Sa taas ng lugar na malapit sa ilog.
Muli na namang nagkita sina Zhao Feng at Goddess Bing Wei habang umuungol ang mala-yelong mga hangin at kumislap ang kidlat.
"Ganito ang ginawa ng bastardong ito upang ang little sister ko ay hindi makasali sa Sacred True Dragon Gathering at ninakaw ang mga skills mula sa aming Mystic Ice Inheritance, kaya't unti-unti siyang umangat…."
Kumislap ang mga mata ni Goddess Bing Wei ng mayroong kalamigan at hiningal siya sa pagkamuhi.
Weng~~
Nagliwanag ang kaniyang balat nang gumana ang Mystic Ice Jade Charming Body ay isang makapangyarihang aura ng yelo ang bumalot sa loob ng isang daang yarda.
Ang kalamigan ay nanigas diretso sa buto at may epekto pa ito gaya ng Eye of Ice Soul ni Zhao Feng.
"Lalo pa niyang pinagana ang kaniyang bloodline power at pinataas ang kaniyang depensa at bilis ng pagpapagaling habang bumubuo ng isang domain of ice…."
Lumukso ang puso ni Zhao Feng nang mapagtanto niya na ang lakas ni Goddess Bing Wei ay nakatago sa mas malalim na parte kaysa sa inaakala niya.
Sa loob lamang ng ilang paghinga ang balat ni Goddess Bing Wei ngayon ay perpekto na parang nyebe, malambot at makinis.
Ang tanging bagay na hindi niya agad-agad mapapagaling ay ang pinsala sa kaniyang isipan.
"Ito ang kapangyarihan ng domain. Gamit ang kaniyang Mystic Ice Jade Charming Body at bloodline napapagyelo niya ang lahat ng isang tiyak na nakapalibot dito. Kung ang isang napakahusay na prodigy ay nakapasok malaki ang mababawas sa kanilang bilis."
Ang ulo ni Mo Tianyi ay umusbong dahil siya ay nanonood ng labanan mula sa malayo.
Nagulat siya nang makita niya na tinalo ni Zhao Feng si Shi Chengtian ay hindi siya nag-aalala na lalaban si Zhao Feng laban kay Goddess Bing Wei.
Kung tutuusin, ang bloodline ni Zhao Feng ay nakakatapat kay Goddess Bing Wei at ang kaniyang Lightning Fire God's Eye ay nakamamatay para sa kaniya.
"Kung ang domain of ice na ito ay ginamit kasabay ng Gravity domain ni Shi Chengtian, dodoble ang epekto nito."
Umikot ang isipan ni Zhao Feng at dali-dali niyang naintindihan ang orihinal na plano nina Goddess Bing Wei at ni Shi Chengtian.
Sa oras na magamit ang Domain of Ice at ang Gravity Domain ay pagsabay na ginamit kahit ang mga nasa True Lord Rank ay mapipigilan nito. Sa buong Sacred True Dragon Gathering malamang ay walang taong makakasira rito.
Extreme Northern Mystic Ice Wind!
Tumira ng isang ragasa ng hangin si Goddess Bing Wei na nagpayelo sa lahat ng mga nasa daanan nito at ang dugo at ang Qi ng True Spirit ni Zhao Feng ay nagsimula ring manigas.
Kung hindi dahil sa kaniyang bloodline power, malamang magiging isang mahirap na kalaban talaga si Goddess Bing Wei.
Weng~~
Isang maharlikang anyo ang tumayo sa likuran ni Zhao Feng at nakaupo ito sa isang trono.
Nang makalapit ang mga ttake ni Goddess Bing Wei ang ilang parte nito ay nahigop.
Si Zhao Feng ay pinoprotektahan ng yelo at mayroon siyang mataas na kasanayan mula rito.
"Mystic Ice Demon Suppressing Mountain!"
Sumigaw si Goddess Bing Wei nang magpalabas ang kaniyang jade na hands ng ilang mga bundok ng yelo na bumagsak papunta kay Zhao Feng.
"Ano ang pinaplano ng Goddess Bing Wei na ito?"
Si Zhao Feng ay naghihinala.
Itinaas niya ang kaniyang dalawang kamay at dalawang Sources of True Spirit ang rumagasa mula sa kaniya na siyang nagpaguho ng mga bundok ng yelo.
Kumpara noon si Zhao Feng ay mayroon ng mas madali nang nakakalaban kay Goddess Bing Wei.
Hu! Shua!
Kumislap ang mga mata ni Goddess Bing Wei nang siya ay lumapit at ang domain of ice niya ay bumalot kay Zhao Feng.
Tila ba nahulog sa hindi mabilang-bilang na mga yelo si Zhao Feng subalit ang anyo at trono sa likuran niya ay patuloy lang sa paghigop ng yelo.
"Tiyak na malakas ang domain of ice subalit mas mayroon itong mahinang epekto sa akin."
Naisip ni Zhao Feng.
Ang domain of ice ay gumagamit ng matinding kalamigan upang patigasin ang lahat ng nakapalibot dito subalit para kay Zhao Feng, ang epekto nito ay halos 70% na mas mababa. Sinasayang lamang ni Goddess Bing Wei ang kaniyang enerhiya.
