Peng!
Peng!
Sa isang kislap ng kidlat ay isang mabilis na pigura ang lumabas sa
tabi ng ulo ni Shi Chengtian at isang sukat ng paa na kidlat ang
tumama sa bibig ni Simhi Chengtian.
"Wu…"
Napahinto ang katawan at ang pagsasalita ni Shi Chengtian.
Ang iba sa mga manonood na mga henyo ay natulala at nagulat pati na
rin si Goddess Bing Wei ay nagulat.
Tila huminto ang oras sa mga sandaling iyon.
Hindi lamang ang tumama ang paa ni Zhao Feng sa bibig ni Shi
Chengtian, ito'y sumiksik pa sa kaniyang bibig.
Mabilis na napaso ang bibig ni Shi Chengtian at ang overwhelming
prodigy na ito ay pinagbayaran ang kaniyang kasalanan sa
pangmamaliit nito sa kaniyang kalaban.
Gayon pa man, si Zhao Feng ay hindi pa gaanong bihasa kagaya ng
iniisip ng iba.
"Napaka-makapangyarihan na katawan."
Tila namanhid ang paa ni Zhao Feng dahil para niyang nasipa ang
isang bundok.
Sa wakas ay nasaktan at umalulong na si Shi Chengtian, at nagawang
yanigin ang lupa atsaka nagbigay ng suntok patungo kay Zhao Feng,
simple at prangka, ngunit napaka-makapangyarihan.
Bago tumama ang kaniyang kamao kasama ang bugso ng hangin ya
maaaring makapagpasuka ng dugo ng isang normal na True Mystic
Rank.
Sa oras na ito'y direktang tumama, ang kalalabasan ay hindi
aakalahin ng sinuman.
Shua!
Isang anino ang kumislap, at si Zhao Feng ay nagawang makalayo kay
Shi Chengtian sa loob ng dose-dosenang yarda.
Pagdating sa bilis at galaw, si Zhao Feng ay mas angat kay Shi
Chengtian.
Sa limang overwhelming prodigies, ang katawan at depensa ni Shi
Chengtian ay ang pinakamalakas ngunit ang kaniyang bilis ay
pangkaraniwan lamang.
Ice Lightning Mystic Flower!
Itinaas ni Zhao Feng ang kaniyang palad at pinagsama ang kaniyang
bloodline sa kaniyang Qi of True Spirit, na nagbigay ng mga auras ng
yelo at kidlat patungo kay Shi Chengtian.
Bam!
Isang malaking bulaklak na yelo at kidlat ang namulaklak at saka
sumabog.
Matapos maabot ang True Mystic Rank, ang pagsasama ni Zhao Feng
ng yelo at kidlat ay mas naging perpekto at ang kapangyarihan nito ay
tumaas ng sobra-sobra.
Sa mga lumipas na araw, si Zhao Feng ay nakakuha ng enerhiya sa loib
ng kaniyang Lightning Mystic Stone at mas naunawaan ang natural na
mga batas ng mga kidlat. Ito'y nagdulot upang makaabot sa
panibagong yugto ang kaniyang pagkontrol sa mga kidlat.
Ang Lightning Inheritance ni Zhao Feng ay halos mahawakan na ang
ikatlong palapag at nagsimulang malampasan ang orihinal na
inheritance dahil ito'y nahaluan na ng mga kaalaman mula sa
Lightning Mystic Stone at Mystic Flower Treasured Bible.
"Ang palad na ito ngayon ay dapat na makasindak ng mga
overwhelming prodigies."
Sumulyap ang mga mata ni Zhao Feng at sa isang iglap ay lumitaw si
Shi Chengtian sa itaas.
Matapos mabuo ang alikabok, ang 'shell' ni Shi Chengtian ay
nanatiling ligtas.
Si!
Humugot ng hininga si Zhao Feng. Napagtanto niyang ang balat ni Shi
Chengtian ay halos maging bato na at halos hindi na ito gawa sa
laman at dugo.
Ang stone skin ay may malakas na pangontra laban sa yelo at kidlat.
"Walang kuwenta'. Ang depensa walang panama sa isang True Lord
Rank. Tanging mga eroding bloodlines o wood elemental skills
lamang ang makakasindak sa kaniya.
