Sa loob ng transparent na bula ng liwanag…
Ang mga mata ni Mo Tianyi ay kumikinang at ang kanyang anyo ay nakapirmi.
Sa tabi niya ay ang dalawa pang mga henyo ng Heavenly Yuan Clan. Ang isa sa kanila ay si Zhao Yufei at isa naman ay ang lalaking naninilaw ang mukha na nasa ikalawang puwesto ng Clan.
"Kapatid na Zhao Feng…" Pinanood ni Zhao Yufei ang gintong dragon blessing nang may kasabay na tuwa at pag-aalala.
Ang tatlong henyo ng Heavenly Yuan Clan ay may mapusyaw na gintong token at kahit purong ginto na ang kay Mo Tianyi, hindi ito ganoon katingkad para mapalabas ang isang dragon.
"Kapatid na Mo, ano ang dapat nating gawin?" Nanikip ang itsura ng lalaking naninilaw ang mukha.
Ang mga hakbang ni Zhao Feng sa Sacred True Dragon Gathering ay napakalakas at kahit na lumaban siya sa isang napakahusay na prodigy ay kinaya niya pa rin. Walang duda na siya ang numero unong black horse at walang kumukuwestiyon na siya ang top genius na nasa ilalim ng limang pinakamahuhusay.
Ngayon, ang dragon blessing ni Zhao Feng ay halos umabot na sa limang napakahusay na prodigy.
"Kung gusto niyang makipaglaban, lalaban tayo." Taimtim ang mukha ni Mo Tianyi at hindi kasingkaswal nang una niyang makilala si Zhao Feng.
Dati sa Northern Star Stand ang tingin ni Mo Tianyi kay Zhao Feng ay katamtaman lamang.
At ngayon tila ba haharap sila ng isang napakalaking panganib.
Pinanood niya ang buong laban nila Zhao Feng at Goddess Bing Wei sa battle of five zones at nakita niya kung paano gumawa ng milagro si Zhao Feng. Natulala siya at nagulantang nang sabay.
Kahit gaano pa siya kaarogante at kayabang, dapat niya lang aminin na talagang nakakatakot ang kalaban niya.
Kumislap ang mga mata ng lalaking naninilaw ang mukha at sinabi niyang, "Kung magtutulungan naman tayong tatlo, hindi naman niya tayo matatalo eh."
Imposible ito kung si Mo Tianyi lamang laban kay Zhao Feng pero kung isasama ang dalawa, mag-iiba ang resulta.
Pagkatapos ng lahat, wala namang kahit anong patakaran rito. Ang pakikipagsabwatan o pag-eespiya ay pwedeng-pwede.
"Kayong dalawa, huwag na huwag kayong makikialam kahit ano pang mangyari," huminga nang malalim si Mo Tianyi habang sinasabi ito. Nahihiya siya sa kung ano man ang ibinibigay na suhestiyon ng kanyang nakababatang kapatid sa pagmamartial.
Bilang Head Disciple ng isa sa Ten Great Clans at bilang alamat ng Northern Continent, paano naman magagawa ni Mo Tianyi na makipagkampihan sa isang baguhan?
Sou---
Tumayo si Zhao Feng sa Three Flowered Treasured Lotus at papunta na siya sa direksyon nila Mo Tianyi at ng mga kasama nito habang sinusuri ng kanyang God's Spiritual Eye ang paligid.
Habang naglalapit na ang dalawang panig, ang ere sa paligid ay naging mabigat at ang mga henyo mula sa mga malayo ay pinigil ang kanilang mga hininga. Ang mga manonood sa labas at ang mga Sovereigns ay napatingin nang may interes.
May Spiritual God's Eye si Zhao Feng at talagang kita niya naman sila Mo Tianyi at ang mga kasama nito pero hindi pa rin siya umatras at nagpatuloy lamang.
Naging mas mabigat pa ang ere at tumatalon na ang puso ni Zhao Yufei. Aatakihin kaya sila ng kanyang kapatid na si Zhao Feng?
