Ang nakasisindak na lakas ng napakahuhusay na prodigy ang siyang nagpanginig sa puso ng mga henyo sa Northern Continent.
Tanging si Mo Tianyi lamang ang kinakaya ito kahit papaano.
Sa pagkakataong iyon, may mga along namumuo sa isip ng mga taong andoon. Ang kanilang kalooban at kumpiyansa para manalo ay nayupi nang todo.
Sa katotohanan, ang mga henyong gaya lamang nila Mo Tianyi, Xia Xianshang, Xin Wuheng, Cang Yuyue, Zhao Feng at mga katulad nila ang may kakayahan na lagpasan ang mga henyo sa nakaraang panahon.
Nangangahulugan ito na ang henerasyon nila Mo Tianyi ay hindi mahina sapagkat kaya pa rin nitong lagpasan ang ibang henerasyon.
Subalit, itinuturing sila na swerte at hindi mapalad nang sabay.
Dahil sa pangyayaring ito kung kaya may mataas na tsansa na magkaroon ng ugnayan ang Green Flower Continent sa Heaven's Legacy Inheritance. Sa mga normal na sitwasyon, hindi naman ganito kataas ang tsansa.
"Kadalasan mayroong isa lamang na napakahusay na prodigy bawat henerasyon gaya nila Sword Saint Ye Wuxie, ang Three Eyed Sky Sovereign, Scarlet Moon Patriarch. Subalit, ngayong henerasyon ay mayroon tayong lima."
Ang mga mata ni Tiemo ay naguhitan ng pag-aalala at pag-asa.
Ang isang napakahusay na prodigy ay kayang wasakin ang napakaraming henerasyon at ngayon ay mayroon silang lima.
Lalo na ang nangunguna sa lahat na si "Yu Tianhao", sinasabing nalagpasan niya na ang Sword Saint na si Ye Wuxie at nasakop niya na ang ilang dosena ng henerasyon.
"Gumamit lamang siya ng isang espesyal na technique para pagsamahin ang kanyang True Spirit sa hangin, gaya ng mental energy. Ang lahat ng tumingin sa kanya ay makararamdam ng isang aura at gamit ang kanyang mental energy, mahuhusgahan niya ang kanilang lakas."
Pag-aanalisa ni Zhao Feng pagkatapos niyang mabawi ang kanyang kahinahunan.
Gamit ang techniue na iyon, nakakuha si Goddess Bing Wei ng kongklusyon na wala siyang kapantay rito.
Ang sagupaan ng mental energy auras ang nagpatunay nito.
Sila Zhao Feng, Xin Wuheng, Princess Linyue, Prinsipe Jin, Cang Yuyue at iba pa ay lahat nagapi.Kung si Zhao Feng lamang ang nasa posisyon niya, hindi niya na ito kailangan pang gawin. Gamit lamang ang kanyang God's Spiritua Eye, kaya niya nang makita ang lahat ng lakas at bloodline power ng mga taong nasa ibaba ng Origin Core Realm.
Subalit, hindi nangahas si Zhao Feng na gawin ito maliban na lamang kung may lakas siya ng isang 'napakahusay na prodigy o' gaya ni Goddess Bing Wei.
"Nasa huling yugto ng True Mystic Rank at may napakalakas na bloodline at dalisay na skill, higit pa sa lahat ng henyo rito, kasama na ako…."
Inanalisa ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang lakas ni Goddess Bing Wei.
Una ay ang kanyang cultivation.
Si Goddess Bing Wei ay nasa huling yugto na ng True Mystic Rank at malapit na sa peak stages nito, na siyang dahilan para malagpasan niya ang lahat ng juniors na naroon.
Ang kanyang bloodline ay nasa top tier at mas malakas lamang ng kay Prinsipe Jin at Wang Xiaoguai.
Kung kadalisayan naman ng skill ang pag-uusapan, tanging si Mo Tianyi lamang ang malapit sa kanya. Pagkatapos ng lahat, pareho naman silang Head Disciples ng dalawa sa Ten Great Clans.
"Ang mga Head Disciples ng Mystic Ice Palace ay talagang abnormal sa lakas dahil ang Mystic Ice Palace ang naglalaman ng isa sa apat na mga inheritances, ang Mystic Ice Inheritance na maaari nilang buksan kada 12 na taon. Ganoon rin, si Goddess Bing Wei ay nakatanggap ng core ng ilang inheritances mula sa Mystic Ice Inheritance."
Wika ni Jiang Sanfeng nang may inggit.
Narinig na rin ito ni Zhao Feng.
Kahit na nakatanggap na siya ng isang top inheritance ssa Floating Crest Inheritance at iilang gamit sa Water Moon Treasury, walang-wala ito kumpara sa Mystic Ice Inheritance na isa sa mga Four Great Inheritances.
Ang mga taong may titulong napakahusay na prodigy ay may mga kayamanan na sampung beses pa ang dami kaysa ng mayroong si Zhao Feng.
