Simula noon sa Capital, ang paggamit ni Zhao Feng sa bloodline ay mas naging maayos.
Weng~
Isang malaki at misteryosong anyo na halos isang yarda ang taas ang lumitaw sa likuran ni Zhao Feng subalit sa oras na ito mas malinaw ito kaysa noon.
Ang tanging pagkakaiba ay sa ilalim ng anyo ng isang malabong 'trono ng yelo' ang parang lumitaw at nagpakawala ito ng isang sinaunang aura.
"Iyon ang!"
Sa estante ng mga manonood sinuri ng Mystic Ice Queen ang anyo sa likuran ni Zhao Feng ng mayroong pagkagulat.
Halatang ang anyo na iyon ay isang kapangyarihan na nagmula pa sa sinauna nito.
Subalit, ang ganito kapuro at katandang bloodline power ay isang bagay na kahit ang Mystic Ice Queen ay walang alam kung saan ito patungkol.
Sirain!
Sigaw ni Zhao Feng at itinulak niya palabas ang kaniyang palad na tila isang umuusbong na bulaklak at parang kalabog ng kidlat.
Sa pamamagitan ng palad na ito ang mga kaalaman ng Lightning Inheritance at ng Mystic Ice Treasured Bible ay perpektong nagsanib at ang epekto nito ay hindi kasingsimple ng one plus one.
Halata naman, ang pag-intindi ni Zhao Feng sa root of law na inaaral niya nakaraang mga araw ay lumago.
Hu~
Ang palad ay napalibutan ng isang anyo ng yelo na kayang patigasin ang dugo ng isang tao.
Ang palad na itinulak palabas ni Zhao Feng ay lumaki at naging flower of ice and lightning na halos sampung yarda ang sukat.
Boom----
Ang ice phoenix ay nakipagbungguan sa flower of ice and lightning, gumagawa ng isang nakakatakot na tunog ng pagsabog.
Crack!
Sumabog ang flower of ice and lightning sa ere.
Hu!
Nakakalamang pa rin ang Ice Win Phoenix Wings ni Bing Shuiyue at sumunggab ito patungo kay Zhao Feng kahit hindi pa ito kumpleto.
Hindi na nagulat si Zhao Feng. Mayroong malaking diperensya ng cultivation sa kanilang dalawa.
Bam!
Ang natitirang kapangyarihan ng Ice Wind Phoenix Wings ay humampas sa Three Flowered Treasured Lotus at nagdulot upang manginig ang tatlong petals.
Wu!
Ang misteryosong anyo sa likod ni Zhao Feng ay malalim na umatungal at nagpakalawa ng isang misteryosong proteksiyon na nagdulot upang maglaho ang kalamigan nang lumapit ito.
"Paano naging posible ito… ang pagkilos ng iyong kamay ay tiyak na kagaya ng sa akin! Ninakaw mo ang teknik ko!"
Hindi makapaniwalang tumingin si Bing Shuiyue kay Zhao Feng. Hindi niya inaasahan na mayroon siyang ganito kalakas na bloodline power.
Ang kakaibang bagay ay ang bloodline element ni Zhao Feng ay katulad ng sakaniya.
Noon sa Canopy Great Country, ang bloodline secret technique ni Prince Jin at ni Wang Xiaoguai ay iba kaya tinitingnan lamang ito ni Zhao Feng upang mapalago niya ang sakaniya.
Ngayon na nakakilala siya ng isang taong may parehas na bloodline element, kaya niya itong direktang kopyahin.
"Paano ito naging pagnanakaw ng iyong tekniik? Ang Ice elemental bloodlines ay hindi isang bagay na ang Mystic Ice Palace lamang ang mayroon."
Ngumiti si Zhao Feng.
Nanlamig ang mukha ni Bing Shuiyue nang siya ay umatake muli.
Ice Wind Phoenix Wings!
Isang kulay asul na yelong buhawi ang nabuo at naging isang mas malaki pang ice phoenix na sumugod pababa kay Zhao Feng.
Ice Lightning Mystic Flower!
Pinadaloy ni Zhao Feng ang kaniyang bloodline power at itinulak palabas ang kaniyang palad, direktang nakipagsagupaan sa ice phoenix habang kumukulog.
Pa! Bam! Boom-
Sa oras na ito, ang skill ni Zhao Feng ay mas lalong naging pamilyar at kaya na niyang direktang harapin si Bing Shuiyue.
Kung purong damage ang pag-uusapan, ang kapangyarihan ng ice and lightning ni Zhao Feng ay mas malakas kaysa sa yelo lamang subalit ang cultivation ni Bing Shuiyue ay nakaabot na sa True Mystic Rank at mayroon itong root of law na nagdulot upang mas higit siyang makalamang.
Kaya naman, sa sagupaan lugi si Zhao Feng subalit mas maganda ang ginagawa niya kaysa umiwas lamang siya.
Kumunot ang mga kilay ni Bing Shuiyue at siya ay nabalisa.
