Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 375 - Pang-unawa

Chapter 375 - Pang-unawa

Alone in the Heavens!

Ang pagnanasang makipaglaban ni Yu Tianhao at ang kanyang matinding paniniwala ay sumingaw mula sa kanya na siyang nakapagpanginig ng lupa at nakapagwala ng kulay nito.

Sa pagkakataong iyon, tila ba siya lang ang nilalang sa mundo dahil tinignan niya ang lahat sa kanyang paa.

Switching the Stars! Ten Thousand Origins Retract!

Taimtim ang mukha ni Xin Wuheng at ito pa lamang ang unang beses na nangyari ito, sinubukan ng kanyang kamay na higupin ang palm attack ni Yu Tianhao at ibahin ang direksyon nito.

Subalit.

Sa huling pagkakataon ang cultivation ni Yu Tianhao ay umangat sa huling mga yugto ng True Mystic Rank.

Bam!

Ang katawan ni Xin Wuheng ay nilipad at tumama sa isang bundok na siyang nagpatihulog ng napakaraming alikabok.

"Talo na ako. Kung gusto mo ang True Dragon Token, ibibigay ko na ito sa iyo."

Walang emosyon na inilabas ni Xin Wuheng ang kanyang True Dragon Token.

Sa loob ng bula ng ilaw sa tagumpay, hindi ito nangangahulugan na maaaring makuha ng nanalo ang dragon blessing. Kailangan na pisikal itong kunin mula sa natalo.

Dahil sa malaking agwat sa cultivation at bloodline ni Yu Tianhao, halata namang mananalo siya.

"Pinilit mo akong gamitin ang cultivation ng mga taong nasa huling yugto ng True Mystic Rank gayong ang cultivation ko ay nasa simula pa lang nito at hindi ko ito halos alam gamitin."

Malalim na tinignan ni Yu Tianhao si Xin Wuheng na tila ba inaalala ang itsura nito.

Subalit, ang itsura ni Xin Wuheng ay napakanormal, walang kahit anong espesyal ang makikita sa kanya.

Tanging ang kanyang pagiging kalmado at mapayapang aura ang hindi sumasabay sa kayang edad.

Sa wakas.

Hindi kinuha ni Yu Tianhao ang True Dragon Token ni Xin Wuheng at umalis na.

Sa kanyang puso, hindi siya nanalo; masasabi pa ngang natalo siya.

Bilang numero unong henyo, matagal nang nakoronahan si Yu Tianhao at mula pagkabata nakatayo na siya sa tuktok.

Subalit, kahit hindi siya natalo sa labang ito, naramdaman niya na tila ganoon na nga.

Inihatid ng mga mata ni Xin Wuheng si Yu Tianhao palayo at saka umiling at ngumiti. Mukhang alam niya talaga na hindi kukunin ng kalaban ang kanyan True Dragon Token.

Sa itaas ng ancient arena sa entablado.

"Kahit mukhang natalo si Xin Wuheng sa huling atake, hindi siya nasaktan nang higupin at ibahin niya ang direksyon ng atake."

Puno ng pagkagulat ang mukha ng Green Moon Sovereign.

"Mas mabuti na ganito. Ang path of cultivation ni Hao'er ay napakakinis at hindi maganda kung wala siyang mga katapat o kalaban."

Nagningning ang mga mata ni Yu Xingchen habang nag-iisip siya.

Bilang isang ama, hinihiling niya talaga na magkaroon ng mga malakas na kalaban si Yu Tianhao ngunit ang talento nito ay napakataas at natatalo niya ang kahit sinong prodigy na nasa likod niya.

Sa nakaraang taon, sinadya talaga ni Yu Tianhao na hindi abuting ang True Lord Rank sapagkat ano pa ang magiging halaga ng Sacred True Dragon Gathering sa kanya kapag ginawa niya iyon.

