"Ang aura ng 'Inheritance Shadowing ay mukhang maayos ngunit wala pa rin ito sa kagandahan ng Four Great Inheritances."
Ang bronze skinned gint Deputy Palace Lord ay tumingin sa mga ulap.
"Hehe, ang inheritance na natatago ay lumabas na. Ibig sabihin nito ay mas maraming mga Inheritances sa kontinente."
"Tama iyon, noon ay mayroong is ao dalawang inheritances at minsan ay wala."
Ang mga kasapi sa Sacred Alliance ay sobrang sanay na.
Ang mga mata nila ay puno ng pag-asa at kagalakan.
Siyam na Sovereigns ang naupo sa entablado at tumingin sa labanan sa baba.
Ang limang pook ay nasa unang labanan pa lamang. Ang salpukan ng bawat henyo ay magbubukas ng kanilang potensyal, na gumagawa ng mas maraming genius dragon blessings.
Gamit ang labanan ang bloodline, talento, kagustuhang lumaban at potensyal ay lumalabas, na nagdudulot sa bahagyang pagbabago ng antigong arena.
Ang antigong arena ay napalilibutan ng mga bundok ng mga batong estatwa at ang aura na kanilang nilalabas ay mas lalong nakikita.
Northern stage
May pakiramdam si Zhao Feng na siya ay sinusuri ng mga batong estatwa sa paligid.
Ang mga batong estatwa ay tila mga natutulog na diyos na nanonood sa labanan at humahanga o nang hahamak.
"Hanggang hindi ko nakikita ang first-tier geniuses gaya nila Qin Kunwu, ghost eyed man, Xia Xianshang o ang napakahusay na prodigy, patuloy na lalaki ang aking dragon blessing."
Naisip ni Zhao Feng.
Mayroong anim o pitong daang mga henyo sa Northern zone at mahirap makatagpo ang espisipikong tao.
Gayunpaman, ang Sacred True Dragon Gathering ay may isa pang batas:
Kapag may hinamon kang tao at natalo ka mawawalan ka ng dalawang orihinal na dragon blessing at kapag nanalo ka, kalahating orihinal na dragon blessing lamang ang matatanggap mo.
Dagdag pa dito, tatlong beses lamang ito maaaring gawin ng isang tao.
Kaunting tao lamang ang nais na gawin ito.
Maging ang limang napakahusay na mga prodigies ay hindi ito agad ginagawa maliban na lamang kung patapos na ang mga labanan at kailangan nilang makahabol sa iba.
"Ang lahat y nakadepende sa tadhana…"
Nakinig si Zhao Feng sa True Dragon Token at kinalaban ang sino man na kanyang makatapat.
Sa ngayon, ang kanyang swerte ay hindi na masama at hindi niya pa nakakalaban ang napakahusay na prodigy o ang tatlong tao sa first tier.
Sampung panalo… labing-isang panalo…. Labing dalawang panalo…
Paisa-isang nadadagdagan ang tagumpay ni Zhao Feng.
Kaya niyang talunin kahit mga nasa True Mystic Rank at gamitin ang natitirang oras upang mag-isip.
Ang labanan ng limang pook ay nagpatuloy mula sa sampu hanggang labing limang araw.
Mula sa higit isang dosenang labanan, ang sitwasyon sa Northern Zone ay mas naging malinaw.
Ang pinakamalakas ay ang napakahusay na prodigy - Goddess Bing Wei.
Maliban sa kanya ay ang tatlo sa first tier: Qin Kunwu, ghost eyed man at Xia Xianshang.
Ang tatlo ay mikukumpara kay Mo Tianyi at si Zhao Feng maaring matalo sa tatlong ito.
Matapos ito ay ang second tier na kinabibilangan ng lima hanggang anim na True Mystic Rank experts.
Sa wakas pagkakataon na ng black horses.
Ang black horses ag nangangahulugan na hindi sila sumali sa nakaraang Sacred True Dragon Gathering at ang kanilang tokens ay kulay puti.
Sa kasalukuyan, mayriing apat na true black horses: Bing Shuiyue, Hong Zhan, Zhao Feng at Wang Xiaoguai.
