Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 337 - Northern Star Stand

Chapter 337 - Northern Star Stand

Ang Eye of Death ay isang pinagbabawal na teknik na kumakatawan sa Death kapag ito ay nasanay na hanggang sa huling level.

"Sa oras na makumpleto ko ang Eye of Death, ang lahat ng nasa ilalim ng mata na ito ay mahihigupan ng kaluluwa. Kahit hindi nito napagdedesisyunan kung sino ang mabubuhay, ito ang magdedesisyon kung sino ang mamamatay…"

Ang pagtingin ni Zhao Feng sa mundo ay bumaligtad na naman.

Ang pangunahing punto ng Eye of Death ay ang pagkontrol sa Laws of Death.

Ang Life at ang Death ay napakalawak na mga batas na hindi maaaring makontrol.

Wala pa siyang naririnig na kahit sinong nakaintindi na sa mga batas ng Life at Death na nakakamit ng isang buhay na walang hanggan.

Kahit ang mga Supremes sa Origin Core Realm ay kaya lamang mabuhay ng ilang daang taon. Hindi sila maaaring mamuhay lagpas isang libong taon at hindi nila kayang intindihin ang life at death.

Ang mga Kings ng Void God Realm ay hindi pa rin kayang makalagpas sa harang na ito.

Sa taas ng Void God Realm ay ang Mystic Light Realm pati na rin ang malaalamat na Heavenly Divine Realm.

Malinaw na ang mga nasa Heavenly Divine Realm ay ang mga Diyos at mga Alamat. Maaaring ang mga nasa level na ito lamang ang magiging imortal.

"Kung ganoon, ang kulang na pahina ng Dark Eye ang kumakatawan sa Death?"

Hindi mapigilang umiling ni Zhao Feng, pakiramdam niya ay hindi ito totoo.

Kahit papaano isa lamang ito sa mga pahina nito at maikling parte lamang.

Batay sa sinasabi nito, ang Dark Eye ay mayroong kabuuan ng siyam na pahina at kapag nakumpleto lamang silang lahat atsaka maaaring i-cultivate ang pinal na Eye of Death.

Kahit sa level na mayroon si Zhao Feng, nahihirapan pa rin siyang maintindihan ang mga nilalaman ng Eye of Death.

Maraming mga 'pangungusap' ang napakasinauna at kung hindi sa katotohanang nakapasok na si Zhao Feng sa mga pinto ng Ancient Dao of the Soul, wala talaga siyang maiintindihang kahit ano.

Kahit hindi mai-cultivate ni Zhao Feng ang kulang na pahina ng Dark Eye sa maikling panahon, pinalawak nito ang kaniyang mga kaalaman.

Ang kulang na pahina ng Dark Eye ay marami pa ring mga pinagbabawal na eye secret technique na nagngangalang 'Dark Eye Secret Technique'.

Ang mga ilang Dark Eye secret techniques na ito ay kayang pabulukin ang isipan at kaluluwa ng kalaban. Sa oras na magamit ito, hindi na makakapagpagaling ang kalaban at mapapanood na lamang nila ang sarili nilang lumakad patungo sa kamatayan.

Mayroon pang ibang mga Dark Eye secret techniques na kayang magtipon ng mga Souls of the Dead at kayang buuhin ang Power of Dead Souls na kayang tahimik na patayin ang iba.

Marami pang mas tiyak na sumpa ang kayang 'Sumpain; ang iba gamit ang Dark eye.

Ang Hundred Graves Forbidded Ground ay mayroong mga makakapangyarihang mga sumpa na kahit ang mga nasa True Spirit Realm ay hindi kayang takasan. Ang Scarlet Moon Patriarch lamang ang nakalabas dito ng walang kahit anong pinsala.

Sa kabuuan, ang kulang na pahina ng Dark Eye ay naglalaman ng mga nakamamatay na teknik na kayang pumatay nang hindi nag-iiwan ng kahit anong bakas .

Nagpatuloy ang paglalakbay at lumipas ang oras.

Nagsimulang basahin ni Zhao Feng ang kulang na pahina ng Dark Eye at kahit hindi pa siya pumapasok sa Dao, mayroon na siyang mga naiisip na ideya mula rito.

