Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 342 - Ang Limang Napakahusay na Prodigy

Chapter 342 - Ang Limang Napakahusay na Prodigy

Ang galaw ni Zhao Feng na tila isang multo at ang kanyang Lightning Skills ay napaurok ang mga dila ng ibang henyo at pinabahala rin ang ilang mga lider.

Kahit na nasa ikasiyam na puwesto si Wei Yunqi ng Heavenly Yuan Clan, maaaring siya ay nasa una o ikalawa pagdating sa ibang strong countries at mga pwersa.

Ang elitistang katulad niya ay kaswal lamang na tinalo ni Zhao Feng.

Sa proseso ng pagtalo kay Wei Yunqi, hindi gumamit si Zhao ng kanyang mga kamay. Naabot niya na ang mataas na antas sa pagsasanay ng kidlat.

Ito ay dahil sa pagsasanib ng Mystic Flower Treasured Bible sa Lightning Inheritance kung kaya ang lahat ng kanyang mga kakayahan ay naging praktikal.

"Hindi lamang eye bloodline skills ang kanyang espeyalisasyon. Nangangahulugan ito na isa pala talaga siyang malaking harang."

Naging taimtim ang ekspresyon ni Prinsesa Linyue.

Napagtanto niya na rin sa wakas na ang pinakamalakas sa Canopy Great Country ay hindi si Prinsipe Jin o Tian Yunzhi kundi ang kabataang may kulay asul na buhok at kasinglalim ni Xin Wuheng.

Sa panig ng Heavenly uan Clan.

"Nakatatandang kapatid na Mo, ang sutil na iyan ay nakakahimok ng interes. Ang kanyang lakas ay malapit kay nila Xin Wuheng at Xia Xianshang.'

Isang True Mystic Rank na naninilaw ang mukha ang nagwika nito nang taimtim.

Ang lalaking ito na naninilaw ang mukha ay nasa ikalawang puwesto ng Heavenly Yuan Clan, na nasa ibaba lamang ni Tianyi.

Ganoon rin ay sinuri niya ang laban ni Zhao Feng at Wei Yunqi at nakaramdam siya ng sorpresa.

Nakikipaglaro lamang si Zhao Feng gamit ang kanyang movement skill at lightning skill, kaya natalo niya si Wei Yunqi nang hindi ginagamit ang kanyang mga kamay.

Sa hindi inaasaahang pagkakataon, kilala niya talaga si Wei Yunqi at alam niya ang paraan nito ng pakikipaglaban. Maliban lamang kung napakalakas ng kanyang kalaban, hindi agad na natatalo ito.

"Ang Zhao Feng na ito ay bata pa at napakalayo niya pa kay nila Xia Xianshang at Xin Wuheng, ang lakas niya ay katulad ng kay Prinsesa Linyue. Kung movement skill lamang ang gagamitin niya sa Sacred True Dragon Gathering, mamatay siya sa pangit na paraan. Gamit ang lakas niya, kailangang niyang dumepende sa swerte para makaabot sa top 50."

Iniiling ni Mo Tianyi ang kanyang ulo habang isang panghahamak ang gumuhit sa kanyang labi.

Kung hindi isasama si Zhao Feng, kahit sina Xia Xianshang, Xin Wuheng at iba pang mga henyo ay lahat natalo niya.

Tumayo si Mo Tianyi habang nasa likod ang kanyang mga kamay at may pakiramdam na armonya habang sinusuri niya ang mga iba pang henyong naroroon.

Bahagyang nagulat ang lalaking naninilaw ang mukha at saka tumawa: "Tama iyan, ang ating kapatid na Mo ay nasa tuktok na pala sa buong Northern Continent."

Ang antas ng paningin ni Mo Tianyi ay nalagpasan na ang kanilang lebel.

Pagkatapos ng lahat, nasa peak naman na talaga siya.

"Ang totoo kong mga kalaban ay sina Yu Tianhao, Tantai Lanyue at iba pang mga napakahusay ng mga henyo."

Ang mga mata ni Mo Tianyi ay tila napuno ng divine light at isang bibihirang tingin ng ligalig at intensyong makipaglaban ang makikita sa kanyang mga mata.

