Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 362 - Anim na Malalakas na Dragon Blessing

Chapter 362 - Anim na Malalakas na Dragon Blessing

Ang ikalawang bahagi ay mas malupit at mas matindi ang paligsahan kung kaya hinayaan na ni Zhao Feng na tulungan siya ng munting pusang magnanakaw.

Ang munting pusang magnanakaw ay kanyang spiritual pet at kahit nagpakita na ito sa unang bahagi nang walang kahit anong problema, paniguradong magiging maayos lang rin sa ikalawa.

"Ikaw si Zhao Feng."

Pinanood lamang ng isang kabataang nakadamit ng maitim ang munting pusang magnanakaw na kinukuha ang kanyang True Dragon Token at Dragon Blessing patungo kay Zhao Feng.

Bilang numerong unong black horse ng Sacred True Dragon Gathering at kumalaban ng isang napakahusay na prodigy kung saan nagpantay sila, kilala niya talaga si Zhao Feng.

Xiu--- Beng! Beng!

Hindi na nag-abala pa si Zhao Feng na magsalita at nagpatama na agad siya ng dalawang palaso sa isang kisapmata patungo sa mga ulap.

Ang bagong Luohou Bow ay ginawa ni Tiegan Master at parehong ang pana at palaso nito ay malapit na sa Middle Tier Spiritual Grade. Kapag magkasama, nalalagpasan pa nito ang mga normal na Middle Tier Spiritual Grade Items.

Shoosh!

Isang palaso ng Luohou ang sumilay at isa na namang anyo ang napatumba.

Ang cultivation ng henyong ito ay nakaabot na sa True Mystic Rank at pagkatapos niyang tamaan ng palaso, ang kanyang katawan ay namanhid at nanlamig habang natutumba, nawalan siya ng 80-90% ng battle power.

"Paano ito naging posible!!? Kakalipad ko lang rito…."

Ang eksperto sa True Mystic Rank ay nagngitngit ang ngipin at sinubukan niyang padaluyin ang Qi ng kanyang True Spirit.

Bago niya marating ang lapag, nakarinig siya ng isang 'Miao miao' at isang pilak-abo na munting pusa ang tumabi sa kanya na parang soro.

Shua!

Isang maitim na pilak na blood whip ang bumalot sa kanyang katawan at hinigop ang kanyang blood essence.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay tumalon patungo sa kanya ng may kakaibang pagnanasa at sinubukang kunin ang kanyang True Dragon Token.

"Huwag mong susubukang gawin iyan!"

Ang henyong ito pagkatapos ng lahat ay nasa True Mystic Rank at kaya galit na galit niyang pinadaloy ang Qi ng kanyang True Spirit na siyang bumuo ng malakas na bayo ng hangin.

Pa!

Isang pangalmot ng pusa ang sumampal sa kanyang mukha nang pagkalakas-lakas at naramdaman niyang ang langit ay umiikot sa kanya habang namumula ang kanyang mukha.

Bago pa siya makakilos, ang munting pusang magnanakaw ay nakuha na ang kanyang True Dragon Token at binigay ito sa kanyang may-ari.

"En, ang isang tumutulong ay nakabubuti. Pinapabilis ako nito."

Ang dragon blessing ni Zhao Feng ay lalong tumitingkad at mas maraming ginto pa ang lumabasa dito.

Sangkatlo ng pilak na token ang naging ginto at isang mapusyaw na ginto at pilak na dragon ang tila ba bumalot sa kanya.

"Sunod."

Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ayon sa teorya ay kayang makita ang lahat basta walang malaking aytem na nakaharang sa kanyang daan.

Biglaan.

Ang pusa at ang taong ito ay tumalon-talon sa dimensyon na iyon at gumamit ng iba't ibang paraan para manakaw ang True Dragon Token ng bawat isa nang may kadalian.

Ang tunog ng Luohou Bow ay nangangahulugang pagkatalo ng isang tao.