"Kahit na hindi ako makaabot sa top ng Sacred True Dragon Gathering, ang mabuhay lamang sa panahon na ito ay mapalad na. Ang mas mahalaga ay magkakaroon ng koneksyon ang mga inheritances ngayon."
Ang estado ng puso ni Zhao Feng ay naging kalmado na rin at ang kanyang ekspresyon ay bumalik na sa pagkawala ng emosyon. Hindi nagtagal, ipinikit niya na ang kanyang mga mata at nagsimula ng umunawa.
Nakita ni Tiemo ang pagbabago sa puso ni Zhao Feng at hindi mapigilang mapatango: "Ang estado ng puso ni Zhao Feng ay mabuti na ulit."
Dahil sa pagpapakita ni Goddess Bing Wei, ang puso ng mga henyong naroroon ay may mga pagbabagong emosyonal, sila ay galit, hindi gusto ang nangyayari o kaya naman ay malungkot.
Subalit, ang isip ni Zhao Feng ay mabuti na ulit at tinanggap niya na ang katotohanan kung kaya naging normal na ulit ito.
Sa parehong pagkakataon, sa panig ng Ten Thousand Origin Clan.
"Kung ilalabas ko ang lahat, ang tsansa ko para makuha ang unang puwesto ay napakaliit lamang. Ang panahong ito ay puno ng ekspektasyon."
Ang normal na mukha ni Xin Wuheng ay kalmado lamang.
Ang estado ng kanyang puso ay hindi nagbago. Tila ba nasaksihan niya na ang pagkatagumpay at pagkatalo ng hindi mabilang na mga buhay.
Ipinikit rin ni Xin Wuheng ang kanyang mga mata at nabaling na lamang ang atensyon sa sarili niyang mundo.
Ang oras ay mabagal na lumipas.
Lahat ng mga henyo sa Northern Star Stand ay tahimik.
Lahat sila ay naghihintay.
Tatlong araw ang makalipas.
Isang nagniningning na puting liwanag ang nagpakita sa Northern Star Stand.
Sa simula, ang puting liwanag na ito ay bahagyang mapusyaw hanggang sa tumingkad ito nang tumingkad.
Sa isang pagkakataon.
Weng~
Ang ancient at purong itim na batong entrada sa gitna ng Northern Star Stand ay nabalutan ng puting liwanag.
"Ang Norther Star Stand ay bukas na."
"Ang Sacred True Dragon Gathering ay magsisimula na."
"Lahat kayo, pangunahan niyo ang panahong ito---"
Napuno ng paghiyaw ang Northern Star Stand.
Ilang daang henyo ang naroroon mula sa Northern Continent at halos lahat sa kanila ay unang beses pa lamang na makakasali ng Sacred True Dragon Gathering. Ang kanilang mga puso ay puno ng ligalig at lakas ng loob.
Maaaring hindi lahat ay maaabot ang top ten o ang top 100 pero para sa halos lahat ng mga henyong naroroon, ang makasali lamang at makalaban ang ibang mga henyo ng ibang kontinente at maipakita ang kanilang mga skills sa entablado ng mundo ay isang bagay na kaya nilang ikamatay nang walang pagsisisi.
Weng~ Weng~
Ang ancient at purong itim na batong entrada ay nagbuga ng higit pang matingkad na kulay putting liwanag na siyang bumalot sa buong Star Stand, na tila ba malugod nilang sinasalubong ang henerasyon na ito.
"Kayong lahat, ang Sacred True Dragon Gathering ay magsisimula na pagkatapos niyong pasukin ang batong entrada at makakarating na kayo sa 'ancient arena's'."
Isang malakas na boses ang maririnig mula sa batong entrada.
Ang boses na iyon ay tila umaalingawngaw sa buong langit at lupa. Tila ba nanggaling ito sa ibang dimensyon.
"Tara na."
Ikinumpasa ng Mystic Ice Queen ang kanyang mga kamay at ang mga kinatawan ng Mystic Ice Palace ay pumasok na sa nagliliwanag na entrada.
Shua! Shua!
Sa pagkakataong hawakan ng mga anyo ang entrada ay bigla silang maglalaho.
Weng~ Weng~
Ang mga naliliwanag na ilaw sa Northern Star Stand ay lalong naging matingkad.
"Ito ay…."
Nalaman ng lahat na ang mga linya ng array ay sumilay sa kanilang mga paa.
Huang! Weng~~
Ang buong Northern Star Stand ay naginig at isang puting liwanag ang tumudla paitaas sa langit.
"…. Anong nangyayari?"
Ang mga hindi pa pumapasok ng entrada kasama na ang Mystic Ice Queen, elders ng Heavenly Yuan Clan at si Tiemo ay naramdamang nanginig ang kanilang mga puso.
Sa pagkakataong iyon.
Ang pagsabog ng isang puting liwanag ay bumuo ng anyo ng isang dragon.
Sa mismong pagkakataon na iyon.
Isang dragon ang nagpakita mula sa Eastern, Middle, Southern, Northern at Western Continent.
Limang matingkad na mga dragon ang nag-usap at umungol sa isa't isa sa kalangitan ng Green Flower Continent.