"Ang nakakatandang kapatid ay tinutukoy ang limang napakahusay na prodigy ng Green Flower Continent?"

Ang lalaking naninilaw ang mukha at iilang mga taong malapit ay napahinga nang malamig.

Ang limang napakahusay na prodigy.

Ang puso ng mga core disciples ng Heavenly Yuan Clan ay nanginig at napatingin sila kay Mo Tianyi nang may higit na respeto at paghanga.

Sa pagkakataong iyon.

Kahit nasa harap na nila si Mo Tianyi, bingyan niya pa rin sila ng pakiramdam na malayo sila sa kanya.

Ang limang napakahusay na prodigy ay ang limang alamat ng Green Flower Continent, ang bawat isa sa kanila ay kabilang sa mga anak ng langit.

Ang mag eksperto sa panghuhula ay sinasabing ang limang ito ay may pagkakataong maging mga hari o pinuno.

"Ang limang napakahusay na prodigy ay: Ang Middle Continent - Yu Tianhao, Eastern Continent - Tantai Lanyue, Northern Continent - Goddess Wei, Southern Continent - Tai Yun at sa Western Continent - Shi Chengtian."

Narinig na ito ng mga disipulo ng Heavenly Yuan Clan dati.

Nang banggitin ang limang ito, napatalon ang puso ng lahat.

"Gaano ba kalakas ang mga taong ito?"

Bahagyang nagkaroon si Zhao Yufei ng interes rito.

"Sobra, sobrang lakas…. Napakalakas na 99% ng mga henyo sa Northern Continent ay hindi kakayaning tumanggap ng kahit isang atake sa kanya. Lalo na ang nanguna sa nakaraang Sacred True Dragon Gathering, si Yu Tianhao na nasa unang puwesto."

Huminga nang malalim si Mo Tianyi at pinagkuyom ang kanyang mga kamao.

Patuloy pa ring inaalala ng kanyang isip ang senaryong naganap sa nakaraang Sacred True Dragon Gathering.

Ang lalaking naninilaw ang mukha ay hindi na nagsalita. Sumali rin siya sa nakaraang Sacred True Dragon Gathering. Kung babalikan, tanging tatlo o lima lamang ng mga napakahuhusay na prodigy ang nagpakita at agad silang nagapi ni Mo Tianyi nang walang pasabi.

"Nakatatandang kapatid na Mo, dati ay hindi ka pa isang Head Disciple at pagkatapos ng sampung taon, ang iyong lakas ay ibang-iba na. Paniguradong makakaabot ka sa top ten ngayon at magkakaroon ka ng tsansa na kalabanin ang mga nakakatakot na henyong iyon."

Ngumit ang lalaking naninilaw ang mukha pagkatapos itong sabihin.

Umuulan pa rin at ang mga henyo ng Northern Star Stand ay tumigil na sa paglalaban.

Ang 'pang-iiskawt' sa buong Northern Continent ng mga henyo ay natapos na rin.

Pinag-usapan ng mga henyo ang sitwayson sa buong kontinente.

"Ang limang napakahusay na prodigy?"

Nakarinig si Zhao Feng ng usap-usapan sa malapit.

Kahit sina Prinsipe Jin, Jiang Sanfeng at iba pa ay binabanggit ang limang ito palagian.

Mabagal na tumakbo ang oras at ang araw na magkakaroon ng ugnayan sa Sacred Area Alliance ay lumalapit na.

Sa araw na iyon.

Isang biglaang lamig ang mararamdam ng lahat na siyang pinagmumulan ng tsismisan.

"Kay lakas naman ng lamig na ito…."

Agad na naramdaman ni Zhao Feng ang malamig na pagdaloy na ito at hindi niya mapigilang mapatingin sa direksyon na pinagmumulan nito gamit ang kanyang kaliwang mata.

Isang hindi nakikitang alon ng lamig ang dumagundong sa kanila na tila isang bundok.

Ang Northern Star Stand.

Ilan sa True Lord Ranks at mga Hald Step Origin Core Realm ay naramdaman ito at biglang napatayo.

