Northern stage.
Ang paglalaban sa pagitan ng True Mystic Ranks ay natapos sa pagtatagumpay ni Bing Shuiye.
"Siya nga ay talagang karapat-dapat na maging star sa Mystic Ice Place. Hindi pa katagalan simula noong umabot siya sa True Mystic Rank at natalo niya si Ma Tiansan na nasa unang yugto na ng True Mystic Rank."
"Mukhang nakatangganap sina Bing Shuiyue at Goddess Bing Wei ng esensya ng Mystic Ice Inheritance."
Napa buntong hininga sa paghanga ang mga henyo.
Ang Mystic Ice Palace ay sikat sa kontinente at may hawak ng isa sa apat na great inheritances, ang 'Mystic Ice Inheritance' na maaari lamang mabuksan isang beses sa isang dosenang taon.
Sa ranggo ng Sampung Great Clans, ang Mystic Ice Palace ang palaging nangunguna at sa bawat Sacred True Dragon Gathering, marami silang peak prodigies.
"Ang ice elemental skill ni Shuiyue na nacultivate ay mas mahusay pa sa aking Lightning Inheritance ay mayroon din siyang makapangyarihang bloodline…"
Pinanood ni Zhao Feng ang labanan mula simula hanggang matapos at naramdaman niya ang katakot-takot na lakas ni Bing Shuiyue na maaring maabot ang lebel ni Mo Tianyi at Qin Kunwu.
Napakalakas din ni Ma Tiansan at may tsansa na umabot sa nangungunang tatlumpu. Ang kanyang lakas ay mas mababa lamang sa first tier.
Kung haharapin ni Zhao Feng si Ma Tiansan, wala siyang kumpyansa na mananalo siya at kahit na manalo siya ay mahihirapan siya.
Matapos ang labanan.
Si Bing Shuiyue ang nangunang black horse sa Northern Stage at isa rin sa mga nangungunang black horses sa Sacred True Dragon Gathering.
"Shuiyue, mahusay ang ginawa mo sa labanang ito."
Ang napakahusay na prodigy na si Goddess Bing Wei ay nagpakita ng ngiti na bihira lamang niyang gawin.
"Big sis, unang labanan pa lamang ito at na pwersa na akong gamitin ang aking bloodline."
Mabilis ang paghinga ni Bing Shuiyue. Hindi madali ang kanyang labanan kanina bagkus ang bronze True Dragon Token sa kanyang kamay ay nagsimulang magkulay pilak, ibig sabihin ay tumaas ang kanyang dragon blessing.
"Little sis, kailangan mong maintindihan na maraming mga henyo ang maaaring humamon ng mga nasa mataas na cultivation. Isang malaking bagay na para sa iyo na matalo si Ma Tiansan na mababa ang cultivation."
Hinaplos ni Goddess Bing Wei ang buhok ng kanyang kapatid ng mayroing pagmamahal.
Ang Northern stage.
Matapos ang dalawampung labanan ay naging malinaw ang sitwasyon.
Sa apat na black horses ay nanguna si Bing Shuitue, ikalawa si Hong Zhan na nasa unang yugto ng True Mystic Rank cultivation at nanalo siya laban sa isang True Mystic Rank expert.
Ikatlo si Zhao Feng na nanalo rin sa dalawampung labanan at ang ikaapat ay si Wang Xiaoguai.
Gayunpaman, sa ikalawang dalawampung labanan, hindi na maganda ang suwerte ni Wang Xiaoguai at natapat sa kanya si Qin Kunwu.
Si Qin Kunwu ay isang alamat sa kanilang kontinente at mas mataas rin ang ranggo kay Mo Tianyi noong nakaraang True Dragon Gathering.
Boom!
Pinagana ni Wang Xiaoguai ang kanyang bloodline power sa sandaling pumunta siya sa entablado at ang kanyang mata ay nagliwanag ng kulay lila't ginto at lumaki ang kanyang katawan, na nagdulot upang mag mukha siyang bahagyang higante.
Sa sandaling iyon ang kanyang pisikal na itsura ay umabot sa katakot-takot na estado na maaaring wumasak sa normal na True Mystic Rank gamit lamang ang kanyang kamay.
Earth Hell Wind Cloud Stick!!
Kinaway ni Wang Xiaoguia ang kanyang ginto at pilak na patpat sa kanyang paligid at pinalibutan ng hangin ang isang daang yardang radius.
Tungkol naman sa battle power, maikukumpara na sj Wang Xiaoguai sa True Mystic Rank.
Kakaiba ang kanyang bloodline power. Mas lalo siyang nasusugatan ay mas lalong lumalakas ang kanyang battle power.
"Gankun Righteous Art Technique."
