Northern stage.
Mula sa mga nakakapanlulang mga prodigies hanggang sa mga normal na henyo at ang mga manonood sa buong kontinente, lahat sila ay nagulat.
Lightning Fire God's Eye!
Kumislap ang kaliwang mata ni Zhao Feng at isang half transparent na apoy ang lumapag kay Bing Shuiyue.
Napagdesisyunan ang tagumpay sa isang kurap ng mata.
Walang nag-akala na magiging ganito kabilis ang pagbabago.
Isang sandali lamang bago mangyari ito si Bing Shuiyue ang nakakalamang subalit ngayon siya ay gumugulong-gulong na na para bang mas gugustuhin niya pang mamatay.
Si Zhao Feng ay bahagyang nasurpresa. Ang kapangyarihan ng Lightning Fire God's Eyes ay lagpas pa sa kaniyang mga inaasahan at mabilis nitong napuwersa ang kalaban sa sitwasyon ng bingit ng kamatayan.
Sa pagkakataong ito ang half transparent lightning fire ay sinusunog ang kaluluwa ni Bing Shuiyue at ang sakit na nararanasan niya ay sampu hanggang isang daang beses na mas malala kaysa sa pisikal na sakit.
"Little sister! Shuiyue… dali tanggapin mo na ang pagkatalo."
Sina Goddess Bing Wei at ang Mystic Ice Queen na nasa estante ng mga manonood ay sumigaw.
Plop!
Sumigaw si Bing Shuiyue at sunod ay hinimatay.
Shua!
Winagayway ng husgado ang True Dragon Flag habang mariin siyang nakatitig kay Zhao Feng.
Weng~
Ang True Dragon Token ni Zhao Feng ay mas naging matingkad at naging isang matamlay na pilak ito mula sa pagiging malalim na tanso.
Ang kaniyang dragon blessing ay lubos na tumaas.
Nang magpunta si Zhao Feng mula sa entablado na kita niya ang malamig na paglalayong pumatay ni Goddess Bing Wei pati na rin ang selos at galit ng ghost eyed man.
Kahit na tumaas na ang kaniyang kasikatan matapos ang laban na ito nainsulto niya pa rin ang isa sa mga Napakahusay na Prodigy at napaselos niya ang ghost eyed man.
"Ang pangunahing punto rito ay dapat mabilis mong mabuo ang root of law."
Umupo si Zhao Feng at isinanib ang kaniyang mga kaalaman sa loob ng isipan niya at kumunekta siya sa nakapalibot na Heaven Earth Yuan Qi.
Ngayon.
Ang labanan ng limang zones ay nakatungtong na sa mga huling yugto at sa apat na itim na kabayo ng Northern Stage, si Zhao Feng lamang ang mayroong apatnapu't-apat na panalo.
Ang labanan kanina ay nagdulot upang si Zhao Feng ang maging numero uno na itim na kabayo ng Northern Stage.
Kasabay nito, mayroon ding mga itim na kabayo mula sa East, South, West at sa mga middle zones.
Ang Southern zone ay mayroon ng apat na kabayo kabilang sina Xin Wuheng at si Liu Qinxin. Nakipaglaban si Xin Wuheng gamit lamang ang isang kamay at ay natalo pa siyang isang taong nasa True Mystic rank.
Sa taas ng arena sa entablado.
Ang siyam na Sovereigns ay nanonood sa arena ng mayroong gulat na mga ekspresyon.
"Napakabata ng Xin Wuheng na ito subalit mayroon na siyang pakiramdam ng isang Master. Wala siyang kahit anong bloodline o kaya'y nakakamanghang talento subalit kaya na niyang maabot ang ganitong puwesto. Kakaiba, kakaiba talaga."
Naisip ng bronze skinned giant Deputy Palace Lord.
"Tiyak ngang isa itong milagro at kaya niya pang mataasan ang kaniyang tunay na cultivation level."
"Ang eye bloodline ng batang iyon na may asul na buhok mula sa Northern zone ay malakas din at kahit papaano kapantay nito ang tatlong malalaking eye families. Zhe zhe, maaaring mayroon itong koneksiyon sa isa sa mga Eight Great God Eyes."
Pinagusap-usap ng mga Sovereigns ang kanilang mga iniisip.
Ang dragon blessing ng henerasiyon ngayon ay labis na malakas at ang bilang at kalidad ng mga itim na kabayo ay lagpas kaysa noon.
Ang bawat isa sa limang mga nakakapanlulang mga prodigies ay kayang dumurog ng maraming henerasyon.
Sa mga ulap.
Isa na namang malabong anyo ang lumitaw. Sa litratong ito, berdeng mga damo, mga tao at mga taong mayroong dalawang pakpak o kaya'y taong mayroong ahas na katawan ang makikita.
"Eh? Isa na namang inheritance shadowing ang nagpakita."
