Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 338 - Pagtitipon ng mga Sikat, Henyo at Magagaling (1)

Chapter 338 - Pagtitipon ng mga Sikat, Henyo at Magagaling (1)

Ilang mga tao ang bumaba mula sa isang malaking asul na dugong ibon. Nagmula sila sa Iron Dragon Strong Country.

Dahil malayo ang lugar na ito, kakaunting tao lamang ang nakakaalam ng Iron Dragon Strong Country.

Ang kanilang pinuno ay isang kabataang nasa mystic na antas at may dala-dalang metal na pamaypay at may mga matang matalim at kasinglamig ng isang agila.

Ang kakaibang bagay ay sapagkat ang kanyang balat ay tila ba isang metal at kahit ang kanyang damit at buhok ay mukhang metal rin habang nagbubuga siya ng isang napakalamig na aura.

True Lord Rank!

Ang lahat ng nakatingin sa taong ito ay hindi sumubok na maliitin siya. Ang magkaroon ng titulong Strong Country ay nangangahulugang mayroon silang isang nasa True Lord Rank o mas marami pa.

Ang Iron Dragon Strong Country ay may dalawang henyo. Ang una ay isang kabataang nakasuot ng kulay itim na roba at may cultivation na nasa maagang yugto ng True Human Rank. Ang ikalawa naman ay isang kabataang walang emosyon at nasa panimulang yugto rin ng True Human Rank.

"Ito ang Star Stand. Lu Long at Bei Moi, pwede kayong makihalubilo sa iba pang mga henyo basta tandaan niyo lamang na huwag kayong gumawa ng gulo."

Pag-uutos ng walang emosyong boses ni True Lord Tiexiao.

"Nauunawaan ko po, True Lord."

Huminga nang malalim si Bei Moi. Ang tingin ng mga henyo ay nagbibigay sa kanyaa ng higit na kaba.

Kahit na pinilit ni True Lord Tiexiao na pasukuin ang Thirteen Countries, pero gusto niya pa ring umakto rito sa mababaang paraan at hindi kapansin-pansin.

Ang Iron Dragon Strong Contry ay isang Strong Country, at mas mababa ito nang bahagya sa normal na mga Strong Countries.

Sa pagkakataong iyon, ang Northern Star Stand ay nilalaman na ang tatlong Great Countries, iba pang mga Strong Countries at mga dibisyon nito.

Ang tatlong Great Countries ay mas mataas kaysa sa mga Strong Countries. Kahit ang Iron Dragon Strong Country ay walang laban sa kanila.

Kahit ang ibang mas malaking dibisyon at families ay kayang wasakin ang Iron Dragon Strong Country.

Kung kaya, ang Iron Dragon Strong Country ay hindi nangtatataas at sila ay maingat.

"Bei Moi…"

Tinignan ni Zhao Feng ang pamilyar na kabataang walang emosyon nang may gulat.

Si Bei Moi ay nakatayo sa isang pwesto na may pag-iingat at halatang nangangamba habang sinusuri niya ang paligid.s

Dahil maraming tao ang naroroon, hindi nakita ni Bei Moi si Zhao Feng kung kaya iisang paraan na lamang ang natitira.

"Ang Bei Moi na ito ay pinagtaksilan si Lord Guanjuan at ipinagpalit ang Broken Moon Clan kay Hai Yun Master. Hmm? Bakit kaya hindi sumama si Hai Yun Master?"

Nagsisisi si Zhao Feng na hindi niya nahanap si Hai Yun Master.

Kung nasa parehong cultivation pa rin niya si Hai Yun Master, siguradong mapapatay siya ni Zhao Feng na tila kumukuha siya ng buhay ng isang paslit.

Sa pagkakataong iyon, sa isang ganap na lugar, mayroong alitan na nagaganap sa pagitan ng dalawang henyo.

Ang cultivation ng dalawang henyo ay nasa peak stages at late stages ng True Human Rank.