Si Zhao Feng ay mayroong three Flowered Treasured Lotus para sa depensa at mayroon siyang misteryosong proteksyon ng trono ng yelo sa likuran niya.
Ang kalamigan na nakatagos sa depensa ay misteryosong maglalaho sa tuwing lumalapit ito kay Zhao Feng at sa paglipas ng oras mas naging matingkad ang anyo sa likod ni Zhao Feng.
"Matindi ang batang ito na may asul na buhok! Kaya niya nang humarap kay Bing Shuiyue."
"Mukhang hindi pa rin kilala ang numero unong itim na kabayo ng Northern stage."
Nagulat ang mga manonood.
Si Qin Kunwu, Xia Xianshang at ang ghost eyed man ay nasurpresa rin.
Ang mga mata ng nakakalulang prodigy na si Goddess Bing Wei ay kumislap nang mayroong pagkamangha: "Ang kaniyang bloodline ay kaya pang higupin ang kapangyarihan ng yelo."
Ang bloodline inheritance ni Zhao Feng ay kayang dumepensa pati na rin umatake.
Dagdag pa ang Three Flowered Treasured Lotus, hindi siya matatalo.
Shua! Sou Sou!
Biglang lumipad ang Three Flowered Treasured Lotus at dahan-dahan, ang depensa nito ay naging opensa.
Pa! Bam! Boom---
Nagsagupaan si Zhao Feng at si Bing Shuiyue sa northern stage at wala sakanila ang nagbigay-daan para sa isa't isa.
Ang aura ni Bing Shuiyue ay mas malakas kung saan ang kay Zhao Feng naman ay mas maliksi at ang flower of ice and lightning niya ay namumulaklak sa bawat oras.
"Mukhang ang dalawang itim na kabayo ng Northern stage ay hindi na masama."
"Ang lakas ng dalawang itim na kabayo ay maikukumpara sa ika-unang yugo ng True Mystic Rank."
Nakuha ng labanan sa Northern stage ang atensyon ng mga manonood.
"Panalo si little sister."
Matapos maging tahimik sa matagal na panahon sa wakas ay bumulong na si Goddess Bing Wei.
Bilang isang napakahusay na prodigy, ito ang kaniyang kongklusyon.
Sino ang mananalo at sino ang matatalo?
Si Qin Kunwu, Xia Xianshang at ang ghost eyed man ay lahat nag-iisip.
"Ang Zhao Feng na ito ay talagang isang itim na kabayo na hindi ko man lamang napansin subalit sa kasamaang palad matatalo siya."
Sambit ni Qin Kunwu ng mayroong katiyakan.
"Ano ang ibig mong sabihin?"
Ang batang may hugis kuwadrado na mukha ay nagtatakang itinanong. Mataas ang tingin niya kay Zhao Feng at ang pakikipagpalitan niya ng tira kay Bing Shuiyue ay nakakatulala.
"Hindi panghabangbuhay ang kahit anong bloodline inheritance."
Ngumiti si Qin Kunwu.
Sa pagkarinig nito bahagyang nagbago ang ekspresyon ng batang mayroong hugis kuwadradong mukha subalit sunod ay bumuntong-hininga siya, na para bang tinatanggap niya ang kaalaman ni Qin Kunwu.
"Sa oras na mawala niya ang proteksiyon ng kaniyang bloodline power, paano siya haharap sa isang True Mystic Rank?"
Kumislap ang mga mata ni Bing Shuiyue ng mayroong kayabangan.
Kahit na hindi niya maasikaso si Zhao Feng ngayon, siya pa rin ang nakakalamang.
Ang sagupaan ng dalawa ay magdudulot upang mabawasan ang kanilang bloodline power at ang bloodlines ay mga inheritance na mahirap bawiin.
Kung bilis ng pagbawi ang pag-uusapan mas mabagal ang bloodlines kumpara sa Qi ng True Spirit.
Dagdag pa rito, naniniwala si Bing Shuiye na gamit ang kaniyang bloodline, mas makakatagal siya kay Zhao Feng.
"Matatalo ba ako?"
Paanong hindi nakikita ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang kasalukuyang sitwasyon?
Habang nagpapatuloy ang laban ay nababawasan ang kaniyang bloodline power subalit ayaw niyang matalo ng ganito.
"Hindi ko siya kayang tapatan sa pisikal na aspeto depende na lamang kung buuhin ko ang root of law ko. Mukhang ang kaya ko lamang subukan ay ang mental energy."
Pag-aanalisa ni Zhao Feng.
Espada, kamao at ang Qi ng True Spirit ay lahat pisikal na atake na makikita sa katotohanan.
"Eye of Illusion? Dahil malakas ang root of law niya, malamang hindi mababa ang kaniyang mental energy level. Eye of Ice Soul? Nagcucultivate siya ng ice element kaya't mayroon siyang matinding resistensiya laban sa mental energy. Eye of the Heart? Ang mga nagmula sa Mystic Ice Palace ay malalamig at mahirap makahanap ng kahinaan sa kanila."
