Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 341 - Ang Puna ni Mo Tianyi

Chapter 341 - Ang Puna ni Mo Tianyi

Limang araw ang nakalipas.

Parami nang parami ang mga taong natitipon sa Northern Star Stand. Ang mga henyo sa buong Northern Continent ay dumating na. Masasabing ang lugar na ito ay punong puno ng mga bituin.

"Heavenly Yuan Clan, ang tatlong great countries at iba pang mga pwersa ay naririto rin… Ang buong Northern Continent ay mukhang narito na."

Lumibot ang tingin ni Prinsesa Linyue sa buong lugar.

Kahit isa siyang Prinsesa ng Great Country, mayroon siyang puso ng isang lalaki at alam niya ang lahat sa mga henyo ng kontinenteng ito.

Ang Canopy Great Country.

Bahagyang itinango ni Prinsipe Jin ang kanyang ulo: "Nariritong na tayong lahat. Ang kailangan na lamang nating gawin ay hintayin ang oras para sa Sacred Area Alliance."

Kapag nagdugtong na ang teleportation arrays ng Northern Star Stand at Sacred Area Alliance, magaganap na ang Sacred True Dragon Gathering.

Sa loob ng mga nakaraang araw, kani-kanilang pwersa ang ginamit nila para sundan at subukan ang bawat isa.

Iilang mga bagong henyo ang hinahamon para mapag-alaman ang galing nila.

Kung kaya.

Sina Cang Yuyue, Zhao Feng at mga kasama nila ay lahat nahamon.

Ang ikinagulat lang naman ng iba ay sapagkat ang iilan sa mga bagong henyo na ito ay may napakalakas na battle power.

Ang path of sword ni Cang Yuyue ay nasa mataas na antas at kahit ang isang Peak True Human Rank ay natalo niya sa isang hiwa lamang.

Halos lahat ng kanyang mga kalaban ay natalo sa isang kumpas lamang.

"Anong sindak ng kanyang sword intent… At nasa sukdulan rin ang kanyang path of sword."Hindi mapigilan ni Tian Yunzhi na huminga nang malamig nang makita ang kagalingan ni Cang Yuyue pagdating sa ispada.

Ang kanyang lakas ang nakapagpatanto sa iba na karapat-dapat talaga siya para sa isang puwesto sa dalawa ng Ten Thousand Sword Clan.

Si Cang Yuyue naman talaga ay nakatayo na sa tuktok ng Thirteen Clans at maaga niya ring naunawaan ang sword intent kumpara kay Xia Xianshang.

Kahit si Zhao Feng ay muntikan ng matalo sa kanya sa Thirteen Clans Banquet.

Ang ipinakitang galing ni Zhao Yufei ay hindi rin mapapalagpasan. Agad-agad niyang natalo ang karamihan sa mga kalabang hinamon siya.

Sa paggising ng kanyang bloodline power at kung tatahakin muli ang landas patungo sa kanyang mga ninuno, ang kanyang True Force Gathering at Recovery Speed ay kamangha-mangha at naglalaman pa ng mga pasabog.

Dapat ring mabanggit na ang nasa ikalawang puwestong henyo ng Purple Rising Great Country na ang lakas ay katulad ng kay Prinsipe Jin ay natalo rin ni Zhao Yufei.

Bukod pa roon.

Si Tian Yunzhi at Prinsesa Linyue ay parehong kinalaban si Xin Wuheng.

Ang resulta ay natalo si Tian Yunzhi ni Xin Wuheng sa loob lamang ng sampung atake.

Katulad lamang ng dati ang resulta ng kay Prinsesa Linyue. Pagkatapos ng isang daan o higit pang atake, hindi niya pa rin mapilit si Xin Wuheng na gamitin ang kabila niyang kamay.

"Ang Xin Wuheng na ito ay gumagamit na naman ng isang kamay. Sa kasamaang palad, hindi ko agad magagamit ang pamatay kong atake."

Tinignan ni Prinsesa Linyue si Xin Wuheng nang may pagkadisgusto.