Ang kanilang paglalaban ay nagdulot ng pagbayo ng hangin at pamumuo ang mga alon sa hangin na siyang kumalat sa kahit saan.

"Mabuti! Mabuti!"

Ang mga nakapaligid na henyo ay tinignan ang palabas na ito.

Napakaraming tao rito at ang lahat ay mga henyo.

"Ang mga henyo ng Northern Continent ay hindi mapayapang uri ng mga tao at palaging naglalaban."

Hindi mapigilan ni Jiang Sanfeng na umiling.

"Hindi ba pinipigilan ng mga nakatatanda ang mga batang ito?"

Nagningning ang mga mata ni Zhao Feng. Sa pagkakataon pa lamang na iyon, maraming henyo na agad ang naglalaban mula sa iba't ibang dibisyon.

"May mga alitan na talaga siguro sa pagitan ng mga bansa at clans lalo na sa huling Sacred True Dragon Gathering. Isa pang dahilan ay ang mga henyo na ito ay sinusubukan ang lakas ng bawat isa." Pagpapaliwanag ni Die Ye.

Pag-iiskawt?

Tumawa si Zhao Feng. Ang Northern Continent ay malaki at ilan sa mga dibisyon nito at mga bansa ay malalayo sa isa't isa kung kaya hindi rin sila nag-uusap usap.

Pero ngayong naririto ang lahat ng henyo, ito ang natatanging pagkakataon para iiskawt ang isa't isa.

Sa ilalim ng ganitong sitwasyon, kahit wala naman talagang problema sa kanila, maghahanap at maghahanap pa rin sila.

Kahit na kabilang sa tatlong Great Counties, ang Canopy Great Country ay hindi pa rin makatakas sa ganitong mga pagkakataon.

Ang mga normal na strong countries at mga clans ay walang lakas ng loob para galitin ang Canopy Great Country pero ganoon pa man higit pa sa isang Great Country at iilang mga clans at ancient families ang hindi natatakot sa Canopy Great Country.

"Zhe zhe, ang Canopy Great Country ay napakamakulay sa ngayon. Gintong buhok, asul na buhok, lilang buhok… Akala ko pumasok ako sa kulungan ng mga aso."

Isang mapangutyang tono ang nagmula sa isang malapit na partido.

Ang nagsalita ay isang lalaking kalbo at may kakaibang mga kulay berdeng guhit sa kanyang dibdib. Hindi ito isang tattoo pero isang bloodline power na tila nagdadala ng isang uri ng likido sa bawat hininga.

"Siya si Xie Qinglong mula sa Scarlet Sky Great Country."

"Ang taong iyan ay nasa ikatlong puwesto sa Great Country at mayroon siyang kakaiba at bibihirang Green Flaming Tattoo Dragon Bloodline. Kasama siya sa top 100 noong nakaraang Sacred True Dragon Gathering."

Agad na nakilala ng mga henyo ang kalbong lalaki na ito.

Ang manunuya ay galing sa Scarlet Sky Great Country at ang cultivation niya, si Xie Qinglong, ay umabot na sa peak stages ng True Human Rank.

Nang marining ito, sina Prinsipe Jin at ang kanyang mga kasama ay napamura.

"Hahaha… Akala ko naman kung sino. Isang insekto lang pala galing sa Scarlet Sky Great Country."

Isang dominanteng boses ang maririning mula sa Canopy Great Country. Naramdaman ng lahat na tila ang hangin ay nahiwa at saka silang lahat ay napatingin.

Isang gwapong lalaking nakaroba na may isang ancient blade ang lumabas sa harap.

"Siya si Tian Yunzhi ng Canopy Great Country. Ikatlong puwesto."

"Kung tama ang natatandaan ko, hindi ba natalo siya kay Xie Qinglong noong nakaraan?"

Ang pagpapakita ni Tian Yunzhi ay kumuha ng atensyon ng karamihan.

"Isang talunan ang nangangahas na pumunta at magpakitang gilas."