Sa kabundukan,

Ang kamalayan ni Zhao Feng ay pumasok sa isang napakalalim na estado at mukhang lumabas na ito sa kanyang katawan kaya niya napanood ang laban nila Yu Tianhao at Xin Wuheng.

Naramdaman niya na ang ganitong pakiramdam noon.

Sa parehong pagkakataon, isang Eye of Heaven ang nagpakita sa langit na siyang gumagamit ng napakaraming mental energy niya.

Sa ngayon, bahagyang kinontrol lamang ito ni Zhao Feng at 'pinanood' lamang ito at hindi gumawa ng kahit ano.

Pagkatapos ng laban, tumingin si Xin Wuheng sa kalangitan at mukhang nag-iisip.

"Hindi talaga mapantayan ang battle power ni Yu Tianhao, kahit si Xin Wuheng ay natalo."

Sa loob ng dimensyon ng kaliwang mata ni Zhao Feng, muling napakita ang mga eksena sa kanyang isip.

Ang paniniwala ni Yu Tianhao ay lagpas sa normal na sword and blade intent. Kahit sina Cang Yuyue, Tian Yunzhi at iba pang mga kasama nito ay walang laban sa kanya.

Ang kapangyarihang ito ay galing sa kanyang puso at hindi ito kayang kopyahin ni Zhao Feng.

May hanggganan ang mga skills o kakayahan na kayang kopyahin ni Zhao Feng.

Ang kanyang God's Spiritual Eye ay may limitasyon – hindi naman pwedeng lahat ay kaya niyang gawin.

Una ay ang pagkakatugma ng bloodline at ng elemento.

Iilang sa mga bloodline secret techniques ay nakabase sa iisang tipo ng bloodline at kahit pa alam ni Zhao Feng kung paano iyon gamitin, hindi pa rin pwede.

Ito ang pinakamalaking balakid.

Ikalawa ay ang lebel ng skill. Kung napakataas nito at hindi kayang maunawaan ni Zhao Feng, hindi niya rin ito magagawa at maaaring hindi rin pwede dahil sa kanyang cultivation lvel.

Halimbawa, hindi niya kayang maunawaa ang maalamat na 'Earth Grade' Skills na kahit ang mga eksperto ng Origin Core Realm ay hindi rin ito maintindihan.

Subalit, ang mga skills ni Xin Wuheng ay hindi isang elemento at mas lalong hindi nasa bloodline sapagkat wala naman siya noon.

Ngunit, ang kanyang mga kabatiran ay napakalalim kahit na hindi mataas ang kanyang cultivation.

"Hehe, ang Switching the Stars at Ten Thousand Origins Retract ay naghalo nang mabuti kasama na ang kanyang kakaibang intensyon. Ang bawat kilos na paglalagay ng mental energy, kapangyarihan at pagtutuon ng atensyon niya; iyon ay pakikiisa sa kalikasan."

Isang ngiti ang masisilayan sa mukha ni Zhao Feng nang kopyahin niya ang skills ni Xin Wuheng.

Sa kabuuan, tatlo ito.

Ang una ay ang Switching the Stars, isang skill na kayang ibahin ang direksyon ng enerhiya.

Ang ikalawa ay ang Ten Thousand Origins Retract na mas mahirap sapagkat gumagamit ito ng invisible hand o hindi nakikitang pwersa para higupin ang kapangyarihan ng kalaban at ariin ito.

Ang ikatlo ay ang kombinasyon ng mental energy, kapangyarihan at atensyon, at pakikiisa sa kalikasan.

Tanging ang unang skill lamang ang kaya munang kopyahin ni Zhao Feng.

Ang ikalawa ay napakalalim kung kaya hindi ito agad na matutunan ni Zhao Feng.

Ang ikatlo ang pinakamahirap sapagkat napag-alaman ni Zhao Feng na gumagamit ito ng root of law.

"Kung mauunawaan ko ang ikatlo, maaari nitong pataasin ang root of law ko."

Napagtanto ni Zhao Feng.

