Ang bilang ng True Dragon Geniuses sa bawat Sacred True Dragon Gathering na ginaganap ay palaging saktong isang daan.
Ang lahat ng mga nakokoronahan ng 'True Dragon Genius' ay hindi lamang mayroong dakila, kundi ang may praktikal ring gamit – gaya ng inheritances.
Tanging mga True Dragon Geniuses lamang, mga pinakamalalakas na henyo, ang may karapatang pumasok sa inheritances, kung kaya ang True Dragon One Hundred ay may pangunahing pagkakaiba.
Ang mga top geniuses na sumasali sa Sacred True Dragon Gathering ay lahat nagpapakahirap para maabot ang top 100, at hind ito ganoon kadali.
Pagkatapos ng lahat, ilang daang henyo ang sumasali sa Sacred True Dragon Gathering at tanging isang daan lamang ang mapipili. Napakataas naman talaga ng kompetisyon, hindi ba?
Shua Shua!
Ang mga natatalong henyo ay pinapalabas ng bula ng liwanag habang iniiwan lamang ang isang daan.
Sila ang mga pinili ng kontinente at ang mga True Dragons ng kalangitan.
Sinuri ni Zhao Feng ang lugar gamit ang kanyang God's Spiritual Eye at nakakita siya ng kabuuang bilang ng mga 27-28 na mga taong nagmula sa Northern Continent na nakaabot sa 100.
Ang limang kontinenteng magkasamang naroroon ay ang East, West, South, Middle at North at tanging 100 lamang ang bakante at may tigdalawampu lamang halos ang bawat isa.
Nangangahulugan ito na mas magaling ang nagawa ng Northern Continent ngayon kaysa dati.
Mayroong iilan na kilala ni Zhao Feng. Sina Xin Wuheng, Zhao Yufei, Mo Tianyi, Liu Qinxin, Cang Yuyue, Prinsipe Jin, Wang Xiaoguai, Jiang Sanfeng at ang kasama nito.
Sa kasamaang palad, hindi nakapasa si Bei Moi sa unang bahagi kaya wala siyang tsansa sa top 100, kung kaya hindi rin siya matulungan ni Zhao Feng kahit gustuhin niya pa.
Pagkatapos mapili ang True Dragon One Hundred na malalakas, muling nagbago ang ancient arena.
Shua!
Ang ilaw sa ancient arena ay naglalaho at napapalitan ng kadiliman.
"Ah!"
"Anong nangyayari?"
Ang isang daang manonood ay nagulat.
Ang buong ancient arena ay naging kadiliman at tanging ang espasyo lamang sa loob ng bula ng liwanag ang nag-iilaw.s
Weng~
Sa loob ng bula ng liwanag, ang kalupaan ay nagsimulang mayanig at ang kalangitan ay tila nagbukas.
Mula sa anggulong ito, makikita ng isa ang mga anino ng inheritance sa kalangitan at ang mga nakapaligid rito na estatwang bato.
"Makokontrol na ba natin ngayon ang kompetisyon?"
Isang Sovereign ang nagtanong mula sa entablado.
"Hindi, inaalis ng bula ng liwanag ang lahat ng walang mga dragon blessing."
Ang Sovereign na may puting balbas ay napailing ang ulo pagkasabi nito matapos niyang sumubok.
Simula nang maganap ang ikalawang bahagi ng Sacred True Dragon Gathering, nawala na ng kontrol ang Sacred Alliance rito.
Ito ay parehong mabuti at masama.
Ang magandang bagay ay walang kahit sino ang maaaring makialam sa Sacred True Dragon Gathering kung kaya napakapatas nito para sa lahat.
Ang masamang bagay ay sapagkat marami ang namamatay.
Halimbawa, isang napakahusay na prodigy ang namatay sa Sacred True Dragon Gathering. Isa itong bagay na hindi nangyari as loob ng ilang dosenang henerasyon.
"Saan kaya dadalhin ng ancient arena ang Sacred True Dragon Gathering?"
Napabulong ang Deputy Palace Lord nang may ligalig.
Weng~
Ang bula ng liwanag ay nagsimulang umangat mula sa madilim na ancient arena.
"Hindi kaya…"
Naguhitan agad ang mga mata ni Sovereign Yun Xingchen.
Ang malaking bula ng liwanag ay nagsimulang puntahan ang mga anino ng inheritances sa kalangitan at nagpag-alaman ni Zhao Feng na ang sinasakyan nilang bula ng liwanag ay nagsisimula nang maglaho.
Ang kalupaan, kabundukan at kalangitan ay lumiliit nang lumiliit habang papalapit sila sa mga anino ng inheritance.