Subalit, umupo lamang doon si Xin Wuheng habang nakapikit ang mata at hindi siya pinansin.

Sayang.

Sa loob ng mga nakalipas na araw, nakapikit pa rin si Zhao Feng at nasa estado ng pag-uunawa kung kaya hindi niya naabutan ang mga nakalilibang na mga palabas na ito.

Sa pagkakataong iyon, buong-buo ang kanyang atensyon sa ginagawa niya kaya hindi niya alam ang tungkol sa pagdating ni Zhao Yufei o Xin Wuheng.

Boom!

Biglang nagkaroon ng kidlat sa kalangitan at umulan nang napakalakas.

Ang ilang mga henyo na hindi handa ay nabasa ng ulan.

"Ulang may kidlat?"

Marahang binuksan ni Zhao Feng ang kanyang mga mata. Nakapagcultivate na siya at naramdaman niyang ang mabigat na Lightning Yuan Qi ay malapit sa kanya.

Sa loob ng dalawang buwan ng paghihirap sa cultivation, tumaas na rin sa wakas ang lakas ni Zhao Feng.

Sa kanyang isang kamay, mas malakas na ang kanyang panramdam at kaya niya nang bumuo ng ugnayan sa Heaven Earth Lightning Yuan Qi nang mas maraming beses.

Sa kabila naman niyang kamay, ang Source of True Spirit ng Water Moon Pirate na nakatago sa kanyang katawan at malapit na sa True Lord Rank ay okasyonal na pumapasok sa kanyang katawan at tinulungan siya nitong pataasin ang kanyang pang-unawa.

Nang hindi nalalaman.

Ang cultivation ni Zhao Feng ay malapit na sa huling yugto ng True Human Rank.

Parehong naunawaan na ni Zhao Feng ang Lightning Inheritance at ang Ancient Dao of Ice Soul sa mataas na antas pero natigil siya dahil sa isang mas mataas na balakid.

"Gaano pa katagal bago ang Sacred True Dragon Gathering?"

Sinuri ni Zhao Feng ang kanyang paligid.

"Chapter Leader, gising ka na rin. Sa loob siguro ng sampung araw ay maikokonekta na ang Northern Star Stand sa Sacred Area Alliance."

Pagsagot ni Jiang Sanfeng.

"Hm? Xin Wuheng… Cang Yuyue… Yufei…."

Maraming nahanap na maliliit na sorpresa si Zhao Feng sa lugar at isang ngiti ang sumilay sa kanyang bibig.

Sa parehong pagkakataon.

Mula sa panig ng Ten Thousand Origin Clan, si Xin Wuheng ay may biglang naramdaman.

"Xin Wuheng, muli tayong nagkita."

Isang boses ang maririnig sa isip ni Xin Wuheng.

Binuksan ni Xin Wuheng ang kanyang malalalim na mata dahil sa gulat.

Ang kanyang mga mata ay naglalaman ng ancientness na hindi naman dapat taglay ng isang junior.

"Alam ko talaga na magkikita tayo balang araw."

Bahagyang nagulat ang mukha ni Xin Wuheng.

Kung babalikan ang Genius Summit, nagpigil talaga siya ng kanyang cultivation kung kaya naging pantay sila ni Zhao Feng at saka agad na umalis sa Cloud Area.

Sa pagkakataong iyon.

Isang kakaibang eksena ang masisilayan sa Northern Star Stand.

Dalawang nakaupong kabataan na nakapikit ang mga mata ang sabay na binuksan ito at saka nagkatinginan nang hindi maipaliwanag.

"Zhao Feng, kilala mo si Xin Wuheng?"

Wika ni Jiang Sanfeng nang may sorpresa.

Ganoon din.

Agad rin itong napansin ni Prinsesa Linyue na nagkatinginan si Zhao Feng at Xin Wuheng nang may kakaibang ekspresyon.

"Mukhang minaliit ko ang kabataang ito. Kilala niya pala si Xin Wuheng at mukhang magkaibigan pa sila."

Naguhitan ang mga mata ni Prinsesa Linyue.