Sa pamamagitan ng kulang na pahina ng Dark Eye at sa pundasyon nito, nagsimula nang gawing perpekto ni Zhao Feng ang kaniyang sariling eye bloodline.

Sa ngayon, mayroon na siyang dalawang pangunahing pundasyon.

Ang una ay ang Lightning Inheritance at ang isa naman ay ang Ancient Dao of the Soul, kumakatawan sa Eye of Ice Soul.

Isang pisikal, isang mental energy. Sa pamamagitan ng dalawang ito, nagkaroon na si Zhao Feng ng isang malalim na pundasyon.

Sa isang pagkurap, halos dalawang buwan na agad ang nakalipas.

Sa huling araw, marahang binuksan ni Zhao Feng ang kaniyang mga mata, pakiramdam niya ay pagod siya subalit may matingkad na liwanag sa kaniyang mga mata na nagpakawala ng isang mas malakas na presyon ng mental energy.

Sa nakalipas na dalawang buwan, lumago ang dalawang pangunahing pundasyon ni Zhao Feng.

Ang ikalawang level ng Ball of Ice Soul ay itinaas ang mental energy level ni Zhao Feng sa bawat araw at ngayon ay katapat na ito ng mga nasa True Mystic Rank.

Ang ikalawang palapag ng Lightning Inheritance ay naintindihan na sa halos mga huling yugto nito.

Sa isang iglap.

Ang kidlat na simbolo sa noo ni Zhao Feng ay marahang mas naging malinaw at kahit na hindi niya ginagamit ang kapangyarihan ng Lightning Inheritance, nakikita pa rin ito.

Miao miao!

Humikab ang munting pusang magnanakaw.

"En, salamat."

Inilagay ni Zhao Feng ang munting pusang magnanakaw sa Spiritual Pet Bag, subalit nang silipin niya ang kaniyang interspatial bracelet at ang kaniyang singsing, nagbago ang kaniyang ekspresyon.

"P*tanginang magnanakaw na pusa!"

Kumunot ang kilay ni Zhao Feng sa galit.

Bahagyang tumibok ang simbolo ng kidlat sa kaniyang noo at ang Lightning Tuan Qi sa malapit ay nagsimulang maging magulo, isang nagdadabog na kidlat.

Ang mga resources at ang Primal Crystal Stones na nasa kaniyang interspatial items ay nangalahati.

Kahit hindi niya tatanungin, alam niya na malamang ay kinain ito ng munting pusang magnanakaw.

Walang ginagawang bagay ang munting pusang magnanakaw na walang bayad at ang pagtulong kay Zhao Feng na salaging ang mga hangin sa loob ng dalawang buwan, halatang kailangan niya ng bayad.

"Grabe napakalakas na kidlat."

Ang grupo mula sa Canopy Great Country ay lahat naramdaman ito at ang iba pang mga ten stars kabilang na si Prince Jin ay nakaramdam ng isang matinding kaba.

Bahagyang huminga si Zhao Feng at binalik ang kaniyang aura bago niya hinatak ang munting pusang magnanakaw.

Nakakaawang iwinagayway ng munting pusang magnanakaw ang mga paa nito na para bang nagpapaliwanag.

"Ano? Ikaw ay nasa 'nagpapalaking' yugto at kinailangan mo ng resources at ng Primal Crystal Stones upang mabalik ang iyong enerhiya?"

Naghihinalang sinuri ni Zhao Feng ang munting pusang magnanakaw.

Matapos kainin ang mala-bundok niyang mga resources, hindi naman masiyadong lumaki ang pusa.

Miao miao!

Wumagayway ang munting pusang magnanakaw upang sabihin na ibibigay niya ang lahat ng tulong kay Zhao Feng sa Sacred True Dragon Gathering.

"Matapos kainin ang napakarami kong resources, mayroon ka bang bagong mga kapangyarihan?"

Munting pusang magnanakaw: "…"

Umiling si Zhao Feng at mas lalo pang nadismaya sa pusa.

Sa pagkakataong ito, ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay may naramdamang isang bagay at siya tumingin sa malayo.

