Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 331 - Eye of Ice Soul

Chapter 331 - Eye of Ice Soul

Si Bi Jiangqing ay may cultivation ng True Human Rank at siya ay nasa ikaanim na antas sa sampung pinakamataas mula sa mga nagtataasang kalahok.

Ang tagumpay na ito ay nangangahulugang ang hindi mabilang na henyo ay kaniyang dinurog. Gayunman, sa harapan ng sampung mga henyo na may nauna nang nakuhang lugar, ang kaniyang ekspresyon ay seryoso at hindi siya nangahas na maliiti ang kahit na sino.

Wala siyang lakas ng loob sa pagtalo sa kanila, at walang inaasahan laban kay Price Jin at mga kasama nito.

Kahit ang pagkapanalo sa isang laban ay nangangailangan ng labis na pagsisikap.

Ang tingin ni Bi Jiangqing ay gumala hanggang sa tumigil ito sa ikaapat na upuan, kung saan natutulog ang isang youth na may asul na buhok.

"Ikaaapat na bilang, ikaw na."

Huminga nang malalim si Bi Jiangqing at nagdesisyon nang may matalim na mata.

Ang pagpili kay Zhao Feng ay resulta ng malalim na pag-iisip at dahil sa dalawang dahilan.

Una, sa sampung naunang makuhang lugar, tanging si Zhao Feng ang hindi kasama sa ten stars at kahit na kilala si Zhao Feng, sinasabing gumamit siya ng mababang uri ng pandaraya sa Water Moon Pirate.

Ang ibig sabihin nito ay hindi pa alam ang tunay na lakas ni Zhao Feng.

Ikalawa, si Lu Qinxin.

Sa paghaharap noon, nahulog si Bi Jiangqing sa ganda at pagkamaharlika ni Liu Qinxin.

Kasabay nito, si Zhao Feng ay ang kasintahan ni Liu Qinxin ngunit natapos nang takasan niya ang kasal.

"Hindi alam ng ungas na ito kung ano ang pagmamahal. Hindi pa pinansin ang ganoong babae. Tatalunin kita kahit na anong mangyari at kunin ang kaniyang puso. Pagkatapos, sa pagkakakilanlan ko bilang isang young master ng pamilyang Bi, hihiling ako ng kasalan, at ang Flooding Lake City ay siguradong papayag.

Si Bia Jiangqing ay nagseselos kay Zhao Feng ngunit bahagya ring masaya.

Sa kabutihang palad, hindi alam ni Zhao Feng kung ano ang pagmamahal at nag-iwan sa kaniya ng kaunting pag-asa.

Nagdesisyon si Bi Jiangqing kahit ano pa ang kabayaran, tatalunin niya si Zhao Feng.

Huminga siya nang malalim at tumingin kung nasaan ang perpekto, elegante at maharlikang anyong nakaputi.

Ngunit pagkatapos magsalita ni Bi Jiangqing, tahimik na ang lahat.

"Ikaapat na bilang, ikaw na."

Walang galaw, walang reaksyon.

Si Zhao Feng na nasa ikaapat na upuan ay nakapikit pa rin na tila natutulog. Hindi niya alam kung pang-ilang upuan siya nakaupo at hindi rin alam ang nangyayari sa kompetisyon.

"Zhao Feng, si Bi jiangqing ay isa sa sampung kalahok at may karapatang kalabanin ka. Kung hindi mo ito tatanggapin, masasabing ikaw ay sumuko."

Ang boses ng hukom na nasa True Mystic Rank ay kasinglakas ng kidlat.

Nang sabihin ang pangalan ni Zhao Feng, ang youth na may asul na buhok ay biglang dumilat nang may naguguluhang ekspresyon.

Sa ilalim ng entablado, si Liu Qinxin, Jiang Sanfeng at iba pa ay naroon.

Sa gitna nila, si Liu Qinxin ay may eleganteng ngiti.

Hindi maiwasang sabihin ni Jiang Sanfeng: "Zhao Feng, bilisan mo at lumaban ka."

Parehong siya at si Zhao Feng ay nanggaling sa Iron Blood Religion at ang kaniyang mukha ay labis na namumula.

"Nangangahas na hindi ako pansinin ng t*ng*n*ng ungas na ito."

Si Bi Jiangqing ay nakatayo na puno ng galit at mahigpit na nakasara ang kaniyang mga kamay.

"Oh."

Si Zhao Feng ay tumango sa pag-intindi at bumaba nang mabilis.

"Ang galaw na ito ay galing nga sa Water Moon Pirate."

"Ang disipulo ng tagakuha ng bulaklak ay nangahas na pasukin ang Sacred True Dragon Gathering sa Capital.

Maraming tao ang mababakasan ng poot at galit.

Ang ilan sa mas matandang henerasyon ay nakipag-ugnayan pa sa Water Moon Pirate bago siya matalo.

Ang mga Imperial ay puno ng pagnanasang pumatay at galit. Kung hindi lang pumunta si Zhao Feng sa Iron Blood Religion, siguradong maraming mga eksperto na ang humahabol sa kaniya para parusahan siya.

