Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 339 - Pagtitipon ng mga Sikat, Henyo at Magagaling (2)

Chapter 339 - Pagtitipon ng mga Sikat, Henyo at Magagaling (2)

"Ang Canopy Great Country at Purple Rising Great Country ay magkaibigan at ang ating mga juniors ay bihirang magkita. Magagamit natin ang pagkakataong ito ng paglalaban para patatagin lalo ang ating magandang relasyon."

Ang mga mata ni Prinsesa Linyue ay naguhitan ng pakiramdam ng isang bayani.

Binanggit niya agad ang paglalaban at hindi na sinubukan pang humanap ng mga problema gaya ng Scarlet Sky Great Country.

Napasinok si Prinsipe Jin. Hindi kaya hinahamon siya mismo ni Prinsesa Linyue?

Habang kaharap si Prinsesa Linyue na nasa True Mystic Rank, alam niyang wala siyang tsansa ng pagkapanalo.

Kahit ang bloodline power ni Prinsipe Jin ay malakas, mas malakas pa rin sa kanya si Prinsesa Linyue lalo na pagdating sa pataasan ng cultivation.

Sa kabutihang palad.s

Wala namang kahit anong intensyon si Prinsesa Linyue na hamunin si Prinsipe Jin.

Sa kanyang palagay, kilala niya na si Prinsipe Jin at ilang beses na rin itong natalo sa kanya. Ang tunay niyang kalaban ay sina Xin Wuheng at Mo Tianyi.

Mamaya-maya, isang lalaki at isang babae ang naglakad palayo sa Purple Rising Great Country.

Sila ang ikaapat at ikalima henyo ng bansa nila: si Ke Li at Fan Xiaoyue.

Ang cultivation ng dalawa ay umabot na sa huli at panimulang yugto ng True Human Rank.

Ang kanilang ranking ay perpektong panapat kay nila Zhao Feng at Liu Qinxin.

Ayon sa nakaraang karanasan, sa parehong rankin, ang mga nasa Canopy Great Country ay hindi kasinglakas ng Purple Rising Great Country.

Hmm?

Habang nakaupo si Zhao Feng, bigla siyang nakaramdam na tila gusto siyang kalabanin ng isang kabataang nakapilak sa kanyang harap.

"Sutil na kulay asul ang buhok, labanan mo ako."

Walang paggalang at walang pasensyang wika ni Ke Li.

Kung hindi dahil kay Prinsesa Linyue, hindi niya naman sana papansinin si Zhao Feng.

May karapatan si Ke Li na maging arogante. Sa nakaraaang Sacred True Dragon Gathering nakaabot siya sa top 3 ng top 100 at kalahating taon ang nakalipas, pinaslang niya ang isang kawatan nasa peak stage ng True Human Rank matapos siya nitong habulin ng 10,000 milya.

Naging sikat si Ke Li pagkatapos niyan.

Halatang wala namang siyang interes na kalabanin ang isang baguhan na ang cultivation ay mas mababa sa kanya.

Habang sumisigaw si Ke Li, hindi niya napansin na si Prinsipe Jin at ang kanyang mga kasama ay may nalulugod na mga titig.

Sina Tian Yunzhi at Jiang Sanfeng ay may mga mapaglarong ngiti.

Ang mga detalyeng ito ay naabutan ng mga mata ni Prinsesa Linyue at nagulat siya.

Sa panig ng Iron Dragon Strong Country.

"Zhao Feng!"

Bumilis ang tibok ng puso ni Bei Moi at ang kanyang ekspresyon ay nagbago habang nakatitig siya sa kabataang kulay asul ang buhok ng Canopy Great Country.

"Ano?"

Ang isa pang kinatawan na si Lu Long ng Iron Dragon Strong Country ay nakita si Bei Moi na nagbago ng ekspresyon.

"Wala naman. Nakakita lang ako ng pamilyar na tao."

Ang tingin ni Bei Moi ay nagsimula nang mabaling sa kung ano ang nangyayari doon.

Ang tatlong great countries ay isang bagay na hindi nila pwedeng salihang dalawa.

