Ang magandang ito ay ang pinaka malakas na kalaban ni Zhao Feng. Ang punto ay ang kanilang labanan ay hindi direkta ng True Dragon Token kung hindi gawa ng tao.
Ito ay nagpa-isip kay Zhao Feng. Maliban sa pagsali sa mga labanan, ginamit niya ang karamihan ng kanyang oras sa pag unawa ng root of law at hindi masyadong pinansin ang totoong mundo.
Sa realidad, ang katotohanan ay hindi komplikado.
"Sa apat na black horses sa northern stage, sina Bing Shuiyue at Zhao Feng lamang ang may apat na pung panalo."
"Ang batang may asul n buhok na iyan ay mayroong magandang swerte. Iyon ang dahilan kung bakit niya napantayan si Bing Shiuyue."
"Hehe, mukhang palaban talaga si Bing Shiuyue kagaya ng kanyang kapatid. Hindi niya hahayaan na mangyari iyon."
Karamihan sa mga henyo ay mapaglaro, hinihintay na panoorin ang magandang palabas.
Tahimik na nakatayo si Bing Shuiyue sa entablado at ang kanyang mata ay puno ng pandidiri at panghahamak.
"Isang baguhan sa True Human Rank ang kapantay ko? Pamamahiya ito sa buong Northern zone. Ako ang nangungunang black horse."
Nagtagpo ang mga kilay ni Bing Shuiyue at mas lalong nandiri ngunit ang swerte ni Zhao ay palaging maganda at hindi siya nagpatalo.
Gusto niya na tuluyang manguna sa black horses ng Northern zone at manguna rin sa buong Sacred True Dragon.
Ito ang dahilan kung bakit niyabhinamon si Zhao Feng.
"Walang duda. Mabuti na lamang at inuunawa ko ang root of law at kakaabot niya lamang sa True Mystic Rank kaya magagamit ko siya upang tulungan ako. Isa pa, ang kanyang elemento sa bloodline power ay katulad sa akin.
Madaling tinanggap ni Zhao Feng ang katotohanan.
Kahit na wala siya masyadong tsansang manalo, matutulungan siya nito.
"Lalaking may asul na buhok, ang swerte mo ay natatapos na dito."
Saad ni Bing Sguiyue na mayroong panghahamak kasabay nang pag balot ng lamig ng kanyang True Spirit Realm kay Zhao Feng.
Hindi pa nagtatagal simula noong umabot siya sa True Mystic Rank at ang kanyang root of law ay maikukumpara sa unang yugto ng True Mystic Rank, ibig sabihin ay makapangyarihan ang kanyang mga skills.
Kung gayon.
Ang malamig na aura ni Bing Shuiyue ay kayang agad na sumira sa normal na True Human Rank sa isang labanan.
"Bwisit ang lamig."
Sininok si Zhao Feng ngunit nanatili ang kanyang mental energy na walang pahamak.
Shua!
Binuksan ni Zhao Feng ang kanyang God's Spiritual Eye at itinuon kay Bing Shuiyue.
Nagsimulang maglaho ang damit ni Bing Shiyue sa mata ni Zhao Feng at ang bagay na ito ay isa lamang sa kapangyarihan ng God's Spiritual Eye.
Gayunpaman, hindi ito ginawa ni Zhao Feng dahil siya ay manyak. Sa isang iglap ang katawan ni Bing Shuiyue ay napalitan ng dugo at Qi of Spirit. Ang kanyang bloodline power ay nakita rin.
Ang pinaka malinaw sa lahat ay ang kanyang Qi of True Spirit.
"Walang hiyang bata!"
Nakaramdam si Bing Shuiyue ng kakaiba at ang kanyang mukha ay namula bago magyelo sa lamig.
Extreme Northern Ice Wind!
Sumigaw si Bing Shuiyue kinaway ang kanyang kamay, na naglabas ng ice blue winds na tumungo kay Zhao Feng.
Baliw na mga atake.
Isang milya ang radius na ang binalot ng hangin ng Extreme Northern Ice Wind.
Isang hangin lamang ay sapat na upang agad na pagyeluhin ang peak True Human Rank sa isang bloke ng yeki.
Dahil siya ay galit at hiya, patuloy ang kanyang pag atake na umabot sa pito o walong Extreme Northern Ice Winds.
Si! Si!
Nakaramdam lamang si Zhao Feng nang makatindig-balahibong lamig na naging dahilan upang gumana ang kanyang True Spirit.
Ang root of law na ginawa ng True Mystic Rank expert ay maaring talunin ang True Human Rank.
Isa pa, ang kanyang cultivation at skills ay parehong mas malakas kay Zhao Feng.
Qiu!
