Walang nag-akala na bago pa man matapos ang unang round ng Sacred True Dragon Gathering, ang inheritance shadowing mula sa Scarlet Moon Inheritance ay magpapakita.
Ang Scarlet Moon Inheritance ang ranked 3rd sa Four Great Inheritances at ang Scarlet Moon Patriarch ang nakatanggap ng inheritance na ito.
Ang mga Sovereigns sa Sacred Alliance ay natulala.
"Sandali, mayroong mali. Kahit na puno ng mga henyo ang henerasyon na ito at mayroong limang nakakapanlunang mga prodigies, hindi pa rin sapat ang unang round upang akitin ang four great inheritances."
Kumunot ang mga kilay ng bronze skinned Deputy Palace Lord at pakiramdam niya na may mali.
Weng~
Ang madugong larawan sa mga ulap ay naging malabo at parang pagalaw-galaw ito.
Biglang.
"Shua!"
Isang malaking madugong kamay na isang daang yarda ang haba ang lumitaw sa harapan ng Scarlet Moon Inheritance.
Shua!
Ang Scarlet Moon Inheritance shadowing ay biglang naglaho.
"Ano!?"
"Ano ang nangyari!?"
Nanlaki ang mga mata ng Sovereigns ng Sacred Alliance sa gulat.
Kahit na hindi pa naikokonekta ang Scarlet Moon Inheritance, ang inheritance shadowing ay nagpakita na agad.
Paanong maglalaho ang isang inheritance shadowing?
"Sino ang may kapangyarihang galawin ang Scarlet Moon Inheritance?"
Nagtinginan ang mga Sovereigns.
"Mayroong dalawang kinakailangan upang gawin ito: 1. Mayroong cultivation na malapit sa Void God Realm at 2. Kailangan ay konektado sa Scarlet Moon Inheritance sa kahit anong paraan at kayang tawagin ito gamit ang isang lihim na skill.:"
Huminga ng malalim ang Deputy Palace Lord.
Iisang tao lamang ang nakakamit ng dalawang mga kinakailangan.
Sino siya?
"Ang Scarlet Moon Patriarch!"
Sumigaw ang Sacred Alliance Sovereigns.
"Grabeng nakakatakot na kalkulasyon. Ang ating Sacred True Dragon Gathering ay ginawa para sa ibang tao."
"Ang dragon blessing mula sa Sacred True Dragon Gathering at ang pagpaplano ng Scarlet Moon Patriarch ay nagdulot upang magpakita muli ang Scarlet Moon Inheritance."
"Kung hindi ako nagkakamali ang Scarlet Moon Demon ay maaaring nasa kontinente kung saan magbubukas ang Scarlet Moon Inheritance."
Hindi kalaunan nagkaroon na ng kongklusyon ang mga Sovereigns.
Ang lahat ng bagay ginawa para sa ibang tao.
Sa pag-alala sa kinalabasan nito nagalit ang siyam na Sovereigns at sila ay nagdalawang-isip.
Noon ang Scarlet Moon Patriarch ay halos hawiin ang buong kontinente at upang magawa ang hakbang na iyon, ang lakas at ang mga paraan ng Scarlet Moon Patriarch ay hindi mapapantayan.
"Deputy Palace Lord, kailangan ba nating magpadala ng mga tao upang hanapin kung saan magbubukas ang Scarlet Moon Inheritance at pigilan ang muling pagkabuhay nito?"
"Tama 'yan, sirain ang demon religion."
Itiniim ng mga kasalukuyang Sovereigns ang kanilang mga ngipin.
"Paanong walang planong nakahanda ang Scarlet Moon Patriach sa loob ng mahabang panahon? Ngayon, nagtatago siya sa dilim samantalang tayo ay nasa liwanag. Maaaring hindi natin siya matagpuan subalit tiyak na kaya niyang makita ang Sacred True Dragon Gathering. Sa oras na magpadala tayo ng mga tao, kayang sirain ng Scarlet Moon Demonic Religion ang Sacred True Dragon Gathering nang mabilisan."
Mababa ang boses ng Deputy Palace Lord at nanahimik ang ibang mga Sovereigns.
Ang mga kalkulasyon ng Scarlet Moon Religion Patriarch ay napakaperpekto at ginamit niya ang Sacred True Dragon Gathering upang muling buksan ang Scarlet Moon Inheritance.
Ngayon na hindi na rin makagawa ng kahit anong pagkilos ang Sacred Alliance dahil litaw na litaw ang Sacred True Dragon Gathering at kung magpapadala sila ng tao at biglang nagpunta ang Scarlet Moon Religion Patriarch, mawawala nila ang lahat.
Kung tutuusin, ang Scarlet Moon Religion Patriarch ay isang alamat na kayang takpan ang kalangitan gamit ang kaniyang kamay.
Sino sa kontinenteng ito ang maglalakas-loob na harapin ang Scarlet Moon Religion Patriarch?
"Lahat kayo, ito ay isang maliwanag na era at ang mga pagkakataon na magpakita ang Heavens Legacy Inheritance ay laging tumataaas. Sa oras na dumating ang Heaven's Legacy Inheritance, babaguhin nito ang sitwasyon ng kontinent at mas magiging malaki ang kagamitan nito kaysa sa Scarlet Moon Inheritance."