Ayon sa mga nakaraang karanasan, kapag umatake na si Zhao Feng, wala ng tsansa ng pagkabigo.
"Mukhang ang laban na ito ay hindi maiiwasan."
Nagsimula nang padaluyin ni Mo Tianyi ang Qi ng kanyang True Spirit, at ang kanyang mga kilos ay nakaugnay na sa Heaven Earth Yuan Qi. Ang ere ay tila naglalaman ng walang katapusang mga bulubundukin.
Sila Zhao Yufei at ang lalaking naninilaw ang mukha ay umatras ng ilang distansya, sinisigurong hindi nila maaabala ang laban nila Zhao Feng at Mo Tianyi.
Bago pa ito, si Mo Tianui ang tinaguriang top genius ng Northern Continent at kahit si Xin Wuheng, Xia Xianshang at ibang mga kasama nito ay natalo sa kanya dati.
Weng~~Naguhitan ang kaliwang mata ni Zhao Feng ng isang transparent na asul na liyab. Ang pagkaasul nito ay hindi na mapusyaw.
Ang kulay asul na liyab ay pumilantik at nagmukhang napakaganda kahit may dala itong kritikal na panganib.
Sumigaw sina Mo Tianyi at ang kanyang mga kasama ng lahat ng kanilang gustong sabihin sa kanilang mga puso.
Ginamit ni Zhao Feng ang kanyang Lightning Fire God's Eye sa battle of five zones at ang kapangyarihan nito ay maihahalintulad o maaaring mas matindi pa sa mga tagapagmana ng three major eye families.
Kahit si Goddess Bing Wei ay nababahalaga sa atakeng ito.
Dagdag pa na ang cultivation ni Zhao Feng ay nasa Peak True Human Rank na at ang kapangyarihan ng Lightning Fire God's Eye ay lalong pang lumakas.
Sa mismong iyon, parehong si Mo Tianyi at ang lalaking naninilaw ang mukha ay kinabahan.
Nauunawaan ng lahat na ang eye skill ni Zhao Feng ay imposibleng maiwasan. Walang kahit sino na nasa True Spirit Realm ang kaya itong iwasan.
Kahit na ang cultivation ng lalaking naninilaw ang mukha ay nasa True Mystic Rank, naramdaman niya pa rin na tila ang kanyang mga laman at isip ay nasusunog.
Mukhang kalmado lamang si Mo Tianyi sa labas pero wala rin siyang kumpiyansa laban sa Lightning Fire God's Eye.
Lightning Fire God's Eye!
Naguhitan na naman ang kaliwang mata ni Zhao Feng ng isang transparent na asul na liyab.
Sa pagkakataon ring iyon, ang mga puso nila Mo Tianyi at ng lalaking naninilaw ang mukha ay napatalon na talaga.
Boom!
Ang Lightning Flame God's Eye ay nagsimulang sunugin ang lawang nasa dalawang milya ang layo at ang nakasisindak na kapangyarihan nito ang siyang nag-alis sa tubig sa loob ng isang yarda na pinagtamaan nito.
"Ahhh!" Isang sigaw ang nagmula sa lawa at lumabas ang isang lalaking may malamultong mata.
"Ang lalaking may malamultong mata!"
"Siya iyon… Ang tagapagmana ng isa sa three eye families, ang Wu Family!"
Si Mo Tianyi at mga manonood ay napabulalas at naramdaman na swerte sila. Nakita ng lahat na ang katawan ng lalaking malamulto ang mata ay nagliliyab sa kulay asul na apoy at napakaraming kidlat ang nagkalat kung saan-saan.
Ang kapangyarihan ng lightning fire ay kayang atakihin ang parehong pisikal at mental energy na dimensyon ng tao.
"Walang hiyang tarantado, sinusundan pala ako nito…." Natanggal na rin ng lalaking ito ang lightning fire pero maputla pa rin ang kanyang mukha.