Ang apat na ito ay nanalo sa kanilang mga nilabanan noong simula.
Ang apat na black horses ay may kakayahan at tsansa na umabot sa second tier.
"Ang Northern zone ay mayroong apat na black horses."
Napa bulong si Qin Kunwu sa gulat.
"Hehe Brother Qin, wala kong nakikitang mali. Ang lalaking may asul na buhok ay totoong black horse."
Ang square faced youth ay bahagyang ngumiti.
"Hmph, sa apat na black horses, sina Bing Shuiyue at Hong Zhan ay nasa simulang yugto ng True Mystic Rank at maituturing na malakas. Lalo na si Shuiyue, kapatid siya ni Goddess Bing Weui at maari akong takutin. Para naman kay Zhao Feng at Wang Xiaoguai na parehong nasa simula at huling yugto ng True Human Rank, kahit gaano pa kalakas ang kanilang bloodlines, mahihirapan silang magtagumpay.
Kaswal na saad ni Qin Kunwu.
"Pakiramdam ko ay ang lakas ni Zhao Feng ay hindi masyado ngunit si Shuiyue ay talagang malakas."
Umiling ang square faced youth.
Kasabay nito ang 17 o 18 na taong gulang na babae na mayroong magandang mukha ay pumunta sa entablado.
Ang babaeng ito ay 'cold beauty' at nagbigay nang malamig na aura.
"Ang Bing Shuiyue na ito ay nanalo na ng 19 na laban."
"Maliban sa Goddess Bing Wei, siya ang pinakamalakas na babae sa Northern zone."
Ang mga nanonood ay nagulat sa itsur at lakas ni Bing Shuiyue.
Wala na maliban sa Goddess Bing Wei sa first tier ang katapat ni Bing Shuiyue.
"Zhe zhe, ganda, narinig ko ang tungkol sa iyong Mystic Ice Palace skill. Ang isang ito ay gusto kang hamunin."
Isang lalaking puro tigyawat ang naglakad sa entablado. Ang True Dragon Token ng lalaking ito ay naglabas ng kulay pilak na ilaw at ang kanyang cultivation ay umabot na sa unang yugto ng True Mystic Rank.
"Siya si Ma Tiansan."
"Ang lalaking ito ay umabot sa ika-limampu hanggang ika-animnapu noon. Mukhang nakahanap ng mahirap na katapat si Bing Shiyue.
Ang mga manonood ay inaabangan ito.
Sa kabilang banda ay ang pinaka malakas na black horse sa Northern zone at ang isa ay True Mystic Rank expert.
"Baklang pangit,mata talo ka!"
Lumitaw ang mukha ng pandidiri kay Bing Shuiyue.
Extreme Northern Ice Wind!
Inabante ni Bing Shuiyue ang kanyang kamay at ang nagyeyelong hangin ay lumitaw patungo kay Ma Tiansan.
Ginamit noon ni Goddess Bing Wei ang atakeng ito sa kanyang kalaban at agad itong nanigas.
"Zhe zhe… ganda, huwag kang magmadali. Matutuwa ka kay kuya."
Mapusok na ngumiti si Ma Tiansan at kinaway ang kanyang kamay, na nagdala ng dose-dosenang madilim na abong ilaw patungo kay Bing Shuiyue.
Boom----
Ang salpukan ng True Mystic Rank ay naging dahilan ng pagsabog na umabot sa isang milya.
Qiu----
Napaatras ni Bing Shuiyue sa alon ng hangin.
Ang cultivation ni Ma Tiansan ay mas mataas sa kanya at mas marami itong karanasan.
Ang mga nasa True Mystic Rank ay nalaman na agad ang kanilang Roots of Law at nagagamit ang tulong ng Heaven Earth Yuan Qi upang maglabas ng maraming kapangyarihan. Kumpara sa True Human Rank ay mas malakas sila.
Ito ay ang pagkakatugma sa pagitan ng kasanayan at Heaven Earth Yuan Qi.
Halimbawa, si Bing Shuyue. Maliban sa kanyang cold Qi ng True Spirit maari niya ring tawagin si Yuan Qi sa labas ng mundo.
