Ang biglaang paglapit ni Zhao Feng ay siyang nakapagpakaba kay Mo Tianyi. Nababahala ang kanyang mukha at hindi agad siya gumawa ng kahit anong kilos.
Sa aspeto pa lamang ng attack speed, agad na malalagpasan ng eye bloodline ni Zhao Feng ang sa kanya.
Ang makalaban ang ganitong klase ng kalaban ay nagdulot ng paninikip ng puso nila Mo Tianyi at ng lalaking naninilaw ang mukha, ni hindi nila sinubukang magpatumpik-tumpik.
"Zhao Feng, lahat tayo ay nagpunta rito galing sa Northern Continent. Gusto mo ba talagang maging kalaban ng Heavenly Yuan Clan?"
Sinubukan ng lalaking naninilaw ang mukha na pagbantaan si Zhao Feng pero ang kanyang mukha na kinakabahan ang siyang nagpahalata na hindi siya kampante sa mga sinabi niya.
Ang Heavenly Yuan Clan ay isa Ten Great Clans at maliban sa Mystic Ice Palace, sila ang pinakamalakas na pwersa na higit pa Three Great Countries.
Subalit tila hindi narinig ni Zhao Feng ang sinabi nila at patuloy lamang na lumapit. Ni hindi niya nga sila tinignan.
"Zhao Feng, hindi ka pa isang tunay na napakahusay na prodigy kung kaya huwag mong iisipin na maaapi mo agad ako."
Hindi na makapagpigil pa si Mo Tianyi at inilabas niya na ang Qi ng kanyang True Spirit gamit ang ere. Tila mga hindi nakikitang bulubundukin ang bumaba mula sa langit.
Yuan Mountain Great Secret Palm!
Isang lumiliwanag na Qi ng True Spirit ang gumuhit sa loob ng isang daang yarda at ang palm attack nito ay tila naging isang metal na bulubundukin na bumagsak sa buong arena.
Nang ilabas niya ang palm attack na ito ay tila ang buong kalupaan ay napipi nito.
Tila nalaglag ang puso ni Zhao Feng ng ang kanyang dugo at Qi ng True Spirit ay nagigipit. Tila ba may kaharap siya na isang bundok na hindi nagagalaw at ano man ang gawin niya ay walang kwenta.
Weng~
Isang trono ng yelo at anyo ang lumabas mula sa likod ni Zhao Feng at sa isang buga ng palm attack, ang dalawang kapangyarihan ng kidlat ay yelo ay nagsanib upang bumuo ng isang bulaklak.
Ang bulaklak na gawa sa kidlat at yelo ay tumama sa Yuan Mountain Great Secret Palm at sumabog.
Boom----
Isang bahagi ng kidlat at yelo ang bumalik patungo kay Zhao Feng. Bahagya siyang nagulat rito; naanalisa na ng kanyang God's Spiritual Eye ang mga kabatiran ng Yuan Mountain Great Secret Technique at hindi niya inaasahan ang mga bitak ng kanyang atake na bumalik sa kanya.
Buti na lamang handa siya at ang tatlong talulot ng Three Flowered Treasured Lotus ay agad siyang binalot. Sinalag rin ng Heavenly Luo Mystic Armor ang bahagyang porsyento ng pinsala.
Walang kahit sino ang nakakuha ng kalamangan sa pangyayaring iyon.
"Ang Yuan Mountain Great Secret Technique ni Mo Tianyi ay naglalaman ng mga elemento ng ginto at lupa. Ang mga taong kasinglebel niya ay hindi siya matatapatan at ang mga atake sa kanya ay agad na tatalbog lamang sa kalaban."
Napagtanto ni Zhao Feng.
Maliban na lamang kung may hindi mapantayang kapangyarihan siya gaya ni Yu Tianhao at agad niyang matatalo si Mo Tianyi, ngunit wala, kaya magiging mahirap ang laban na ito.
Sa totoo lang, ang pinakamabisang paraan para kalabanin si Mo Tianyi ay gamit ang eye bloodline o kaya ang Water Moon God Peach Fan.