Ang sitwasyon roon ay nakakuha ng maraming atensyon mula sa mga taong naroroon.

Nakaupo lamang si Zhao Feng sa kanyang puwesto at hindi pinansin ang pagsisigaw ni Ke Li.

Ang kanyang paningin ay biglang nabaling sa isang sulok.

"Kapatid na Bei Moi, muli tayong nagkita. Kumusta naman ang Broken Moon Clan?"

Isang boses ang umalingawngaw sa kanyang isip na siyang nagpabilis ng tibok ng kanyang puso.

Nang kausapin siya ni Zhao Feng, si Lu Long na nasa kanyang tabi at kahit si True Lord Tiexiao ay walang naramdaman na kahit ano.

Mahirap isipin na kahit kasalukuyang hinahamon si Zhao Feng ni Ke Li ay matinong nakikipag-usap pa rin ito sa kanya.

"Zhao Feng, ang Purple Rising Country at Canopy Great Country ay magkaibigan. Makipaglaban ka na, hindi naman nito masasayang ang iyong oras."

Nang makitang ang ere sa paligid ay malamig, ngumiti na si Prinsipe Jin at nagsalita.

Pagkatapos ng lahat, siya naman ang pinuno ng Canopy Great Country.

Ang mga salitang binitawan ni Prinsipe Jin ay nagdulot sa mga henyo ng Purple Rising Country na mapakibot ang kanilang mga kilay dahil sa inis.

Nagbigay si Prinsipe Jin ng pakiramdam mismo na kailangan ng kabataang ito na kumilos. Tila ba sinasabi na: Sige gawin mo na, matatapos ka rin nang madali.

Katawa-tawa!

Kumulo na sa galit si Ke Li, ang ipinakitang ugali nila Prinsipe Jin at Zhao Feng ay tila mababa ang pagtingin sa kanya.

Maliban kay Prinsipe Jin na talagang mas malakas sa kanya at ang nararapat nitong kalaban ay si Prinsesa Linyue, ano ang karapatan ng sutil na ito?

"Hahaha, sutil na kulay asul ang buhok, ang pangalan mo ay Zhao Feng, hindi ba? Kung kakayanin mong makipagpalitan ng sampung atake sa akin. Susuko na ako."

Tumawa si Ke Li habang umaalona ng kanyang putting roba.

Weng~~

Isang mapulang berdeng alon ang lumitaw sa kanyang harap na siyang bumuo ng ilang dosena ng nagliliyab na linya ng mga patalim gaya ng isang flaming blade array.

Kahit sinong normal na taong nasa True Human Rank na lalapit sa sampung yarda ay agad na matutusta.

Sa itaas ng kanyang scarlet black blade ay makikita sa kanyang kamay ang mga nalipon na fire symbols na siyang nagdudulot para umangat sa kalangitan ang mga apoy.

"Mukhang ginagamit ni Ke Li ang lahat ng kanyang lakas. Naisanay niya na pala ang Scarlet Flame Symbol sa ikapitong simbolo."

"Kasama ang Dark Lines Flaming Blade, ang kanyang lakas ay nasa True Mystic Rank na."

Ang mga taong nasa Purple Rising Great Country ay tumingin kay Zhao Feng na parang nanghahamak pero nalaman rin nila na ang mga nasa Canopy Great Country ay may ganoon ring ekspresyon.

"Kapatid na Zhao, mag-ingat ka sa lalaking iyan. Ang kanyang battle power ay nakasisindak… hindi ito mabuti! Susugod na siya!"

Biglang nagbago ang ekspresyon ni Bei Moi habang binabalaan niya si Zhao Feng gamit ang mental energy.

Nang makaramdam na si Zhao Feng ng isang banta, ipinukol na rin niya ang tingin niya kay Ke Li.

"Isang mata lamang ang kailangan ko para talunin ka."

Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay tila naging isang walang hanggang yelo ng kawalan.

Eye of the Heart!Isa sa tatlon eye techniques ni Zhao Feng ay agad niyang nagamit.

Ang mga mata ni Ke Li ay nahigop sa kawalan na iyon at ang kanyang ekspresyon ay biglang natulala.