Subalit, hindi kalaunan pakiramdam ni Zhao Feng na may mali.
Tuloy-tuloy lamang sa paglapit si Goddess Bing Wei at ang domain of ice ay mas naging malakas dahil ang Mystic Ice Jade Charming Body ni Goddess Bing Wei ay ang sentro nito.
Subalit hindi pa rin kinatakutan ni Zhao Feng si Goddess Bing Wei sa malapitang laban.
Peng! Boom!
Ang kapangyarihan ng yelo at ng kidlat ay umusbong nang sunod-sunod na magsagupaan ang dalawa.
Mas naging matapang si Zhao Feng sa paglipas ng oras at ang kaniyang Qi ng True Spirit ay mas maayos na dumaloy.
Walang kahit anong kalamangan si Goddess Bing Wei sa malapitang laban.
Tiyak na mayroon si Zhao Feng ng lakas ng isang napakahusay na prodigy at ang kaniyang bloodline ay ang kaniyang nemesis. Hindi siya natatakot sa malayuan o sa malapitang laban.
Siyempre, ang bloodline ni Zhao Feng ay hindi rin kayang makatiis masiyado kay Goddess Bing Wei.
Napakalakas ng depensa ng Mystic Ice Jade Charming Body ni Goddess Bing Wei at halos kaya nitong salagin ang bawat normal na atake.
Lightning Fire God's Eye!
Tumira si Zhao Feng ng isang eye bloodline skill sa katawan ni Goddess Bing Wei subalit sa ilalim ng domain of ice ang pinsala mula sa Lightnign Fire God's Eye ay napahina ng kaunti.
Dagdag pa rito, iniiwasan na ito ni Goddess Bing Wei at hindi siya nawalan ng depensa para rito.
Napinsala lamang ng Lightning Fire God's Eye ni Zhao Feng ang isipan ni Goddess Bing Wei nang kaunti.
Si Goddess Bing Wei ay nag-'hmphed' at itinikom niya ang kaniyang mga ngipin nang direkta niyang saluhin ang tirang ito.
"Tiyak na mayroong kalokohan dito."
Kuminang ang mga mata ni Zhao Feng nang matuklasan niya na si Goddess Bing Wei ay patuloy na lumalaban nang malapitan.
Ang bilis ni Zhao Feng ay talagang nabawasan dahil sa domain of ice ni Goddess Bing Wei subalit ang kaniyang close combat skills ay pangkaraniwan lamang. Hindi siya kasinglakas ni Shi Chengtian at hindi siya kasingliksi niya.
Hindi kalaunan nakatagpo na si Zhao Feng ng kahinaan kay Goddess Bing Wei.
Ice Lightning Mystic Flower!
Kumislap ang mga mata ni Zhao Feng nang tumulak patungo sa dibdib ni Goddess Bing Wei ang kapangyarihan ng kaniyang yelo at kidlat kung saan walang kahit anong proteksyon.
Nagbago ang ekspresyon ni Goddess Bing Wei nang sinubukan niyang umiwas.
Bam!
Huli na ang lahat at nakaabot na ang palad ni Zhao Feng sa kaniyang dibdib.
"Hmm?"
Nakaramdam si Zhao Feng ng isang malabot na bagay sa kaniyang palad.
Ah!
Namula bigla ang kaniyang mukha at siya ay natulala.
Kung purong depensa ang pag-uusapan ang Mystic Ice Jade Charming Body ni Goddess Bing Wei ay kaparehas ng kay Shi Chengtian at mayroon itong matinding kasanayan sa yelo.
Kaya naman, ang palad na ito ay hindi pa halos nakapinsala kay Goddess Bing Wei.
"Bwisit….naloko ako!"
Napagtanto ni Zhao Feng na sinadya ni Goddess Bing Wei na mag-iwan ng kahinaan para sa kaniya at gaya ng iniisip niya, nakita niya na nagpakita ng isang nakakalokong ngiti si Goddess Bing Wei.
Nang subukan niyang umatras ang domain of ice ni Goddess Bing Wei ay nakaabot na sa peak nito at ang kritikal na kalamigan ay halos nakapagpanigas ng yelo ni Zhao Feng kaya't siya ay bumagal.
Dagdag pa rito.
Inilabas din ni Goddess Bing Wei ang kaniyang mga braso at 'niyakap' si Zhao Feng.
"Ah!"
Nagsigawan sa lahat ng lugar.
Ang mga nanonood sa malapit ay napanganga at ang mga bibig ng mga eksperto sa sinaunang arena ay halos nalaglag na sa lapag.
Tama 'yan!
Niyakap ni Goddess Bing Wei si Zhao Feng sa isang mahigpit na paraan.
Kung nasa ibang lugar sila maaari silang mapagkamalang na magkasintahan.
"Hehe, minaliit siya ni Zhao Feng."
Isang ngiti ang lumitaw sa mukha ng Mystic Ice Queen.