Subalit, hindi narito si Zhao Feng para kalabanin si Mo Tianyi.
"Yufei."
Hindi na nagpatuloy pang umatake si Zhao Feng at ibinaling na ang kanyang atensyon kay Zhao Yufei.
"Kapatid na Zhao Feng, pumunta ka ba dito para sa akin?"
Ngumiti si Zhao Yufei.
Ang talagang gustong kalabanin ni Zhao Feng ay si Zhao Yufei.
"Magkakilala pala kayong dalawa."
Nagpakawala ng hininga ang lalaking naninilaw ang mukha habang naunawaan naman ni Mo Tianyi ang sitwasyon.
Noong nasa Northern Star Stand sila, nakita ni Zhao Feng si Zhao Yufei pero hind sila nag-usap nang personal at sa pamamagitan lamang ng mental energy.
Ginawa niya rin ito kay nila Xin Wuheng, Cang Yuyue at Bei Moi.
Sa panahong iyon, sinusubukan ni Zhao Feng na palaguin ang sarili o kapag hindi niya iyon ginawa, ang senaryong ito ay hindi mangyayari.
Bahagyang nausisa si Zhao Yufei. Bakit biglaan yata siyang hinanap ni Zhao Feng?
Napagtanto niyang ang buhok at kaliwang mata ni Zhao Feng ay naging asul at naging mas malamig kaysa sa kabataang nasa kanyang alaala.
"May iisang bagay na kailangan nating pagtulungan nang magkakasama."
Ang tingin ni Zhao Feng ay napunta kay nila Mo Tianyi at sa lalaking naninilaw ang mukha.
Pagtutulungan?
Hindi mapigilan ni Mo Tianyi na magulat. Hindi niya talaga ganoon kakilala si Zhao Feng at isa o dalawang beses niya pa lamang ito na nakikita.
Ang tanging may interes ay si Zhao Yufei lamang at kahit siya ay nagtataka sa suhestiyon ni Zhao Feng.
Sa teorya, kung kaya naman ni Zhao Feng ang kanyang sarili laban sa isang napakahusay na prodigy, hindi dapat siya matakot sa kahit ano sa Sacred True Dragon Gathering.
Hindi nagsalita si Zhao Feng at tinignan na lamang ang tatlo sa mata.
Shua!
Sa sumunod na pagkakataon, ang apat ay nasa loob ng isang eleganteng kwarto at sina Mo Tianyi, Zhao Yufei at ang lalaking naninilaw ang mukha ay nakaupo sa tig-iisang mga upuan.
Nasa harap nila si Zhao Feng.
Ito ang paraan ng kanilang komunikasyon.
Nagulantang si Mo Tianyi at ang kanyang mga kasama. Hindi nila naisip na ang mental energy skill ni Zhao Feng ay umabot na ng ganitong antas.
"Isa lamang itong simpleng mental energy illusion."
Bahagyang ngumiti si Zhao Feng.
Nakatapak na siya sa ancient dao of the soul at nahawakan niya na ang Dark Eye Incomplete Page kung kaya mas malalim na ang kanyang pang-unawa sa mental energy.
Ang eksenang ito ay base lamang sa kanyang mental energy at napakahirap nito kapain. Madali lang rin naman malaman kung totoo ba ito o hindi.
Walang kahit sino sa labas ang nakakakita kung ano ang nangyayari sa loob.
Sa parehong pagkakataon.
Ang siyam na Sovereigns ay tumingin kay Zhao Feng at hinuhulaan na nila kung ano ang nangyayari sa kanila.
"Ang dragon blessing ni Zhao Feng ay nasa lebel na ng limang napakahusay na prodigy."
Higit na pinapahalagahan ng Sovereigns ang ganitong pangyayari sapagkat ang rankings ng Sacred True Dragon Gathering ay nakabase sa dami ng dragon blessing.
"Kung aspeto lamang ng purong dragon blessing ang pag-uusapan, nasa lebel na talaga siya ng mga napakahusay na prodigy. Ang tanging kahinaan niya lamang ay dahil malayo pa siya sa lima pagdating sa battle power."
