Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 329 - Sandali ng Paggising

Chapter 329 - Sandali ng Paggising

"Ng binuksan ni Zhao Feng ang Kaniyang eye bloodline, tila nararamdaman ito ng ball, na parang ito ay nakalaan sa isa't isa…"

Huminga ng malalim ang elder na may makapal na kilay.

Ang ball of Ice Soul ay ang bagay na dala ng King ng Void God Realm at ang kaalaman na nilalaman nito ay hindi masusukat sa kahalagahan nito. Ngunit ang bagay na ito ay hindi na nagpaparamdam sa lahat ng taon na nakasama niya ito. Tyaka lamang ito nagparamdam noong lumitaw si Zhao Feng.

Dahil dito, maaaring makita ng isa na ang bagay na ito ay hindi talaga para sa kaniya.

"Minaliit mo ang kakayahan at eye bloodline ni Zhao Feng. Pati narin ang aking Spiritual Sense ay hindi kayang maintindihan ito. Dagdag pa dito ay mayroon siyang swerte sa Ball of Soul na mayroong napakalaking hinaharap. Kaya naman, baka tulungan ko siya tapusin at ibigay sa kaniya ang Dark Eye incomplete page. Pagkatapos ng lahat, tanging ang may mga may malalakas lamang na eye bloodlines at mental energy sources ang maaaring makakuha ng mataas na tiyansa para magtagumpay.

Paliwanag ng elder na may makapal na kilay.

Si Tiemo ay tumango dahil naintindihan niya ito.

Si Tiemo at ang elder na may makapal na kilay ay walang gamit sa parehong Ball of Ice Soul at Dark eye incomplete page.

Nadama ni Zhao Feng ang Ball Of Iced Soul at ang kanyang source mental energy ay na kumpleto na ang mga kinakailangan ng Dark Eye incomplete page.

"Lahat ay nakasalalay sa kanyang sarili..."

Dahan-dahang pumikit ang elder na may makapal na kilay na tila lahat ng kanyang aura at buhay ay mabilis na nabawasan.

Sa kabilang banda, Kinuha ni Zhao Feng ang Ball of Ice Soul at Dark Eye incomplete page sa pinaka-ilalim ng lupa.

Nagtataka si Zhao Feng kung anong klaseng tao ang elder na may makapal na kilay ay para sa Deputy Patriarch para tawagin siyang big bro.

"Posible kaya na…"

Lumukso sa kaba ang puso ni Zhao Feng.

Sa puso ng karamihan ng na sa Iron Blood Religion, si Deputy Patriarch Tiemo ang huling tagapag-desisyon. Gayun pa man, sa posisiyon ni Tiemo ay may salitang 'Deputy'ang nakalagay rito.

Ang true Patriarch ay halos daang taon ng hindi nagpapakita.

Sabi ng mga Legends na ang Iron Blood Religion Patriarch ay lumahok sa misyon upang sirain ang Scarlet Moon Demonic Religion at isa siya sa mga kalahok sa parehong era bilang Scarlet Moon Patriarch.

Pagkatapos nito, ang Iron Blood Religion Patriarch ay nakatulog ng malim dahil sa ilang kadahilanan.

Bumalik si Zhao Feng sa kanyang lugar. Ang Ball of Ice Soul ay nagbigay ng malamig na pakiramdan sa kanyang palad, ngunit ang katotohanan, ang malamig na nararamdaman ni Zhao Feng sa kanyang palad ay hindi totoo. Totoo lamang ito sa salitang mental energy, ang kapangyarihan na kahalintulad ng espada o blade intent.

Ng nakita niya ito sa isang pagkakataon, ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay nagparamdam.

Binuksan ni Zhao Feng ang kanyang God's Spiritual Eye at pinagsama niya ang kanyang kamalayan ng dahan-dahan patungo sa Ball of Ice Soul.

Sa hindi inaasahan, ang lamig na naramdaman ni Zhao Feng ay naging mainit.