Hindi na nagulat si Goddess Bing We sa ganitong sitwasiyon.
Sa limang mga prodigies, tanging ang depensa ng Mystic Ice Jade
Charming Body ni Goddess Bing Wei lamang ang maikukumpara kay
Shi Chengtian ngunit pagdatin sa kapangyarihan, siya ay lubos na mas
mababa.
Ang nga atake ni Zhao Feng ay karaniwang mga kidlat o batay sa yelo
at ang Mystic Flower Treasured Bible naman ay nakabase patungo sa
wind element.
Gayon pa man, ang kidlat at ang yelo ay parehong salungat sa earth
element ni Shi Chengtian.
Malinaw na walang espesiyalisasyon si Zhao Feng sa wood element o
kaya sa eroding poison skills.
"Batang may asul na buhok, magbabayad ka sa iyong katangahan."
Alulong ni Shi Chengtian at saka itinaas ang kaniyang mga kamay sa
himpapawid at isang patong ng kayumangging dilaw na ilaw ang
lumabas na bigla ring nawala.
Hindi na masama!
Nakaramadan ng kakaiba ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng at sa
mga susunod na sandali, ang katawan niya ay nagsimula ng
bumagsak.
Ang buong lugar ay naapektuhan ng isang humuhilang puwersa na
humila pababa kay Zhao Feng.
Pagdating sa bilis at galaw, ay pinagsasama ni Zhao Feng ang
lightning inheritance at ang liksi ng Mystic Flower Treasured Bible.
Malinaw na nalalampasan ng kaniyang bilis si Shi Chengtian ngunit kung ang katawan niya ay isangdaang libong libra na mas mabigat, gaano man ito kabilis, ang kanilang bilis ay mababawasan.
Peng!
Ang katawan ni Zhao Feng ay bumagsak sa lupa at ang kaniyang
laman at mga buto ay nagkaroon ng matinding puwersa.
Bawat hakbang ay nangangailangan ng enerhiya na mas maring beses
kaysa noon.
"Hmph, ito pala ang talento ng bloodline ni Shi Chengtian ang
'Gravity Domain'. Kahit na hindi gaanong mabilis si Shi Chengtian
ang kaniyang bloodline naman ay maaaring makapagpabagal ng bilis
ng kaniyang kalaban."
Ngumisi ng malamig si Goddess Bing Wei.
Ito ang dahilan kung bakit nais niyang makipag-alyansa kay Shi
Chengtian dahil kahit na si Yu Tianhao ay paniguradong matatalo.
Ang 'Gravity Domain' ni Shi Chengtian at ang kaniyang kapangyarihan na 'power of ice' ay makakayang makaselyo ng normal na True Lord Rank hanggang kamatayan.
Ang mga malabundok na kamao ay nasira ng mga bato!!
Ang kamao ni Shi Chengtian ay nagsimulang magliwanag ng kulay
dilaw at ang hangin at ang mundo ay nagsimulang yumanig. Ang una
ay tila tumutulak ng malaking bundok.
Sa ilalim ng Gravity Domain, ang bilis ni Zhao Feng ay nabawasan ng
animnapu hanggang pitongpung porsiyento na mas mabagal pa kay
Shi Chengtian na kung saan ang huli ay parang isda na nasa tubig.
Boom-----
Ang nakakatakit na kamao ni Shi Chengtian ay nakandado kay Zhao
Feng at sa huli ay hindi niya ito naiwasan.
Nakaramdam si Zhao Feng ng silakbo ng kapahamakan at agad na tinawag ang kaniyang tatlong Flowered Treasured Bible, isang trono ng yelo na nasa likod niya na parang pigura bg isang ninuno ang nagbigay sa kaniya ng kapangyarihan.
Ice Lightning Pierce!
Itinulak palabas ni Zhao Feng ang kaniyang palad at ang kapangyarihan ng yelo at kidlat ay sumabog.
Ang palad niya ay nakatutok sa pagpapatiga kaya ang paligid ay
nabalutan ng yelo.