Naging tila isang kidlat si Zhao Feng na nawala sa kanyang lokasyon.
Shua Shua!
Dalawa hanggang tatlong Zhao Feng ang nakita sa hangin sa mga sumunod na segundo.
Ang dalawa dito ay gawa ni Zhao Feng mula sa Yin Shadow Cloak.
Boom! Bam! Bam!
Sumabog ang nagyeyelong hangin at agad na sumalpok kay Zhao Feng na sumira sa dalawang kopya niya.
Sa sandaling ito.
Napaatras si Zhao Feng at ginamit ang kanyang Claw of Lightning kasama ang Waves of Lightning ngunit walang makapigil dito.
Ang lakas ng root of law, cultivation at skills ay sobra-sobra.
"Ang babaeng ito ay karapat-dapat na maging malapit sa lebel nina Mo Tianti ay Qin Kunwu."
Talagang mabilis lang na matatalo Zhao Feng.
Hindi niya pa ginagamit ang kanyang bloodline power at ang kanyang apat na bloodline power. Sa ngayon, ginagamit niya lamang ang God's Spiritual Eye at ang kanyang bilis.
Hindi pa rin ginagamit ni Bing Shiyue ang kanyang bloodline power at mga makapatay na atake.
Claw of Lightning!
Extreme Northern Ice Wind!
Ang Claw of Lightning ay tumama sa Extreme Northern Ice Wind!
Crack!
Ang Claw of Lightning ay agad na nasira at ang nga natirang hangin ay tumungo kay Zhao Feng.
Teleportation Lightning step!
Ang pigura ni Zhao Feng ay nawala at lumutaw ilang yarda ang layo.
Kumislot ang mga puso ng mga nanonood.
Si Zhao Feng ay tila naglalakad sa isang lubid. Ang kanyang isang pagkakamali ay maaring maging resulta ng kanyang pagiging yelo.
Gayunpaman, laging naiiwasan ni Zhao Feng ang panganib. Ang kanyang God's Spiritual Eye ay kayang kontrolin ang sitwasyon at suriin ang landas ng Qi of True Spirit ni Bing Shuiyue, kabilang kung saan ito galing at ang ruta na pupuntahan nito.
Shua! Qiu! Qiu!
Ang pinagsamang Lightning Inheritance at Mystic Flower Treasured Bible ay nagpabilis at liksi kay Zhao Feng.
Hindi espesyalidad ni Bing Shuiyue ang bilis at ang lahat ng kanyang atake ay nasusuri ni Zhao Feng maigi, kaya nagagawa niya itong iwasan.
"Kahit na malakas ka, hindi ako tinatamaan ng mga atake mo kaya ano pang magagawa mo?"
Nagtungo si Zhao Feng sa entablado at bahagyang kaswal na nagsalita.
Tumuon ang kanyang God's Spiritual Eye kay Bing Shuiyue at sinuri ang pag gamit niya ng root of law.
Ang mga henyo sa baba na nanonood ay nawala ang pang mamaliit.
Ilan sa mga pinaka henyo ay mayroong taimtim sa ekspresyon.
"Kahit na mukhang walang pagkakataon si Zhao Feng na manalo, siya naman ang may kontrol sa laban."
Naging maingat ang ekspresyon ni Xia Xianshang.
Iniisip niya ang tungkol sa resulta, kung lahat ba ng kanyang ruta ng espada ay nakikita ni Zhao Feng.
"Ang eye bloodline ng batang ito ay may napaka dalang na abilidad?"
Lumitaw ang inggit sa mata ng ghost eyed man.
Una, ang kanyang bloodline power ay may pagkukusa at ikalawa, ang malaking halaga ng kanyang mental energy ay binibigyan siya ng pagkakataon na manalo landas ng mental energy illusion.
Isa pa, ang kanyang natural na kaisipan ay nagsasabing ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay hindi simple dahil ang kanyang sariling eye bloodline ay naging balisa noong tumingin ito sa God's Spiritual Eye ni Zhao Feng.
"Si Shuiyue ay kinokontrol ng batang ito."
Napataas ang kilay ni Goddess Bing Wei sa panonood.
Matapos ang ilang dosenang atake.
Ang pigura ni Zhao Feng ay makikita sa lahat ng lugar at ang istilo nito ay tila katulad sa mayroon ang 'Water Moon Pirate' noon.
Ang kanyang God's Spiritual Eye ay nakatuon lamang kay Bing Shuiyue habang siya ay dumedepensa.
Hindi tanga si Bing Shuiyue at muli siyang naging kalmado, hindi niya na sinayang ang kanyang Qi of True Spirit.
Malamig ang ekspresyon ni Ving Shuiyue kasabt ng pagkalat ng kanyang Qu of True Spirit.
