Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 366 - Yu Tianhao!

Chapter 366 - Yu Tianhao!

Ang bagong dating na si Tantai Lanyue, isa sa pinaka -kakaiba sa mga

Overwhelming prodigies.

Nagsuot si Tantai Lanyue ng isang makulay na bestida habang

nakalabas ang kaniyang mala-niyebeng mahahabang mga binti. Siya

ay sobrang nakakaakit at tila para siya ang girl next door.

Pagdating sa purong cultivation, si Tantai Lanyue ang pinakamababa

sa limang overwhelming prodigies, kagaya ni Mo Tianyi.

Gayon pa man, ang ekspresiyon ni Mo Tianyi sa ngayon ay seryoso.

Ang kalaban ay isang beast tamer at ang pinakamalaki nilang

maaasahan ay hindi ang kanilang sarili kundi ang kanilang spiritual

pets.

Halimbawa, ang battle power ni Tantai Lanyue ay maikukumpara sa

pinakamataas na True Mystic Rank at mayroon siyang dalawang pets

na ganito.

Ang mas nakakatakot pa ay si Tantai Lanyue ay mayroon pang king

card at ang Horned Earth Dragon ay isang ancient beast na nay

makapangyarihang bloodline na ang battle power ay malapit sa

kapangyarihan ng nasa True Lord Rank.

Mayroon din siyang dose-dosenang spiritual pets na may kakaibang

kakayahan at kayang humarap sa lahat ng uri ng sitwasiyon.

At saka, bilang nangungunang henyo sa best taming family, ang

mental energy source ni Tantai Lanyue ay napaka-makapangyarihan

at malapit na sa kapangyarihan ng nasa True Lord Rank.

Nang makalapit si Tantai Lanyue.

Ang ibon na kaparehas ng sa pinakamataas na True Lord Rank ay

nagdala ng pagkabahala kay Mo Tianyi at sa iba pa na nagkaroon ng

takot sa kanilang mga puso.

Sou!

Ang flying speed ni Tantai Lanyue ay napakabilis at ang kaniyang

kilay ay bahagyang kumulubot nang maikulong niya si Mo Tianyi at

ang iba pa.

At sa parehas na oras na iyon.

Isang makapangyarihang dragon blessing ang umahon mula sa ilog

na halos dumikit na kay Tantai Lanyue.

Sa loob ng kuweba kung saan niya ikinulong si Tantai Lanyue gamit

ang kaniyang God's Spiritual Eye.

"Ang babaeng ito ay may malaking mental energy source at kaya

niyang gamitin ang kaniyang mental energy ng mabuti."

Nakaramdam ng kapahamakan si Zhao Feng.

Ibig sabihin na si Tantai Lanyue ay may malakas na pagkakaparehas

sa eye bloodline ni Zhao Feng at malayong nalampasan na ang kay

Goddess Bing Wei.

Nakikita niya ang nemesis ni Zhao Feng.

Hindi itinago ni Zhao Feng ang kaniyang aura at ginamit ang

kaniyang God's Spiritual Eye para balaan si Tantai Lanyue.

Kung mayroong masamang balak si Tantai Lanyue, sana ay sumali si

Zhao Feng kay Mo Tianyi at sa iba pa para lumaban sa kaniya.

"Hehe, ikaw yung tinatawag nilang Zhao Feng? Hinihiling ko na sana

ay huwag kang gumawa ng kahit na ano. Ang iyong mental energy ay

walang laban sa akin."

Ang Spiritual Sense ni Tantai Lanyue ay kabilang sa top tier ng limang

overwhelming prodigies at manmbilis na nahanap ang posisyon ni

Zhao Feng.

Hindi gumalaw at hindi nagsalita si Zhao Feng.

Ang kaniyang eye bloodline ay may pagpapahalaga sa mental energy

kaya sumalit ang kaniyang ulo nang makilala niya si Tantai Lanyue.

"Ano, natatakot ka?"

Ngumiti si Tantai Lanyue at iwinagayway ang kaniyang five-coloured

whip patungo sa ilog, na nagdulot para masira ang butas nito.