Sa arena, hinarap ni Zhao Feng si Bi Jiangqing.

Wala siyang ekspresyon, ngunit mukhang bahagyang nag-iisip.

Kahit na sila ay nasa arena, ang tuon ng pansin ni Zhao Feng ay nasa Ball of Ice Soul.

Nagawang mapasok ni Zhao Feng ang unang lebel ng Foundation of Eye Soul at nakaabot sa bagong lebel.

"Azure Fire Green Sky!"

Isinara ni Bi Jiangqing ang kaniyang mga kamay at nagliwanag ng azure ang kaniyang mga mata nang ang kaniyang Qi of True Spirit ay tila nagningas.

Hu~

Nabalot siya ng patong ng azure na liwanag at nagsimula pang magbigay ng maalab na apoy.

Ang mas nakakahanga pa ay ang pagwasak ng kaniyang Qi of True Spirit sa hangganan ng cultivation level.

"Ang Azure Fire Green Sky ay isang secret technique mula sa pangunahing pamilyang Bi at magagamit lang kasama ng kombinasyon ng bloodline power. Ang bloodline secret technique na ito ay kayang mapataas ang pagka-angkop sa Heaven Earth Yuan Qi at madoble ang kaniyang kapangyarihang lumaban.

Ang mga eksperto mula sa bansa ay nakita ito.

"Hindi ito maganda, ang Azure Fire Green Sky ay magagamit lang ng mga nasa late stages ng True Human Rank at kung hindi ay masasaktan nito ang pundasyon at mapipinsala ang kaniyang bloodline power."

Nagbago ang mga ekspreyon ng mga taong mula sa pangunahing pamilyang Bi.

Sa loob lang ng maiksing hininga, ang kapangyairihang lumaban ni Bi Jiangqing ay mabilis na tumaas at maikukumpara na kay Jiang Sanfeng.

Pa!

Ang mga mata ni Bi Jiangqing ay naging buong azure at sumugod kay Zhao Feng ng tila isang diyos.

Sa sandaling ito, ang mga azure na apoy ay bumalot sa buong lugar at ang nakakasindak na kapangyarihan ay sapat para magalaw ang mga nasa peak stages ng True Human Rank.

Bago pa malamon ng azure na apoy ang youth na may asul na buhok...

"Bakit hindi ka gumaganti?

Tila tumigil ang tibok ng puso ni Jiang Sanfeng at Die Ye.

Ang Qi of True Spirit ni Qi at wala man lang reaksyon, na tila wala siyang planong gumanti.

"Tulisan, mamatay ka na!"

Si Bi Jiangqing ay may mayabang na ekspresyon habang nagliwanag ang kaniyang mga mata, ngunit sa sandaling ito, ang tumingin sa kaniya sa unang pagkakataon ang kaliwang mata ni Zhao Feng.

Ang kaniyang kaliwang mata ay tila isang walang butas na nagyeyelong lawa na nagbibigay ng nakakaginaw na lamig.

Si!

Si Bi Jiangqing ay nagsimulang sinukin at kahit ang kaniyang pag-iisip ay tila nagyelo habang ang kaniyang mga galaw ay bumagal nang isang dosenang beses.

Ang lamig ay wala sa pisikal na aspetp ngunit nanggaling sa mental energy soul.

"Si.. sii. Ahhh!"

Si Jiangqing ay nanginig nang manlaki ang kaniyang mga mata. Ang kaniyang buong katawan ay tila nagyelo na.

Sa tingin ng lahatm ang kaniyang mga galaw ay tila slo-mo.

Ang pagyeyelo ng kaiyang mental energy ang nagpawala ng kaniyang kontrol sa kaniyang katawan at True Force pati na ang bloodline. Siya ay tila naging isang sanggol na nag-aaral maglakad.

Bam!

Siya ay napatalsik ng arena ng anyong may asul na buhok.

Plop.

Sa sandaling nahulog si Bi Jiangqing sa lupa, ang lamig ay nangalahati na. May lumabas na dugo sa kaniyang bibig at mainit ito nang hawakan.

"Paano ito naging posible... anong klaseng mababang uri ng pandaraya ang ginamit mo?"

Sigaw ni Bi Jiangqing...

Ginawa na niya ang lahat ng kaniyang makakaya at ginamit pa ang kaniyang bloodline power para magamit ang Azure Fire Green Sky secret technique, ngunit napatalsik lang siya nang walang laban, na tila tinamaan ng masamang skill.

Hua!

Ang crowd ay nagkagulo. Karamihan ay hindi nakita ang nangyari.

Ang tunay na sandali ng pagdesisyon ay kasingtagal lang ng kalahating hininga.

"Anong sitwasyon? Bakit naging tanga si Bi Jiangqing sa mahalagang sandali?"

"Anong pandaraya ang ginawa ng batang iyon?"

"Pandaraya? Siguro ay isang bagay itong nanggaling sa Water Moon Pirate tulad ng lason na makakapagpawala sa kapangyarihang lumaban ng kaniyang kalaban."