Hindi ito maganda!
Nagbago ang ekspresyon ni Zhao Feng. Nakita niya na umabot na sa hangganan ang root of law ni Bing Shuiyue at ang panganib ay naramdaman niya.
Ice Balde Windstorm!
Sumigaw si Bing Shuiyue kasabay ng paglipad niya sa langit at patuloy na ginagalaw ang kanyang kamay, na nagdudulot ng wind storm sa bawat lugar.
Ang mas nakakatakot pa rito ay mayroong ice shards na lumilitaw matapos ang wind storm na nagwasak sa mga bundok.
Sumayaw si Bing Shuiyue sa paligid at ang maraming ice blade wind storm ay tumaas ng ilang daang yarda.
Kahit saan siya pumunta, ang mapanirang windstorm ay sinusundan siya.
Bilang isang eksperto sa True Mystic Rank, ang bilis ni Bing Shuiyue ay hi di sobrang bagal kumpara kay Zhao Feng. Ang pagkakaiba nila ay ang kanilang liksi ngunit sa tulong ng ice blade windstorm, pinababa niya ang agwat na ito.
"Ang saklaw ng mga atake mula True Mystic Rank ay lagpas sa True Human Rank ng halos isang lebel.
Bumagsak si Zhao Feng s asahig n mayroong taimtim na ekspresyon.
Three Flowered Treasured Lotus!
Habang kalmado ng kanyang ekspresyon, lumitaw ang three-coloured lotus sa ilalim ng kanyang paa.
Weng~
Ang tatlong petals na kulay berde, asul at lila ay lumitaw sa lotus, na bumuo ng three-colured barrier.
Ding- Tok! Tok!
Kisap ang lumitaw sa paligid ng Three Flowered Treasured Lotus at ang atake mula sa ice blade windstorm ay naging dahilan upang lumabo ang kulay ng petals.
Hu~
Huminga nang mahaba si Zhao Feng kasabay ng kanyang pagtayo sa three-flower treasured lotus.
Ang kakayahan nuto dumepensa ay lubhang makapangyarihan.
Ang Threr Flowered Treasured Lotus ay nagbigay ng nakaka hipnotismong amoy na naging dahilan upang sumigaw at mapaatras si Bing Shuiyue ng ilang yarda.
"Walang hiya!"
Bahagyang namula ang mukha ni Bing Shuiyue at nag inut ang kanyang katawan.
May pandidiri niyang tinignan si Zhao Feng at hindi naman siya nito pinansin at bumulong: "Ang inheritance at skill ng babaeng ito ay makapangyarihan kaya mayroon itong magandang root of law at maikukumpara siya sa mga nasa unang yugto ng True Mystic Rank."
Sa puntong ito, naintindihan na ni Zhao Feng ang root of law ni Bing Shuiyue.
Kinuha ni Zhao Feng ang teknik at fireksyon upang bumuo ng root of law ngunit kulang siya sa oras.
Sa sandaling ito, muli siyang inatake ni Bing Shuiyue kasabay nang paglitaw ng linya ng yelo sa kanyang balat.
"Ice Wind Phoenix Wings!"
Ang windstorm sa hangin ay nagsama-sama at tumaas ang lakas nito.
Sa wakas, ang mapanirang kapangyarihan ay naging ice phoenix na nagdala ng presyur mula sa antigong panahon.
"Ito ang iyong bloodline power?"
Bahagyang nanginig ang bloodline ni Zhao Feng at ang antigong aura ay naging dahilan upang mahirapan siyang huminga.
Kahit na mayroon siyang Three Flowered Treasured Lotus, mahirap para sa kanya na harapin ang atakeng ito.
Gayunpaman, sa mapanganib na sitwasyong ito ay naging kalmado si Zhao Feng.
Gamit ang kanyang God's Spiritual Eyes ay nakita niya ang paggamit ni Bing Shuiyue ng bloodline power.
"Dahil pareho ang elemento ng aming bloodline, mukhang akma iyan sa akin."
Tumalon ang puso ji Zhao Feng
Shua!
Isang larawan kung paano gamutin ang bloodline ang lumitaw sa isip ni Zhao Feng sa kung paano ginamit ni Bing Shuiyue ay nakopya niya.
God's Spiritual Eye - Copy!
Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay nagbigay ng misteryosong asul na ilaw at sa ilang sandali, nakopya niya ang paraan nang paggalaw ni Bing Shuiyue ng kanyang kamay sa hangin.
Huang!
Isang malaki at malabong pigura ang lumitaw sa tabi ni Zhai Feng. Ito ay kahanga-hanga at naupo sa ice throne, na tila isang Lord of Winter.