Nanatiling nakatayo si Zhao Feng dahil siya ay mahigpit na niyayakap ni Goddess Bing Wei at isang katakot-takot na kalamigan ang kumalat sa kaniyang katawan.
Dahil siya ay yakap-yakap ng ganito kaganda dapat ay isa itong magandang bagay para kay Zhao Feng subalit, siya ay halos nasa bingit na ng kamatayan.
Walang hanggang kalamigan ang nakatutok sa katawan ni Zhao Feng at sa pagkurap ng mata isang patong ng yelo ang bumalot sa kaniyang katawan at sinusubukan pa nitong umangat at patigasin ang kaniyang Qi ng True Spirit at bloodline power.
"Walanghiya ang Goddess Bing Wei na ito upang gamitin ang kaniyang mga dibdib para akitin ako at gawin akong yelo."
Sininok si Zhao Feng nang siya ay manigas.
Sa ganitong paraan siya at si Goddess Bing Wei ay 'nagyakap'. Noong una ito ay mainit subalit naging isang walang hanggang kalamigan ito.
Ang dalawa ay magkatabi.
Halos nakahalik na ang bibig ni Zhao Feng sa mukha ni Goddess Bing Wei at ang nabanggit ay parang isang Diyosa ng Yelo dahil ang kaniyang bibig ay nakakulubot sa paglalayong pumatay nito.
Bukod sa kaniyang bloodline power, ang mastery at kaalaman ni Zhao Feng sa yelo ay mas mataas kaysa kay Goddess Bing Wei.
Dahil sa maliit na distansya pagitan nila, ang kalamanga ni Zhao Feng sa bilis ay walang kuwenta.
Hindi naman sa ayaw pumalag ni Zhao Feng.
Ang cultivation ni Goddess Bing Wei ay mas mataas sa kaniyang ng dalawang maliit na level at mayroon siyang mas puro at mas siksik na Qi ng True Spirit. Mayroon din siyang isang bloodline power at ang attribute ng kaniyang Mystic Ice Jade Charming Body ay lagpas sa kaniya.
Kung kalamigan ang pag-uusapan, ang domain of ice ni Goddess Bing Wei ay mas mataas din kay Zhao Feng.
KAya naman, dahil siya ay mahigpit na niyayakap at siya ay naninigas, hindi talaga makapalag si Zhao Feng.
Si! Si!
Sa pamamagitan lamang ng mata ay makikita ng isang tao na ang lugar na pumapalibot sa dalawa ay nagiging yelo na.
Ang katawan ni Zhao Feng ay tuluyan nang nabalutan ng yelo at si Goddess Bing Wei ay hindi masiyadong apektado.
Sa loob lamang ng ilang paghinga, ang lahat ng bagay na nasa loob ng isang daang yarda ay naselyuhan ng yelo at kahit ang mga nasa True Mystic Rank ay nahirapan makalapit.
Sa sentro ng mundo ng yelo isang yelong estatwa ng isang lalaki at babae ay mahigpit na magkayakap na parang isang magkasintahan.
Natulala si Mo Tianyi at si Shi Chengtian ay nahilo nang maramdaman niya ang paglawak ng kalamigan.
Ano…. Ano ito???
Kasya ang isang mansanas sa bibig ng mga nanonood na henyo.
"T*ngina? Paano naselyuhan ang dalawang ito ng yelo!"
"Sabi na nga ba walang magandang dulot ang p*nyetang 'to."
Nagulat na pinanood ni Taiyun Shuangzi ang lalaki at ang babaeng naselyuhan ng yelo.
Kasabay nito.
Mula sa Silangang bahagi malapit sa ilog ang Heaven Earth Yuan Qi ay nagsimulang gumalaw.
Huang----
Parang nanginig ang hangin at ang kalupaan at maraming mga ilaw ang nagdulot upang makagawa ng alon ang kalapit na ilog.
"Nakapagbreakthrough si Sister Yufei."
Sumigaw si Mo Tianyi at isang makapangyarihang True Mystic Rank ang lumitaw.
Tila ba narinig ng Heaven Earth Yuan Qi ang tawag nito at gumawa ito ng isang nakakatulalang eksena.
"Pinapalabas ang Heaven Earth Yuan Qi, ito ay nagagawa lamang ng mga nasa True Lord Rank, paano nangyari ito…."
Nagsigawan ang mga ekspertong nanonood sa sinaunang arena.
Nang makapagbreakthrough si Zhao Yufei ang Heaven Earth Yuan Qi ay gumawa ng mga bulaklak, tila ba sinasabi na siya ang napili ng Kalangitan.
"Anong klaseng bloodline ang mayroon siya upang magkaroon siyan ng momentum ng isang True Lord Rank kung siya ay makaabot pa lamang sa True Mystic Rank?"
Lahat ng siyam na Sovereigns ay nagulat. Ang eksenang ito ay nagpapakita lamang sa ilang mga alamat gaya nila Scarlet Moon Religion Patriarch, Sword Saint Ye Wuxia at Yu Tianhao.
Sa pagkakataong ito.
Weng~
Isa na namang makapangyarihang inheritance shadowing ang lumitaw sa mga ulap sa taas ng sinaunang arena.