yarda hanggang ilang daang yarda ang sukat ng mga estatwang ito.
Ang bawat isa sa kanila ay may ibang hugis. Mga halimaw, tao, ibon… Tila galing sila sa iba't ibang panahon at sinusuri nila ang bawat paggalaw sa ancient arena.
Ang pinakamalalaking Sky Stone Statues ay nasa halos isang libong yarda at mukhang umiiral kasama ng kalangitan. Iba-iba ang kanilang ekspresyon. Ang iilan ay walang emosyon samantalang ang iba naman ay may nakakatakot na ngiti…. Na tila ba nagkukuwento.
Ang ilang libong stone statues na ito ay bumuo ng bundok ng mga estatwa na siyang pumalibot sa buong ancient arena.
"Ang mga estatwa na ito ay mukhang mga eksperto o kaya naman mga diyos ng makalumang panahon. Ang mga may-ari nila ay paniguradong namatay na pero buhay pa rin ang kanilang mga mental energy."
"Hindi talaga maunawaan ang kakayahan ng mga ancient experts at kaya pa nilang maipadala ang kanilang mga mental energy sa loob ng napakatagal na panahon."
Nagmula sa kaibuturan ng kanilang mga puso ang respeto ng mga Sovereigns.
Bawat isa sa mga estatwang ito ay may kinakatawang kuwento.
Sa pagkakataong iyon.
Halos isang daang estatwang bato ang nagniningning.
Subalit, ang sampung pinakamalaking 'Sky Stone Statues' ay walang reaskyon.
"Ang sampung'Sky Stone Statues' ay mukhang nanggaling sa ancient era o kaya mula sa mga diyos noong panahong iyon. Subalit, matapos ang ancient battle, ang kontinente ay naghiwa-hiwalay at tinapos ang paghahari nila…"
Tinigna ni Sovereign Yu Xingchen ang sampung Sky Stone Statues nang may iisang emosyon.
Ang sampung Sky Stone Statues na ito ay mukhang umiiral kaanib ang kalangitan at kalupaan. Siguro hindi sapat ang kakayahan ng mga henyo sa ancient arena para mapababa sila.
Sa floating arena.
Lalong dumarami ang mga henyo na nakatatanggap ng kapangyarihan ng transferring across space at ang kanilang mga mukha ay puno ng pag-unawa.
Karamihan ng kanilang mga bloodlines ay nagliyab gaya ni Wang Xiaoguai.
Ang mga may mas dalisay at mas maraming ancient bloodlines ay may mas mataas na tsansang makipaglagong sa kanilang mga estatwang bato.
"Ganoon pala iyon."
Nakaramdam si Zhao Feng ng dalawa hanggang tatlong itents mula sa tatlong napakagarang estatwang bato.
Ang una ay halos nasa isang daang yarda ang taas at isang snake lord na may tatlong ulo na lumulutang sa kalangitan. Ang mga mata nito ay kulay lila at mukhang malupit.
Ang ikalawa ay isang ancient armored lightning war god na may hawak na tungkod at may habang 150 na yarda.
Ang ikatlo ay isang ice goddess na pinapalibutan ng nyebe at yelo.
Ang kapangyarihan ng transferring across space ng tatlong ito ay mas malakas kaysa sa iba.
Nararamdaman ni Zhao Feng ang kanilang panawagan at katugmaan sa kanya.
Ayon sa analisis ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng, kung paano sila sinasalubong ng mga ito ay nakadepende sa kanilang bloodline ganoon rin sa lakas ng kanilang dragon blessing.
Halibawa, si Yu Tianhao ay mayroong apat hanggang limang estatwa na nakaabang sa kanya.
Si Shi Chengtian at Zhao Feng ay parehong may tatlo samantalang sina Tantai Lanyue at Goddess Bing Wei ay may dalawa.
Ang mga natitirang henyo ay may isa at ang iba naman ay wala.
Syempre, tanging ang God's Spiritual Eye lamang ni Zhao Feng ang nakakakita nito. Ang mga iba gaya nila Yu Tianhao at Xin Wuheng ay hindi ito alam.
"Alin kaya?"
Hindi pa agad na makapagpasya si Zhao Feng ganoon rin ang iba pang mga napakahusay na henyo sapagkat ang aura mula sa mga estatwang bato ay lalong lumalakas at mas marami pa ang nagigising.
Roar!
