Nang magising si Zhao Feng, napagtanto niyang sa loob lamang ng kaunting taon ay nagawa niyang magkaroon ng maraming kaaway.
Ang mga puwersa na kaniyang napinsala kasama ang Imperials, ang Flooding Lake ng pamilyang Liu, ang main Liu family pati na rin ang pamilyang Tian at Yun.
Dinukot ni Zhao Feng si Empress Qin at dinumihan ang kanilang reputasyon. Usap-usapan din na may ginawa siyang mas masama pa sa kanya.
Ang Emperor ay tumingin kay Zhao Feng na tila nais nitong kainin ang kaniyang balat at inumin ang kaniyang dugo.
Tumakas si Zhao Feng mula sa Flooding Lake ng pamilyang Liu at pinilit ang Flooding Lake City Lord upang maabot ang True Lord Rank.
Dagdag pa rito, parehong galing sa Flooding Lake City ng pamilyang Liu at sa pangunahing pamilyang Liu si Empress Qin, kaya't nasaktan niya rin ang mga ito.
Sa kalapastanganang ginawa ni Zhao Feng sa pamilayang Tian at Liu ay halos masira nito ang kanilang numero unong henyo na si Tian Yunzhi.
Hindi lamang ito, halos maubos niya rin ang Yun side family ng Thousand Water area at pinilit silang pumirma sa isang hindi patas na blood contract.
Upang maging sikat, kailangan ng isang taong makapanakit ng maraming tao at pwersa. Ang presyong kailangang bayaran ay hindi mo maiisip.
Ngunit ang pinaka nakasurpresa kay Zhao Feng ay si Tian Yunzhi.
Kung naaalala niya nang tama, sinaktan siya ni Zhao Feng gamit ang Water Moon God Peach Fan at gumuho ang kanyang newbord blade intent.
Ang mga atake ng blade intent at mental energy ay walang bisang mga atake.
Ang taong pinakamalakas ang nanalo at ang mental energy source ni Zhao Feng na nasa itaas ng kanyang Water Moon God Peach Fan ay nanalo rin.
"Tian Yunzhi, hindi ko naisip na babalik ka pa matapos kitang mapatumba at ang iyong blade intent ay mas malakas at matalas kaysa sa noon."
Sinuri ng kaliwang mata ni Zhao Feng si Tian Yunzhi at nakita kung ano ang nangyari.
Naramdaman ni Tian Yunzhi na nagyelo ang kanyang puso nang tignan siya ng kulay asul na mata. Sa oras na iyon, ang kanyang blade intent ay tila nagyelo at halos hindi na ito makagalaw.
"Ito… anong nangyayari?"
Huminga nang malalim si Tian Yunzhi.
Kumpara sa isa o dalawang buwan na nakalilipas, ang bloodline ng mata ni Zhao Feng ay nagdulot sa kanya ng mas malaking pressure.
Sa isang sulyap, halos nagawa nitong gawing yelo ang kanyang balde intent.
"Nakakapangilabot, anong pagbabago ang nangyari sa bloodline ng mata ni Zhao Feng o tinatago niya lang kanyang tunay na lakas dati?
Tinignan siya muli ni Zhao Feng bago ito pumikit at nagpatuloy sa pag-unawa sa laman ng Foundation of Ice Soul.
Ang Ball of Ice Soul ay naglalaman ng mas maraming mental energy ay dinala siya nito sa mundo ng Ancient Dao of the Soul.
Ang mental energy ni Zhao Feng ay nakarating sa isang panibagong lebel nang hindi niya nalalaman.
Simula noong huling pagbabago nito, nagbago ng anyo ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ngunit hindi niya alam gamitin ang buo nitong potensyal.
Ang orihinal na mental energy techniques ay hindi sapat ngayon.
Habang umaga at gabing nag-aaral si Zhao Feng ng Ball of Ice Soul, ang lakas ng kanyang God's Spiritual Eye ay nakokonsumo.
Halos naisip niya rin na kapag kulay asul ang kanyang mata, ang orihinal na source of power nito ay hindi pa rin natatagpuan.
Sa mataas na entablado sa gitna ng arenas.
Ang sampung nakareserbang upuan ay nagrerepresenta sa sampung pinakamalakas na henyo ng bansa na nakatingin sa ibaba.
Ang ikaapat na bata ay nagsimulang matulog muli at hindi naglaan ng kahit na anong atensyon sa mundo.
"Ang Zhao Feng na ito ay talagang mayabang…"
Kumislap ang mga mata ni Prince Jin nang mapa-sulyap ito.
Nang magising si Zhao Feng, binati niya si Prince Jin ngunit hindi siya nito pinansin.
Bilang isang siyang Prinsipe at numero unong henyo na may pinakamalakas na bloodline, walang sinuman ang tumrato sa kanya nang ganito.
Siyempre.
Hindi lahat ng sisi ay mababaling kay Zhao Feng.
Una sa lahat, hindi niya kilala si Prince Jin at maraming tao ang bumati sa kanya.