Ang sumunod na eksena ang siyang nagpagulantang sa lahat ng naroroon.

Dang!

Nalaglag mula sa kamay ni Ke Li ang scarlet black blade patungo sa lapag habang ang kanyang Qi ng True Spirit ay naglalaho.

Pa! Pa!

Nagsimulang sampalin ni Ke Li ang kanyang mukha.

"Ting'er, kasalanan ko ang lahat. Isa akong tarantado."

"Pinakasalan mo ang walang hiyang babae na iyon at ikaw ay naghirap at namatay. Ang lahat ay kasalanan ko…"

Malalakas na sampal ang maririnig sa buong Northern Star Stand.

Ang mukha ni Ke Li ay namamaga na at kulay pula dahil sa dugong tumutulo mula sa kanyang bibig.

Plop!

Sa huli, napaluhod na lamang siya at umiyak.

Ang mga tao mula sa Purple Rising Great Country ay nagsimulang sumigaw subalit nalulunod si Ke Li sa kanyang mga emosyon at hindi niya nararamdaman ang panlabas na mundo.

"Natalo si Ke Li."

Nakatingin nang malalim si Prinsesa Linyue kay Zhao Feng bago magpadala ng mga tao para alisin si Ke Li sa kanyag harap.

Mula sa simula hanggang sa katapusan.

Nakaupo lamang si Zhao Feng sa parehong puwesto na iyon at gumamit lamang ng isang tingin.

Ang Eye of the Heart ay ginagamit panlaban sa mga emosyon at pagnanais ng mga tao. Ang kahit anong buhay ay imposibleng hindi magkaroon ng emosyon o kahit anong kahinaan sa puso.

Kayang pahulugin ni Zhao Feng ang kanyang mga kalaban sa mga demonyo ng kanilang puso.

Dati sa Water Moon Secret Cave, ito rin ang ginamit niyang kakayahan para paglabanin si Master Bi at ang kanyang mga kasama.

"Ang eye bloodline ng lalaking ito ay nakakatakot."

"Natalo si Ke Li sa isang tingin lang."

Ang mga henyo ng Purple Rising Great Country at Scarlet Sky Great Country ay puno ng bahala kay Zhao Feng.

Sa panig ng Iron Dragon Great Country.

Nanginig ang puso ni Bei Mou. Sa mismong pagkakataong iyon, kinakausap pa rin siya ni Zhao Feng tungkol sa sitwasyon ng Thirteen Countries at ng Broken Moon Clan.

Nangangahulugan ito na dalawang bagay ang ginagawa ni Zhao Feng nang sabay. Habang kinakausap siya nito, tinalo niya si Ke Li.

Kung alam lamang ng iba ang pangyayaring ito, ang pag-aanalisa nila sa eye bloodline ni Zhao Feng ay tataas na naman ng isa pang antas.

Matapos matalo si Ke Li.

Ang isa pang kalaban na si Fan Xiaoyue ay napatulala bago manumbalik sa kanyang sarili.

Hindi nagtagal, hinamon niya na rin Liu Qinxin.

Tinignan ni Fan Xiaoyue ang magandang binibini na ito na tila pinaparamdam ng itsura nito na hindi siya kagandahan.

Ngumiti si Liu Qinxin at isang Qin na may pitong pisi ang lumitaw sa kanyang mga kamay.

Sa kompetisyon sa Capital, hindi siya gumamit ng Qin.

"Cultivator ng Dao of Entertainment."

Agad na may liwanag na gumuhit sa mga mata ni Fan Xiaoyue nang hindi niya hinayaang makapagtugtog si Liu Qinxin at agad siyang nagpadala ng kulay asul-lilang atake patungo sa kanya.

Ang mga nalipon na atakeng ito ay mabilis at makapangyarihan.

Ang mga cultivators ng Dao of Entertainment ay talagang nakakatakot lalo na 'pag nagsimula na silang tumugtog.

Jiang!

Hinawakan na ng napakagandang mga daliri ni Liu Qinxin ang Qin at ang mga dugo ng mga henyong naroroon ay nagsimulang kumulo.

