Ang mga henyo ng Southern stage ay nanlamig at nagulat.
May mga sigaw na maririnig pati na tili ng mga babae.
Ang isang libong manonood ay nanlamig.
"May namatay!"
"Ang Taiyun Shuangzi na ito ay labis na marahas! Pumatay ng isang henyo sa harap ng lahat!"
Ang mga nagmula sa Southern stage at ang maraming tao ay nagsimulang sumigaw para parusahan ako.
"Husgahan ninyo si Taiyun Shuangzi ayon sa mga patakaran. Ang sinadyang pagpatay ay dapat na tapatan ng pagpapatalsik sa Sacred True Dragon Gathering."
Mungkahi ng isang mula sa ibaba.
Ang kompetisyon ng Sacred True Dragon Gathering ay labis na mahigpit at may mga tao pang namamatay.
Ang Sacred Alliance ay natuwa dahil ang mga lumahok ay pinili mula sa napakarami.
Samakatuwid, ang Sacred True Dragon Gathering ay gumawa ng isang patakarang huwag sadyaing pumatay ng kalaban, lalo na kapag sumuko na.
Ang isang ekspertong nasa peak True Mystic Rank mula sa lugar ng mga manonood ay nagreklamo: "Sacred Alliance, ag ungas na ito ay dapat patayin o tanggalin man lang mula sa True Dragon Gathering tulad ng sinasabi ng patakaran."
"Nakakatawa! Paano ko malalaman na napakahina niya, hindi man lang siya makaatake sa akin? Paano ito nasabing sinadyang pagpatay?"
"Hehe, ayon sa mga patakaran, ang pagpatay bago pa sumuko ang kalaban ay labag sa patakaran. Ang batang iyon ay hindi sumuko..."
Ang dalawang ulo ni Taiyun Shuangzi at nagsimulang manghamak nang walang takot.
Halata namang alam nila ang patakaran.
Sa sandaling umatake si Taiyun Shuangzi, ginamit niya ang kaniyang True Spirit Realm aura para puwersahin ang kalaban at patayin siya bago pa siya magkaroon ng reaksyon.
Bukod pa sa mga True Human Rank, kahit ang karamihan sa True Mystic Rank ay karaniwang napapatay.
"Ang Taiyun Shuangzi na ito ay kakahirang lang na napakalakas na prodigy na ang cultivation ay nakaabot na sa late stages ng True Human Rank. Gamit ang dalawang ulo at apat na kamay, maikukumpara siya sa dalawang True Mystic Rank na pinagsama at walang tatapat sa True Lord Rank."
"Si Taiyun Shuangzi ay karapat-dapat na maging pinakamortal na kalaban ni Yu Tianhao."
Ang mga manonood at mga henyo ay nayanig ng lakas ni Tiayun Shuanzi.
Sa sandaling ito, ang pagharap sa mga reklamo, sabi ng hukom ng Sovereign: "Tiayun Shuangzi, unang babala. Babawasan ng sampung porsyento ang iyong dragon blessing."
Matapos sabihin ito ay iwinagayway ang True Dragon Flag.
Shua!
Ang dragon blessingni Taiyun Shuangzi ay bumaba nang sampung porsyento at ang kumikinang na gintong True Dragon Token ay naging mas madilim.
Ang nawalang dragon blessing ay kumalat sa mga henyo ng Southern stage.
"Hehe, librang dragon blessing."
Si Prince Jin ay ngumiti at ang kaniyang pilak na True Dragon Token ay lumiwanag nang bahagya.
"P*t*, bakit?"
"Hindi namin sinadyang pumatay, ang kalaban ay masyado lang mahina."
Ang dalawang ulo ni Taiyun Shuanzi ay nagngalit ang ngipin sa sama ng loob.
"Ang patakaran ng Sacred True Dragon Gathering ay nagsasabing kapag ang pagpatay ay hindi sinadya, sampung porsyento ng dragon blessing ang mababawas."
Ang mga hukom ay hindi nagpatinag.
Ang Sacred True Dragon Gathering ay may mga perpektong patakaran.
Bilang isang napakalakas na prodigy, ang paghusga ng Sacred Alliance sa kaniya ay tama.
"Pinuno, mukhang hindi na natin mapapatay ang lahat ngayon."
Sabi ng ikalawang ulo ni Taiyun Shuangzi.
"Zhe zhe zhe, ang patakaran ay nagsasabing hindi ka na pwedeng pumatay ngunit hindi sinabing hindi mo sila pwedeng bugbugin...."
Dinilaan ng Taiyun Shuangzi big brother ang kaniyang labi sa katusuhan.
Si Xin Wuheng ay may seryosong ekspresyon sa mga tao: "Kung ang dalawa ay mahusay sa pinagsamang atake ibig sabihin ay ang kanilang battle power ay doble..."
Si Xin Wuheng, Prince Jin at mga kasama ay ipinadala sa Southern stage, tulad ni Taiyun Shuangzi.