Mga mabibilis na alon ang pumunta sa kuweba kung nasaan si Zhao

Feng.

Kumislap ang mga mata ni Zhao Feng. Ang mga aksiyon ni Tantai

Lanyue ay patuloy na nagpapagalit sa kaniya.

Lightning Fire God's Eye!

Kumislap ng asul na lightning fire ang kaliwang mata ni Zhao Feng.

Hu!

Isang maliwanag na lightning flame ang sumunog sa ibon na nasa

paanan ni Tantai Lanyue.

Pagkatapos noon.

Ang makulay na ibon ay matinis na sumigaw na umabot sa dose-

dosenang milya.

Ang lightning fire ay kayang makasunog ng pisikal at mental energy

dimension.

Kahit na hindi masiyadong nasugatan ang makulay na ibon ito'y

nakaramdam pa rin ng sakit at halos tumalipon na si Tantai Lanyue.

"Anong karapatan mo para saktan ang maliit na makulay kong ibon?"

Sumigaw si Tantai Lanyue at bumaliktad sa hangin bago inayos ang

kaniyang sarili. Ang kaniyang buhok ay magulo at tila nagusot.

Bo!

Isang tunog na naman ng mental energy ang tumama sa makulay na

ibon, na nagdulot para ito'y mabaliw muli at nagdulot kay Tantai

Lanyue para matakot.

"Hehe, kahit na ang eye bloodline ko ay walang gaanong epekto sa iyo

na may strong source ng mental energy, ako pa rin ay isang half beast

tamer at may mga paraan ako para masaktan ang iyong spiritual pet."

Mayabang na ngumiti si Zhao Feng nang sabihin niya ito gamit ang

kaniyang mental energy dimension.

Bilang isang beast tamer, ay minamahal ni Tantai Lanyue ang bawat

spiritual pet niya at nang labanan niya si Yu Tianhao nong nakaraang

mga araw, na nagdulot para masaktan ang karamihan sa kaniyang

malalakas na spiritual pets.

Gayon pa man, hindi niya inaakala na mayroong panibagong tao na

naman ang aatake sa kaniyang mga spiritual pets.

Kinagat ni Tantai Lanyue ang kaniyang mga labi at nagdalawang isip

kung tatawagin niya ang kaniyang Horned Earth Dragon Beast, ang

kaniyang king card ngunit sa mga oras na iyon ay pumasok sa

kaniyang isipan sina Zhao Feng at si Goddess Bing Wei.

Maraming methods at malalakas na dipensa si Zhao Feng. Kung hindi

niya tatapusin si Zhao Feng, katulad lamang ito ng pagbabalewala sa

isang panggulong tao na kasing lakas ng isa sa mga overwhelming

geniuses.

Habang nagdadalawang-isip si Tantai Lanyue ay isa na namang

surging dragon blessing na mas malakas pa kay Zhao Feng at Tantai

Lanyue ang lumitaw.

Isang maliwanag na gintong dragon ang makikita sa malayo.

Matapos makita kung sino ito, lahat sila ay natakot.

Ang bagong dating ay isang batang may itim na buhok at ang

kaniyang mga mata ay tila naglalaman ng kalawakan.

Ang bawat galaw nito ay nagtataglay ng kumpiyansa at kalungkutan.

"Nakahabol ka ng mabilis?"

Sigaw ni Tantai Lanyue.

Sou!

Nang hindi lumilingon ay tinawag niya ang makulay niyang ibon at

mabilis na pumunta sa kaniya.

Kung mayroong taong makakatalo kay Tantai Lanyue sa Sacred True

Dragon Gathering, mayroon lamang isang tao.

"Yu Tianhao!"

Huminga ng malalim si Mo Tianyi at ang iba pang mga lalaki na may

dilaw na mukha.

Ang batang may itim na buhok ay ang top genius sa buong kontinente

na nakalampas sa mga henyo ng ibang pang mga henerasiyon.

Kahit tila naglalakad ng mabagal si Yu Tianhao, ang kaniyang bilis ay

sobrang bilis na at malapit na sa direksiyon nila.