"Nagtatago ka sa lawang iyan sa loob ng napakatagal na panahon. Anong mabuting intensyon ang nais mong iparating?" Malamig ang mukha ni Zhao Feng at tila ba nasa kamay niya na ang tagumpay.
Ang kanyang Lightning Fire God's Eye ay napinsalaan na talaga ang lalaking malamulto ang mata sa parehong pisikal na kaanyuan at pati sa mental na aspeto nito.
Nagngitngit ang ngipin ng lalaking malamulto ang mata habang tinitiis niya ang pagtutupok ng dimensyon ng kanyang mental energy.
Isang transparent na asul na liyab ang sumusunog sa kanyang isip na sinamahan pa ng dumadagundong na kidlat. Ang sakit na nararamdaman niya ay sampung beses na mas masakit kaysa sa pisikal na mga pinsala niya.
Kung hindi dahil sa kanyang eye bloodline, matagal na siyang napatumba nito.
Nang makitang lumalapit na si Zhao Feng, ang lalaking malamulto ang mata ay biglang naging anino na naglaho.
Subalit, kahit ano pang takbo ang gagawin niya, hindi niya matatakasan ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng.
"Ghost Eye Soul Burner!!!" Nagngitngit ang ngipin ng lalaking malamulto ang mata habang isang maitim na apoy ang sumilay sa kanyang mga mata.
Isang maitim na abong apoy ang agad na bumalot sa katawan ni Zhao Feng at ang malamig na aura nito ay hindi nagustuhan ni Zhao Feng.
Suot ni Zhao Feng ang Heavenly Luo Mystic Cloak, pero hindi ito nasira. Binuksan niya ang kanyang bloodline power at isang ice void na anyo ang lumabas sa likod niya.
Weng~
Isang liwanag ng yelo at kidlat ang sumira sa maitim na abong mga apoy na tila ba magkatapat ang mga ito. Ang yelo ay agad na tinupok ang apoy at ang kidlat ay perpektong panapat sa kadiliman.
Para naman sa mental energy attack, muling pinadaloy ni Zhao Feng ang kanyang Lightning Fire God's Eye at inalis ang burning mental energy na atake sa kanya. Ang source ng kanyang mental energy ay higit na malayo at mas mataas kaysa sa lalaking malamulto ang mata kung kaya hindi pa rin siya nasaktan.
"Sutil, ninakaw mo ang bloodline technique ko at ngayon ay nagbabayad ka ng pasasalamat sa pamamagitan ng paghihiganti!" Umungol ang lalaking malamulto ang mata, ang kanyang boses ay nanginginig dahil sa sobrang takot.
Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay perkpektong natapatan ang lahat ng kanyang skills kasama na ang kanyang bloodline power at stealth.
Kinopya ng Lightning Fire God's Eye ang kanyang Ghost Eye Soul Burner pero mas malakas pa rin ang naunang nabanggit kaysa sa ikalawa.
Ang mga kapangyarihan gaya ng kidlat at apoy ay talagang panapat para sa mga multo at sa mga nasa wicked path. Bukod pa roon, ang bloodline power ni Zhao Feng ay mas malakas rin.
Eye of Ice Soul!
Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay naging isang nagyeyelong danaw at ang kapangyarihan ng yelo ang siyang sumira sa mental energy ng kanyang kalaban.
Si!
Ang lalaking malamulto ang mata ay tila nahuhulog sa isang kweba ng yelo. Nanginginig siya at umuubo siya habang ang lamig ay kumakalat at sinisira ang kanyang pag-iisip.
Kanina ay kidlat at apoy, ngayon naman ay yelo.
Natanggap ng lalaking may malamultong mata ang 'Dual Skies of Ice and Fire' ni Zhao Feng at dahil doon ay lubhang napinsalaan ang kanyang isip.
