Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 333 - Pinakauna sa Great Country (2)

Chapter 333 - Pinakauna sa Great Country (2)

Inilingon ni Wang Xiaoguai ang kaniyang ulo sa gilid nang isang lilang gintong liwanag ang lumitaw sa kaniyang mga mata.

Pagkatapos mabuksan ang kaniyang bloodline power at iwasiwas ang kaniyang patpat, ang buong arena ay bahagyang nanginig. Ang nakakasirang kapangyarihan ay kayang makapatay ng late stage True Human Rank.

"Isang napakamakapangyarihang bloodline!" Nagsigawan ang mga tao.

Kahit si Zhao Feng ay nagising. Ang bloodline power sa kaniyang loob ay nakaramdam ng isa pang ancient bloodline at bahagya pang nakakapuwersa.

Hindi karaniwang nararanasan ni Zhao Feng ang ganitong sitwasyon. Mayroon lang dalawang posibilidad: Maaaring ang bloodline ni Wang Xiaoguai ay napakataas na tier, o ang kaniyang bloodline ay nagising na at nakaabot sa mataas na lebel ng pagbalik sa ninuno nito.

Halimbawa, ang bloodline ng isang tao ay maaaring nakaabot sa 10% na paggising, habang ang isa ay nagising ang isa sa bawat isang libong porsyento.

"Hahaha, ito ang nakagugulat na galing sa ating Wind Cloud Sect!"

"Ang bloodline ni Wang Xiaoguai at nagningas sa nakaraang kalahating taon at binabalikan ang ninuno nito. Ang kapangyarihan nito ay lumalago bawat araw.

"Mukhang ang posisyon ni Prince Jin ng pinakamalakas na bloodline ay hindi magiging matibay." Mayabang ang upper echelon ng Wind Cloud Sect.

"Binabati ko ang nasa Wind Cloud Sect sa pagkakaroon ng ganoong prodigy," binati ng Deputy Patriarch ng Iron Blood Religion ang Wind Cloud Sect Leader. Sa Canopy Great Country, ang Wind Cloud Sect ay nasa parehong alyansa ng Iron Blood Religion.

"Ang Wang Xiaoguai na ito ay nagmula sa Wind Cloud Sect at isang halimaw kahit na noong siya ay bata pa. Siya ay lumalaban na tila isang baliw at nakatanggap ng pansin ng Wind Cloud Sect..." Nakita ni Tian Yunzhi na si Zhao Feng ay nagtataka at nagpaliwanag.

Nakaramdam si Zhao Feng ng bahagyang kakaiba, hindi ba nais ng paghihiganti ng Tian Yunzhi na ito? Noon, ginamit niya ang Water Moon God Peach Fan at halos sirain na ang kaniyang kinabukasan.

"Sa buhay na ito, dalawang tao lang ang nakita kong karapat-dapat na hangaan at pasalamatan. Isa sa kanila ang nagpa-intindi sa akin ng aking blade intent at ang isa ay ikaw, na nagpabangon sa akin nang mas mataas pagkatapos mabigo," bahagyang ngumiti si Tian Yunzhi.

Ang blade intent pagkatapos ng kaniyang pagkabigo at pagbangon ay hindi mas malakas, ngunit naramdaman ni Zhao Feng na mas malalim ito kaysa noong una. Walang dudang nais kalabanin ni Tian Yunzhi si Prince Jin.

"Wang Xiaoguai, kahit na ang iyong bloodline ay mas lumakas, hindi ka pa rin tutumbas sa aking Imperial bloodline," malalim na sinabi ni Prince Jin nang isara ang kaniyang mga kamay at liparin ang kaniyang buhok.

Weng~

Ang mga buto at dugo ng kaniyang katawan, lalo na ang kaniyang balat, ay kumapal at isang patong ng gitong liwanag ang lumitaw sa paligid niya. sa isang kisapmata, ang ano ni Prince Jin at tumaas ng isa o dalawang pulgada at ang kaniyang balat ay mas kumapal pa, na mas nagpamukhang malaki sa kaniya. Dagdag pa rito, isang mahinang anyo ang lumitaw sa kaniyang likuran.

Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay nanliit. Nakikita niyang ang hugis ng anyo ay tila isang hayop.

"Ito ang hindi karaniwang Imperial 'Golden Boar Bloodline', na kayang mapataas nang malaki ang mga katangian at kapangyarihan. Ang mga may Golden Boar Bloodline ay kayang pigilan ang mga atake ng mga nasa kaparehong lebel ng cultivation."

"Ang Golden Boar Bloodline ni Prince Jin ay nakaabot na sa mataas na lebel at mayroon siyang perpektong bloodline secret technique..."

Peng Dong Dong---

Ang dalawang henyong may katangi-tanging kapangyarihan ay ginamit ang kanilang bloodline power at pumadyak sa arena, na nakapagpanginig nito.

"Earthe Evil Wind Cloud Stick!"

Sumigaw si Wang Xiaoguai at iwinasiwas ang kaniyang malaking ginto at pilak na patpat, na nakagawa ng isang lilang berdeng hangin at napatalsik ang isang daang yarda sa kaniyang harap.

"Golden Destroying Demon Slaughtering Palm!"

Si Prince Jin sumigaw at isang gintong tatto ang lumaki sa kaniyang palad at itinulak nang mabigat kay Wang Xiaoguai.

Bam Boom!

Ang dalawang malabundok na kapangyarihan ay nagtama at ang pagsasama ng dalawang bloodline power kasama ang Qi of True Spirit ay nakalagpas sa mga hangganan ng cultivation.

Ito ay labis na mahirap para sa isang tao na gamitin ang kapangyarihang lagpas sa kanilang cultivation, ngunit ito ay hindi imposble. Ang pinakakaraniwang paraan ay ang mga secret techniques na pinagniningas ang kanilang Qi of True Spirit ngunit may malaki itong kabayaran.

Kaya rin nilang gumamit ng makapangyarihang sandata, ngunit ang nagamit na lakas ay mataas at mahirap kontrolin.

Ang mga bloodline ay ang mga paraang may mas kaunting epekto, samakatuwid ang mga may bloodline ay pinaburan ng Kalangitan at kayang makagamit ng kapangyarihang lagpas sa kanila.

Si Prince Jin at Wang Xiaoguai ay mga perpektong halimbawa.

Ang labanan ng dalawa ay nag-iwan ng mga butas sa arena. Ang mga unang kalahok ay hindi napinsala. Tila dalawang higante ang naglalaban habang nanginginig ang arena.

"Ang dalawang halimaw na ito." Ang mga anak ng kalangitan sa buong bansa ay nakaramdam na tila nanginig ang kanilang puso.

Ang mga nasa pinakamataas na sampu ay hindi maiwasang matuwa na hindi nila kinalaban si Prince Jin o si Wang Xiaoguai. Kahit sinong nasa ilalaim ng peak True Human Rank ay mapapatalsik sa isang palad o mamamatay sa isang kumpas ng patpat.

Hong! Beng! Boom----

Ang laban ay nagpatuloy at nagsimula nang magsilabasan ang mga lamat sa arena.

"Sa larangan ng bloodline power, ang dalawa ay halos parehas lang. Si Wang Xiaoguai ay may isang higher tier bloodline, ngunit si Prince Jin ay namulat sa mas mataas na antas at may secret technique kasama nito.

Sinuri ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang dalawa.

Sa isang saglit, nakita ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng kung paano ginamit ng dalawa ang Qi of True Spirit at bloodline power. Nalaman niyang may sarili silang paraan ng paggamit nito.

Si Wang Xiaoguai ay bahagyang bago pa rito, ngunit si Prince Jin ay mayroon nang kumpletong skill.

"Aye." Sinampal ni Zhao Feng ang kaniyang noo.