Sa mga ulap, may mga senaryo roon ng mga inheritances. Mayroong mga kakaibang tore at mga lahi na hindi pa nila nakikita. Nasilayan pa rin nila ang mga ito kahit malabo ang mga imahe.
"Mystic Ice Inheritance!"
Si Goddess Bing Wei ay napatitig sa isang anino ng inheritance na may pinakamalakas na aura nang may saya.
Mula sa simula ng Sacred True Dragon Gathering hanggang ngayon, halos nasa siyam na inheritances na ang nagpakita at ang pinakamalaki rito at sumapaw sa lahat ay ang Mystic Ice Inheritance.
Ang pagpapakita ng Mystic Ice Inheritance ay isang biyaya sa mga nagcucultivate sa Dao of Ice at si Goddess Bing Wei ay ang pinakamalakas na henyo ng yelo sa Sacred True Dragon Gathering. Nakapasok na nga siya sa Mystic Ice Inheritance bago pa man at nakaranas na ng tunay na kapangyarihan.
Sa pagkakataong iyon.
Ang bloodline at Qi ng True Spirit ni Goddess Bing Wei ay tila nakaramdam ng isang panawagan sa Mystic Ice Inheritance.
Naramdaman rin ito ng bloodline at God's Spiritual Eye ni Zhao Feng. Pagkatapos ng lahat, ang kanyang bloodline ay mas nakabase sa yelo.
"Mukhang ang Mystic Ice Inheritance ay nababagay para sa akin."
Pag-iisip ni Zhao Feng.
Ang Four Great Inheritances ay lahat makapangyarihan at iniisip pa ni Zhao Feng kung pupuntahan niya ba ang Mystic Ice Inheritance, pero ang espeyalisasyon niya ay ang landas ng Lightning at ang Ancient Dao of Soul.
Hindi sigurado si Zhao Feng kung ang kayang God's Spiritual Eye ba ay patuloy na magbabago at magiging ibang elemento.
Nangangahulugan ito na ang pagpasok sa Mystic Ice Inheritance ay delikado.
"Hindi ito ang oras para isipin ito. Bawat Sacred True Dragon Gathering ay may tatlong bahagi at panigutadong may isa pa."
Muling nanumbalik kay Zhao Feng ang kanyang kahinahunan.
Hindi nagtagal.
Naglaho ang bula ng liwanag at isang bagong arena ang masisilayan sa kalangitan.
Ang dahilan kung bakit ito bago ay sapagkat ang mga dimensyon nito ay mas maliit ang sukat at kung titignan mula sa malayo ay mukhang maliit lamang ito na isla.
Floating Arena!
Ang 100,000 na manonood ay nagulantang.
Mula sa simula ng Sacred True Dragon Gathering hanggang ngayon, ang ancient arena ay ilang beses nang nagpalit at sa pagkakataong iyon, ang mga nakapalibot na estatwa ay tila sinusuri ang arena.
Sa kalangitan naroroon ang floating arena at sa taas nito ay ang mga anino ng inheritances.
Ang eksenang ito ang nagtulak sa Sacred True Dragon Gathering sa sukdulan nito.
Isang daang True Dragon Geniuses ang nagkalat sa floating arena habang pinapanood nila ang mga anino ng inheritances sa itaas nila.
"Ang huling bahagi ay naiba sa dati."
"Sa nakaraang ikatlong bahagi malalaman ang nasa unang puwesto, ang top three, ang top ten at iba pa."
Nagtinginan ang mga Sovereigns.
"Wala na naman bang mga patakaran? Pinili sila mula sa ilang bilyong henyo."
Nagkaroon ng diskusyon.
Ang buong ancient arena ay naging madilim at tanging ang floating arena, mga batong estatwa at mga anino ng inheritances ang makikita.
Mula sa tatlo, ang floating arena ang pinakamaliwanag at ang mga batong estatwa ay bahagyang madilim at may okasyonal na pagliwanag.
Ang mga anino naman ng inheritances ay transparent at hindi makita.
Habang hinhulaan ng mga tao kung ano ang nangyayari.
Huang!
Ang mga nakapaligid na estatwang bato ay nayayanig nang bahagya.
"Ano ang nangyayari!?"
Ang 100,000 na spectators ay nagulat.
Weng~
Isang estatwa na tila isang daang yarda ang laki ang siyang lumiwanag. Ang estatwa na ito ay nakahugis sa isang malaking unggoy na may tatlong ulo at anim na mga braso. Mukhang buhay ito sa pagkakataong iyon at naglabas ng isang ancient old aura.