Ang maliit na detalye na ito ay agad ring nakakuha ng atensyon mula sa ibang mga henyo.

"Zhao Feng, pagkatapos kong matalo sa'yo, simula noong araw na iyon ay dalawang beses akong nagsanay nang napakahirap at sa Sacred True Dragon Gathering, gagamitin ko ang aking ispada para bawiin ang kahihiyang natanggap ko."

Ang malamig na boses ni Cang Yuyue ay maririnig.

Ang kanyang mga mata ay tila hinihiwa ang ere at nanlamig ang mga puso ng mga henyong malalapit sa kanya.

Shua! Shua!

Ang tingin ng lahat ay napunta kay Zhao Feng na may kasamang gulat at kuryosidad.

Ano ba ang sikreto ng kabataang ito? Kahit ang taong kasinglakas ni Cang Yuyue ay minsang natalo sa kanya at ang walang kapantay na si Xin Wuheng ay kilala rin siya.

"Ang mga sopresa sa Sacred True Dragon Gathering ay higit pa kaysa sa aking inaakala."

Ang ngiti ni Zhao Feng ay may kasamang ekspektasyon.

Hindi siya natatakot kay Cang Yuyue at inaabangan niya ring malabanan si Xin Wuheng.

Patuloy na umuulan ang langit.

Ang boses ni Zhao Feng ay umalingawngaw sa isip ni Zhao Yufei at ang dalawa ay nagsimula nang mag-usap gamit ang mental energy.

Ang ngiti ni Zhao Yufei ay mas malaki kaysa sa mayroon siya dalawang buwan ang nakalilipas.

Ang lahat ng ito ay napansin agad ng mga mata ni Mo Tianyi.

Nang hindi niya napapansin, naging interesado si Mo Tianyi sa kabataang kulay asul ang buhok.

"Wei Yunqi, subukan mo nga iyang batang kulay asul ang buhok."

Sinabihan ni Mo Tianyi ang isang Core Disciple na nasa kanyang likod.

Naramdama ni Wei Yunqi na tila mahalaga siya.

Kahit ang kanyang cultivation ay nasa Peak True Human Rank lang at nasa ikasiyam na puwesto lamang siya ng Heavenly Yuan Clan disciples.

Kinausap pa rin siya ni Mo Tianyi na isang alamat sa Northern Continent at isang disipulo ng Sovereign. Para kay Wei Yunqi, isa itong pribilehiyo.

Hindi nagtagal.

Lumakad na si Wei Yunqi patungo sa panig ng Canopy Great Country.

"Core disciple ng Heavenly Yuan Clan."

Biglang nagbago ang mga mukha nila Prinsipe Jin at ng mga kasama nito.

Ang pag-iral ng Ten Great Clans ay isang bagay na tinitingalaan ng tatlong Great Countries.

"Hehe, narinig kong ang ating kapatid na si Zhao Feng ay bahagyang misteryoso at balak ko po sanang hamunin siya."

Wika ni Wei Yunqi nang may paggalang.

Naningkit ang mga kilay ni Zhao Feng. Ayaw niya talaga ng mga paghahamon nang walang maayos na dahilan.

"Isa na namang iskawt?"

Marahang tumayo si Zhao Feng at napagpasyahang gawin na lamang ito.

Agad ns sinuri ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng si Wei Yunqi at tinantsa ang lakas nito.

Ang cultivation ng taong ito ay kapantay ng kay Prinsipe Jin pero wala siyang bloodline. Baka ang kanyang mga kakayahan o kabuuang lakas ay malapit sa kung ano ang mayroon si Prinsipe Jin.

Lahat ng mga may cultivation na mas mababa sa True Mystic Rank ay kayang talunin ni Zhao Feng gamit lamang ang isang mata.

"Sige, gagamitin ko na lamang siya masubukan ang pagsasama ng Mystic Flower Treasured Bible at Lightning Inheritance ganoon rin ang iba pang mga bagay…."

Tumayo si Zhao Feng.

