Ang mga patarakan ng Sacred True Dragon Gathering ay napakahigpit at ang paghamon sa ibang tao ay halatang may katapat na isang mabigat na halaga.
Ang laban nina Goddess Bing Wei at ni Zhao Feng ay natapos sa isang tabla subalit ang naunang nabanggit ay kailangang magbayad ng maaaring maikumparang dragon blessing kung matatalo siya sa isang normal na labanan.
Weng~
Mabilis na tumaas ang dragon blessing ni Zhao Feng at nakaabot siya sa top twenty ng Sacred True Dragon Gathering, gaya nila Mo Tianyi, Qin Kunwu at ng iba pa.
"Ang dragon blessing ng nakakapanlulang mga prodigies ay tiyak na kahanga-hanga. Kaunti lamang ang nawala niya subalit labis na ang pagtaas ng sa akin."
Bahagyang nasurpresa si Zhao Feng.
Kung tutuusin, ang huling rankings ng Sacred True Dragon ay hindi natitiyak base sa bilang ng pagkapanalo o talo subalit depende ito sa dragon blessing.
Ibig sabihin nito na tumalo na si Zhao Feng sa first tier ng mga henyong na nasa ibaba lamang ng mga nakakapanlulang mga prodigies.
Sa himpapawid.
"Walang dudang ang batang ito ang pinakamataas na itim na kabayo."
"Hehe, walang tiyak na bagay hanggang sa katapusan. Halimbawa, ang Xin Wuheng na iyon ay pinipigilan ang kaniyang cultivation at ang kaniyang level."
"Mu Rongfan, Cang Yuyue mula sa Western zone, Zhao Yufei mula sa Eastern zone at ang tagapagmana ng pamilya ng Tuoba lahat sila ay mayroong matinding potensyal."
Ang mga paningin ng siyam na Sovereigns ay sumuri sa buong arena.
Kahit sinong mga henyo ay mayroong tinatagong bagay, alam nila itong lahat.
Si Zhao Feng ay walang duda na ang pinakamataas na itim na henyo rito subalit ang kaniyang cultivation ay lubos na tumaas, ibig sabihin wala siyang masiyadong potensyal na natitira.
Sa kabilang banda, ang mga henyo gaya nila Xin Wuheng, Mu Rongfan, Cang Yuyue, Zhao Yufei at ang tagapagmana ng pamilya ng Tuoba ay lahat may magagandang potensyal.
Sa mismong oras na ito ilan pang mga anino ang lumitaw sa mga ulap.
"Isa, dalawa! Dalawang inheritances pa."
Ang mga taong nasa Sacred Alliance ay palaging nakatuon ang atensyon sa mga pagbabago sa taas ng kanilang mga ulo.
Sa pagkakataong ito mayroong kabuuan ng apat na inheritance shadowings, kabilang na ang Scarlet Moon Inheritance na kawawala pa lamang.
Lumakad si Zhao Feng palabas ng entablado at sinuri ang inheritance shadowings sa alapaap.
"Isa itong era na labis na mas mataas kaysa sa mga nauna. Ang mga pinakasinauna at pinakamisteryosong Heavens Legacy Inheritance ay magpapakita ba?"
Maraming mga eskperto at mga henyo ang hindi mapigilang mag-isip.
Sinasabi ng mga alamat na kapag nagpakita ang Heavens Legacy Inheritance, ang kontinente ay sasailalim sa isang malaking pagbabago.
Subalit, ang Heavens Legacy Inheritance ay hindi pa nagpapakita sa loob ng mahabang panahon.
Kani-kanina lamang ang inheritance shadowing ng Scarlet Moon Inheritance ay 'ninakaw' ng Scarlet Moon Demonic Religion. Kahit na pigilan ng Sacred Alliance ang kanilang paghinga, hindi ba't ibig sabihin nito na may inaasahan silang mas maganda pa?
Matapos lumakad paalis ng entablado.
Nakadekuwatro si Zhao Feng ay nakatuon lamang sa pagbuo ng kaniyang root of law at paminsan-pinsan humigop at nagsasalin siya ng Water Moon Pirate's Source of True Spirit.
Ang Water Moon Pirate's Source of True Spirit ay mas siksik at mas puro kaysa kay Zhao Feng.
Kung ang lahat ng Source of True Spirit na ito ay mahihigop kung ganoon maaari nang puwersahin ni Zhao Feng na i-cultivate ang Mystic Flower Treasured Bible. Hindi ito isang bagay na nais niyang makita.
Kaya naman.
Nagtuon lamang siya sa pagpapagaling at pagpapalakas ng sarili niyang Source of True Spirit at pinabagal niya ang bilis ng paghigop niya ng Water Moon Pirate's Source of True Spirit.
Ang bawat Source of True Spirit na nahihigop ay mai-rerefine ng True Spirit Lightning Flame ni Zhao Feng at mabibigyan ito ng simbolo ng 'Lightning Inheritance.'
Sa ganitong paraan.
Hindi lamang ito hinihigop ni Zhao Feng; ginagawa rin niya itong puro.