Mayroong isang matingkad na putting ilaw mula sa isang libong milya na nagpapakawala ng isang kakaibang pakiramdam.

Ang matingkad na liwanag ay mas naging malapit.

"Ang Northern Star Stand. Sa wakas nandito na tayo."

Sambit ng mga nagmula sa Canopy Great Country.

Ang matingkad na ilaw ay isang kumikinang na puting batong entablado na halos sampung milya ang lawak. Sa gitna ng batong entablado ay mayroong isang simpleng, purong itim na batong pinto.

Ang kumikinang na puting batong entablado na salungat sa purong itim na pinto ay lubos na nakakaakit ng paningin sa gitna ng disyerto.

Ang disyertong ito ay mayroong mga bagyo ng buhangin sa buong taon at sapat na ito upang lamunin ang mga taong nasa ilalim ng True Spirit Realm. Sa alapaap, mayroong mga flying beasts na kayang pinsalain ang mga nasa True Human Rank.

"Kung ganoon, ito ang Northern Star stand?"

Sinuri ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang buong lugar at napagtanto na ang mga materyales dito ay mas nakakaangat sa kaniyang kaalaman.

Ang ganitong eksena ay nagdulot upang maalala niya ang sentro ng Hundred Graves Forbidden Ground.

Habang paparating pa lamang ang grupo sa Canopy Great Country, mayroon ng mga taong nagtitipon dito sa Northern Star stand.

"Ang mga tao mula sa Purple Rising Great Country at sa Scarlet Sky Great Country ay nandito na."

Sinuri ng mga mata ni Prince Jin ang lipon ng mga tao.

Sa isang biglaan, ang mga taong nasa Northern Star Stand ay nahati sa kani-kanilang mga partido.

Ang mga henyo mula sa three great countries ay nagtipon-tipon.

Bukod pa rito, mayroon ding mga nagmula sa Strong Countries, Clans at mga malalaking pamilya.

Sa Northern Continent, ang bilang ng strong countries ay malapit na sa isang daan subalit bawat strong country ay mayroon lamang dalawang puwesto.

Kumpara sa kanila, ang three Great Countries ay malaking-malaki.

Maraming mga strong countries ang pinamamahalaan ng three Great Countries.

Halimbaw, nang magdatingan ang mga tao ng Canopy Great Country, maraming mga strong countries ang nagsipuntahan.

Ang three Great Countries na ito ay: Ang Purple Rising Great Country, Scarlet Sky Great Country at ang Canopy Great Country.

Natuklasan ni Zhao Feng na ang three Great Countries ay sumasakop sa halos kalahati ng mga puwersa ng Northern Continent.

Kung tutuusin, ang isang Great Country ay maraming mga puwersa at pamilya na may kani-kanilang mga representatibo.

"Hehe, munting gintong baboy, nagkita tayong muli."

Isang nang-iinsultong boses mula sa babae ang maririnig mula sa Purple Rising Great Country.

Ang nangungunang henyo mula sa Purple Rising Great Country ay isang mala-bayaning batang babae na mayroong lilang buhok at maysuot na phoenix battle robe.

Munting gintong baboy?

Napagtanto ni Zhao Feng na ang babaeng may suot na phoenix battle robe ay kinakausap ang Canopy Great Country.

"Si Princess Linyue…"

Itiniim ni Prince Jin ang kaniyang mga ngipin subalit wala siyang magawa at mayroon siyang sakit ng ulo.

Pinigilan ni Jiang Sanfeng ang kaniyang tawa at sinabi sa mababang tono: "Munting gintong pusa ay ang palayaw na ibinigay ni Princess Liu kay Prince Jin. Nakipaglaban na si Prince Jin sa kaniya ng dalawang beses subalit malabis siyang natalo ni Princess Linyue."

Ang Princess Linyue na ito ay ang Prinsesa ng Purple Rising Great Country at maaaring siya ang taong mayroong pinakamalakas na bloodline power.

"Sikat si Princess Linyue sa buong Northern Continent dahil sa kaniyang lakas at nanghamon na siya ng dalawnag ekspertong mula sa True Mystic Rank noon…"

"Sa huling Sacred True Dragon Gathering si Princess Linyue ay nakaabot sa top one hundred at sa oras na ito labis na tumaas ang kaniyang lakas at ang kaniyang bloodline."