Walang kagustuhan si Tantai Lanyue para makipag-laban.

Habang iniisip ang labanang nangyari noong nakaraang mga araw, si

Tantai Lanyue ay nanatiling gulat pa rin.

Si Yu Tianhao ay isang fighting maniac na humamon kay Tantai

Lanyue at kay Shi Chengtian ng wala man lang pinsalang natamo.

Matapos ang laban nila, karamihan sa spiritual pets ni Tantai Lanyue

ay nasugatan kabilang na ang Horned Earth Dragon Beast.

Kahit na si Shi Chengtian na may espesiyalisasyon sa dipensa ay

naouno ng sugat.

Kung hindi lang napalayo ni Shi Chengtian si Yu Tianhao, ang

pagkatalo ni Tantai Lanyue ay paniguradong mas malaki.

Dahil dito, nagsimula nang tumakbo Tantai Lanyue nang makita niya

si Yu Tianhao.

Bago pa makahinga si Mo Tianyi at ang iba pa nang umalis si Tantai

Lanyue, isang panibagong mas nakakatakot na katauhan ang

dumating.

Yu Tianhao!

Ang pangalang ito ay sapat na para yanigin ang Sacred True Dragon

Gathering at magdulot ng takot sa mga henyo. Ang ibang mga

overwhelming prodigies ay mag-iingat at uurong sa tuwing makikita nila ito.

Shua! Shua!

Sa loob ng ilang hakbang ni Yu Tianhao ay lumitaw siya kung nasaan

si Mo Tianyi.

"Ang bilis niyang tumakbo."

Bulong ni Yu Tianhao sa kaniyang sarili. Pagdating sa flying speed,

wala siyang gaanong kalamangan pagdating sa kaniyang flying beast.

Hindi niya pinagtuonan ng pansin ang isang overwhelming prodigy

na duwag.

Tumayo sa hangin si Yu Tianhao at hinayaan nalang umalis sa Tantai

Lanyue.

Pagkatapos non.

Sinuri ng kaniyang mga mata ang kailaliman ng ilog.

Si Mo Tianyi at ang iba pang mga lalaking may dilaw na mukha ay

parehas na umatras.

Nang sinuri ni Yu Tianghao ang lugar ay isang aura na kagaya ng nasa

True Lord Rank ang lumitaw.

Parehong sina Mo Tianyi at Zhao Feng ay nahirapang huminga at ang

kanilang Qi ng True Spirit ay bahagyang tumigil.

Kung hindi nagkakamali si Zhao Feng ay naabot na ni Yu Tianhao ang

True Mystic Rank cultivation ngunit ang kaniya lng mental energy ay

nasa True Lord Rank pa lamang.

"May lakas kaya ang sixth dragon blessing genius na kalabanin ako?"

Napangiti si Yun Tianhao ng hindi ito agad makagalaw.

Isang malakas na kumpiyansa at laban ang umhat sa kaniya.

Kumalabog ang puso ni Zhao Feng. Hindi niya inakalang bibigyang

siya ng pansin ni Yu Tianhao at ngayon nama'y hinahamin siya.

Ang emosiyon ni Mo Tianyi ay naging magulo.

Si Yu Tianhao ay isang battle maniac ngunit madalang lamang siyang

maghamon lalo na sa mga nakababatamg henerasiyon.

Gayon pa mam, nang makita niya ang mga mata ni Y Tianhao ay

nakilala siya nito bilang kalaban.

Ang makilala bilang nangungunang kalaban ng isang prodigy, anong

kadakilaan kaya ang halaga nito?

Mabuti pa ai Mo Tianyi ay nakasali na sa dalawang nagdaang Sacred

True Dragon Gathering kaya hindi na siya pinagtuonan ng pansin ni

Yu Tianhao dahil madali lang siyang matatalo nito.

Napatahimik si Zhao Feng habang hinaharap ang hamon ni Yu

Tianhao.

Naalala niya na si Yu Tianhao ay walang katulad mula sa mga Heavens

pagdating sa overwhelming offense, battle intent at kumpiyansa sa

sarili.