Mula sa stand ng mga manonood, ang mga eksperto ng bawat dibisyon ay naglakihan ang mga mata.

"P**a, napakabilis naman niyan!"

"Ang Zhao Feng na ito ay mukhang pamilyar na sa anyong lupa roon at mukhang walang kahit sino ang makakatakas sa kanyang mga mata."

Ang anyo ni Zhao Feng ay nalibot na ang buong dimensyon at nahuli niya na ang kahit sinong makita niya.

Ang maalamat niyang archery skills kasama ng kanyang paningin ang siyang naging dahilan para sa black horse na ito na maging isang isda sa tubig ng ganitong paligid.

Ang antas ng kahusayan nito at ang bilis niya ang siyang nagpaurok ng mga dila ng iba at kahit ang mga Sovereigns sa entablado ay nagulantang at gulat na gulat.

"Ang Zhao Feng na ito ay nakontrol na ang buong anyong lupa at pati na rin ang buong sitwasyon."

Isang liwanag ang gumuhit sa mga mata ng higanteng kulay tanso ang balat nang sabihin niya ito nang mataimtim.

"Kahit na malakas ang kanyang eye bloodline, hindi ba ang pagtawag na kontrolado niya ang buong sitwasyon ay napaka-eksaherada?"

Isang babaeng Sovereign ang nagbanggit dahil sa kanyang sorpresa.

"Kung pagtutuunang mo ng pansin, mapagtatanto mo na saan man siya magpunta, makakakita siya ng isang henyo. Bukod pa roon, lumalayo siya mula sa limang napakahusay na prodigy pati na rin sa mga first tier. Sa ganitong paraan, ang kanyang 'pag-aani' ay masasabing nasa pinakamataas na antas."

Ang higanteng may tansong balat ay ginamit ang salitang 'pag-aani' na siyang nakakuha ng pagtango mula sa mga Sovereigns.

Lahat ng mga kalaban ni Zhao Feng ay nawawalan ng kanilang True Dragon Token sa loob ng napakaiksing oras.

Ang kanyang mga pamamaran ay hindi kasinglupit ng kay Taiyun Shaungzi. Gagawa na lamang siya ng palihim na atake o kaya nanakawin niya na lamang ang True Dragon Token.

Minsan, hindi na kailangan pa ni Zhao Feng na talunin ang kanyang kalaban. Habang nakikipagtulungan sa munting pusang magnanakaw, kayang-kaya nilang nakawin ang True Dragon Token.

"Aaminin ko na ang kanyang munting pusa ang siyang nagpapataas ng kanyang antas ng kahusayan at ginagamit lamang nito ang pinakamaliit na sakripisyo para maabot an layunin nila."

Ang Mystic Sword Sovereign ay sinuri ang munting pusang magnanakaw sa tabi ni Zhao Feng.

Ang senyasan ng pusa ay isang atake na nag-iiwan ng sunog na marka sa mukha ng kanyang kalaban.

Kahit ang mga nasa True Mystic Rank ay mahihilo kapag tinamaan sila ng pangalmot ng pusang ito.

"En… Mukhang ikaw na nasa yugto pa ng paglaki ay lumago sa bawat aspeto."

Tinapik ni Zhao Feng ang ulo ng munting pusang magnanakaw sa saya.

Kinain ng munting pusang magnanakaw ang malaking halaga ng kanyang mga kayamanan at kalahati ng kanyang mga pabuya sa Water Moon Treasury ay kinain ng pusang ito.

Syempre ang mga epekto nito ay halatang halata.

Ang lakas ng munting pusang magnanakaw ay tumaas nang kaunti at kahit na hindi ito kapantay ng isang nasa True Mystic Rank, kaya nitong linlangin ang isa o dalawang True Mystic Rank nang walang problema.

Hindi talaga sigurado si Zhao Feng sa abilidad ng kanyang pusa.

Ang liksi ng munting pusang magnanakaw ay napakataas at ang kanyang paraan ng pagnanakaw ay kagila-gilalas. Kahit ang God's Spiritual Eye ni Zhao Fen ay minsan lamang itong nakita.