Pagkatapos suriin ang paggamit ng bloodline ni Prince Jin at Wang Xiaoguai, napagtanto na niya kung gaano niya kagaspang na ginamit ang sa kaniya. Hindi naman talaga ito magaspang. Ni hindi natutunan ni Zhao Feng kung paano ito gagamitin at pilit lang itong ginamit.

Syempre, hindi lahat ng sisi ay mapupunta kay Zhao Feng. Ang kaniyang bloodline power ay nanggaling sa kaniyang God's Spiritual Eye, na nakapagbago sa kaniyang katawan. Samakatuwid, wala siyang angkop na bloodline o kung paano ito gamitin.

Hindi katulad niya, si Prince Jin at may kumpletong secret technique na ginawa para sa kaniyang bloodline. Ang bloodline ng mga Imperial ay pinerpekto sa bawat henerasyon.

"En, hindi pa huli ang lahat." Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay sinuri kung paano ginamit ng dalawa ang kanilang bloodline.

Labis nang sanay dito si Prince Jin, habang si Wang Xiaoguai ay hindi pa, maaaring dahil ang kaniyang bloodline ay hindi karaniwan. Gayunman, kahit siya ay mas magaling kaysa kay Zhao Feng.

Una, ang bloodline ni Wang Xiaoguai at natural at ang kaniyang katawan ay sanay na rito.

Ikalawa, kapag namulat na ang kaniyang bloodline, binigyan siya ng kaalaman ng mga nasa Wind Cloud Sect.

Sa kabilang banda, si Zhao Feng ay nanggaling sa isang malayong lugar kung saan ang mga bloodline ay hindi karaniwan.

Pagkatapos silang suriin, inanalisa ni Zhao Feng kung paano gumamit ng mga bloodline.

"Ang mga bloodline ni Prince Jin at Wang Xiaoguai ay nabibilang sa mga power type at mayroong hinid siguradong mga elementp, ngunit ang ilang mga bloodline ay nakakapagpataas ng bilis, pagsabog, at mayroon pang mga elemento..."

Nag-isip na si Zhao Feng tungkol sa mga bloodline na kaniyang nakita. Si Bi Jiangqing ay may elemental bloodline na kayang makapagpalabs ng azure na berdeng mga apoy.

Paano naman sa sarili ni Zhao Feng?

"Ang aking bloodline ay dapat na nakabase sa God's Spiritual Eye. Noon ay azure ito, ngunit ngayon ito ay asul na na ang ibig sabihin ay ang kasalukuyang elemento ng aking bloodline aypumapabor sa yelo."

Isinara ni Zhao Feng ang kaniyang mga mata at umintindi.

Sa loob ng kaniyang katawan, ang mga linya ng asul na dugo ay gumalaw sa partikular na daloy at humalo sa Qi of True Spirit, at kaniyang mga dugo at buto.

Ang mga kilos ni Zhao Feng ay nanggaling sa pag-aaral kin Prince Jin at Wang Xiaoguai. Si Prince Jin ay mayroong mas kumpletong skill, habang si Wang Xiaoguai ay may ancient bloodline.

Weng~

Ang malabong asul na dugo sa loob ng bloodline ni Zhao Feng ay humalo sa Qi of the True Spirit sa kaniyang Source of True Spirit at kaniyang dugo, mga buto, at laman.

Sa isang saglit, nakagawa ng mga bola ng asul at azure na hangin sa katawan ni Zhao Feng na nagbibigay ng pakiramdam ng kuryente at lamig.

"Ganoon kasimple? Mukhang ang kaunting kaibahan sa isang piraso ng papel ay tulad ng isang bundok."

Si Zhao Feng ay labis na masaya. Ang kaniyang bloodline bottleneck ay nakalagpas na sa wakas.

Gamit ang kaniyang mas pamilyar na paggamit, ang malabong asul na dugo sa loob niya ay kayang pumunta sa bawat sulok ng kaniyang katawan. Bawat galaw ay mas pinakapal ang bloodline power ni Zhao Feng.

Hindi nagtagal ay nakakumpleto na si Zhao Feng ng isang palibot at ang God's Spiritual Eye bilang kaibuturan, pinalaganap niya ang bloodline power sa kaniyang laman, mga buto, at dugo.