Itinaas ng mga Sovereigns ang kanilang mga ulo.
"Ito ang Gree Ocean Inheritance at naglalaman ito ng ilang mga species na ngayon ay hindi na nabubuhay sa kontinente. Ang Inheritance na ito ay lumilitaw lamang isang beses sa sampung libong taon."
"Ang halaga ng Green Ocean Inheritances ay talagang hindi na masama at malapit ito sa Four Great Inheritances."
Mas lumawak ang ngiti ng mga Sovereigns.
Ang unang round ng Sacred True Dragon Gathering ay hindi pa nagtatapos at dalawang inheritance shadowings ay lumitaw na.
Kahit ang Sword Saint Ye Wuxie, ang era ng Scarlet Moon patriarch, walang ganitong bagay na nangyari.
Ang tanging nakakapansising bagay ang isa sa Four Great Inheritances ay hindi pa nakikita.
Kung hindi magpapakita ang isa sa mga Four Great Inheritances kung ganoon nakaaawa naman ang henerasyon na ito.
"Huwag kang mataranta, ang four great inheritances ay lumilitaw lamang sa mga huling pagkakataon."
Matamlay na ngumiti ang bronze skinned Deputy Palace Lord.
Kahit na makapangyarihan ang era na ito, ang dragon blessing ay hindi makakaabot sa isang peak hanggang makarating pa sa huling mga yugto ng Sacred True Dragon Gathering.
Northern zone.
Nakadekuwatro si Zhao Feng sa sahig at inilagay niya ang lahat ng kaniyang atensyon sa root of law.
Sa loob ng kaniyang dantian ay mayroong panginginig. Ito ang pinanggalingan ng lahat ng cultivation ni Zhao Feng. Ang kaniyang mga kaalaman at ang lahat ng bagay ay nakabase rito.
Nagsimulang magpakita ang mga kaalaman ni Zhao Feng sa kaniyang isipan at ang matatamlay na mga asul na puwersa na minsan ay nagpapakita ay sumanib sa mundo.
Sa pagkakataong ito.
Ang root of law ay nagsimulang mabuo sa isipan ni Zhao Feng.
"Kung ito ay Lightning Inheritance lamang, maaari ko na sanang mabuo ang root of law…."
Bumuntong-hininga si Zhao Feng.
Alam niya na kahit wala pa siya sa True Mystic Rank subalit sinusubukan na niyang bumuo ng root of law.
Dagdag pa rito, sakim siya at nais niyang pagsanibin ang esensiya ng Mystic Flower Treasured Bible dito.
Subalit, kahit na wala ng paraan si Zhao Feng upang umatras, hindi niya ito pinagsisihan.
"Ang lakas ng root of law ay nakakaapekto sa lakas ng isang tao sa mga susunod. Halimbawa, si Bing Shuiyue ay kararating pa lamang sa True Mystic Rank subalit kaya niyang talunin si Ma Tiansan."
Hindi umatras si Zhao Feng at itiniim niya ang kaniyang mga ngipin.
Sa ilalim ng ganitong puwersa, ang kaniyang God's Spiritual Eye; ang kaniyang learning skills at ang pag-intindi niya ay nakaabot na sa peak nang madiskubre niya ang kaniyang potensyal.
Ang mga kaalaman sa isipan ni Zhao Feng ay maaaring nagbungguan nang ilang libong beses na.
Weng~
Ang True Dragon Token ay nakadirekta kay Zhao Feng sa entablado.
"Suko na ako."
Isang batang nasa huling mga yugto ng True Human Rank ang ngumuso at tinanggap ang kaniyang pagkatalo kahit hindi pa niya pinag-iisipan ito.
Matapos matalo si Bing Shuiyue si Zhao Feng na ngayon ang numero unong itim na kabayo ng North at ang kaniyang lakas ay maikukumpara sa first tier.
Nang siya ay bumaba sa entablado.
Nakaramdam si Zhao Feng ng kalamigan na nakapagpanigas ng kaniyang katawan.
Sa pagtingin sa paligid.
Ang mga mata ni Goddess Bing Wei ay puno ng malamig na paglalayong pumatay at sa tabi niya naroon si Bing Shuiyue na mayroong mamumutlang mata.
Hinalukipkip ng Mystic Ice Queen ang kaniyang mga kamay at tinatrato niya ang kaniyang disciple.
"Master, wala ka bang magagawa?"
Tanong ni Goddess Bing Wei.
Simula noong laban nila, si Bing Shuiyue ay napunta sa bingit ng kamatayan.
Sinuwerte siya na mayroong Origin Core Realm Sovereign dito at mga Spiritual Pills na nagligtas ng kaniyang buhay.
"Umalis na si Shuiyue sa mapanganib na lugar subalit ang pinsala sa kaniyang kaluluwa ay hindi gagaling sa loob ng maikling panahon. Nag-aalala lamang ako na ito ang makakapagpinsala sa root of law ni Shuiyue at kung siryoso ito, maaaring hindi na siya kailanman lumago."