Isang paghagikhik ang maririnig kay Xie Qinglong.

Ang dalawa ay parehong nasa ikatlong puwesto ng kani-kanilang mga bansa, pero si Tian Yunzhi ay natalo ni Xie Qinglong dati.

Ang engkwentro ng mga henyo mula sa dalawang Great Countries ay nagdulot ng mga tinginan mula sa maraming naroroon.

Kahit si Prinsesa Linyue ng Purple Rising Great Country ay napangiti at tumingin.

Green Sun Blazing Dragon!

Inilatag ni Xie Qinglong ang kanyang mga braso at isang maitim na berdeng bloodline sa kanyang dibdib ang nagsimulang gumalaw na siyang bumuo ng hugi dragon na berdeng liyab.

Hu~

Itinaas ni Xie Qinglong ang kanyang palad at isang berdeng apoy ang agad na nagtungo kay Tian Yunzhi at sinusubukan siyang balutan.

"Anong lakas ng kanyang bloodline secret technique!"

"Ganito pala ang lakas ng isa sa mga top 100."

Pinatalon agad ni Xie Qinglong ang mga puso ng mga kalahok ng Sacred True Dragon Gathering sa unang beses.

Ang nakakasindak na alab na ito ay agad na mapupulbos ang isang normal na eksperto ng True Human Rank.

Sa panig ng Iron Dragon Strong Countries.

"Ah, siya pala ang peak genius ng Northern Continent."

Huminga nang malalim si Bei Moi. Ang bloodline secret technique ni Xie Qinglong ay ang talagang panapat sa kanyang Dark Water Inheritance.

Sa pagkakataong iyon, naramdaman niya ang kanyang laman at Qi ng True Spirit ay nanginig. Sa totoong laban, hindi siguro siya makakasalag ng kahit kaunting mga atake kay Xie Qinglong.

Sky Cloud Blade Drawing Technique!

Jiang!

Isang ancient blade ang lumabas mula sa kanyang saha at humiwa sa mga apoy hanggang sa naglaho ito. Sa parehong pagkakataong, isang hindi nakikitang blade intent ang agad na sumugod sa kamalayan ng kalaban.

Marami sa mga henyo ang nakaramdam ng paglamig sa kanilang mga puso. Tila ba isang hindi nakikitang patalim ang humiwa ng kanilang mga katawan.

"Blade intent!"

"Kailan pa nagkaroon si Tian Yunzhi ng ganyang kalakas na blade intent?"

Ang Scarlet Sky Great Country at iba pang mga strong countries ay nagulantang.

Ang blade intent ay humiwa sa hangin at ipinilit si Xie Qinglong na mapaatras ng isang yapak.

Ito lamang ang unang blade drawing technique.

Agad na pinadaloy ni Tian Yunzhi ang kanyang Tian at Yun bloodlines na lumiwanag sa kulay na asul at puti.

"Kailan pa naunawaan ng sutil na ito ang blade intent at kailan pa ito naging ganito kalakas?"

Sa ilang hiwa lamang, napilit na si Xie Qinglong na umatras at marami rin siyang mga sugat sa kanyang dibdib at mukha.

Kung bloodline lang naman ang pag-uusapan, hindi naman hihina si Tian Yunzhi sa kanya. Sa kabilang banda, maaaring mas malakas pa nga ito kaysa sa kanya pagkatapos ng kanyang pagtalo.

Kahit si Prinsipe Jin at Prinsesa Linyue ay bahagyang nagulat.

Ang lakas na ipinakita ni Tian Yunzhi ay kaya nang maabot ang top 100 o kaya mas mataas pa.

"Kung totoo ang mga usap-usapan, naunawaan niya ang blade intent pagkatapos matalong kay Xin Wuheng at sinasabi ring ang kanyang blade intent ay mas malakas ng dalawang beses kaysa sa blade intent ng iba."

Naguhitan agad ng liwanag ang mga mata ni Prinsesa Linyue.