Mas malaking importansya ang nilagay niya sa ikatlo habang pinag-iisa ang una sa kanyang sariling kakayahan.

Ang Lightning Inheritance at Mystic Flower Treasured Bible ay tinaguriang top tier skills sa buong kontinente pero katamtaman lamang ito pagdating sa Sacred True Dragon Gathering.

Kailangang patuloy na humigop at palakasin ni Zhao Feng ang kanyang sariling skill para magkaroon ng tsansa na maabot ang tuktok ng kontinente.

Iniisip niya na hindi siya ganoon kagaling para gumawa ng sarili niyang skills kung kaya sinusubukan niya sa pamamagitan ng paghahalo-halo ng iba't ibang skills ng iba't ibang mga tao.

Hindi nagtagal.

Bumalik na si Zhao Feng sa kweba malapit sa may ilog at si Zhao Yufei ay nagpapalago pa rin ng kanyang cultivation habang si Mo Tianyi at ang lalaking naninilaw ang mukha ay pinoprotektahan siya.

Sa isang kisapmata, kalahating araw ang lumipas at napagsama na ni Zhao Feng ang kanyang technique na Switching the Stars sa kanyang sarili.

Agad naman niyang binaling ang kanyang atensyon sa skill ni Xin Wuheng na pakikiisa sa kalikasan.

Sa ilalim ng ganitong klaseng nature intent, kailang ituon ni Zhao Feng ang lahat ng kanyang mental energy para makisama ito sa kanyang root of law.

Ang kombinasyon ng kanyang mental energy, kapangyarihan at atensyon ay ang dahilan para magamit niya ang kanyang pinakamataas na potensyal. Sa ganitong estado, mas madali niyang mauunawaan ang skill.

Bukod sa pag-iisip nito, tumatayo rin si Zhao Feng bawat oras para subukan ito.

Sina Mo Tianyi at ang kasama nito ay nagulat noong una at saka nila napagtanto na si Zhao Feng ay nagiging si Xin Wuheng.

Switching the Stars, mental energy, kapangyarihan at atensyon sa iisang gawain.

Lahat ito ay kaya ni Zhao Feng.

Ang kombinasyon ng kanyang mental energy, kapangyarihan at atensyon ay nakapaglalabas ng pinakapotensyal ni Zhao Feng at naabot nito ang mga lebel na hindi niya kayang abutin.

Naramdaman ni Zhao Feng na lumilinaw ang kanyang root of law at nakikisama na ito sa Heaven Earth Yuan Qi.

Ang Qi ng True Spirit sa kanyang katawan ay nakiisa na sa kanyang mental energy at dumaloy ito nang walang mintis sa bawat ideya na naiisip niya.

"Hindi nakapagtataka kung bakit ang bilis ng cultivation ni Xin Wuheng."

Ang mental energy at kapangyarihan ni Zhao Feng ay nakaabot na sa hindi mapantayang lebel at naramdaman niya ang kanyang kamalayan sa Heaven Earth Yuan Qi ay lumakas na.

Sa loob lamang ng kalahating araw, naramdaman ni Zhao Feng na tumaas ang kanyang cultivation.

Sa mismong pagkakataong iyon.

Ang kanyang cultivation ay naayos at lagpas na ito sa panimulang yugto ng mga True Mystic Ranks kaya papunta na siya sa maagang yugto nito.

Habang lalo niyang sinusubukan na gawin ang mga skills, lalong nararamdaman ni Zhao Feng na hindi ganoon kasimple si Xin Wuheng.

Hindi naniniwala si Zhao Feng na nakuha ito ni Xin Wuheng mula sa kanyang Clan.

Kung kaya.

Tinanong ni Zhao Feng si Mo Tianyi.