Sa dimensiyon ng kanyang kaliwang mata, ang nagyeyelong lawa ay umaalon at mayroong hindi nakikitang kalamigan sa buong mental energy level.

Weng~~

Ang sentro ng ball of Ice Soul ay lumiwanag. Ang kulay nito ay malinaw na asul.

Ang core ng ice blue ay hindi nakikita ng mata dahil ito ay umiiral lamang sa mental energey dimension, ngunit ang God's Spiritual ni Zhao Feng ay kayang makita ito.

Nang mahawakan ito, nakaramdam si Zhao Feng ng ilang malabo at malalim na impormasiyon na galing sa ice blue core na kung saan naglalaman ng kaalaman mula pa noong mahabang panahon.

Karamihan sa mga impormasiyon ay hindi maintindihan ni Zhao Feng ngunit ilan sa mga malalalim na impormasiyon ay katulad ng mental energy techniques.

"Ito ba ang Ancient Dao ng Soul? Mas malalim pa sa mental energy at higit pa ang karagdagang paraan..."

Naisip ni Zhao Feng at mas maraming pang mga katanungan ang lumilitaw sa kanyang isipan.

Siya ay sigurado sa isang bagay- na ang kaalaman ng Ball of Ice Soul's ay daan-daan kung hindi naman ay libo-libo na mas skilled kaysa mental energy techniques na nakita niya noon.

Kung ikukumpara ito, ang Heart Controlling Technique ay walang-wala rito.

Kahit na ang Lightning Inheritance ay hindi maihahambing sa malalim na impormasiyon na mayroon ito.

Sayang lamang dahil ang bagay na ito ay hindi kumpleto at ito ay bahagya lamang.

Sinanib ni Zhao Feng ang kanyang kamalayan rito at kahit anumang malalim na impormasyon na sa loob ng Ball Ice of Soul ay aabot pa ng mortal na walang-hanggan bago maunawaan.

Kung hindi dahil sa mental energy techniques ni Zhao Feng at sa kanyang pundasyon at malakas na pagunawa na nanggagaling sa kanyang God's Spiritual Eye gayun din sa kanyang malaking mental energy source, ay hindi niya ito magagawang hawakan.

Sa mabilis na pag-kurap ng mata, halos dalawa hanggang tatlong araw na agad ang nakakalipas.

Ang laman na nasa loob ng Ball of Ice Soul ay nahati sa iba't ibang levels dahil sa God's Spiritual Eye ni Zhao Feng.

Ang first level, Foundation of Ice Soul.

Ang second level, Power of Ice Soul.

Ang third level, Heart of Ice Soul.

Siyempre, ang impormasiyon tungkol sa third level ay hindi kompleto at si Zhao Feng ay kailangan gumugol ng dalawa hanggang tatlong araw upang matantya ang hakbang na ito.

"Sa ngayon, ang tanging na uunawaan ko pa lamang ay ang nilalaman ng Foundation."

Naisip ni Zhao Feng.

Kahit na ang Foundation of Ice Soul ay nalagpasan ang kaaalaman ng mental energy ni Zhao Feng.

Ilan sa mga impormasiyon ay nagdulot ng baliktad na pagtingin kay Zhao Feng tungkol sa iba't ibang panig ng mundo.

Halimbawa, sa Foundation of Ice Soul, may mga talaan roon na tungkol sa pagkakaroon na tinatawag na Warlock King.

Ang Warlock King ay hindi pisikal na malakas, bagkos, ito ay maituturing na mahina.

Gayun pa man, ang Warlock King's Soul mental energy ay walang kamatayan at sa katawan lamang siya maaaring manatili. Kahit na ang kanyang katawan ay masira, ang Warlock King ay maaaring agad na lumipat sa isa pang katawan.

Ang Warlock King na maaaring magkaroon ng maraming katawan at walang kamatayan ay hindi isang bihirang pangyayari.