Xiu~

Isang malamig na asula na liwanag ang gumuhit sa hangin. Kung titignan sa malayo, mukha itong bloke ng yelo na handa nang tumama sa Northern Star Stand.

Ang asul na liwanag na iyon ay sampung beses pa na mas mabilis kaysa sa "Golden Spear Blood Dragon Sedan" ng Iron Blood Religion.

Sa isang kisapmata, ang asul na liwanag na ito na may dala-dalang dosenang anyo ay lumapag sa Northern Star Stand.

Hu~~

Isang nakakatakot na lamig ang kumalat sa buong paligid.

Wu!

Ang dugo ng maraming henyo ay halos manigas na at marami ang gustong mapabulalas pero hindi makapagsalita.

Shuu!

Sa isang bigla, ang mga natirang ulan sa Northern Stand Stand ay naninigas hanggang sa naging yelo.

Ang lahat ng dugo ni Zhao Feng at ang Qi ng kanyang True Spirit ay tila nagyelo rin. Hindi niya maigalaw ang kanyang biyas at may lamig na pilit hinahawakan ang kanyang mga buto.

Sa kabutihang palad, isang mapusyaw na kulay asul na dugo sa kanyang katawan ang nagustuhan ito at nagsimula nang makipag-isa.

"Hehe, mukhang hindi ganoon karami sa mga henyo ng Northern Continent ang talagang mga henyo."

Isang malutong na boses ng isang babae ang maririnig mula sa pinanggalingan ng asul na liwanag.

Nang mawala na ang asul na liwanag, isang dosena ng mga anyo ang nagpakita, karamihan sa kanila ay mga lalaki at ang iba ay babae.

Ang pinuno nila ay isang babaeng may hawak na tungkod ng yelo at may korona. Mukha siyang diyosa ng lamig at yelo na bumaba mula sa kalangitan.

Tinapik ng kanyang tungkod na yelo ang lupa at biglang nawala ang lamig.

Hu~

Ang mga True Lord Ranks ay sabay-sabay na nagpakawala ng hininga.

"Isang pagbati, Sovereign."

"Ang inyong lingkod ay binabati ang Ice Queen."

Ang Heavenly Yuan Clan at ang tatlong Great Country True Lord Ranks ay lahat yumuko nang may paggalang.

Kahit saan magpunta ang Snow Ice Queen, sa loob ng sampung milya paikot ay maggiging yelo o maninigas sa nyebe.

Ito ang klase ng lamig na kanyang dala saan man siya magpunta.

"Kung ang Ice Queen na ito ay gustong atakihin ang buong Northern Star Stand, pwede niyang gawing yelo ang buong ito. Bukos pa kay Deputy Patriarch at ilang mga Half Step Origin Core Realm, walang kahit sino ang makakatakas."

Huminga si Zhao Feng nang malamig.

Mayroon siyang mas malinaw na paniningin kung kaya mas nakakakita siya nang mabuti.

Hindi sinasadya ni Ice Queen na maglabas ng lamig dahil nagawa niya lang namang yelo ang buong Northern Star Stand.

"Ang lahat ay magsitayo."

Bahagyang iwinagayway ng Ice Queen ang kanyang kamay at tumugon lamang sa mga elders ng Heavenly Yuan Clan, Ten Thousand Origin Clan, Ten Thousand Sword Clan at iba pa.

Ano pa ang kinainteres ng lahat ay ang pakikipag-usap ng Ice Queen ng isa o dalawang pangungusap sa lalaking kulay dugo ang buhok na si Tiemo.

Ang lalaking kulay dugo ang buhok na si Tiemo ay mukhang kakilala ng Ice Queen.

"Ito pala ang maalamat na Ice Queen na isang Origin Core Realm Sovereign…."

Naramdaman ni Bei Moi sa isang sulok ang hirap ng paghinga.

Ang dugo sa kanyang buong katawan at ang Qi ng kanyang True Spirit ay naninigas at nawalan rin ng panramda ang kanyang biyas.

Ang Tiexiao True Lord na siyang namuno sa Iron Dragon Strong Country at sa Thirteen Countries ay may gulat at respeto sa kanyang mga mata. Ni wala nga siyang lakas ng loob para lumapit at batiin siya.