"Maraming usap-usapan kay Xin Wuheng. Sabi ng iba, naabot niya ang ganyang antas gamit lamang ang kanyang sarili sapagkat wala naman siyang master. Kaya niyang gumamit ng nakasisindak na kapangyarihan mula sa mga normal na skills at magcultivate ng mga nakakawasak at napakataas na uri ng mga kakayahan."

Wika ni Mo Tianyi pagkatapos niyang mag-isip.

Pagkatapos ang lahat, bago pa man ang Sacred True Dragon Gathering, si Xin Wuheng ay isang henyo ng Northern Continent na nasa ibaba lamang nila Mo Tianyi at Xia Xianshang.

Habang nag-uusap ang dalawa, may mga narinig silang sigaw mula sa ilog.

"Chapter Leader Zhao!"

"Narito ba si Chapter Leader?"

Isang panlalaki at pangbabaeng boses ang maririnig sa itaas.

Itinaas ni Zhao Feng ang kanyang ulo at bahagyang nagulat nang lumabas siya sa may ere sa itaas ng ilog.

Ang dalawa ay sina Jiang Sanfeng at Die Ye.

Ang dalawa ay may mga mabibigat na mukha at walang bakas ng dragon blessing mula sa kanila.

"Ano ang nangyari?"

Napagtanto ni Zhao Feng na nakalimutan niya sina Die Ye at Jiang Sanfeng ng Iron Blood Religion matapos niyang pumasok sa lugar na ito.

Pagkatapos ng kanilang diskusyon, napag-alaman ni Zhao Feng na ang True Dragon Token ng dalawa ay ninakaw.

Nagkampihan ang dalawa at basta hindi sila nakakaengkwentro ng mga henyo sa first tier, nanalo naman sila.

Subalit, ang minalas sila dalawang araw ang nakakaraan at nakalaban nila si Taiyun Shuangzi.

"Kinuha niya ang True Dragon Tokens niyo?"

Sumingkit ang mga kilay ni Zhao Feng.

Nakita niya kung gaano kalupit si Taiyun Shuangzi sa lugar na ito. Kung hindi ibibigay ng tao ang kanilang True Dragon Token, bubugbugin niya ito o kaya papatayin.

"Halos mawalan na ako ng buhay. Ang kanang braso ay naging ganito."

Malungkot na sabi ni Jiang Sanfeng at nakita ni Zhao Feng na kalahati ng kanyang kanang braso ay nawawala.

"Kung hindi lamang nakakita si Taiyun Shuangzi ng bagong tutudlain sa huling minuto, tinanggalan niya na siguro kami ng cultivation o kaya pinatay."

Maswerteng banggit ni Die Ye.

Sa ganitong lugar, kapag nawala ang True Dragon Token ng isang tao, mahirap na kumuha ng bago.

Habang lumilipas ang oras, ang bilang ng True Dragon Token ay kumakaunti at ang lahat lamang ng mayroon nito ay napakalalakas. Kahit magsama pa silang dalawa ay hindi sila magtatagal.

Sa totoo lang.

Sumuko na talaga silang dalawa pero sa mga nakaraang araw, nalaman nila ang tungkol sa anim na napakahusay na prodigy kung kaya agad nilang hinanap si Zhao Feng.

"Huwag kayong mag-alala, tutulungan ko kayong makakuha ulit ng True Dragon Token at sa tingin ko ang bilang ng mga napakahusay na prodigy ay masyado nang marami."

Naguhitan ng malamig na aura ang mga mata ni Zhao Feng habang ang kanyang kulay asul na buhok ay nililipad ng hangin.

Nagulantang si Die Ye at Jiang Sanfeng. Sa tono ni Zhao Feng, mukhang kakalabanin niya si Taiyun Shuangzi.

Si Taiyun Shuangzi ay kilala para sa kanyang kalupitan at katusuhan sa limang napakahusay na prodigies.

Bukod pa roon, ang magkapatid ay parehong may patalim at ispada. Wala silang mga kahinaan sa pakikipaglaban at parehong kaya nilang dalawa na sabay na umatake at dumepensa.