Suwerte siya dahil ang True Spirit Lightning Flame ni Zhao Feng ay napakalakas at mayroon itong mapanirang Flame of True Spirit na mas mataas kaysa sa nakararami.
Noong lumapit na sa pagtatapos ang labanan ng limang zones si Zhao Feng ay nagpatuloy sa pagpipino at paghihigop ng Water Moon Pirate's Source of True Spirit, kinukuha niya ang bawat segundo upang palaguin ang sarili niya.
Sa wakas.
Nang matapos ang labanan sa limang zones ang cultivation ni Zhao Feng ay nanatili sa peak True Human Rank subalit napunta na ito sa pinakamasikip na parte.
"Nahigop ko na ang isangkatlo ng Water Moon Pirate's Source of True Spirit, dalawa na lamang sa tatlo ang natitira."
Kuminang ang mga mata ni Zhao Feng nang siya ay nagsimulang mag-isip.
Kahit na nairefine niya na ito gamit ang True Spirit Lightning Flame napabago pa rin nito ang kaniyang Source of True Spirit sa maliit na halaga.
Kung tutuusin, ang dalawang Sources of True Spirit ay gawa sa magkaibang mga elemento.
"Ang kaya ko lamang higupin ay ang natitirang dalawang-katlo at mayroong limampung porsyentong pagkakataon na makatungtong ako sa True Mystic Rank. Kung malalagpasan ko ang bilang na ito mawawala sa akin ang Lightning Inheritances' element."
Umikot ang isipan ni Zhao Feng.
Ibig sabihin nito na kahit papaano ay kailangan niyang gumamit ng isang kalahati ng natitirang dalawangkatlo ng Source of True Spirit ng Water Moon Pirate.
Gamitin?
Nagliwanag ang mga mata ni Zhao Feng dahil mayroon na naman siyang naisip na plano.
Alam ng lahat na ang Source of True Spirit ay ang pinanggagalingan ng Qi ng True Spirit at kung masisira ito ibig sabihin ay mawawalan ka rin ng cultivation.
Kaya naman, ang Source of True Spirit ay ang essence ng ekspertong nasa True Spirit Realm at ito ay ang parang kalahati ng kanilang buhay.
"Pasasabugin ko ang Qi ng True Spirit ko sa isang kritikal na pagkakataon at makikita ko kung gaano kalaking kapangyarihan ang maidudulot sa akin ng kalahating Source of True Spirit."
Sa pag-isip nito tumawa si Zhao Feng sa loob-loob niya.
Sa ilalim ng mga normal na sitwasyon ang pagsunog sa Source of True Spirit ay magpapataas ng battle power subalit mapipinsala nito ang pundasyon ngunit sa kaso ni Zhao Feng, nais niya itong gamitin.
Hindi nakikita.
Mayroon na namang isang king card si Zhao Feng.
Sa pagkakataong ito.
"Ang unang round ng Sacred True Dragon Gathering 'labanan ng limang zones' ay nagtatapos na at ang top five hundred ay papasok na sa ikalawang round 'True Dragon One Hundred Strong."
Isang matingkad na boses ang bumanda sa buong sinanunang arena.
Sa ikalawang round, ang True Dragon One Hundred Strong.
Kumpara sa iba, ang round na ito ay mas madali at pinipili nito ang isang daang mga henyo ng True Dragon.
Ang top one hundred lamang ng Sacred True Dragon Gathering ang makokoronahan bilang isang True Dragon Genius at ang True Dragon One Hundred Strong ang magtitiyak nito.
"Top one hundred…."
Mapait na ngumiti si Bei Moi.
Nanalo siya sa mas mababa sa isang kalahati ng mga labanan noong unang round.
Sa ganitong resulta malamang hindi siya makakasali.
"Palpak."
Nagluluha ang mga mata ni Dong Xue.
Weng~
Natuklasan ni Zhao Feng na ang kaniyang True Dragon Token ay nagliwanag at ang kaniyang dragon blessing ay nagsimulang tumaas.
Kasabay nito ang mga True Dragon Tokens ng mga natalong henyo ay nagsimula lang mawala pati na rin ang kanilang dragon blessings.
Crack! Crack!
Nabasag ang mga True Dragon Tokens ng mga talunan at ang kanilang mga dragon blessings ay kinuha ng mga nanalo.
Kahit paano sa tatlong libong nakilahok sa Sacred True Dragon Gathering subalit matapos lamang ang unang round tanging limangdaan na lang ang natira.
Naramdaman ni Zhao Feng na mas lumakas ang kaniyang dragon blessing at isang matamlay na ginto ang kumislap sa kaniyang True Dragon Token.
Ang dragon blessing ng limang nakakapanlulang mga prodigies ay mas siksik at kulay ginto ito.
Boom------
Nagsimulang magbago ang sinaunang arena at ang mga batong estatwa ay nagpakawala ng isang kakaibang kapangyarihan, na para bang yumayanig ang kalangitan.
Naging magalang ang mga henyo at puno sila ng paghanga.