Ang mga mata ni Qin Kunwu ay tila mga bituin at ang kanyang katawan ay nakakuha nang malaking halaga ng Qi of True Spirit na konektado sa Heaven Earth Yuan Qi.
Hu~~
Isang kulay lilang bituin ang agad na kumislap na isang milya ang layo.
Ta!
Sumigaw si Qin Kunwu at ang kanyang palad na mayroong ilaw mula sa lilang bituin ay bumalot sa kapaligiran. Mayroon itong hangin ng kabutihan at tinali ang mga demonyo at halimaw.
Malakas na winagayway ni Wang Xiaoguia ang kanyang patpat sa hangin ngunit ito ay gusot pa rin.
"Bam!"
Ang napakalakas na kapangyarihan ay agad na nagpaubo kay Wang Xiaoguai ng dugo.
Ang pagkakaiba ng lakas ay hindi mahahabol sa pamamagitan ng bloodline o skill.
Hindi na nagulat si Zhao Feng na natalo niya si Wang Xiaoguai. Matapos ng lahat, ang kalaban ay kalebel ni Mo Tianyi at may pagkakataon na umabot sa nangungunang dalawapu kung hindi man sa nangungunang sampu.
"Sa kasamaang palad, masyado itong mabilis…"
Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay sumanib sa Qi of True Spirit at ang kanyang root of law ngayon ay nakipagtulungan sa Heaven Earth Yuan Qi.
Gayunpaman, ang battle power ni Qin Kunwu ay mas malakas sa kanilang iniisip at natalo si Wang Xiaoguai sa isang atake. Walang pagkakataon si Wang Xiaoguia.
Pumikit si Zhao Feng ay sinanib ang kanyang kamalayan sa kanyang Source of True Spirit upang maramdaman ang pagkalalim nito.
"Ang lalim ng aking Source of True Spirit ay mula sa Lightning Inheritance at Mystic Flower Treasured Bible."
Sinuri ito isa-isa ni Zhao Feng.
Kapag may isang True Mystic Rank na nakikipaglaban, pinapanood ito ni Zhao Feng kahit saang zone pa ito galing.
Sa kanyang panonood, nakakuha siya ng ilang kaalaman.
"Ang root of laws ay upang bumuo ng 'root' gamit ang kaalaman ng isang tao at gamitin ito upang humiram ng kapangyarihan sa Langit at Mundo."
Isang kaisipan ang lumitaw sa puso ni Zhao Feng.
Ang root of law ay upang magamit ang Source of True Spirit bilang buto at ang mental energy upang maramdaman ang Heaven Earth Yuan Qi.
Sa paraang ito, ang mga cultivators ay mas magiging makapangyarihan.
Dahil ang mga nasa True Mystic Rank ay mayroong root of laws at lahat ng kanilang atake ay maaring tawagin ang kanilang kapangyarihan sa Langit at Mundo ngunit tanging ang mga nasa True Lord Rank ay kayang direktang 'palabasin' ang Heaven Earth Yuan Qi.
Siyempre, ang mga nasa True Mystic Rank ay maaari ring direktahin ang Heaven Earth Yuan Qi ngunit pareho lamang sa epekto nang 'pagtawag.'
Matapos niyang maisip ang mga ito.
Kailangan pa ni Zhao Feng ng dalawang hakbang upang mabuo ang kanyang 'root of laws.'
Una, kailangan niyang maintindihan ang Heaven Earth Laws at kailangan niya nang mataas na pang-unawa.
Ito ang hakbang na kinakailangan ni Zhao Feng at hindi niya pa magawa.
Ang ikalawa ay kailangan niyang buuin ang root of law gamit ang kanyang mental energy at Source of True Spirit bilang buto.
Magagawa lamang ito ni Zhao Feng kung mataas na ang lebel ng kanyang mental energy.
"Ang mahalagang bagay ay ang unang punto. Kailangan kong pagsanibin ang Lightning Inheritance and Mystic Treasured Bible upang maintindihan ang kakaibang batas.
Pumikit si Zhao Feng at nagsimula itong intindihin.
Sa totoo lamang, maari siyang bumuo ng root of laws gamit ang isa sa dalawang Lightning Inheritance at mas madali ito ngunit gusto ni Zhao Feng na maging perpekto ito. Gusto niyang buuin ang root of law gamit ang pinagsanib na Lightning Inheritance at Mystic Treasured Bible.
Ibig sabihin nito ay ang hirap at gulo nang pagbuo ng root of law ay higit na mas komplikado sa normal lamang.
Sa kabutihang-palad, hindi normal na tao at may tulong mula sa God's Spiritual Eye at malaki ang dami ng kanyang mental energy na nagbigay sa kanya ng mataas na pang-unawa.
Sa kanyang isipan.