Ang pinakamahalagang bagay ay naka-pokus pa rin si Zhao Feng sa Ball of Ice Soul na parang isang sponge na sumisipsip ng tubig. Nakipag-usap lamang siya nang bahagya kay Tian Yunzhi bago ito bumalik sa kanyang pag-unawa.
Sa isang iglap.
Ang labanan sa walong arena ay nagsimula na.
Bukod sa sampung sikat na bituin, marami ring mga henyo ang sasali rito.
Karamihan sa mga makikipagtunggali ay nasa half-step True Spirit Realm at may maliit na bilang ng mga ekspresto na galing sa True Spirit Realm at mga eksperto mula sa 7th Sky Ascended Realm.
Subalit, bilang si Prince Jin at ang sampung bituin ay nasa rurok ng kanilang rank, karamihan sa mga labanan sa ibaba ay hindi nila pinapansin.
Ang pagtulog ni Zhao Feng ay talagang lubhang napakahusay.
Matapos ang mga rounds ng laban, mga sigaw ang maririnig sa labas.
"Talagang karapat-dapat maging fourth star si Jiang Sanfeng. Hindi pa siya natatalo kahit isang laban.
"Ang Liu Qinxin na iyon ay mahusay rin. Hindi lang siya maganda, malakas din siya."
Ang sampung may nakareserbang upuan ay nag-usap-usap.
Tanging piling tao lamang ang kanilang tinitignan.
Sa kanilang lahat, si Jiang Sanfeng at Liu Qinxin lamang ang may sampung panalo at walang talo.
Lahat ay alam ang battle power at skill ni Jiang Sanfeng. Ang kanyang Scorching Sun Blazing Fire Manual ay sumisira sa lahat ng kanyang makakalaban.
Lahat ng kanyang makakalaban ay susuko sa kanya.
"Bilang si Jiang Sanfeng ay napakalakas, hindi ko maintindihan kung bakit nagbigay ng reserbang upuan ang Iron Blood Religion sa isang pilyong bata lamang."
"Ang Iron Blood Religion ay mayroong mga striktong ranks. Si Zhao Feng ay isang Chapter leader, kaya naman ay kinakailangan ni Jiang Sanfeng na yumuko sa kanya tuwing sila ay magkikita."
Ang mga henyo ng bawat faction ay pinag-usapan ang tanong na ito.
Si Jiang Sanfeng ay mas malakas pa sa inaasahan at walang sinumang kalaban ang makapapantay sa kanya.
Marami ang nagtatanong kung bakit ang isang henyong katulad niya ay hindi nabigyan ng pwesto, ngunit ang mga nakatataas sa sa Iron Blood Religion ay nanatiling tahimik dahil alam nila ang katotohanan.
Ang laban sa pagitan nina Zhao Feng at Jiang Sangfeng ay ilang araw pa lang nang mangyari kaya hindi pa ito kumakalat.
Maliban doon, si Liu Qinxin ay isa ring itim na kabayo.
Siya ay may puting kasuotan at mayroong hangin ng pagiging elegante sa kaniya. Siya ay parang isang diyosa na mula sa isang larawan at ang bawat kilos mula sa kaniya ay nagpapakita ng kagandahan.
Ang paraan ng kanyang paggalaw ngayon ay iba mula sa roon sa Flooding Lake City.
"Ang Dao of Entertainment ay napakalalim. Na para bang kaya kong marinig ang pagtawag ng hangin at pagsipol ng mga ibon."
Isang diyosa na may puting kasuotan mula sa Qin Sword Palace ay ipinikit ang kanyang mga mata sa pagkatuwa.
Ang eksena na ito ay ginulat ang ibang nakatataas ng Qin Sword Palace.
"Ang kadalubhasaan ni Goddess Qin sa entertainment ay niraranggo bilang isa sa top three sa bansa at kapantay ni Empress Qin. Ang kadalubhasaan sa entertainment ng batang ito ay nakaabot sa ganoon kataas na antas?"
"Tama iyon, sa pamamagitan ng paghalo ng Dao of Entertainment sa martial artst, ang bawat kilos ay masarap tingnan. Elegante at marangal, walang senyales ng kagandahan."
"Nakikita ko na ang hangin ng babaeng ito ay ganap na kabaligtad ng kay Empress Qin, ngunit tila sila ay mayroong koneksyon…"
Mayroong ibang matalinong mga tao rito.
Si Liu Qinxin ay elegante at tila siya ay nagpatugtog ng isang kanta na binagbag ang puso ng iba.
"Lady Liu, ikaw ang diyosa ng aking puso. Kahit na mayroon akong isang tao, ang aking puso ay nakasabay pa rin."
Isang young master na may puting robe, na nasa True Human Rank at natalo ay tutol na sinabi.
Sa pagitan ng mga laban, ang kanyang mga mata ay mas madalas na nakatingin sa dalawang tao.
Ang isa ay si Empress Qin at ang isa pa ay si Zhao Feng, ngunit si Zhao Feng ay 'natutulog' at hindi siya pinapansin nito.
Ngumiti si Empress Qin at sinuri siya.