Subalit, sapagkat napakalaki ng kontinente, ang mga tao sa Northern Star Stand ay tila isang alikabok lamang at hindi nila makita ang kabuuang sitwasyon pero ang anyo pa lamang ng dragon ay sapat na para mayanig ang puso ng lahat.
"Ito… Ito ang Genius Dragon Blessing!"
"Diyos ko! Napaka-engrandeng Genius Dragon Blessing."
"Tanging sa panahon lamang nila Sword Saint Ye Wuxie at Scarlet Moon Patriarch nagkaroon ng Dragon Blessing."
Ang five star stands ay nagkagulo.
"Kung ang Northern Star Stand ay may isang Dragon Blessing, paniguradong ang ibang kontinente ay magkakaroon rin ng parehong bilang."
Napabulalas si Tiemo. Nasimulan niya nang mapagtanto na ang henerasyon na ito ay talagang naiiba sa dati.
Ayon sa kanyang mga kalkulasyon.
Sa henerasyong ito ng limang napakahusay na prodigy, lalo na si Yu Tianhao na sinakop na ang ilang dosena ng henerasyon at may malakas na Dragon Blessing.
Ang mga hula ni Tiemo ay hindi mali.
Ang Dragon Blessing ng Middle Continent ang pinakamalaki at pinakamatingkad sa lahat. Tumungo ito sa kalangitan at nagbigay ng pakiramdam na ito ang siyang namumuno.
"Ano ang dahilan sa likod ng Dragon Blessing?"
Binuksan ni Zhao Feng ang kanyang God's Spiritual Eye sa interes at saka napatingin sa langit.
Kung bubuksan sa pinakamataas ang God's Spiritual Eye, makakapasok siya mystic level.
Shua!
Ang kamalayan ng kanyang mental energ ay umalis muna sa kanyang katawan at lumipad sa hangin, kung saan nadaanan niya ang Five Dragon Blessing.
Canopy Great Country.
Sa isang maitim na toreng may anim na gilid sa kabundukan.
Ito ang tinatawag sa mga alamat na Six Warlock Divine Tower.
Mayroon 49 na palapag sa Six Warlock Divine Tower at ilang mga anyo ang makikita sa loob.
Sa harap ay isang ancient elder na nakasuot ng itim nakatakip ang kalahati ng kanyang mukha.
Mga mata niya lamang ang nakikita ng mga tao. Napakalawak nito gaya ng mga bituin at mayroon itong dunong mula sa mga ancient.
36 na pari ang umupo sa likod ng misteryosong elder at ilang kakapiranggot na silver light naman ang nabuo sa langit.
Weng~~
Sa pagkakataong iyon, isang iskrin ang nagpakita sa itaas ng Six Warlock Tower na pinakita sa kulay na pilak.
Limang Dragon Blessings sa Northern, Eastern, Southern, Westen at Middle Continent ang makikita.
Miao!
Ang tinig ng pusa ay naabot ang langit.
Isang pilak-itim na pusang kasinglaki lamang ng dalawang palad ang nagpakita habang nakapatong ito sa balikat ng misteryosong elder.
Ang pusang ito ay may tamad na pag-uugali at naduling-dulingan ito habang nakatingin sa langit.
Itinaas nito ang kanyang mga pangalmot at pumilantik ng limang tansong barya.
"Sage, ang limang Dragon Blessing ba ang kumakatawan sa limang napakahusay na prodigy?"
Isang babaeng pari na kasingganda ng buwan ang nagtanong nang may paggalang.
"Hindi naman. Ang limang Dragon Blessing ay hindi lamang kumakatawan para sa limang napakahusay na prodigy. Kumakatawan ito sa pinagsamang mga biyaya ng kontinente. Syempre, ang limang napakahusay na prodigy ang namumuno sa henerasyong ito kung kaya maaari rin naman ang iyong sinasabi."
Ngumiti ang Sage pagkatapos itong sabihin.
Ang mga mata niya na puno ng dunong ay napatitig sa langit habang bumubulong sa sarili: "Ang tsansa ng Heaven's Legacy Inheritance na kumonekta sa kontinenteng ito ay tumaas ng 20% pero ang hinaharap ay puno ng posibilidad na siyang nagtutulak sa henerasyong ito tungo sa walang katiyakan."
"Tignan niyo, ano iyan?"
"Diyos ko!"
Biglang napasigaw ang mga pari.
Lumuwa rin ang mga mata ng pilak-itim na pusa habang nakatitig ito sa iskrin na tila ba nasasakal ito.
Sa itaas ng limang Dragon Blessings ay sumilay ang 'Eye of Heaven.'
Ang 'Eye of Heaven' ay malamig na tumingin sa ibaba ng langit patungo sa limang umaatungal na Dragon Blessings.
Ang mga pari ng Six Warlock Tower ay nagulantang sa nangyari.
Subalit, ang Eye of Heaven ay nagpakita lamang sa loob ng isa o dalawang hininga bago ito naglaho, na tila ba isa itong ilusyon.