Malalalim na kidlat ang nakihalubilo sa mga bulaklak.
Kasabay nito.
Ang simbolo ng kidlat sa noo ni Zhao Feng ay lumitaw at may senyales ng pagbasag.
"Hindi mahirap na unawain ang root of law ngunit ang tanging problema ay oras."
Kailangan na tapusin ni Zhao Feng ang root of law sa loob ng sampu hanggang labing limang araw.
Ito lamang ang paraan upang makakuha siya nang mataas na ranggo.
Makalipas ang ilang sandali.
Nakababad na si Zhao Feng sa mundo ng mental energy at ang kabatiran ng batas ay nakapalibot sa kanyang katawan.
Sa isang kurap lamang ay ilang araw na ang nakalipas.
Ang labanan sa limang zone ay nagpatuloy.
Sa Northern stage.
Ang napakahusay na prodigy na si Goddess Bing Wei ay nakatayo pa rin at kita ang kanyang katayugan.
Sina Qin Wi at ng ghost eyed man ay wala pang mga talo.
Si Xia Xianshang ang malas at nakalaban si Goddess Bing Wei at natalo sa dalawa o tatlong atake.
Sa Middle stage.
"Unparalleled under the Heavens!"
Ang palad ni Yun Tianhao ay mayroong misteryosong ilaw na dumudurog sa lahat ng maabutan nito na nagpayanig sa entablado.
Ang gintong dragon ay makikita sa kanya na tila umaalulong.
Peng!
Sumuka ng dugo si Prince Jin habang siya ay pinatalsik sa entablado at ang mapait na ngiti ay makikita sa kanyang labi.
Hindi matukoy kung ito ba ay kaluwalhatian o lungkot na makipaglaban sa isang prodigy na si Yu Tianhao.
Si Yu Tianho ay nasa peak True Mystic Rank at ang kanyang lakas ay sapat na upang makalaban ang mga nasa True Lord Rank.
Isa pa, ang skill na Unparalleled under the Heavens ay isang teknik na nagpapawala sa kulay ng ibang Inheritances.
Sa Northern Stage.
Biglang binuksan ni Zhao Feng ang kanyang mata.
Weng~
Ang kanyang True Dragon Token ay biglang kumalog at magtungo sa kanya.
"Ang ika-apat na pu't apat na laban. Pagkakataon ko na."
Walang emosyon na nagtungo si Zhao Feng sa Northern Stage.
Matapos ang apat na pu't apat na panalo, naging isa si Zhao Feng sa black horse ng Northern Stage.
Sa entabladong ito ay naging kulay tanso at mayroong sirit ng pilak ang kanyang True Dragon Token.
Ito ay dahil malakas si Zhao Feng at swerteng nakaabot siya sa ganitong resulta.
Ang dahilan bakit siya swerte ay dahil hindi pa nakakatagpo ng napakahusay na prodigy si Zhao Feng o mga henyo sa first-tier.
Kasalungat nito ay nakatagpo na sina Wang Xiaoguia at Hong Zhan ng mga makapangyarihang kalaban at natalo
Maging si Bing Shuiyue ay nakalaban su Ma Tiansan, isang True Mystic Rank expert.
Shua!
Isang cold snow robed girl na babae ang lumutang sa Northern stage. Ang mukha nito ay gawa sa yelo na maaaring sumira ng mga bansa.
Ang makapangyarihan na True Mystic Rank aura ay nakihalubilo sa Heaven Earth Ice Yuan Qi at bumuo nang katakot-takot na lamig.
Su!
Sininok si Zhao Feng at ang lamig ay sapat na upang tumagos ito sa kanilang buto.
Hua!
Nagsigawan ang mga tao sa baba ng Northern stage dahil puno sila nang kasabikan at pag-asa.
"Mukhang hindi ganoong kaganda ang aking swerte."
Nais agad tapusin ni Zhao Feng ang kanyang laban, ngunit ang kanyang katunggali at ang pinuno ng apat na black horses, si 'Bing Shuiyue.'
"Bing Shuiyue, hinamon mo si Zhao Feng, kapag nanalo ka, kalahati lamang mula sa orihinal na halaga ang makukuha mo at kapag natalo ka, doble ang matatalo mo."
Nagsalita ang hurado at muling nagpaalala.
"Naiintindihan ko."
Ang malamig na mata ni Bing Shuiyue ay tuminhin kay Zhao Feng.
Nang marinig ito ni Zhao Feng ay nagulat siya. Hinamon siya ni Bing Shuiyue at hindi ito nagkataon lamang.
Ang patakaran ay nagsasabing maaaring hamunin ang ibang tao ngunit tatlong beses lamang ito.
"Bing Shuiyue, bakit mo ako hinhamon?"
Tumalon ang puso ni Zhao Feng.