Kahit na ang mga pangalmot nito katamtaman lang, kaya naman nitong makipagtitigan sa mga nasa True Mystic Rank.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay nagpakita ng ngiti at inilagay nito ang kanyang mga pangalmot sa kanyang baywang at saka iwinasiwas ang kanyang buntot. Sumunod ay gumawa ito ng mga kilos na tila sinasabing 'ako lang ang nag-iisa sa mundo' at ang pakahulugan na ito ay nakita ng lahat.

Hahaha

Hindi mapigilan ng mga manonood kundi tumawa.

"Ang pusang ito ay nakakatuwa. Ang kasaysayan siguro nito ay paniguradong hindi simple."

Ang mga Sovereigns na nasa entablado ay ngumiti.

Miao miao!

Tumayo sa balikat ni Zhao Feng ang munting pusang magnanakaw at gumawa ng mukha tungo sa hindi nakikitang liwanag.

"Ano!??"

Ang mukha ng siyam na Sovereigns ay nagbago.

Nakikita sila ng pusang ito?

Nagtinginan ang mga Sovereigns sa isa't isa.

Nakikita pala sila ng munting pusang magnanakaw, hindi ba ang ginawa nito ay nakakawalang respeto sa isang Sovereign?

Nang hindi nalalaman, ang munting pusang magnanakaw ay nakakuha ng maraming tagahanga, karamihan rito ay mga babae. Kahit ang mga babaeng Sovereigns ay nakatitig sa pusa nang may pagmamahal.

"Gusto ko ang pusang ito. Makikipagpalit ako mamaya ng kahit ano sa batang iyan para makuha ito."

Isang babaeng Sovereign na nakaberde ang nagwika nito.

Halata namang gustong-gusto niya ang munting pusang magnanakaw.

"Ang pusang ito ay napakamakapangyarihan at misteryoso pa ang ancient bloodline nito. Mukhang gumawa ito ng blood pact sa batang iyon. Green Moon Sovereign, sigurado ka bang ipipilit mo ang pakikipagpalitan na iyon?"

Nanuya ang Mystic Sword Sovereign nang may pagngiti.

"Ang batang ito ay nagmula sa Iron Blood Religion at may Sovereign siya sa kanyang likod na dating miyembro ng Sacred Alliance. Kasama ko rin siyang nakipaglaban sa Scarlet Moon Religion Patriarch at marami siyang naiambag doon."

Ang higanteng tanso ang balat ay kaswal itong sinabi pero nagbabala na huwag 'ipilit' ang pakikipagpalitan.

"Gagawan ko ng paraan para ibigay niya sa akin nang hindi siya napipilitan."

Kampanteng sinabi ng Green Moon Sovereign.

Sa loob ng hindi nakikitang liwanag na dimensyon.

Lumipas ang panahon at dalawang araw na pala ang nakararaan.

Habang nagpapatuloy ang laban, nababawasan na ang bilang ng True Dragon Tokens.

Ang mga nawalan ng kanilang True Dragon Token ay nabaliw at inatake.

Pagpatay, sabwatan, pang-eespiya, bawat paraan ay nagamit na.

Sa ganitong sitwasyon, may mga pangkat na nabuo.

Noong oras na iyon.

Ang bilis ng pag-aani ni Zhao Feng ay bumagal na.

Ito ay dahil sa kakaunti na lamang ang naririyan na True Dragon Token sapagkat nasisira ito sa tuwing ninanakaw pagkatapos mawalan ng dragon blessing.

Syempre.

Ang dami ng dragon blessing sa bawat True Dragon Token ay tumataas.

Bawat True Dragon Token ay naabot na ang faint silver level at ang True Dragon Token ni Zhao Feng ay purong ginto na. Ang kanyang katawan ay nababalutan ng gintong liwanag at ang kanyang dragon blessing ay kamangha-mangha.