Ang kaniyang kumpiyansa sa sarili ni Yu Tianhao at paniniwala ay

mas malakas pa kahit na sa anong sword o blade intent na nakita ni

Zhao Feng.

Sa mga ganoong pag-iisip pa lamang ay paniguradong mawawasak na

nito ang blade intent ni Tian Yunzhi, ang sword intent ni Cang Yuyue

at matakot ang mga multo at ang mga Diyos.

Sa punto ng oras na iyon.

Si Yu Tianhao ay nasa himpapawid at ang kaniyang mataas na

kumpiyansa sa sarili at paniniwala ay sapat na para matalo ang

kaniyang mga kalaban.

Nagulat ang mga puso nila Mo Tianyi, Zhao Yufei at ang mga lalaking

may dilaw na mga mukha. Ito'y parang nagkaroon ng isang demonic

god sa kanilang itaas.

Tumayo doon ng tahimik si Yu Tianhao, naghihintay lamang.

Tumingin siya kung nasaan si Zhao Feng habang ang kaniyang mga

mata ay napupuno ng battle intent.

Hindi siya umatake kaagad bilang simbolo ng paggalang.

Habang iniisip niya ang batang iyon na mas bata pa sa kaniya ng

sampung taon at kung paano ito hindi sumuko at bumuo ng himala,

ay ang nagpahanga kay Yu Tianhao.

Si Mo Tianyi at ang iba pa ay kaagad na naramdaman ang kalagayan

ng kaniyang puso.

Kung ito'y ibang pang kalaban o kaya nama'y isang overwhelming

prodigy, maaari sigurong umatake si Yu Tianhao ng walang pag-

aalinlangan.

Mula dito ay makikita ang importansiya ni Zhao Feng kay Yu Tianhao.

"Tama nga, karapat-dapat ka nga bilang nangungunang henyo.

Ngayon ay hindi mo ko kapantay ngunit mayroon akong ipapakilala sa

iyo."

Dahan-dahang pagkasabi ni Zhao Feng.

Ang malaking source ng mental energy ng God's Spiritual Eyes ay ang

nagpatibay loob kay Zhao Feng habang hinaharap niya ang battle

intent ni Yu Tianhao.

Ito rin ang nagpataas ng pagtingin ni Yu Tianhao sa kaniya.

Magpakilala ng kalaban?

Hindi lamang si Yu Tianhao ang nagulat, kahit na si Mo Tianyi at ang

iba pa ay nagulat din.

"Sino pa ang may kayang kalabanin si Yu Tianhao maliban sa mga

overwhelming prodigies na nasa Sacred True Dragon Gathering?"

"Hanapin mo ang taong nagngangalang 'Xin Wuheng'. Nilabanan niya ako sa isang labanan noon habang pinagbabawalang gamitin ang kanyang cultivation. Andito lamang siya sa lugar na ito."

Isang kakaibang ngiti ang nabuo sa mga labi ni Zhao Feng.

Sa ngayon, siya ay nasa kritikal na punto kung saan siya'y

makalampas na sa True Mystic Rank at hindi ito ang tamang oras para

makipaglaban.

Gayon pa man, ang isang battle maniac na gaya ni Yu Tianhao ay hindi

ganoon kadaling paalisin.

Samakatuwid, sa isang magandang plano ang lumabas sa isipan ni

Zhao Feng.

Yu Tianhao, gusto mo akong kalabanin? Wala akong oras para

makipaglaban ngayon, ngunit may irerekomenda akong tao na kasing

lakas ko.

Sa 'di inaasahan.

Si Xin Wuheng ay ang taong hindi masiyadong nakikita ni Zhao Feng,

kaya hinayaan niya na ang nangungunang henyo na si Yu Tianhao ang

sumubok sa kaniya.

"Sige."

Tumango si Yu Tianhao.

Tila siya ay naging interesado kay Xin Wuheng na sinabi ni Zhao Feng

at siguro'y nakita niya si Zhao Feng na nasa kritikal na punto kaya

hibdi na siya nag-abalang magtagal at saka umalis agad.