Isang kalahating hindi nakikita na linya ang diretsong papunta kay Fan Xiaoyue.

Crack!

Ang kulay asul-lilang atake na pinadala ni Fan Xiaoyue ay nawasak at isang hindi makitang kapangyarihan ang pumasok sa kanyang katawan.

Wah!

Dumura ng dugo si Fan Xiaoyue at ang patuloy na alon ng ganitong atake ang pumilit sa kanya na umatras.

Sa isang atake, natalo rin agad si Fan Xiaoyue.

Napakatahimik ng Purple Rising Great Country.

"Ang Liu Qinxin na ito ay nakasisindak. Kung ginamit niya ang kanyang Qin sa pinakamataas nitong antas, kahit ang mga atake ng isang taong kapantay niya ang cultivation ay agad niyang mawawasak."

Taimtim ang mukha ni Prinsesa Linyue.

Hindi niya nilagay sa kanyang puso sina Zhao Feng at Liu Qinxin pero nababahala siya sa kabuuang lakas ng Canopy Great Country.

Prinsipe Jin, Wang Xiaoguai, Tian Yunzhi, Zhao Feng, Liu Qinxin. Wala ni isa sa kanila ang simple, ang isa ay higit na nakakatakot kaysa sa huli.

"Mukhang sa Sacred True Dragon Gathering ngayon taon ay maibabaliktad ng Canopy Great Country ang sitwasyon."

"Kung kabuuang lakas lamang ang pag-uusapan, nadadaig ng Canopy Great Country ang dalawa pang great countries."

Ang mga pwersa sa Northern Star Stand ay nagkaroon ng diskusyon.

Ang mga nakatataas ng Canopy Great Country ay may mga matingkad na pulang mukha ng kadakilaan.

Sa Northern Star Stand, tanging ang Canopy Great Country lamang ang walang talo na siyang nagpawalis sa dalawa pang ibang great countries.

"Pero kung ang pag-uusapan ay pinuno, ang lider ng Canopy Great Country ay mas mahina nang kaunti. Ilang beses ng natalo si Prinsipe Jin kay Prinsesa Linyue."

Nakita agad ng iba ang kahinaan ng Canopy Great Country.

Habang lumilipas ang oras, lalong dumarami ang strong countries, families at mga pangunahing dibisyon na dumarating.

Ipinikit muna ni Zhao Feng ang kanyang mga mata para makaunawa at hindi niya na pinansin ang panlabas na mundo

Sa isang punto.

Muling nagkaroon ng diskusyon sa Northern Star Stand.

"Narito na pala ang mga tao mula sa Ten Thousand Sword Clan."

"Ang Ten Thousand Sword Clan ang nangunguanng sword clan sa Northern Continent at ang kanilang lakas ay halos katulad ng sa Ten Great Clans, sapat na para sirain ang kahit anong strong country."

Iilang mga anyo ang bumaba mula sa langit.

Ang pinuno nila ay sword cultivator na iisa lamang ang mata at nakaabot na sa Half Step Origin Core Realm at mas malakas nang bahagya sa Grand Elder ng Imperials.

"Ang matandang sombi na ito ay naririto rin pala."

Biglang nagbago ang ekspresyon ni Tiemo.

Kung lakas ang pag-uusapan, ang Ten Thousand Sword Clan ay malapit ng maging isang one-star faction at mas malakas rin ito kaysa sa Iron Blood Religion.

Mayroong dalawang henyo lamang mula sa Ten Thousand Sword Clan.

Ang una ay isang lalaking naka-asul na roba at may kakaibang puting buhok.

Ang ikalawa naman ay isang babaeng kasingputi ng nyebe na may matatalim na mga mata.

"Siya iyon…"

Nagulantang si Bei Moi nang tignan niya ang pamilyar na babaeng ito.

Kung babalikan, ang babaeng iyan ay pinatumba ang lahat ng mga henyo ng Thirteen Countries sa kanyang paa gamit ang kanyang ispada.

Agad siyang tumingin kay Zhao Feng pero nakapikit ang mga mata nito dahil inaayos niya ang kanyang pang-unawa kung kaya hindi niya nakita ito.