Pagkatapos ng labang ito.
Ang mga henyo ng Southern stage ay pinatilihan ng distansya sa pagitan nila at ni Taiyun Shuangzi.
Maraming mga tao ang nagkaroon ng ideya na ang kanilang swerte ay hindi maganda at nakita si Taiyun Shuangzi, mabuti pang sumuko na kaagad.
Sa makalumang arena...
Ang laban ng limang zone ay nagpatuloy.
Bawat laban ay pinangunahan ng True Dragon Token na senyas para maglaban na ang dalawang panig.
Ang Sacred True Dragon Gathering ay hindi nakatuon sa kung ilang beses ka nanalo, kung hindi sa naipon mong dragon blessing.
Northern zone.
Pagkatapos ng pagkapanalo ni Goddess Bing Wei, ilang mga henyo ang sumunod.
Ayon sa mga naunang karanasan ay magpapatuloy sa susunod na sampung araw dahil may ilang mga henyo sa bawat zone.
Si Zhao Feng ay umupo nang nakade kwatro at nakapikit na mata ngunit gising pa rin ang diwa habang ang karamihan sa kaniyang pansin ay nakatuon sa pag-unawa.
"Gamit ang aking lakas ay mas mahirap mapabilang sa pinakamataas na dalawampu."
Si Zhao Feng ay hindi sumuko at simulit ang bawat segundo para dagdagan ang kaniyang lakas.
Sa loob ng kaiyang isip.
Ang Lightning Inheritance at Mystic Flower Treasured Bible ay nagpatuloy sa pagsasama.
Ang ikalawang lebel ng Ball of Ice Soul ay patuloy na tumaas.
Dagdag pa...
Ang hindi pa kumpletong pahina ng Dark Eye ang nagbigay ng maraming bagong ideya sa God's Spiritual Eye ni Zhao Feng.
Sa mga nakaraang mga buwan ng pag-unawa, ang lebel ng mental energy ni Zhao Feng ay katumbas na ng True Mystic Rank.
Sa loob ng dimensyon ng kaniyang kaliwang mata.
Ang malabo at mayelong asul na lawa ay nakaabot na sa isang yarda at naging mas malamig kaysa dati.
Naramdaman ni Zhao Feng na nadoble ang mental energy source na maaari niyang gamitin at ang kapangyarihan ng Ice Soul ay mas lumakas.
Sa isang punto...
Dumilat si Zhao Feng at pinanood ang laban.
Kahit na siya ay umuunawa, gising pa rin ang kaniyang diwa. Gamit ang pagbabago ng God's Spiritual Eye, hindi mahirap gumawa ng bagay nang sabay.
Arena ng Northern zone
Huminga nang malalim si Bei Moi nang may isang matingkad na asul na alon ang pumalibot sa kaniya, na maliksing inatake ang kalaban.
"Bata, sumuko ka na lang."
Isang lalaking nakapulang damit ang tumawa nang lumitaw ang mga nag-aalab na liwanag sa gitna ng kaniyang palad at tumama kay Bei Moi.
Ang cultivation ng lalaking nakapulang damit ay nasa early stagers ng True Human Rank at bahagyang mas mataas kaysa sa beginning stage na cultivation ni Bei Moi.
Kahit na makapangyarihan ang Dark Water Inheritance ni Bei Moi, bawat kalahok ng True Dragon Gathering ay may malakas na karanasan.
Ang lalaking nakapulang damit sa kaniyang harapan ay perpektong inatake si Bei Moi at may mas magaling na skill.
Makalipas ang tatlumpung galaw.
Si Bei Moi ay napuwersa pabalik dahil sa lalaking nakapulang damit.
Ang arena ay sampung milya ang laki at dahil sa depensa ni Bei Moi, nakakatiis pa siya.
"Ang Dark Water Inheritance ay walang kwenta dito at kahit na ang aking Lightning Inheritance ay karaniwan lang. Buti naisama ko ito sa Mystic Flower Treasured Bible."
Hindi maiwasan ni Zhao Feng na maramdamang swerte siya.
Hindi mahina ang Dark Water Inheritance ni Bei Moi, ang mga tao lang dito ay tila mga anak ng kalangitan at may talento, mataas na kalagayan ng kapanganakan at kapalaran.
Kumpara sa kanila ang lugar ng Cloud ay isang maliit na nayon lang sa isang liblib na lugar.
"Ungas, kung hindi ka susuko, hindi labag sa patakaran kung papatayin kita."
Ang lalaking nakapulang damit ay kumuha ng scarlet na dragon na kahoy na espada at iwinasiwas ito sa Dark Ripple Defense ni Bei Moi.
Wahl!
Si Bei Moi ay dumura ng dugo at pinanood ang lalaking nakapulang damit na lumapit.
"Dark Water Forming Ice!"
Ang mga mata ni Bei Moi ay pula habang ang kaniyang Qi of True Spirit ay tila nagbago.