Ang laban ng dalawang paningin ay tila isang hindi nakikitang laban.
Pagkatapos ng dalawang araw, napagdesisyunan na ang top ten.
Sina Liu Qinxin at Jiang Sanfeng ay nanalo ang lahat ng kanilang mga laban ngunit hindi nila kinalaban ang isa't isa.
"Sa ilalim ng normal na sitwasyon, si Qin Xin ay mayroong 50-60% na tsana na matalo si Jiang Sanfeng. At saka, si Qin Xin ay mayroon pa ring nakatagong bloodline at ang nakamamatay na galaw ng Dao of Qin and Life."
Tumango ang panginoon ng Flooding Lake City, ngunit ang kanyang mga kilay ay kumunot nang mapunta kay Zhao Feng ang kanyang paningin.
Medyo naintindihan niya ang makapangyarihang pangkat tulad ng Iron Blood Religion.
Ang Iron Blood Religion ay niraranggo sa lakas at estado. Kung si Zhao Feng ay mayroon lamang estado ngunit walang lakas, malamang hindi niya makukuha ang nakareserbang lugar ni Jiang Sanfeng.
At saka, ang reaksyon mula sa nakatataas ng Iron Blood Religion ay walang pasubali.
"Natalo ni Zhao Feng si Tian Yunzhi gamit ang mababang mga pagdaraya ng Water Moon Pirate at ang Jiang Sanfeng na ito ay kaniya ring natalo?"
Ang panginoon ng Flooding Lake City ay nasisiyahan at nag-aalala.
Kahit na hindi niya gusto si Zhao Feng, sa kaibuturan ng kanyang puso, gusto pa rin niya ng isang talentadong manugang na lalaki.
Gayunpaman, ang pagiging isang Chapter Leader ng Iron Blood Religion, si Zhao Feng ay unti-unting naglalakad sa kabilang gilid ng Liu Family.
"Sunod, sasalubungin na'tin ang labanan sa pagitan ng top ten at ten pre-ordered."
Isang maliwanag na tinig ang maririnig.
Ang lupon ay nagsimulang mag-init.
Sa mataas na entablado, si Prince Jin at ang iba pang mga bituin ay nakangiting tumayo nang bumati siya sa pinakakritikal na sandali.
Gayunpaman, sa sampu na may nakareserbang mga lugar, isang batang may asul na kasuotan ang tulog pa rin sa kanyang upuan.
Habang ang iba ay nakatayo, tanging siya lamang ang naka-upo.
Ang nagkokomentong elder sa True mystic Rank ay kinunot ang kanyang mga kilay. Ang ganoong bagay ay hindi pa kailanman nangyayari. Ito ay walang katotohanan.
Maya-maya, ang top ten na pinangungunahan ni Jiang Sanfeng at Liu Qinxing ay nakatayo sa ilalim ng entablado.
"Ang bawat isa sa inyong sampu ay magkakaroon ng dalawang pagkakataon na humamon. Kapag ang dalawang iyon ay magwawakas sa kabiguan, mawawala sa inyo ang pagkakataon na makapasok sa Sacred True Dragon Gathering.
Anunsiyo ng True Mystic Rank Elder.
"Opo."
Ang top ten mula sa competitive entry ay nananabik at kinakabahan. Ito ang huling hakbang - upang hamunin ang sampung mga bituin. Hindi lamang makakamit nila ang kasikatan, magkakaroon din sila ng pagkakataon na makapasok sa Sacred True Dragon Gathering.
"Sinong mauunang hahamon?"
Tanong ng True Mystic Rank Elder.
"Ako."
Isang bata na may kasuotan na puto ay malamig na sinabi at naglakad palabas.
"Oh, ang Young Master ng main Bi family, si Bi Jiangqing."
"Hehe, ang Young Master Bi na ito ay natalo sa Qinxin's Dao of Entertainment at hindi makakaalis mula rito."
Lumitaw ang tawanan mula sa mga tao, ngunit ang karamihan sa mga ito ay may mabubuting mga puso.
Dahil ang Young Master Bi na ito ay gwapo, talentado, at mayroong mapagmahal na puso. Sinong may ayaw sa kaniya?
Nakatayo si Bi Jiangqing sa mataas na entablado pagkatapos ay sinuri ang kanyang mga mata mula sa una hanggang sa huli, lagpas kina Prince Jin, Wang Xiaoguai, Tian Yunzhi at iba pa.
Alam niya na wala siyang pagkakataon laban sa una at ikalawa.
Si Prince Jin ang may pinakamalakas na bloodline at wala pang talo.
Pangalawa, si Wang Xiaoguai, isang halimaw na lumalaban na parang isang manyak. Kahit si Tian Yunzhi ay kanyang napigilan.
Pangatlo, si Tian Yunzhi ay napag-aralan ang blade intent at mayroong matinding lakas ng loob.
Para naman sa ika-apat na 'natutulog' na batang may asul na buhok, siya ay mas 'sikat' dahil dinakip niya si Empress Qin at tila nakuha ang pamana ng Water Moon pirate.