Nagusap-usap ang mga puwersa ng Northern Star Stand at sinubok nila ang isa't isa.

Marahang lumakad si Princess Linyue sa panig ng Canopy Great Country.

"Aye, munting gintong baboy, ikaw pa rin ang nangungunang henyo ng Canopy Great Country? Mukhang hindi masiyadong malakas ang Canopy Great Country kung ganoon."

Sinuri ni Princess Linyue ang mga henyo ng Canopy Great Country.

Kahit na mukha lamang itong isang simpleng tingin, ang kaniyang sulyap ay nagtataglay ng isang matalim at nakakabang aura.

Ang mga henyong nasuri ng kaniyang mata ay biglang umiwas ng tingin.

Hmph!

Ipinakawala ni Wang Xiaoguai ang kaniyang kapangyarihan.

Isang matalim na liwanag ang kumislap sa mga mata ni Tian Yunzhi na parang kayang hiwain ang hangin.

Hindi gumagalaw si Zhao Feng, samantalang si Liu Qinxin naman ay nanatiling tahimik.

Biglang umiwas ng tingin si Jiang Sanfeng mula sa tingin.

"Hmm?"

Bahagyang nagulat si Princess Linyue. Gumamit lamang siya ng isang sikretong Imperial technique na ginagamit upang makita ang lakas ng kalaban.

Kung hindi titingin sa kaniya ang kalaban, ibig sabihin nito na ang lakas nila ay halos dalawang levels na malayo sa kaniya.

Kung tumingin ang kalaban sa kaniyang mata, ibig sabihin nito na kahit papaano ay naniniwala sila na kaya nila siyang hamunin o hindi naman masiyadong malayo ang kanilang level.

Subalit, ikinagulat ni Princess Linyue ang pagsusuri.

Sina Wang Xiaoguai at si Tian Yunzhi ay kaya pang bawian ang kaniyang tingin.

Ang blade intent ni Tian Yunzhi ay halos ikinalambot ng kaniyang puso.

"Naintindihan na ng Tian Yunzhi na ito ang ganito kalakas na blade intent. Mukhang ang lakas niya ay kayang malampasan ang kay Prince Jin at isa siya sa mga malalakas kong kalaban."

Kongklusyon ni Princess Linyue.

Bukod sakanila, hindi rin niya masuri ang lakas ni Zhao Feng at ni Liu Qinxin.

Talagang hindi gumagalaw si Zhao Feng. Para bang hindi niya binibigyang pansin ang kaniyang tingin.

"Hehe, ang ganda namang asul na buhok na 'yan."

Sa isang kislap, napunta sa harapan ni Zhao Feng si Princess Linyue ng mayroong naiingit na mukha.

Ang buhok ni Zhao Feng ay kulay matamlat na asul at mukha itong natural.

Mayroong isa pang layunin si Princess Linyue at iyon ay tingnan ang lakas ni Zhao Feng subalit matapos mariing tingnan, nakumpirma niya na ang lalaking ito ay nasa mga unang yugto pa lamang ng True Human Rank.

"Ang Northern Continent ay hindi maaaring magkaroon ng isa na namang Xin Wuheng…"

Umiling si Princess Linyue. Masiyado siyang nag-iisip. Nanatiling hindi gumagalaw si Zhao Feng mula sa pagdating ni Princess Linyue hanggang sa pag-alis niya.

Pinunasan ng mga mula sa Canopy Great Country gaya ni Prince Jin at ng iba pa ang kanilang malalamig na pawis. Ang mga matatandang henyo na ito ay alam kung gaano kalupit si Princess Linyue.

Sou! Sou! Sou!

Ang tunog ng paglipad ay patuloy na lumitaw at mas marami pang strong countries at malalaking clans ang nagtipon.

"Hmm? Ano itong strong country? Mukhang bago?"

Ilang mga tao ang lumpag mula sa isang malaking blood blue bird at sila ay nawala sa kanilang mga estado kasama ng iba.

"Oh, naalala ko na, sa tingin ko isa itong napakalayong bansa na tinatawag na Iron Dragon Strong Country."