Ang marahang pagbabago ng sianunang arena at ang pagnginig ay mas lumala nang sampung beses dahil sa isang tiyak na puwersa.
"Sa ikalawang round, True Dragon One Hundred Strong."
Sinuri ni Zhao Feng ang pagbabago ng sinaunang arena.
Nagsimulang mahulog ang limang mga entablado at sa wakas ay sumanib ito sa sinaunang arena at naglaho.
Batay sa alam ni Zhao Feng sa ang sinaunag arena ay mayroong koneksyon sa Heavens Legacy Inheritance.
"Sa isang tiyak na oras magbabago ang sinaunang arena dahl sa mga dragon blessings."
Tumingala ang bronze skinned Deputy Palace Lord nang siya ay tumingin sa mga nakapalibot na batong estatwa.
Ang bataw isa sa mga batong estatwa ay may istorya sa likuran nila.
Ang ilan sa mga mas malalaking estatwa ay mga nilalang na matagal nang nabuhay. Ang top ten na pinakamataas ay ang 'Sky stone statues' na siyang halos daan-daang yarda ang taas at mukhang nabubuhay ito kasabay ng kalangitan.
Kahit ang isang taong kasing lakas ng Sacred Alliance's Deputy Palace Lord ay mataas ang pagtingin sa mga batong estatwa na ito.
Sinuri ni Zhao Feng ang mga batong estatwa at naramdaman na naman niya na parang may sariling buhay ang mga batong estatwa na ito at nagmamanman ang mga ito sa kanilang bawat galaw.
Huang!
Isang manipis na transparent na liwanag ang biglang lumitaw sa sentro ng sinaunang arena at nagsimula itong lumawak hanggang sa isang milya, at sunod ay naging dose-dosenang milya.
Sa loob ng matamlay na patong ng liwanag, mga bundok, ilog, lawa, mga gubat at iba pa ang makikita.
Mula sa anggulong ito mukha itong isang mapa subalit totoo talaga ito.
"Ito ay… isang sikretong realm space na gawa mula sa isang sinaunang spatial array."
"Ang espasyo sa loob ng spatial array ay ilang beses at maaaring dose-dosenang beses pang mas malaki kaysa sa tunay na mundo."
Maalam ang siyam na Sovereigns at ang ilan ay nakapunta pa nga sa panlabas na mundong ito.
Hindi mapigilan ni Zhao Feng huminga ng malalim at mula sa pagsusuri ng kaniyang God's Spiritual Eye, ang sinaunang spatial array na ito ay bumuo ng isang sikretong realm.
Malinaw na nakikita ng isang tao ang eksena mula sa labas. Tila ba sila ay 'tumitingin sa loob ng panibagong mundo.'
"Gaano kalaki ang lugar na ito at ano ang naririto?"
Pakiramdam ni Zhao Feng simula nakapasok siya sa Sacred True Dragon Gathering, siya ay nakahawak sa panibagong mundo.
Shua!
Ang transparent na liwanag ay mabilis na lumawak at hindi kalaunan napalibutan na nito ang buong sinaunang arena.
Ang transparent na liwanag ay parang isang kalmadong alon ng tubig na dali-daling nilagpasan ang mga henyo.
Shua! Shua! Shua!
Ang mga henyo ay nakapasok sa panibagong mundo at ang ilang mga mayroong sirang True Dragon Tokens ay inalis sa sinaunang arena.
"Ang lugar na ito ay?"
Natuklasan ni Zhao Feng na siya ay nakatayo sa isang patag at mayroon ding isang gulat na henyo sa hindi malayong lugar.
"Bakit ang True Dragon One Hundred Strong na ito ay magkaiba kaysa sa nakaraan?"
Sila Mo Tianyi, Prince Jin at ang iba na nakilahok sa huling Sacred True Dragon Gathering ay nasurpresa.
Ang mga manonood at ang entablado na nasa ere ay malinaw na nakikita ang eksena sa loob ng liwanag.
May kabuuan na limangdaang henyo ang nagkalat sa paligid ng isang hiwalay na kalupaan na isang libong milya ang lawak.
Ang ilang mga henyo ay nasa kuweba at ang iba naman ay nasa gubat. Mayroon pa ngang nasa mga ulap at ang iba ay nasa mga ilog.
"Ang komplikadong kalupaan na ito ay ang susubok sa battle strength at hindi sa diretsahang labanan."
Nanood ang siyam na Sovereigns sa sitwasyon sa loob ng dimensyon.
"Ano ang mga patakaran ng round na ito?"
Nagkalat ang limangdaang mga henyo sa kalupaan at wala sa kanila ang nakakaalam kung ano ang gagawin.
Anong nangyari?
Nagtinginan ang siyam na Sovereigns at naramdaman nila na may mali.
"Deputy Palace Lord – hindi ito maganda! Ang ikalawang round ay iba mula sa nauna at kusa itong nagsimula. Nawalan na tayo ng kontrol sa Sacred True Dragon Gathering...…"
Ang isang matandang Sovereign na mayroong puting balbas ay lumipad sa kaniyang pagkataranta.