Sa pagkakataong iyon, maraming mga top geniuses kasama sina Prinsesa Linyue, Xin Wuheng, Cang Yuyue, Mo Tianyi at ibang mga kasama nila ang napatingin.

"Ang edad ng ating kapatid na Zhao pati na rin ang kanyang cultivation ay parehong mas mababa kaysa sa akin. Hahayaan muna kitang magbigay ng sampung atake."

Bigkas ni Wei Yunqi nang may ngiti.

Hindi niya kilala si Zhao Feng at dahil sa mas matanda siya, may mga karanasan siya at mas mataas ang kanyang cultivation kaya niya binigyan sila ng ganitong sitwasyon.

"Walang problema."

Hindi tumanggi si Zhao Feng.

Qiu!

Pagkatapos niyang magsalita, biglang nawala si Zhao Feng sa kanyang orihinal na puwesto.

"Hindi ito maganda….'

Naramdaman lamang ni Wei Yunqi na lumalabo ang kanyang mga mata at nagmumula ito mula sa nakakamanhid na pakiramdam sa kanyang gilid.

Agad niyang pinadaloy ang Qi ng kanyang True Spirit at nagpadala ng mga alon ng True Spirit sa buong lugar para itulak ang mga hindi kanais-nais na bagay sa isang tiyak na paikot.

Bam!

Isang anyo na binihisan sa kidlat ang nasa likod ni Wei Yunqi na siyang nakapagpaatras sa kanya.

"Ang movement skill ng sutil na ito ay kakaiba."

Nagpakawala siya ng hininga at sinisi niya ang kanyang sarili sa pangmamaliit ng kalaban niya.

Hindi napagtanto ni Wei Yunqi na ang mga taong nasa paligid niya ay nakatitig sa itaas niya nang may malaking mga mata.

Teleportation Lightning Step!

Isang tila multo na anyo ang lumitaw sa ulo ni Wei Yunqi na nagmula sa kung saan.

Ano!?

Biglang nakaramdam ng pamamanhid si Wei Yunqi sa kanyang ulo at sa sulok ng kanyang mga mata ay nakakita siya ng isang paa na nababalutan ng kidlat.

Break!

Sa pagmamadali, agad siyang umatungal at bumuo ng isang pangalmot na tatama sana kay Zhao Feng kaya lamang biglang nawala ang anyo.

Teleportation Lightning Step!

Isang anyo na may kulay asul na buhok at nababalutan ng kidlat ang nasa likod niya.

Bukod pa roon, ang kabataang ito ay nasa likod niya.

Chains of Lightning.

Ang kabaatang kulay asul ang buhok ay direktang nasa likod niya kung kaya pinabalutan siya nito ng chains of lightning.

"Ah! Ah! Ah!"

Nanginig ang mga kalamnan ni Wei Yunqi at hindi siya makalaban pabalik pagkatapos niyang mabalot sa suson ng mga kidlat.

Plop!

Sa loob ng dalawang hininga ay naging kulay itim ang katawan ni Wei Yunqi at nalaglag siya sa lapag habang umuusok.

Bukod pa roon.

May kakaibang ngiti ang kabataang kulay asul ang buhok sa kanyang mukha kung kaya nanlamig ang mga nasa malapit.

"Si Wei Yunqi na nasa Peak True Human Rank ay pinaglaruan lamang ng sutil na ito.

"

"Anong bilis mayroon siya. Pinagsama niya ang essence of lightning at iba pang mga bagay."

Sa panig ng Canopy Great Coutry, si Prinsipe Jin ay napanganga at ang kanyang likod ay napuno ng malamig na pawis: "Ang lakas ni Wei Yunqi ay hindi nalalayo sa akin. Gaano ba karaming lakas ang tinatago ni Zhao Feng?"

Sa totoo lang, wala namang masyadong lakas na itinatago si Zhao Feng sa mga laban niya dati pero nagcucultivate siya palagi sa buong proseso kung kaya siya lumalago.

"Katamtaman."

Binawi na ni Mo Tianyi ang kanyang tingin at pagkatapos makita ang ginawa ni Zhao Feng ay nawalan na siya ng interes rito.