Pagkatapos matamaan ng Eye of Ice Soul, ang kilos ng lalaking may malamultong mata ay napakabagal na.
Ang mga kilos ng isang tao ay kontrolado ng ating isip at kapag nagyelo ang ating isip, hindi na ito maiiba sa pagiging yelo mismong ng tao.
"Talagang karapat-dapat siya na mapabilang sa three major eye families. Pagkatapos matamaan ng dalawa kong skills, nagkaroon lamang siya ng mga pinsala at wala naman siya sa bingit ng buhay at kamatayan," hindi mapigilan ni Zhao Feng na humanga.
Ang 'Dual Skies of Ice and Fire' ni Zhao Feng ay kayang paslangin ang mga normal na taong nasa maagang yugto ng True Mystic Rank.
Kahit na hindi sumasabog ang Eye of Ice Soul, kaya naman nitong magtagal.
Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay tila isang kristal na nakatuon lamang ang atensyon sa lalaking malamulto ang mata kung kaya patuloy pa rin itong umuubo. Ang bawat galawa ng kalaban niya ay lahat naging mabagal.
Miao miao!
Isang maliksing maitim na silver whip ang tila nagpakita mula saan at bumalot sa lalaking malamulto ang mata.
Huala!
Ang latigo ay sumikip at nagsimula na itong higupin ang blood essence ng lalaking malamulto ang mata. Ito ay isang napakamakapangyarihang dugo mula sa isa sa mga three eye families.
"Huwag mong susubukan na nanakawin ang True Dragon Token ko…"
Ang mukha ng lalaking malamulto ang mata ay pumilipit at ang kanyang maitim na mga abong mata ay naguhitan ng mga linya ng fugo, tila ba gagamit pa siya ng isang napakalakas na sikretong technique.
Pa!
Biglang sinampal ng munting pusang magnanakaw ang kanyang mukha gamit ang pangalmot nito at hindi niya na alam kung ano ang gagawin.
Plop!
Napaluhod na lamang ang lalaking malamulto ang mata at bago pa siya makakilos, nakuha na ng pusa ang kanyang True Dragon Token at biglang naglaho.
"En, hindi na masama." Nakatanggap na si Zhao Feng ng isang gintong True Dragon Token na katulad ng kay Mo Tianyi.
Weng~
Sa pagkakataong iyon, ang kanyang gintong dragon ay agad na umangat ng sangkatlo.
Sa loob ng bula ng transparent na liwanag, ang ibang limang gintong dragons ay nakaramdam ng kakaiba at naglabas ng malalim na ungol.
Sa pagkakataong iyon, ang lahat ng mga henyo sa loob ng dimensyon ay nakaramdam ng ikaanim na nakasisindak na dragon blessing. Kahit sino na nasa loob ng isang daang milya ay makikita ang gintong dragon sa kanilang mga mata.
"Ang dragon blessing ni Zhao Feng ay umabot na antas ng limang napakahusay na prodigy."
"Siya na ba ang magiging ikaanim na napakahusay na prodigy ng henerasyon ngayon?"
Biglang nagkagulo ang mga manonood. Kung magpapatuloy ito, paniguradong makakasama siya.
Pinanood lamang ni Mo Tianyi na matalo ni Zhao Feng ang lalaking malamulto ang mata at kung paano nito kunin ang True Dragon Token ng kanyang kalaban mula sa simula hanggang sa katapusan. Ang prosesong ito ay higit niyang ikinagulat at pinabigat ang kanyang puso.
Dapat lamang malaman na ang lalaking malamulto ang mata ay kasinglebel niya – mga eksperto ng first tier.
Sa mismong pagkakataong iyon-
Sou!
Lumipad na si Zhao Feng patungo kay Mo Tianyi habang ang kanyang asul na buhok ay sumisilaw.
Hindi ito mabuti!
Si Mo Tianyi at ang lalaking naninilaw ang mukha ay nagbago ang isip at para bang gusto na lamang nilang tumakbo.