Si Shi Chengtian ay naapektuhan nito at sa bawat paglapit niya kay
Zhao Feng, ang bilis niya ay bumabagal.
"Malinaw na ninakaw niya ito mula sa Mystic Ice Inheritance."
Nagngangalit na sabi ni ni Goddess Bing Wei habang nanonood.
Ang kaniyang kakayahan ay nakatutok naman sa pagbawas ng bilis,
pagpapatigas, at pagseselyo. Kapag lumapit ang kaniyang mga
kalaban ay agad nagiging yelong istatwa ang mga ito ngunit ito'y
salungat naman kay Zhao Feng.
At ngayon ang 'Ice Lightning Pierce' ni Zhao Feng ay kinuha niya sa
kakayahan ni Goddess Bing Wei at ginamit ito sa kapangyarihan ng
kaniyang bloodline.
Beng-----
Sa wakas ay nakalapit na si Shi Chengtian kay Zhao Feng at ang
tatlong Flowered Treasured Lotus ay direktang tumama.
Ang mga petals ng tatling Flowered Treasured Bible ay agad na
nawasak sa bawat parte nito at ang ilaw nito ay nawala ng kalahati.
Sa ilalim ng tatlong Flowered Treasured Lotus, si Zhao Feng ay
maaaring makalayo sa loov ng dose-dosenang yarda at sa isang
pagaspas ng Yin Shadow Cloak, siya ay biglang nawala.
"Hmm?"
Ang nakalalamang na si Shi Chengtian ay napagtantong si Zhao Feng
ay hindi makita, kaya siya ay nagmanman ng tahimik sa kaniyang
paligid.
Siya ay kumpiyansa sa kaniyang sarili na ang Graviry Domain, na ang
bilis ni Zhao Feng ay mababawasan ng mabilis at walang panama sa
kaniya.
Sa mga oras na iyon.
Huminga ng malalim si Shi Chengtian ng tagumoay niyang mapigilan
si Zhao Feng.
Hindi niya naisip na ang nagungunang black horse ay lapitin ng gulo
noon.
Shua!
Isang maputlang anino ang lumabas sa kawalan at inilabas ang pigura
ni Zhao Feng.
"Si Shi Chengtian ay tunay ngang mas malakas sa akin…."
Ang bilis ni Zhao Feng ay nabawasan nang makaharap niya si Shi
Chengtian. Sa katotohanan, ang sinumang henyo na may
espesiyalisasyon sa bilis ay mas nakalalamang sa kaniya.
Sa sandaling iyon, si Zhao Feng ay nakatakas sa saklaw ng Gravity
Domain.
Ang saklaw ng Gravity Domain ay umaabot lamang sa isandaang
yarda.
"Mukhang ang malapitang labanan ay hindi maaari…."
Ang God's Spiritual ni Zhao feng ay nangala ng siya'y nagplano muli.
Sa oras na siya ay makalapit, ang bilis niya ay walang laban.
"Malakas na depensa, malakas sa malapitang labanan, katamtamang
bilis, walang pag-iingat..."
Isang masamang ngiti ang lumitaw sa mukha ni Zhao Feng.
Isang parang crystal na pana ang lumitaw sa kaniyang kamay at
tatlong pilak na mga palaso ang nakasabit dito.
Pangmalayuang armas!
Nakita ni Shi Chengtian ang armas ni Zhao Feng at agad na nagbago
ang kaniyang ekspresiyon.
Malinaw na alam ni Shi Chengtian ang kaniyang kahinaan. Hindi siya
gaanong magaling sa pangmalayuang labanan o sa labanan sa
himpapawid.
Mabilis na nahanap ni Zhao Feng ang kahinaan ng kaniyang kalaban.
Roar!!
Umalulong si Shi Chengtian at agad na sumugod patungo ay Zhao
Feng na may kasamang bugso ng hangin.
Bilang isa sa mga overwhelming prodigies, ans bilis ni Shi Chengtian
ay hindi gaanong mabagal. Ito'y mas mabilis kaysa sa mga normal na
True Mystic Ranks na nasa huling yugto nito.
Ang kaniyang pagsugod ay nakakagulat din ng habulin niya si Zhao
Feng.
Eye of Ice Soul!
Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay naging freezing abyss na
nakapagbigay ng kalamigan sa mental energy dimension.
Ang tanging naramdaman ni Shi Chengtian ay ang paglamig ng
kaniyang puso at ang pag-atake niya ay bumagal din.
Isang malamig na pakiramdam ang nanigas sa kaniyang pag-iisip at
bumalewala sa kaniyang pisikal na depensa.
Ang atake ng mental energy ay ang bumalewala sa kaniyang pisikal na
atake.
Kahit na ang pisikal na depensa ni Shi Chengtian ay mas malakas ng
sampung beses nang harapin niya ang Eye of Ice Soul, hindi ito
makakatulong ng lubusan. Ito'y magiging epektibo lamang sa Lightning Fire God's Eye.
Shhiick!
Ang bilis ni Shi Chengtian ay bumaba sa kalahati at ang kaniyang mga
galaw ay naging limitado.
Siya ay isang body cultivator, ibig sabihin na ang Source of mental
energy niya ay hindi gaanong malakas at hindi maingat laban sa Eye
of Ice Soul.
"Hehe."
Naglabas ng mayabang ekspresiyon si Zhao Feng mula sa malayo.
Kahit na ay walang gaanong epekto laban kay Goddess Bing Wei,
malinaw naman ang epekto nito kay Shi Chengtian.
"Bata…. Ikaw…."
Nasinok si Shi Chengtian at umalulong ngunit ang kaniyang
ekspresiyon ay bahagyang nanigas.
Ang kaniyang katawan ay mainit, ngunit ang kalamigan dito ay tila
bumabalot sa kaniyang katawan at kahit ang kaniyang pag-iisip ay
halos manigas na rin.
Beng~~ Sou! Sou!
Mabagal na nagpakawala si Zhao Feng ng pana at ang Luohou Bow
niya ay tumira ng mga pana matapos na tumira ulit kay Shi Chengtian
at ito'y sumabog.
Sumigaw si Shi Chengtian ngunit ang distansiya sa pagitan nila ay tila
naoalayo ng bundok ng yelo.
Crack! Peng! Peng!
Ang kapangyarihan ng yelo at kidlat ay nagsimulang sumabog at
nanigas sa katawan ni Shi Chengtian.
Sa kasamaang palad, ang kapangyarihan ng yelo ay maaating
makapagpabagal ng bilis ng isang tao at ang kapangyarihan ng kidlat
naman ay maaaring makapag-pamanhid ng kaniyang kalaban.
Sa bawat pana sa katawan ni Shi Chengtian ay paniguradong
naninigas at maghahalo sa Eye of Ice Soul, kaya ang epekto nito ay
doble.
"Ang Eye of Ice Soul ay hindi gaanong makapangyarihan ngunit
maaaring magamit ito sa matagal na panahon."
Nanatiling pinagmasdan ni Zhao Feng ang Eye of Ice Soul na nasa
katawan ni Shi Chengtian.
Ang Eye of Ice Soul ay isang atake ng mental energy at sa laki ng
kaniyang source of mental energy, ay maaari niya itong magamit sa
loob ng matagal na matagal na oras.
Matapos ang sampung hingahan.
Ang katawan ni Shi Chengtian ay nanigas dahil sa usok ng yelo at
patalim na nanggaling sa kaniyang ulo. Ang bawat hakbang niya ay
tila tumutigil.
Gamit ang Eye of Ice Soul at sa Luohou Bow, tagumpay na nakontrol
ni Zhai Feng Feng ang sitwasiyon.
Ang kaniyang mga atake ay walang patawad at patuloy na tumatama
sa parte ng binti ni Shi Chengtian.
Kahit na gaano kalakas ang depensa ng isa, kung ang punto na iyon ay
walang tigil sa pag-atake, may agwat na lalabas.
"Paano nangyari ito…."
Namutla ang mukha ni Goddess Bing Wei ng hindi siya makapaniwala
sa nakita niya.
Sa limang overwhelming prodigies maliban kay Yu Tianhao, hindi siya
makapag-isip ng kahit na sino na maaaring pumilit kay Shi Chengtian
sa ganitong sitwasiyon.