Pinag-isipan ni Zhao Feng ang tatlo niyang eye bloodline techniques subalit natuklasan niya na ang pinakamagandang piliin ay ang Lightning Fire God's Eye.
Salungat ang apoy at yelo at ang Eye of Lightning Fire ay binubuo ng parehas na Lightning at Fire na umaatake sa dimensyon ng pisikal at mental energy.
Siyempre.
Mayroon pa ring pagpipilian si Zhao Feng at iyon ang Water Moon God Peach Fan gamitin ito upang tumira ng isang mental energy attack. Ang taong mas maraming mental energy ang mayroong mas malaking kalamangan.
"Subukan natin ang Lightning Fire God's Eye…."
Naisip ni Zhao Feng at napagdesisyunan niya.
Weng~
Sa loob ng kaniyang dantian, isang katiting ng True Spirit Lightning Fire ang biglang lumukso. Isang matamlay na asul na dugo ang kumunekta sa kaniyang True Spirit Lightning Fire patungo sa dimensyon ng kaliwa niyang mata.
Sa loob ng dimensyon ng kaniyang kaliwang mata.
Ang half transparent True Spirit Lightning Fire ay sumanib sa nagyeyelong lawa.
Peng Peng Peng Peng!
Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay tumibok sa isang kakaibang ritmo.
Ang nagyeyelong lawa sa kaniyang kaliwang mata ay biglang napalibutan ng half transparent na asul na liwanag ng kidlat at ng apoy na umiikot na para bang mayroon itong buhay.
Sa pagsanib ng eye power at ng True Spirit Lightning Flame, ang huling nabanggit ay parang naging 'mata' ni Zhao Feng.
Sa pagkakataong ito.
Ang mga kanto ng kaliwang mata ni Zhao Feng ay napalibutan ng isang matamlay na kulay asul na lightning flame na mabilis na umiikot.
"Iyon ang!"
Nanginig ang puso ni Bing Shuiyue at siya ay nabalisa.
"Paano… paano naging posible ito?"
Ang ghost eyed man na nanonood ay sumigaw sa gulat: "Ito ang Ghost Eye Flame Technique ng pamilya ng Wu!"
"Lightning Fire God's Eye… bukas!"
Kumislap ang kaliwang mata ni Zhao Feng.
Shu!
Isang matamlay na asul na lightning flame ang biglang lumitaw kung saan at sinunog ang katawan ni Bing Shuiyue ng mayroong 'boom'. Hindi lang ito isang normal na apoy.
Sa isang kurap ng mata ang asul na lightning flame ay nagsimulang masunog at lumawak pa ito patungo sa dimensiyon ng mental energy.
"Ahhh!"
Sumigaw si Bing Shuiyue at namutla ang kaniyang mukha at lumitaw ang malalamig na pawis sa kaniyang noo.
Pinadaloy niya ang kaniyang Qi ng True Spirit at mayroong nagpakitang mga matitingkad na linya sa kaniyang balat.
Shu~
Karamihan sa mga apoy na nasa kaniya ay mabilis na humupa subalit ang bilis ng Lightning Fire God's Eye ay masiyadong mabilis at tinatamaan nito ang pakay sa halos iisang oras na gagamitin ito.
Noong mamatay ang lightning fire ang balat ni Bing Shuiyue ay nalapnost na subalit mas malaking panganib ang nagmula sa dimensiyon ng mental energy.
Ang Lightning Fire God's Eye ay sumanib mula sa God's Spiritual Eye ni Zhao Feng at sa True Spirit Lightning Fire upang masunog din nito ang dimensiyon ng mental energy.
Sa pagharap sa soul attack, naubusan ng paraan upang dumepensa si Bing Shuiyue.
"Ahhh!"
Umatungal si Bing Shuiyue at gumulong sa sahig.
Ang hindi nakikitang lightning fire ay nasusunog sa dimensiyon ng kaniyang mental energy at nagdulot ito upang makaranas siya ng sakit na hindi pa niya nararanasan noon.
"Little sister!"
Labis na nagbago ang ekspresyon ni Goddess Bing Wei.
"Batang may asul na buhok… bakit ang lakas ng loob mong nakawin ang ghost eye flame secret technique ng pamilya ng Wu?"
Sigaw ng ghost eyed man.
Ang Lightning Fire God's Eye ni Zhao Feng ay halatang kinopya mula sa kaniya subalit mas makapangyarihan ito kaysa sa kaniya.
Sa pagkakataong ito itinikom ng ghost eyed man ang kaniyang mga ngipin sa galit at sa selos.
"Sandali, ang pinakanakakatakot na kapangyarihan ng bloodlien ng batang ito ay aaaring ang pagsuri at pagkopya sa skills ng kalaban."
May naisip bigla ang ghost eyed man at hindi niya mapigilang manlamig ang kaniyang paghinga.
Bilang isa sa mga tagapagmana ng tatlong pinakamalaking eye families, ito ang unang beses na may narinig siyang ganito kahalimaw na eye bloodline.