Malakas na sinabi ng Deputy Palace Lord.
"Ang sinabi ng Deputy Palace Lord ay totoo. Ang Scarlet Moon Inheritance ay mas maganda para sa mga nasa demonic at evil path at hindi ito kasinggaling ng Heaven's Legacy Inheritance o kahit sa Seven Sword Inheritance."
Tumango ang lahat ng tao.
Ang Scarlet Moon Inheritance ay ranked 3rd sa Four Great Inheritances at ang Heavens Legacy Inheritance pati na rin ang Seven Sword Inheritance ay naipuwesto sa taas nito.
Si Sword Saint Ye Wuxie ang nakatanggap ng Seven Sword Inheritance at naging isang importanteng tao siya sa pagtalo ng Scarlet Moon Religion Patriarch.
Ang sinaunang arena.
Ang Scarlet Moon Inheritance shadowing ay isang maliit na panggulo lamang na nagtagal ng sampung paghinga at ang mga labanan ay nagpatuloy sa bawat zone.
Northern zoneHinamon ng Napakahusay na Prodigy na si Goddes Bing Wei si Zhao Feng.
"Sige."
Tumango ang husgado subalit kalalaban lamang ni Zhao Feng kaya't hindi siya maaaring hamunin agad.
Ang mga patakaran ng Sacred True Dragon Gathering ay napakahigpit at malalabanan lamang ni Zhao Feng si Goddess Bing Wei sa kaniyang susunod na pag-akyat.
Sa oras na ito, nakaabot na si Zhao Feng sa kritikal na pag-iintidi at pagbuo ng kaniyang root of law.
Sa loob ng kaniyang isipan.
Ang matamlay na asul na half transparent na mga linya ay kuminang at namulaklak.
Ang root of law ay nagmula sa Source of mental energy at ito ay ang pagtaas sa mental energy.
Sa oras na mabuo ito ang bawat kilos ni Zhao Feng ay maaaring maikonekta sa Heaven Earth Lightning Law at mabis na tataas ang kapangyarihan nito.
Sa oras na iyon bukod sa cultivation ni Zhao Feng, hindi na siya magiging iba mula sa isang nasa True Mystic Rank.
"Ang root of law ko ay nagmula sa pagsasanib ng Lightning Inheritance at ng Mystic Flower Treasured Bible, ang pagsasama ng parehas na Righteous at Wicked path. Sa oras na mabuo ito kahit paano ay mas magiging malakas ito kaysa kay Bing Shuiyue."
Si Zhao Feng ay puno ng pagasa.
Hindi niya alam na ang pagbuo ng root of law mula sa dalawang magkaibang laws ay isang bagay na hindi naglalakas-loob isipin kahit ng mga taong normal na True Human Rank.
Sa paggawa nito halos makatama na si Zhao Feng sa isang pinagbabawal na lugar.
Isa itong napakamapanganib na pagkilos at kung pumalpak ito, maaari iton magresulta sa pagbaba ng kaniyang mental energy subalit dahil suwerte siya kayang mag-analisa at mag-kalkula ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng nang mas mabuti kaysa sa iba.
Ang kaniyang source of mental energy ay hind rin nasusukat at nakapasok na siya sa ancient Dao of soul kaya't hindi pa siya nakakatagpo ng kahit anong panganib.
"Zhao Feng."
Isang boses ang biglang narinig sa isipan ni Zhao Feng.
Binuksan ni Zhao Feng ang kaniyang mga mata at tumingin patungo sa estante ng mga manonood. Ang nagsasalita ay si Tiemo.
"Kapag hinamon ka ni Goddess Bing Wei, kailangan mong dali-daling sumuko."
Taimtim na sinabi ni Tiemo.
Ano?
Ang hamon ni Goddess Bing Wei?
Sininok si Zhao Feng at siya ay natakot. Kailan ito nangyari?
Nilagay niya ang lahat ng kaniyang enerhiya sa pagbubuo ng root of law at hindi niya ito alam.
Sa pagtingin sa paligid nakita niya si Goddess Bing Wei at ang paglalayong pumatay ng kaniyang mga mata ay halos nabubuo na at rumagasa ito sa mental energy level ni Zhao Feng, may bitbit na nakakapanigas na kalamigan.
"Alam kong nagdadalawang-isip ka at ginagawa mo ang lahat ng makakaya mo subalit ang lakas ng mga nakakapanlulang mga prodigies ay hindi lamang isang level na mas mataas sa'yo. Bata ka pa at higit pa sa sampung taong ang baba ng edad mo kaysa sa karamihan. Nasupresa na ako sa pagpapakitang-gilas mo."
Banta ni Deputy Patriarch Tiemo.
Hindi pa rin nakakapagpagaling si Zhao Feng mula sa paghamon ng isang Napakahusay na Prodigy.
Ang bawat isa sa mga nakakapanlulang mga prodiges ay mayroong lakas na maaaring maikumpara sa isang True Lord Rank.
Ika-una.