"Ang katawan ay ang sisidlan ng buhay; ang kaluluwa ang pundasyon ng lahat. Ang katawan ay maaaring masira lalo na't kung ang Soul ay naririto pa; kung wala ang Soul, mawawala din ang lahat."

Tumango si Zhao Feng.

Para sa mga tao, ang isipan at ang mga ideya ang pundasiyon, kung saan ito naman ang kaluluwa ng lahat.

"Chapter Leader, kami ay aalis na ngayon patungo sa Capital."

Isang boses ang nagpatigil sa pag-iisip ni Zhao Feng noong kinaumagahan.

Binuksan ni Zhao Feng ang kanyang mga mata at siya ay puno ng kasiyahan kahit na siya ay bahagyang pagod.

Mabilis na lumipas ang mga oras.

Sa labas, naghintay si Die YE. Tumango si Zhao Feng at nag-iwan ng kanyang kaunting kamalayan upang magmanman sa labas habang karamihan sa kanyang enerhiya ay ginugugol niya sa kanyang pag-unawa.

Ang dakilang bulwagan ng Iron Blood Religion.

Nag-tipon sina Zhao Feng, Jiang Sanfeng, Die Ye at Dong.

Ang Golden Spear Blood Dragon ay bumaba galing sa kalangitan na may kasamang tatlong Protectors.

"Deputy Patriarch, ang lahat ay narito na."

Ngumiti si Die at sinabing.

"Tara na."

Tumango si Tiemo sa Golden Spear Blood Dragon Sedan.

Ang Capital ay hindi gaanong malayo mula sa pangunahing punong-himpilan ng Iron Blood Religion at ang grupo ay umabot lamang ng kalahating araw ng sila'y makarating.

Nang pumasok sila sa Capital, si Zhao Feng ay medyo naging emosyonal.

Marami sa mga tao mula sa Iron Blood Religion ang sumulyap sa batang Chapter Leader na may kulay asul na buhok.

Walang emosyong sumunod si Zhao Feng at inilaan ang karamihan ng kanyang tuon sa pundasyon ng Ice Soul.

Hindi niya ito papalampasin ng anumang segundo o minuto.

Para siyang isang makina na nakasunod sa likod ng grupo at ang tanging sinabi niya lamang ay "Ok,""En."

"Huwag siyang gambalain."

Ngumiti ng kaunti si Deputy Patriarch Tiemo at sinabi pa sa iba.

Sa grupo ng Iron Blood Religion, ang batang may kulay asul na buhok ay sumunod sa likod na halos nakapikit ang mga mata nito.

Para kay Zhao Feng na nakakaunawa, ang oras ay lumipas ng napakabilis.

Hindi niya alam ang anumang pangyayari sa labas ng mundo.

"Ang Emperor ay dumating na! Ang Empress Qin ay dumating na!"

"Ang Head ng pamilyang Liu ay dumating na!"

"Ang Flooding Lake City Lord ay dumating na!"

Nang hindi nalalaman, nakapasok sa isang magulong kapaligiran si Zhao Feng at bigla na lamang siyang umupo sa kung saang upuan.

"Sino ang batang may kulay asul na buhok na nangahas na matulog at umupo sa preorderes spot's?"

"Kalokohan!"

"Asul na buhok, asul na mata, siya si Zhao Feng mula sa Iron Blood Religion!"

"Zhao Feng? Ang batang yan ang tumangay sa Empress Qin? Ang lahat, hulihin siya!"

Ang kaguluhan ay sumiklab sa ibaba.

Ang lugar ay nakapuwesto sa loob ng Capital na mayroong malaking espasyo sa gitna at sa mga upuan sa paligid nito.

Sa silangang bahagi dumating ang Imperials ng Canopy Great Country's Emperor at ang Empress Qui.

At ang iba pang puwersa gaya ng Iron Blood Religion, ang pamilyang Liu, Qin Sword Clan at iba pang mga makapangyarihang dibisyon.