Bumuntong-hininga ang Mystic Ice Queen.
"Hindi ba't ibig sabihin no'n…"
Itinikom ni Goddess Bing Wei ang kaniyang mga ngipin sa pagdadalawang-isip.
"Oo, hindi na siya makakalahok sa Sacred True Dragon."
Mapuwersang sinambit ng Mystic Ice Queen habang nakatitig siya sa likuran ni Zhao Feng at bigla siyang nanahimik.
Kahit ang isang Sovereign na nasa Origin Core Realm ay hindi maaaring mangialam sa Sacred True Dragon Gathering.
Ang bawat henyo sa Sacred True Dragon Gathering ay mayroong proteksiyon ng Sacred Alliance, lalo na ang mga napunta sa top one hundred.
Dagdag pa rito, naalala niya na si Zhao Feng ay nagmula sa Iron Blood Religion.
Dahil walang namatay o nagutay-gutay, hindi siya maaaring mangialam sa mga juniors.
Bwisit!
Kumislap ang mata ni Goddess Bing Wei ng mayroong paglalayong pumatay at ang nakapalibot na hangin ay nabalutan ng yelo.
"Sovereign, nais kong hamunin si Zhao Feng."
Inilabas ni Goddess Bing Wei ang kaniyang kumikinang na gintong True Dragon Token at ang kaniyang dragon blessing ay pumalibot sa buong Northern zone.
Batay sa mga patakaran ng Sacred True Dragon Gathering, ang lahat ng tao ay mayroong tatlong pagkakataon upang manghamon ng tao.
Noon ginamit na ni Bing Shuiyue ang paraan na ito upang hamunin si Zhao Feng at sa oras na ito ganito rin ang gagawin ni Goddess Bing Wei upang ipaghiganti ang kaniyang kapatid.
"Kahit na hindi kita sasadyaing patayin sa Sacred True Dragon Gathering, papatayin kita kahit na kailangan kong mawala ang ilan sa aking dragon blessing. Kahit papaano dudurugin kita at sisirain ko ang iyong cultivation."
Ang mukha ni Goddess Bing Wei ay puno ng paglalayong pumatay at ang kaniyang mala-nyebeng halos perpektong mukha ay kumulubot.
Ang True Dragon Token ng Napakahusay na Prodigy ay sumigaw at isang matamlay na gintong dragon ang bumalot kay Goddess Bing Wei.
"Diyos ko, ano ang ginagawa ni Goddess Bing Wei?"
"Nanghahamon siya ng isang itim na kabayo bilang isang Napakahusay na Prodigy?"
Ang eksenang ito ay ikinagulat ng buong sinaunang arena.
'Yu Tianhao' mula sa Middle zone, "Sila Tantai Lanyue mula sa Eastern zone, "Taiyun Shuangzi' mula sa Southern zone at 'Shi Chengtian' mula sa Western zone ay lahat may naramdamang bagay at lumingon sila patungo sa Northern zone.
Biglaan.
Limang gintong dragon blessings ang tumaas mula sa limang zones.
Sa mga oras na ito, ang unang round ng Sacred True Dragon Gathering ay nakaabot na sa peak at ang kapaligiran ay nataguyod na. Naramdaman ng mga hindi mabilang-bilang na mga henyo ang pagkulo ng kanilang dugo.
Weng~ Huang!
Ang mga nakapalibot na mga batong estatwa ay mas lalong naging totoo.
Ang presyon mula rito ay mabilis na tumaas at kahit ang mga nasa Origin Core Realm ay hindi ito kayang tiisin.
Ang aura na ito ay napakamarangal, napakamakapangyarihan at mukhang nagmula sa mga sinaunang eras.
"Ang sinaunang arena na ito ay mukhang ang nag-udyok sa mga kapangyarihan ng great ancient era. Tunay ngang ito ang supremong era."
Ang mga mata ng bronze skinned giant Deputy Palace Lord ay puno ng pananabik.
Dagdag pa rito.
Isa pang anino ang lumitaw mula sa mga ulap.
Ngayong oras.
Ang larawang ito ay puno ng mga ulap at mga eksenang punong-puno ng mga karagatan ng dugo at mga bundok-bundok ng mga bangkay na kahit ang mga henyong nasa loob ng ancient arena ay kayang maramdaman.
"Panginoon ko! Ito ang inheritance shadowing mula sa Scarlet Moon Inheritance!"
"Bakit mabilis na lumitaw ang Scarlet Moon Inheritance?"
Ang Scarlet Moon Inheritance ay tunay na karapat-dapat na maging isa sa mga Four Great Inheritances. Kalilitaw pa lamang nito at naisantabi na nito ang dalawang inheritances.