Alam niya kung gaano kalakas si Xin Wuheng. Kalahating taon ang nakalilipas, ang dalawa ay naging pantay ang laban pero ang ikinagalit niya ay sapagkat ang misteryosong henyo na ito ay gumamit lamang ng isang kamay mula simula.

Ang alamat ni Xin Wuheng ay isang kuwento na pinag-uusapan sa bawat oras ng pagkain, Hindi naman mataas ang kanyang talento o ang bloodline. Ni hindi nga siya natuto mula sa mga seniors pero ang taong katulad niya ay naunawaan ang lahat gamit lamang ang kanyang sarili at bumuo ng sariling landas ng kanyang cultivation.

Sheeeew!

Natumba na si Xie Qinglong at natalo na rin siya ni Tian Yunzhi.

"Salamat."

Bumalik si Tian Yunzhi nang panalo. Ang pagkapanalo ng Canopy Great Country ay halata namang pinaglaho ang mukhang maihaharap ng Scarlet Sky Great Country kung kaya pinadala na nila ang henyo nilang nasa ikalawang puwesto.

Sa tatlong Great Countries, ang Canopy Great Country ay hindi naman mahina, pero ang kanilang mga juniors ay hindi kasinglakas ng iba.

"Zhe zhe…"

Pinagkiskis ni Wang Xiaoguai ang kanyang mga kamay nang may galak at tumalon kasama ng kanyang ginto at pilak na patpat.

Ang ikalawang henyo ng Scarlet Sky Great Country ay naabot na ang peak stages ng True Human Rank at hindi na hihina pa kay Prinsipe Jin.

Lumaban si Wang Xiaoguai nang todo at may pagngangalit.

Ang kanyang bloodline power ay binibigyan siya ng lakas sa bawat pinsala na kanyang natatanggap.

Pagkatapos ng 100 na atake, marami ng sugat si Wang Xiaoguai at higit nitong pinalakas ang kanyang battle power na siyang daan sa kanyang pagkapanalo.

Pagkatapos matalo ng dalawang beses at magkakasunod, ang ekspresyon ng mga nasa Scarlet Sky Great Country ay talagang nagbago.

"Kung ang ikalawa at ikatlo ng Canopy Great Country ay napakalakas na agad, si Prinsipe Jin…"

Kinakabahan na agad ang Scarlet Sky at Purple Rising Great Country.

Sa totoo lang, alam talaga ni Zhao Feng na ang lakas ni Wang Xiaoguai at Prinsipe Jin ay hindi naman nagkakalayo. Pero kung ang pag-uusapan ay totoong buhay at kamatayan, sigurado siyang mananalo si Wang Xiaoguai.

Kung opensa lang naman ang pag-uusapan, matagal nang nalagpasan ni Tian Yunzhi si Prince Jin.

"Ang Canopy Great Country sa kasalukuyan ay talagang naiba. Kilala ko si Prinsipe Jin pero ang ikalawa at ikatlo…"

Nagningning ang mga mata ni Prinsesa Linyue nang suriin niya sina Zhao Feng at Liu Qinxin.

Sa Northern Star Stand.

Para mas madaling hamunin ng mga henyo ang bawat isa, kakaiba ngayong taon ang pagkakahanay ng mga upuan.

"Ke Li, subukan mo naman ang lakas niyang sutil na kulay asul ang buhok. Fan Xiaoyue, subukan mo naman ang babaeng nakaputi na kinaiinggitan ng lahat dahil sa kanyang ganda."

Pag-uutos ni Prinsesa Linyue.

Si Ke Li at Fan Xiaoyue ay nasa puwestong ikaapat at ikalima sa Purple Rising Great Country at sa nakaraan, maihahalintulad sila sa ikatlo at ikaapat ng Canopy Great Country.

Ang mga pinapatudlaan ni Prinsesa Linyue ay sina Zhao Feng at Lin Qinxin.