Wu~~~
Isang malalim na pag-ungol ang nagmula sa malaking unggoy na ito at kahit ang mga nasa Origin Core Realm ay nakaramdam ng kaba.
Shua!
Ang estatwang ito ay nagpadala ng isang anyo ng unggoy sa floating arena.
"Anong lakas na aura. Ang mga estatwang bato ay hindi talaga normal at mukhang naglalaman sila ng misteryosong kapangyarihan."
Agad na nahabol ng tingin ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang anyo ng unggoy na ito.
Shua!
Ang unggoy ay lumapag sa harap ng isang kabataang kasama sa True Dragon One Hundred na malalakas.
Wang Xiaoguai!
Ang lahat ng mga nasa Canopy Great Country ay napabulalas.
Ang True Dragon Token ni Wang Xiaoguai ay tumunog at naging isang matinding sirit ng True Dragon Blessing na napunta sa anyo ng unggoy.
Ang True Dragon Token ay nabasag habang ang dragon blessing nito ay kinain lahat ng unggoy.
Wu~~
Pagkatapos kainin ang dragon blessing, ang anyo ng unggoy ay tumungtong sa katawan ni Wang Xiaoguai.
Roar~
Umungol si Wang Xiaoguai at itinama ang kanyang mga kamao sa dibdib na tila ba nasasaniban siya ng isang demonyo.
Ang kanyang mental energy at pagnanasang makipaglaban ay tila may naunawaan.
Sa pagkakataong iyon, nakaramdam na ng presyur ang mga True Dragon Geniuses at napatalon ang kanilang mga puso sa aura na nagmumula sa katawan ni Wang Xiaoguai.
"Ito ang… Ang kapangyarihan ng transferring across space!"
"Diyos ko, ang alamat ay totoo. Ang mga estatwang bato na ito ay may mga intents na naiwan ng ilang mga eksperto!"
Pinanood ng mga Sovereigns ang senaryo nang may gulat at hindi pagkapaniwala sa mga nangyayari.
Sa ilalim ng unggoy na anyo, ang battle power ni Wang Xiaoguai ay tumaas at nagliyab ang kanyang bloodline habang nagbibigay siya ng isang nakasisindak na aura.
Boom!
Iwinagayway ni Wang Xiaoguai ang kanyang ginto at pilak na patpat at agad na napaubo ng dugo ang mga malalapit na True Dragon Geniuses.
"Paano ito nangyari...!??"
Bulalas ng mga True Dragon Geniuses.
Mula sa isang daan, ang lakas at antas ni Wang Xiaoguai ay mas mababa kaysa sa mga nalalapit na henyo pero napalipad niya ang mga ito gamit ang isang patpat.
Wu~
Dalawa pang mga estatwang bato ang inilabas ang kanilang mga anyo. Ang isa ay itim na armoured god at isa naman ay isang yao beast na may buntot ng ahas.
Shua Shua!
Ang dalawang anyo ay lumapag sa ancient arena at lahat ng mga True Dragon Geniuses ay nagpakita ng mga umaasang ekspresyon.
Ang mga anyong ito ay talagang tinitingala ng mga ancient experts at pinipinili nilang tulungan ang ilang mga henyo.
Hindi nagtagal, dalawang henyo ang nakatanggap ng kapangyarihan mula sa mga ancient experts at ang lakas nila sa pakikipaglaban ay tumaas.
Sa parehong pagkakataon.
Maraming mga estatwang bato ang nagbigay ng liwang, umungol, umatungal…. Iba't ibang klase ng mga kapangyarihan ang naglakbay tungo sa ancient arena.
Hindi nagtagal.
Halos sampung anyo ang lumabas at umangat sa kani-kanilang mga henyo at isa sa kanila ay isang diyosa na may pamaypay at lumapag kay Liu Qinxin. Ang mga mata ng binibini ay nakapikit at ang musika ang ancient times ay tila tumutugtog sa mga mata nito.
Ang kapangyarihan ng transferring across space ay kayang pataasin ang battle power g kahit sinong henyo sa loob ng napakaiksing oras at maging katulad ng mga nasa lebel ng napakahusay na henyo.
"Hmm?"
Biglang may naramdamang kakaiba si Zhao Feng, at napakaraming mga eleganteng estatwang bato ang nagningas at mukhang 'nakatingin' sa kanya.
Ang mga batong estatwa na ito ay halos nasa isang daang yarda ang taas at mas malaki kaysa sa mga iba. Tila ba sinusubukan nilang makipag-usap kay Zhao Feng at hinihintay nila ang tugon nito.