Sa bawat kumpletong palibot, nalaman niyang ang bloodline power sa kaniyang loob ay lumalakas. Ito ay tila isang lalaking may walang hanggang kapangyarihan na napagtanto kung paano maghukay.

"Ang aura na ito..."

Si Liu Qinxin at Tian Yunzhi sa kaniyang kaliwa at kanan ay naramdaman ang bloodline aura mula kay Zhao Feng at ang kanilang mga sariling bloodline ay nagsimulang manginig.

Ang bloodline ni Tian Yunzhi ay kombinasyon ng dalawang bloodline at halatang makapangyarihan. Ang kay Liu Qinxin naman ay mas misteryoso at kakaiba.

Lumipas ang oras...

Sa arena, si Prince Jin at Wang Xiaoguai ay mahigpit na naglaban na tila ang kalangitan at mga bundok ay yumayanig.

Nakapasok si Zhao Feng sa isang kalagayang nagpaliwanag sa kaniyang malamig na asul na tattoo.

Isang oras ang nakalipas...

"Ang unang hakbang ay tapos na."

Huminga nang matagal si Zhao Feng habang ang kaniyang bloodline ay lumabo.

Sa sandaling ito, ang kaniyang bloodline power ay higit pa sa dalawang beses na lakas nito noong una. Tila isa itong jade na napadalisay, na kumikinang nang may walang katulad na liwanag.

"Eh? Naglalaban pa rin?" Idinilat ni Zhao Feng ang kaniyang mata nang may gulat. Ang dalawang ito ay naglalaban pa rin sa loob ng isang oras.

Crack--

Ang arena ay biglang tumunog at nahati sa mga bahagi habang may usok na nakita sa hangin.

Parehong si Prince Jin at wang Xiaoguai ay inipon ang kanilang kapangyarihan at inilabas ang kanilang nakakasirang mga atake.

Bam! Bam!

Ang dalawang anyo ay lumipad. Isang talsik ng dugo mula sa bibig ni Prince Jin, habang si Wang Xiaoguai ay dumura nito.

Mabilis na sinuri ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang laban.

Sa larangan ng kapangyarihang lumaban, ang dalawa ay pantay at sa pag-atake naman, si Wang Xiaoguai ay bahagyang mas malakas. Ngunit ang depensa ng Golden Bear Bloodline ni Prince Jin ay labis na malakas. Sinasabing kaya nitong pigilan ang mga atake ng ilang mga nasa kaparehong cultivation. Dahil dito, mas kaunti ang kaniyang natamong pinsala.

"Hindi ito maganda!" Nagkagulo ang mga manonood.

Habang tumakas ang dalawa, dinala nila ang naitirang shockwave, na mas malakas pa kaysa sa kahit anong atake ng dalawa. Ang mga nasa ilalim ng True Mystic Rank ay siguradong hindi makakaligtas.

Ang daan ng pagtakas ni Prince Jin ay ang mataas na entablado kung nasaan ang ten stars.

"Gagamitin ko ang pagkakataong ito para patayin si Zhao Feng." Sinadya ni Prince Jin na hindi niya mapigilan ang kaniyang pagtakas at dinala ang anyo ng kaiyang Golden Boar at shockwave papunta kay Zhao Feng.

Hindi ito maganda!

Si Liu Qinxin, Tian Yunzhi, at mga kasama ay hindi handa. Gayunman, paano matatakasan ng daan ng pagtakas ni Prince Jin ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng?

"Lumayas ka!" sigaw ni Zhao Feng at ginamit ang kaniyang bloodline power sa isang paraang tumulak paharap.

Pa!

Umatake siya ng isang palad at sa sandaling umatake na ito, isang malabong asul na anyo ang lumiaw sa likuran ni Zhao Feng na tila nanggaling ito sa makalumang panahon.

Boom---

Ang palm of lightning at malamig na asul na liwanag ng chilling intent ay tumama kay Prince Jin nang may 'bam'.