Sumigaw si Shi Chengtian at isang anyo ng dragon at elepante na may taas na 200 na yarda ang pumaimbabaw sa kanya. Ang malakas na aura na ito ay agad na ginipit ang iba pang nalalapit na any rito.
"Anong lakas na trasnfer of space."
Malayo si Zhao Feng pero naramdaman niyang ang kanyang katawan ay bumigat pati humirap ang kanyang paghinga. Tila ba isa siyang langgam na kinakaharap ang isang mapanglaw na halimaw.
Pagkatapos matanggap ang transfer of space, ang battle powe ng mga henyo ay mabilisang tumaas sa loob ng maiksing oras at ang iilan ay umangat ang antas.
Halimbawa, dahil nagliyab ang bloodline ni Wang Xiaoguai, naabot niya na ang True Mystic Rank.
Si Liu Qinxin ay may kasamang diyosa na may Qin sa likod niya at ang kanyang mga mata ay nakapikit habang tumutugtog ang isang makalumang tono na siyang nagpapataas ng kanyang aura.
"Ang kapangyarihan ng Qin ay tinutulungan siyang buuin ang kanyang root of law."
Palihim na nagulat si Zhao Feng.
Halos magkakaparehas na sitwasyon ang makikita sa buong floating arena pero karamihan ay tumaas ang lebel dahil sa kanilang cultivation at bloodline.
"Hahaha…. Ang kapangyarihan ng isang ancient dragon at elepante."
Napabulalas si Shi Chengtian habang isang mabagsik na kapangyarihan ang dumaloy sa kanya at isang anyo ng elepante at dragon ang namuo sa likod niya na siyang tumulong sa kanya para maunawaan ang kapangyarihan ng dalawang nabanggit.
Sa puntong ito, ang mga pisikal na kalakasan ni Shi Chengtian ay dumoble ay isang hindi nakikitang pwersa ang siyang nakapagpaubo ng dugo sa mga nalalapit na henyo.
Kahit sina Tantai Lanyue at Godddess Bing Wei ay lumayo kay Shi Chengtian.
Ang kanyang lakas ay nilagpasan na ag lahat ng mga napakahusay na prodigies at kaya niya nang paliparin ang mga ito gamit ang isang kamao.
Sa pagkakataong iyon.
Iba-ibang anyo ang bumaba sa mga True Dragon Geniuses at ang dragon blessing ng buong ancient arena ay lalo pang lumakas.
Ang mga anyong ito ay hinihigop ang mga dragon blessing at nakikiisa sa kanila at sinusuportahan ito.
Pagkatapos pumili nila Shi Chengtian, Tantai Lanyue at Goddess Bing Wei ng kanilang mga estatwang bato, ang kanilang battle power ay tumaas na sa ibang lebel.
Kapag nakatanggap ang mga napakahusay na henyo ng kapangyarihan ng transferring across space, ang kanilang battle power ay agad na makakaabot sa True Lord Rank.
"Baliw nga talaga ang henerasyon na ito. Kahit ang kapangyarihan ng transferring across space ay saglit lamang, ang mga True Dragon Genius na ito ay paniguradong agad na lalago pagkatapos."
"Ang Sacred True Dragon Gathering na ito ay talagang nakasisindak, at ang samahan ng mga henyo na ito ay paniguradong kayang baguhin ang buong kontinente."
Napabuntong hininga ang mga Sovereigns sa entablado.
"Hmm, iilang mga top geniuses ang hindi pa tumatanggap ng kapangyarihan ng transferring across space."
Napagtanto ng Green Moon Sovereign.
Sa floating arena, kakaunting na lamang gaya nila Zhao Feng, Yu Tianhao, Zhao Yufei at Xin Wuheng ang hindi pa pumipili ng estatwa nila.
Sa kanilang apat, sina Yu Tianhao, Zhao Feng at Zhao Yufei ay maraming pagpipilian, iniisip pa talaga nila kung alin ang dapat kunin.
"Kakaiba, isa lang naman ang interaksyon na natanggap ni Xin Wuheng mula sa iisang estatwa pero bakit hindi niya ito pinipili?"
Tumingin si Zhao Feng kay Xin Wuheng. Tila naramdaman niya na mas marami itong alam na sikreto kaysa sa kanya.
Si Yu Tianhao at Zhao Yufei ay nakatanggap ng komunikasyon ng apat o limang intents.
Si Yu Tianhao ang numero unong henyo at ang kanyang dragon blessing ang pinakamataas ngunit si Zhao Yufei ay medyo malayo pa sa pagiging isang napakahusay na prodigy ngunit ang bilang ng kanyang natatanggap na komunikasyon ay tulad rin ng kay Yu Tianhao.