Sa gitna ay may walong sparring arenas, bawat isang milya ang haba ng kwadrado.

Kasabay nito, sa gitna ng walong arenas ay may mas mataas pang entablado.

May sampung upuan sa entabladong iyon na maaaring tumingin sa mga nasa ibaba.

Sa sampung upuan na ito nakaupo ang lahat ng batang mag pepresinta ng sampung nakalaan na puwesto ng Canopy Great Country.

Sa mga nakaupo sa sampung nakalaan na puwesto ay pansamantalang pinili upang lumahok at hindi na kailangang pumasok sa komplikadong kumpetisyon.

Ang lahat ng sampung upuan ay nakaayos.

Sa unang upuan nakaupo ang medyo matabang batang na naka kulay gintong kapa. Ang kanyang mata ay nag-bibigay ng gintong liwanag at ang bawat hinginga nito ay nagbibigay ng mabigat na presyon.

Prince Jin, ang unang star.

Sa pangalawang upuan naman ay ang kulay bahagharing bata na parang gangster na may magulong buhok at ang kanyang kamay ay ka halokipkip.

Wang Xiaogua, ang pangalawang star na mula sa Wind Cloud Clan.

Sa pangatlong upuan naman nakaupo ang gwapong bata na naka pandigmang kapa na may matalim na sinaunang espada sa kanyang tagiliran. Paminsan-minsan makikita sa kanyang mga mata ang kislap ng liwanag at sa talim nito ay tila hinahati nito ang hangin.

Tianyi Yunzhi, ang pangatlong star.

Sa ika-apat na puwesto.

Isang batang may asul na buhok ang nakaupo habang nakasara ang mga mata na tila ba'y siya'y natutulog.

Sa mga sandaling ito, ang batang may asul na buhok ay ang naging sentro ng pag-uusap.

Zhao Feng, isang Iron Blood Religion Chapter Leader at isa sa umuusbong na henyo.

"Sobrang daming mga tao…"

Nabigla ang pag-unawa ni Zhao Feng sa kapagudan ng siya'y dumilat.

Ang sampung pre ordered spots ay na sa gitna ng walong arenas at na sa paligid naman nila ang iba't ibang puwersa ng mga bansa.

Pinagmasdan ni Zhao Feng ang piligid at nakita niyang maraming tao kahit saan man siya tumingin.

Ang laban ay gaganapin sa walong arena.

Noong sandaling dumilat si Zhao Feng, mas marami pa syang atensyong nakita.

Sa bandang bahagi ng Imperial, ang Emperor ng Canopy Great Country's ay tumitig kay Zhao Feng.

Empress Qin sat nobly and had the air of a Queen.

Marangal na nakaupo si Empress Qin at nagkaroon ng hangin ng isang reyna.

Kasabay nito, ang pamilyang Liu ng Flooding City Lake at pangunahing pamilya ng Tian, Liu at ng iba pa ay mayroong malamig na tingin.

Lalong-lalo na ang Flooding Lake City na nasa dakong gilid kung saan ang mata ng Flooding Lake City Lord's ay sumulyap ng malamig kay Zhao Feng.

Tahimik na nakaupo si Liu Qin na tila ba isang diyos na mula sa pinta.

Kahit na si Zhao Feng ay nagsimulang manginig dahil sa mga tinging ito.

"Zhao Feng, tayo'y muling nagkita."

Isang dominanteng boses ang bilang lumitaw.

Ito ay si Tian Yunzhi ang nakaupo mula sa ikatlong upuan, na katabi niya mismo.

"Hehe, ito pala ang pinakabatang Chapter Leader ng Iron Blood Religion."

Tumawa si Prince Jin na nasa unang upuan at malamig na siniyasat si Zhao Feng.

Sa sandaling si Zhao Feng ay nagising, maraming mga mata ang tumingin sa kanya na may masamang hangad, maliban doon, ang iba pang mga sampung stars pati na rin ang lahat ng mga kakumpitensya ay sinuri ang bata na ito.