Paglalagom ng higanteng tanso ang balat na siyang nakapagpatango ng ulo ng iba pang mga Sovereigns.
Ang dahilan kung bakit hindi natalo si Zhao Feng kay Goddess Bing Wei ay sapagkat perpektong panapat sila ng isa't isa. Kung ibang napakahusay na prodigy ang kalaban niya, paniguradong matatalo si Zhao Feng.
"Hehe, ang pagkakaroon ng dragon blessing na katulad ng isang napakahusay na prodigy pero hindi pagdating sa lakas. Hahayaan kaya ng lima na mangyari ito?"
Ngumiti ang babaeng Green Moon Sovereign.
Hanggang sa ngayon.
Ang dragon blessing ni Zhao Feng ay ang pinakakaunti sa anim at malapit lamang ito kay Goddess Bing Wei.
Subalit, ang antas ng kanyang paglago ay napakabilis at maaaring malagpasan niya pa ang isang napakahusay na prodigy, pero hindi ang karamihan.
Ngunit.
Bilang nasa mismong sitwasyon, paano namang hindi ito mapapansin ni Zhao Feng?
Sa loob ng mental illusion room.
Nag-usap nang matagal sila Zhao Feng at Mo Tianyi pero sa pisikal na mundo, isang hininga pa lamang ang nakalipas.
"Zhao Feng, masyadong malaki ang hinihingi mo sa amin. Gusto mo na kaming tatlong Heavenly Yuan Clan Disciples ay protektahan ka?"
Wika ni Mo Tianyi nang may pagkadisgusto.
"Sinabi ko na sa iyo kung ano ang ibibigay ko at handa naman akong tumulong na doblehin ang inyong dragon blessing. Bukod pa roon, bibigyan ko rin kayo ng Mystic Flower Saint Liquid para tulungan si Yufei na makaabot sa susunod na antas ng cultivation. Kung tama ako, ang cultivation ni Yufei ay nasa Peak True Human Rank pero kailangan niya pa ng purong Qi ng True Spirit at iba pang mga kakailanganin para makalagpas at maabot ang True Mystic Rank. Parehas naman tayong makakakuha ng benepisyo rito."
Muli na namang sinabi ni Zhao Feng ang kasunduan.
Ang kasunduang binibigay niya ay maganda naman sana pero mas mawawalan nang marami si Mo Tianyi.
Kumislap ang mga mata ni Mo Tianyi: "Zhao Feng, nakikita ko sa kasunduang ito na medyo malayo ka pa rin talaga sa isang tunay na napakahusay na prodigy. Hehe, sa napakalaking halaga ng dragon blessing na mayroon ka at pagkatapos mong galitin si Goddess Bing Wei, sa pagkakataong ang dalawang napakahusay na prodigy ay magsabwatan, pwedeng pwede ka na nilang talunin."
Nang humingi si Zhao Feng ng 'proteksyon', paano namang hindi makikita ni Mo Tianyi ang sitwasyon?
Si Zhao Feng ay bahagyang malayo pa rin sa isang napakahusay na prodigy pero kapag naabot niya na ang True Mystic Rank, liliit na ang agwat nila.
Ito ang kahinaan ni Zhao Feng. Ginamit niya lamang ang kanyang God's Spiritual Eye para makontrol ang sitwasyon at sinadya niyang iwasan ang napakahusay na prodigy pero dahil ang kanyang dragon blessing ay halos kapantay na ng sa kanila, ito ang nakapagpalala ng sitwasyon.
"Zhao Feng, sa pagkakataong naabot mo na ang True Mystic Rank, magiging ikaw na ang ikaanim na napakahusay na prodigy. Paano namin malalaman na hindi mo kami aatakihin?"
Ang lalaking naninilaw ang mukha ay nababahala pa rin.
"Naniniwala ako kay Zhao Feng."
Pinagkakatiwalaan ni Zhao Yufei si Zhao Feng at handa rin siyang tumulong.
Kung kaya, sina Mo Tianyi at isa pa nilang kasama ay hindi makatanggi.