"Hindi kaya ang bloodline ni Yufei ay mas bibihira kaysa kay Yu Tianhao??"
Nagulat si Zhao Feng.
Pagkatapos noon.
Agad na sinuri ni Zhao Feng si Xin Wuheng.
Hindi na nag-abala pa si Xin Wuheng na makipag-usap sa intent na natanggap niya at agad na nilabas naman niya ang intent niya at saka sinubukang makipag-usap sa sampung pinakamalalaking Sky Stone Statues.
Ang sampung Sky Stone Statues ay nakatayo kasama ng iba pero madilim ang lahat ng ito at walang reaksyon.
Nagsimula muna si Zhao Feng sa pinakamataas na 999 na yarda ng estatwang bato pero wala itong reaksyon.
Ang ikalwa naman ay hindi rin siya pinansin.
Ang ikatlo ay wala ring emosyon.
Ang sampung Sky Stone Statues na ito ay napakatahimik at walang mga aura, pero nararamdaman ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang kanilang kapangyarihan.
Hindi ito nangangahulugan na hind gustong bumaba ng mga intents ng sampung Sky Stone Statues pero dahil hindi sila makababa sa kanilang sarili.
"Hindi bumababa ang mga Sky Stone Statues na ito kung kaya inakyat na lamang sila ni Xin Wuheng."
Nagningning ang mga mata ni Zhao Feng.
Nagtagumpaya kaya si Xin Wuheng?
Naabot na ni Xin Wuheng ang ikalimang pinakamataas na estatwa pero wala pa rin.
Ang mga Sky Stone Statues na ito ay mapagmalaki at kahit ang mga napakahusay na prodigies sa Sacred True Dragon Gathering ay wala lang sa kanila. Pero ayos na rin at hindi bumaba mismo ang kanilang mga intents.
"Kung mayroon silang kapangyarihan ng transferring across space, nangangahulugan ito na kayang nilang bumaba pero nakadepende kung gusto nila o hindi. Siguro may mga gusto na silang puntahan pero kailangan nitong sila ang puntahan."
Natuwa si Zhao Feng at ang kanyang mga mata ay nagningning.
Sa pagkakataong iyon, sina Yu Tianhao at Zhao Yufei ay parehong pumili ng isang nasa 200-300 yarda na estatwang bato na ang kapangyarihan ng transferring across spaee ay higit pa kay Shi Chengtian at sa iba pang napakahusay na prodigies.
Dahil sa kayabangan ni Yu Tianhao, hindi niya naisip na dapat sila mismo ang magparamdam sa sampung pinakamalalaking Sky Stone Statues at hindi ang kabaliktaran.
Ang dahilan kung bakit naghintay muna siya ay para makita kung ang Sky Stone Statues na ito ay bababa pero dahil hindi, sumuko na siya.
Para naman kay Zhao Yufei, wala naman siya ng napakalakas na martial intent ni Yu Tianhao o kaya ng God's Spritual Eye ni Zhao Feng kung kaya wala rin siyang alam.
Subalit, ang kapangyarihan ng kanilang transferring across space ay mas malakas pa rin kaysa sa iba.
Nang pumili na si Zhao Yufei at Yu Tianhao ng kanilang mga estatwa, iilan sa sampung Sky Stone Statues ang mukhang napabuntong at lalong dumilim.
Tila ba may naramdaman si Yu Tianhao at nagbago ang kanyang ekspresyon pero hindi pa rin siya nagsisi sa kanyang pinili.
Malakas ang kanyang paniniwala at ang linya ng kanyang paningin ay minsang nahahagip ang ilang mga pagkakataon.
"Magtatagumpay kaya si Xin Wuheng?"
Napag-alama ni Zhao Feng na patuloy na nakikipag-usap si Xin Wuheng sa sampung Sky Stone Statues at kahit ilang beses pa siyang masawi, kalmado pa rin ito.
Inisip ni Zhao Feng na ang tsana ni Xin Wuheng ay hindi ganoon kataas.
Una sa lahat, wala siyang bloodline at ikalawa, ang kanyang dragon blessing ay hindi kasingdami ng isang napakahusay na prodigy.
"Hayaan niyo akong manalo."
Gustong makipaglaban ni Zhao Feng at nagpadala rin siya ng kapiranggot ng kanyang mental energy intent at sinubukang makipag-usap sa isa sa sampung Sky Stone Statues.