Ang mga tao ay nagsimulang mag-usap-usap bago humiling ng kaparusahan. Karamihan dito ay sinimulan ng mga nasa mas batang henerasyon habang ang mga nasa mas matandang henerson ay may seryosong ekspresyon.

Hindi nag-abala si Zhao Feng na magpaliwanag at bumalik na sa kaniyang upuan para umintindi.

"Tulad ng naisip ko, pagkatapos ng pagbabago, ang aking kaliwang mata ay sumanib sa mga elemento ng Ice at Water. Gamit ang Ball of Ice Soul, natutunan ko kung paano gamitin ang kapangyarihang ito at mapagyelo ang kamalayan ng aking mga kalaban."

Si Zhao Feng ay tumango.

"Tatawagin ko itong Ice Soul Eye, na iba mula sa Eye of Illusions."

Mula sa sandaling ito, ang eye bloodline ni Zhao Feng ay bumalik na sa orihinal nitong kategorya.

'Ang Ice Soul Eye' ay isang kapangyarihang nagyabong sa pag-intindi ng ball of Ice Soul.

Pagkatapos ng ikalawang pagbabago sa God's Spiritual Eye, hindi mapagyabong ni Zhao Feng ang kaniyang kapangyarihan ngunit ang ball of Ice Soul ay binago ang kapalaran ni Zhao Feng.

Sa ilalim ng entablado...

Ang mental energy ni Bi Jiangqing at may bahagya pa ring lamig na nakaapekto sa kaniyang katawan at pinagalaw ang kanilang mga ngipin.

Ang kaniyang mga kilos, reaksyon, at galaw at bumagal lahat.

"Ang pag-intindi ng batang ito at eye bloodline at nakakasindak. Ang pag-intindi niya ng kaalaman mula s aAncient Dao of Soul ay mabilis."

Ang Deputy Patriarch ng Iron Blood Religion ay labis na masaya.

Sa kabilang banda, ang mga Imperial, pamilyang Yun, pamilyang Bi at ibang mga upper echelon ay may nagulat at seryosong ekspresyon.

Sa kanilang lebel, halatang masasabi nilang si Zhao Feng ay hindi gumamit ng mababang uri ng pandaraya at ito ay mataas na lebel ng eye bloodline secret technique.

Gayunman, maraming mga henyong naroon ang hindi nakita ang katotohanan at hinahamak si Zhao Feng.

"Zhao Feng, ang tulisang ito ay nangahas na gumamit ng mababang uri ng atake sa harap ng publiko?"

"Ang paraan kung paano natalo si Bi Jiangqing ay masyadong hindi totoo. Pinlano ba nila ito?"

Ang ilan ay naghihinala na si Bi Jiangqing ay sinadyang magpatalo kay Zhao Feng para manguna ito.

Ang pangyayari ay lumipas na.

Sa loob ng maising oras, hindi na nangahas na lumaban muli si Bi Jiangqing at hindi muna ginamit ang kaniyang ikalawang pagkakataon habang hinihilom ng mga elder mula sa kaniyang pamilya.

Hindi nagtagal pagkatapos nito, si Jiang Sanfeng ay kumilos na at kinlaban ang ikaanim na bilang at nanalo.

Siya ay nasa ikaapat na bilang noon.

Pagkatapos nito, ang iba pang sampung kalahok ay naglaban at karamihan ay nagtapos sa kabiguan.

Ang mga mata ni Zhao Feng ay nanatiling nakapikit at walang pakialam sa nangyayari sa labas.

Sa pamamagitan ng praktikal na paggamit, mas naintindihan niya ang kaniyang eye bloodline.

"Ang Eye of Illusion noon ay gumagamit ng mental energy illusions para ikulong ang kalaban at hawakan ang kanilang kamalayan hanggang sila ay mapagod. Ang kahalagahan ay nasa salitang 'ilusyon'."

"Ang Ice Soul Eye gumagamit ng malamig na elemento para mapagyelo at masaktan ang kamalayan ng kalaban. May kakayahan itong maagnas at umatake."

Ang mga kaisipan ni Zhao Feng ay mas luminaw.

Ang kaniyang unang pagbabago sa mata ay dapat na elemento ng hangin, ngunit wala pa siyang secret technique para mapagyabong ito.

Kung sinasabing mayroon na siyang Eye of Ice ngayon, sa nakaraan ay magiging Eye of the Wind ito.

"Kung nakha ko nang mas maaga ang Ice Soul? Ang aking mga tagumpay ay hindi lang ganito."

Si Zhao Feng ay bahagyang nagsisisi ngunit masaya. Habang nakatuon ang buong pansin niya sa pag-intindi, bigla siyang may naamoy.

Hmm?

Naramdaman ito ni Zhao Feng ay dumilat at nakita ang isang tahimik na magandang babaeng nakaupo sa kaniyang tabi na nakangiti sa kaniya.

Liu Qinxin.

Si Zhao Feng ay nagulat.

Kinalaban niya ang ikalimang bilang at nanalo, at naging isa sa sampung bagong stars.