Wu~~
Ang likidong alon ng depensa ni Bei Moi ay naging yelo na nagbigay ng lamig.
Ang Dark Water Forming Ice ay ang pinakamalaking galaw ni Bei Moi at ang pinakamakapangyarihang technique ng Dark Water Inheritance.
Shua!
Ang lalaking nakapulang damit ay nahiwa nang tamaan ng matingkad na asul na yelong patalim at ang lamig ay kumalat sa kaniyang katawan, na nagpuwersa sa kaniyang sumuko.
"Kung hindi lang dahil sa spiritual pill na nakapagpahintulot sa aking makalagpas sa True Spirit Realm sa ilalim ng pagkakataong mamatay, hindi ko mauunawaan ang isa sa dalawang pinakamalakas na batas ng Dark Water Inheritance."
Si Bei Moi ay huminga nang malalim habang nag-ugnayan ang yelo at tubig sa kaniyang paligid. Bawat atake ay may pagsabog ng yelo at ang kaniyang kamao ay tila gawa sa yelong bundok.
Limampung galaw ang nakalipas..
Bam!
Ang palad ni Bei Moi ay tumama sa lalaking nakapulang damit.
"Nanalo ako."
Pinunasan ni Bei Moi ang dugo sa kaniyang labi at naramdamang kumulo ang kaniyang dugo.
Ang kaniyang walang emosyong ekspresyon ay napalitan ng tuwa at pagkahumaling.
Sa entabladong ito ay hindi nagsikap si Bei Moi na matandaan nang walang hanggan. Gusto lang niyang magbigay ng sandali ng liwanag.
Pagkatapos ng tagumpay...
Isang maliit na dragon blessing ang nahulog sa True Dragon Token ni Bei Moi at mas lumiwanag ang kaniyang puting token.
"Ang pakay lang ni Bei Moi ay ang lakas ng pinakamataas na sampu ng Canopy Great Country."
Si Zhao Feng ay tumango.
Kahit na mahirap para kay Bei Moi na maabot ang pinakamataas na tatlong daan sa Sacred True Dragon Gathering, ito ay isang kahanga-hangang bagay kasama ang kaniyang karanasan.
Sa Northern stage.
Ang mga laban ay mahigpit at ang mga paghaharap ay nagpatuloy hanggang sa isang pagkakataon, ang True Dragon Token ni Zhao Feng ay nagsimulang manginig, na pinapapunta siya sa entablado.
"Pagkakataon ko na."
Naramdaman ni Zhao Feng na kumulo ang kaniyang dugo at kahit sa kaniyang pagkakalmado, siya ay naging bahagyang masaya.
Shua!
Nawala si Zhao Feng na tila isang kidlat at lumitaw sa
Northern stage.
Ang kaniyang kalaban ay isang youth na may matatag na mata na may low tier Spiritual grade na patalim.
"Ito ang aking unang laban, hindi ako maaaring matalo."
Hinawakan nangmahigpit ni Gao Peng ang kaniyang patalim nang ang kaniyang Qi of True Spirit ay tumunog.
Tumingin siya sa youth na may asul na buhok sa kaniyag harapan at sa isang saglit, lumipad ang mga alaala sa kaniyang isip.
"Bago namin iwan ang mga elder sa Guanyin Strong Country, silay ay puno ng pag-asa sa amin. Matapos ang halos dalawampung taon ng pagsisikap at hindi mabilang na laban, naabot ko na ang hakbang na ito. Kapag natalo ako sa kapareho ko ng cultivation, paano ko mahaharap ang mga henyong natalo sa akin?"
Ang pagnanasang lumaban ni Gao Peng ay nakaabot na sa sukdulan.
"Ni hindi man lang dalawampung taon at nasa early stages na ng True Human Rank..."
Si Zhao Feng ay tahimik na tumingin sa youth. Ang kaniyang talento at potensyal ay nasa top tier lahat.
Hindi minaliit ni Zhao Feng ang unang labang ito.
Blade of Lightning!
Inipon ni Zhao Feng ang isang azure na patalim na isang yarda ang haba sa kaniyang palad.
Flying Crane Cloud Slashing Blade!
Nagningas ang battle intent sa mga mata ni Gao Peng nang siya ay sumigaw at tila naging kaisa ng patalim na iwinasiwas niya sa hangin.
Ang maliksing movement skill at ang dominanteng patalim ay nagkakaiba ngunit mukhang perpektong pinagsama. Nang iwasiwas ang kaniyang Qi of True Spirit at pumalibot sa ilang dosenang yarda.
"Flying Crane Cloud Slashing Blade, isang malalim na blade intent. Kahit sinong kalaban sa Sacred True Dragon Gathering ay malalakas."
Naramdaman ni Zhao Feng na lumawak ang mga hangganan.
Fsh!
Ang katawan ni Zhao Feng ay agad na natamaan ng patalim.