"Kung magtatagumpay ako, tutulungan ko ang Heavenly Yuan Clan at handa rin akong gawin blood contract."
Pagpapangako ni Zhao Feng.
Nang marinig ito, naniwala na sila Mo Tianyi.
"Hindi na namin kailangan ng blood contract. Naniniwala ako kay Yufei at sa iyo."
Itinango ni Mo Tianyi ang kanyang ulo at ang dalawang panig ay nagkaroon ng kasunduan.
Sina Mo Tianyi at ang mga kasama nito ay poprotektahan si Zhao Feng habang papataasin naman ni Zhao Feng ang kanilang dragon blessing ng isa pang beses at bibigyan sila ng Mystic Flower Saint Liquid para tulungan si Zhao Yufei na pataasin ang kabuuang lakas ng Heavenly Yuan Clan.
Sa wakas.
Kung magtatagumpay siya, tutulungan ni ang Heavenly Yuan Clan palabas.
Kahit na mukhang hindi ito sulit para kay Zhao Feng, sa totoo lang ay magbebenepisyo naman silang lahat. Matapos ang lahat, isang yapak lang naman ang layo ni Zhao Feng sa top three ng Sacred True Dragon Gathering o kahit sa unang puwesto pa.
Sumunod.
Sina Zhao Feng, Mo Tianyi at mga kasama nila ay nagsimula nang magnakaw ng True Dragon Tokens.
Dahil sa God's Spiritual Eye ni Zhao Feng, agad nilang nahahanap ang mga aatakihin nila pero dahil napakalaki ng kanyang dragon blessing, agad siyang nakikita ng iba sa malayo at tatakbo ito, kung kaya pinasama na lang muna ni Zhao Feng ang kanyang munting pusang magnanakaw habang umaatake sila ng mga makukunan ng tokens.
Sa loob ng kalahating araw.
Ang apat ay nagtagumpay na atakihin ang lima hanggang anim na henyo kasama na si Qin Kunwu na nasa first tier.
Sina Mo Tianyi, Zhao Yufei at ang lalaking naninilaw ang mukha ay dumoble ang mga dragon blessing at dahil na rin sa pasadyang tulong ni Zhao Feng kay Zhao Yufei, ang dragon blessing nito ay lumapit sa kung ano ang mayroon si Mo Tianyi.
"Ito na ang pagkakataon para maghanap ng tahimik na lugar at para tulungan niyo ako."
Itinango ni Zhao Feng ang kanyang ulo. Nakahanap na siya ng ganitong lugar at ang daan patungo roon ay napakahirap at hindi madaling matunton ng iba.
Muling sinuri ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang lugar at binigyang pansin ang sitwasyon ng limang nakapanlululang henyo.
Sa Hilagang-Kanluran.
Sina Tantai Lanyue at Shi Chengtian ay nagkampihan at nilabanan si Yu Tianhao. Ginawa nilang makulimlim ang langit at nawasak rin ang mga kalapit nilang bulubundukin.
Nagtago lang si Goddess Bing Wei at pinanood lamang ang laban nila Yu Tianhao, Tantai Lanyu at Shi Chengtian.
Para naman kay Taiyun Shuangzi, isang pares ng magkakapatid ang pumapatay ng kahit sinong malapit sa kanila.
"Ito ang perpektong pagkakataon."
Binuksan ni Zhao Feng ang kanyang God's Spiritual Eye at pinangunahan sila Mo Tianyi sa isang ilog sa may Timog-Silangan at nagsimulang lumangoy pababa.
Hindi nagtagal.
Nakaabot si Zhao Feng sa isang artipisyal na kweba sa kailaliman ng ilog.
"Kahit na mahirap hanapin ang lugar na ito, ang dragon blessing ay napakalaki pa rin. Kapag may taong malapit lang rito, agad nila itong mararamdaman."
Kumislot ang mga kilay ni Mo Tianyi.
"Hehe, salamat Kapatid na Mo."
Ang ngiti ni Zhao Feng ay mapagmalaki habang ipinikit niya ang kanyang mga mata at nawalan na siya ng pakialam sa panlabas na mundo.