"Ang dragon blessing ko ay katulad ng sa mga napakahusay na prodigy sa unang bahagi pero matapos pasukin ang dimensyon na ito, tumaas na rin ang dragon blessings nila."

Pag-aanalisa ni Zhao Feng.

Natantsa niya na ang kanyang dragon blessing ay aabot sa top ten at nasa ibaba lamang ng limang napakahusay na prodigy.

Ang mga Sovereigns na nanonood sa hindi nakikitang liwanag ay nadiskubre na mayroong anim na mapusyaw na gintong dragon blessing na mga anyo ang nasa isang yarda pataas ang sukat.

Mula rito, kay Yu Tianhao at Taiyun Shaungzi ang nasa halos dalawang yarda.

Ang dahilan kung bakit anim ito at hindi lima ay dahil ang isa sa kanila ay si Zhao Feng na malapit ang sukat ng dragon blessing sa mga napakahusay na prodigy.

Sa anim na gintong dragon blessings, kay Zhao Feng ang pinakamahina.

Ang nasa itaas niya ay si Goddess Bing Wei. Habang ang ibang mga nakapanlululang henyo ay nanalo sa unang bahagi, siya naman ay nagkaroon ng pantay na laban kay Zhao Feng, bagaman walang nanalo, nawalan si Goddess Bing Wei ng sanglima ng kanyang dragon blessing.

Sa loob ng hindi nakikitang liwanag na dimensyon.

Anim na gintong dragon blessings ang umatungal, at naririnig ito kahit mula sa malayo.

Ang True Dragon Token ay isang kakaibang aytem na hindi pwedeng ilagay sa interspatial bracelete kung kaya hindi matatago ng limang napakahusay na prodigy at ni Zhao Feng ang kanilang aura.

"Anim na gintong dragon blessings? May isa na naman bang napakahusay na prodigy ang makikita sa kasalukuyang Sacred True Dragon Gathering?"

"Hanggang sa ngayon, si Zhao Feng ang may pinakamataas na tsansa na maging ikaanim na napakahusay na prodigy at itulak ang henerasyong ito sa tuktok."

Ang lahat ng mga manonood ay maligalig at puno ng pag-asa.

Kahit nawalan sila ng kontrol sa Sacred True Dragon Gathering ngayong taon, naging mas kaaliw-aliw ito.

Sa ngayon, may higit dalawampung patay na henyo at ilang dosena ng mga nasiraan ang bait. Mula rito, makikita kung gaano katindi ang paligsahan.

Habang lumilipas ang oras, ang labanan ay lalo nagiging malupit at ang mga pinsala at kamatayan ay patuloy na masasaksihan.

"Aye, mukhang kumakaunti na sila."

Lumipad si Zhao Feng sa Three Flowered Treasured Lotus.

Nakahanap siya ng maraming pwedeng atakihin, kaso wala na silang True Dragon Token o kaya naman ay nasa isang malaking grupo sila kaya mahirap labanan.

"Takbo! Isa 'yang gintong dragon blessing!"

"Hindi kaya ang Zhao Feng na ito ang maging bagong napakahusay na prodigy? Siya na ang nasa ikaanim sa aspeto ng dragon blessing."

Nahanap ng mga henyo si Zhao Feng mula sa malayo at saka tumakbo.

Sa pagkakataong iyon, mayroon ng anim na nagniningning na ginintuang liwanag at nararamdaman ng iba kung gaano kamakapangyarihan ang dragon blessing na ito mula sa ilang dosenang milya.

"Si Zhao Feng iyan! Siya na ang ikaanim na pinakamalakas na dragon blessing genius at malapit niya nang maabot ang lebel ng mga napakahusay na prodigy."

Naramdaman ni Mo Tianyi ang gintong dragon blessing mula sa malayo at ang mga kasama niyang mga henyo ay nagsialisan na.

Lumaban o tumakas?

Papunta na si Mo Tianyi sa direksyon ni Zhao Feng at nahihirapan na siyang gumawa ng desisyon.

Related Books

Popular novel hashtag