"Ang Mystic Ice Queen ay isang Sovereign ng kadulu-duluhang Hilaga. Mayroon naman silang sariling teleportation array, bakit kailangan pa nilang magpunta rito?"

"Tama iyan, bakit ang mga tao sa Mystic Ice Palace ay kailangan pang magpunta rito?"

Pagkatapos ng kaguluhan, nagsimulan nang magkaroon ng diskusyon ang mga tao sa kani-kanila.

Ang Mystic Ice Palace ay katulad rin ng Heavenly Yuan Clan, isa ito sa mga Ten Great Clans.

Ang pwersa nila ay nasa dulong hilaga at tinaguriang isa sa mga miyembro ng Northern Continent.

Subalit.

Sa loob ng nakaraang mga taon, ang Mystic Ice Palace ay bibihirang nakipag-usap sa ibang mga pwersa at nanatili lamang sa loob ng kanilang palasyo.

Sa pagkakataong ito naman ay pumunta sila sa Northern Star Stand.

Ang Mystic Ice Palace ay parehong dami ng rekomendasyon gaya ng Heavenly Yuan Clan, may kabuuang bilang ng sampu.

Sa sampung kalahok, halos puro babae ang kasama at kakaunti lamang ang mga lalaki.

Ang Head Disciple ng Mystic Ice Palace ay isang malamig na binibini na ang balat ay mukhang gawa sa nyebe. Nakaabot na siya sa isang perpektong antas ng kalamigan na kayang pangatugin ang buto.

"... Goddess Bing Wei."

Mahinang bigkas ni Mo Tianyi.

"Isa sa mga limang napakahusay na prodigy – Goddess Bing Wei!"

Ang mga puso ng mga henyong ito ay nanginig habang sinusuri nila ang malamig na binibining ito.

Si Goddess Bing Wei ay nakatayo sa parehong puwesto at ang kanyang kalahating nakikita na lamig ay dumadaloy sa kanya na siyang nagdulot para sa dalawang True Mystic Rank na mga disipulo na matakot na lapitan siya.

Shua!

Biglang sinuri ng mga malalamig na mata ni Goddess Bing Wei ang mga henyong naroroon.

Sa pagkakataong iyon, bawat henyo ay naramdamang lumamig ang kanilang mga puso at hindi sila makapagsalita. Ang Qi ng kanilang True Spirit ay tila nagyelo.

"Nakasisindak naman ang babaeng ito."

Kahit ang mga nasa Peak True Mystic Ranks ng mga nakatatandang henerasyon ay nkaramdam ng lamig.

Ang lahat na nasa ilalim ng True Lord Rank ay ginigipit ni Goddess Bing Wei.

Kahit si Mo Tianyi ay nagngingitgit ang bibig habang sinasalag ang lamig.

Sina Xia Xianshang at Xin Wuheng ay hindi kayang tumingin nang direkta sa kanya at kaya lamang kapag nasa malayo siya.

"Ang limang napakahusay na prodigy ay napakalakas… Paanong naging ganito ang kapangyarihan ng isang junior?"

Naramdaman lamang ni Zhao Feng ang ganitong panggigipit sa mga True Lord Ranks at halata namang hindi niya ito kayang tanggapin ng direkta.

Sa pagkakataong iyon, naunawaan niya na rin ang sinabi sa kanya ni Tiemo.

Hindi iniisip ni Tiemo na makakaabot siya ng top ten. Kahit nga ang makasali sa top 100 ay isang parangal na at ang mapabilang sa top 50 ay biyaya na. Ang top 20 ay imposible at para sa top ten o sa unang pwesto…. Nakakatawa naman iyon.

Sinuri lamang ni Goddess Bing Wei ang lugar at hindi na nagsalita pa.

"Bing Wei, kumusta naman?"

Ngumiti ang Mystic Ice Queen pagkasabi nito.

"Walang kahit sino ang kapantay ko. Sa lahat ng kontinente, ang kalaban ko lamang ay si Yu Tianhao."

Muling binawi ni Goddess Bing Wei ang kanyang tingin, bahagyang nadismaya.

Kung alam niya lamang na ganito, hindi na sana siya nagpunta pa ng Northern Star Stand.