Sa pagkanood pa lamang sa limang Napakahusay na Prodigies nagkaroon na si Zhao Feng ng kongklusyon na ang pagkakataon niyang manalo ay mas mababa pa sa 10% at maaari siyang mabilisang matalo.
"Huwag mong ipilit. Tiyak na walang magandang intensyon si Goddess Bing Wei sa paghamon sa'yo. Dagdag pa rito, kahit na matalo ka hindi mo mawawala ang dragon blessing. Ang pangunahing punto rito ay ang inheritances, iyon ang pinakamagandang bagay…"
Pagpapatuloy ni Tiemo.
"Deputy Patriarch kumalma kayo, alam ko kung ano ang gagawin ko."
Tumango si Zhao Feng.
Ang plano ni Tiemo ay halatang wais at naglagay ito ng malaking importansya sa kabuuang stiwasyon.
Kung pipilitin ito ni Zhao feng paano siya makakakuha ng puwesto sa pagiging isang talunan? Paano siya makakauha ng inheritance?
Batay sa Sacred True Dragon Gathering.
Kung maraming several inheritances ang lumitaw ang mga nakatataas na rank ay ang makakauha ng unang pagpili.
Para naman sa mga mayroong bahagyang mas malaking inheritances maaaring magkaroon ng maraming puwesto sa halip na isa lamang.
"Batang may asul na buhok sinira mo ang kinabukasan ng littles sister ko. Hindi na siya makakapasok sa inheritances ngayon. Ibabalik ko kung ano ang ginawa mo sa kaniya at pababagsakin kita."
Malamig ang mga mata ni Goddess Bing Wei.
"Bing Wei, huwag kang sumobra mamaya. 'Wag mong sirain ang iyong kinabuksan dahil sa maliit na bagay."
Pagbabanta ni Mystic Ice Queen.
Bilang isang elder hindi niya maaaring parusahan si Zhao Feng dahil ikakababa ito ng kaniyang estado. Dagdag pa rito, ang kalahok ng Sacred True Dragon Gathering ay poprotektahan, lalo na ang itim na kabayo gaya ni Zhao Feng.
Marahang lumipas ang oras at parehas sina Goddess Bing Wei at si Zhao Feng ay nakaramdam na masiyadong marahan ang pag-andar ng oras.
Maraming mga henyo ang nagtinginan kay Zhao Feng ng mayroong pagkamuhi.
Sila Zhao Yufei, Jiang Sanfeng, Bei Moi at ang ang iba ay lahat nag-aalala.
Wala pang nakakasira ng alamat ng isang Napakahusay na Prodigy. Lahat sila ay lubos na nadurog.
Sa mismong oras na ito isang nakakapanabik na labanan ang nangyari sa gitna ng entablado.
Mo Tianyi laban kay Yu Tianhao.
Sa isang banda naroon ang pinuno ng Napakahusay na Prodigies na siyang sinasabing nandurog ng dose-dosenang henerasyon at ang isa ay nasa peak ng Northern continent.
Yuan Mountain Great Secret Palm!
Tinipon ni Mo Tianyi ang lahat ng kaniyang kapangyarihan at ginamit niya ang ultimate skill ng Heavenly Yuan Clan ng walang pagdadalawang-isip.
Boom--
Kuminang ang kaniyang palad at isang metal na tatak ng bundok ang parang lumitaw na kayang sirain ang lahat ng nasa loob ng isang daang yarda.
Ang buong entablado ay bahagyang nanginig sa tapat ng nakakatakot na galaw na ito at ang buong puwersa ay nagdulot upang hindi makahinga ang mga henyo.
"Ang Mo Tianyi na ito ay napakalakas. Ang Yuan Mountain Great Secret Technique ay nakaabot na agad sa ganitong mastery."
Si Qin Kunwu, ang ghost eyed man at ang mga kasamahan nito ay lahat natulala.
"Napakamakapangyarihan gaya ng bundok. Kung hindi ko gagamitin ang aking bloodline, hindi ko masasalag ito."
Lumukso ang puso ni Zhao Feng. Nakaabot na si Mo Tianyi sa hakbang na ito.
Unparalleled under the heavens!
Walang ekspresyong itinulak ni Yu Tianhao palabas ang kaniyang palad na parang sumakop sa lahat ng bagay.
Booooom!
Tila ba yumanig ang ang kalangitan sa harap ng palad na ito at isang misteryosong liwanag ang parang biniyak ang alapaap, sinisira ang lahat at kahit anong nasa landas nito.
"Panginoon ko, mayroon siyang battle power ng True Lord Rank."
"Ang Yu Tianhao na ito ay tiyak na karapat-dapat maging isang Napakahusay na Prodigy na lagpas sa dose-dosenang mga henerasyon. Nalagpasan niya ang Sword Saint Ye, at ang Scarlet Moon Patriarch noong kaedad pa lamang niya sila…"
Ang buong gitnang entablado ay nababalutang makapangyarihang skill ni Yu Tianhao na Unparalleled under the Heavens.
Bam!
Lumipad ang anyo ni Mo Tianyi at dumura siya ng maraming dugo sa ere habang namutla ang kaniyang mukha.