"Ang Qi ng True Spirit na nasa True Mystic Rank ay mataas ang kalidad at dami kaysa sa True Human Rank. Ang tanging kaibahan lamang ay naintindihan nila ang root of laws at tungkol sa paggaling naman, pagkuha mula sa Heaven Earth Yuan Qi o kapangyarihan at saklaw ng skills, malalagpasan nito ang True Human Rank."
Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay may ilang mga magagamit na impormasyon mula sa labanan sa pagitan ng True Mystic Ranks.
Habang nanonood siya, ginagamit niya rin ang kanyang Lightning Iheritance sa dimension ng kanyang kaliwang mata at kinukumpara niya ito.
Ice Wind Phoenix Wings!
Sumigaw si Bing shuiyue at ang ice phoenix ay lumitaw sa hangin. Mukhang mayroon din itong ancient bloodline power.
"P*ta, ang babaeng ito ay nabaliw na."
Sumigaw si Ma Tiansan kasabay ng paglitaw ng Spiritual grade weapon sa kanyang kamay, na bumuo ng arko ng dose-dosenang yardang haba.
Ang bagyo ng ice phoenix ay sumalpok sa dark grey arc.
Katakot-takot na hangin ang umabot sa isa hanggang dalawang milya.
Ang natitirang enerhiya mula sa labanan ay maaaring sumira sa nayon.
Ang mga henyong nanonood ay naramdaman ang kirot sa kanilang puso. Kung ang normal na True Human Rank ay sumabak sa ganitong labanan maaring sila ay namatay na.
"Ang True Mystic Rank ay talagang malakas. Ang aking mental energy ay maikukumapara sa True Mystic Rank. Kung talagang gusto kong bumuo ng root of laws, eh… Sa teorya lamang maari…"
Napabuntong-hininga si Zhao Feng sa kanilang kalakasan at gulat na malaman na ang kanyang mental energy level ay maikukumpara na sa True Mystic Rank.
Maliban sa kalidad at dami ng Qi of True Spirit, ang pinaka malaking pagkakaiba ay ang mental energy.
Ang simbolo ng True Mystic Rank ay maintindihan at bumuo ng sariling 'law root'.
Ito ay upang bumuo ng buto na makikipag halubilo sa Langit at Mundo. Ang buto ay, sa katotohanan, ang Source of True Spirit dahil ang Source of True Spirit. Ay base sa cultivation technique na nakuha mula sa Heaven Earth Yuan Qi.
Sa teorya, hanggang sapat ang mental energy ng isang tao, maaari silang bumuo ng root of law.
Sa isang sandali.
Isang katakot-takot na bagay, ang makwasak na plano ang pumasok sa isipan ni Zhao Feng.
"Magagawa ko b ito sa sampung araw?"
"Kapag nagtagumpay ako, magkakaroon ako ng base cultivation na maikukumpara sa unang yugto ng True Mystic Rank at magkakaroon ng malaking tsansa na umabot sa sampung mangunguna. Mayroon din akong tsansa na makalaban ang napakahusay na mga prodigies.
Hindi mapigilan ni Zhao Feng na huminga nang malalim.
Habang iniisip niya ito lalo, nanginginig ang kanyang buong katawan.
Sa teorya, ang planong ito ay gagana ngunit ang mahalagang bagay ay kung mabubuo ni Zhao Feng ang root of law o hindi.
Crack! Peng---
Isang malakas na kalampag ang nagmula sa Northern stage at ang nagyeyelong bundok na may katakot-takot na lamig ay ay bumalot kay Ma Tiansan.
Boom!
Tumilapon si Ma Tiansan sa entablado at halos naging bloke ng yelo habang patuloy siyang sinisinok sa gulat: "Hindi pa nagtatagal simula noong makaabot ka sa True Mystic Rank at ang iyong root of law ay maikukumpara na agad sa unang yugto ng True Mystic Rank. Ang iyong bloodline ay malalim rin at ikaw ay tiyak na nakatanggap ng esensya ng Mystic Ice Inheritance…."