Si Prince Jin ay ang Prince of the Imperials at siya ay may purong
bloodline na mas mataas kaysa sa iba.
At sa parehong oras, ang kaniyang cultivation ay nakaabot na sa
pinakamataas na yugto ng True Human Rank at siya ang pinaka-
nangunguna sa mga stars.
"Sa pagkakaroon ng pinaka-mataas na cultivation at pinaka-malakas
na bloodline sa mga nakababatang henerasiyon, si Prince Jin ay
katulad sa mga stars."
Napuno ng pag-iingat ang mga mata ni Jiang Sanfeng nang sabihin
niya ang pangalan ni Prince Jin.
Sa katotohanan, kahit na naisip niya na malakas si Zhao Feng,
mayroon paring pagkakaiba sa pagitang nila ni Prince Jin.
Ngunit dahil si Zhao Feng ay isang Chapter Leader at hindi niya
nakikita ang kaniyang limitasiyon, hindi maganda na gumawa agad
ng maagang konklusiyon.
Tumango ng bahagya si Zhao Feng nang inilagay niya ito sa kaniyang
isipan.
Nanatiling tumuloy si Zhao Feng sa main headquarters ng Iron Blood
Religion sa loib ng ilang araw at saka naman siya susunod sa Deputy
Patriarch at sa iba pa papunta sa Capital.
Sa unang gabi, ipinatawag ng Deputy Patriarch si Zhao Feng.
Sa tahimik na bulwagan, ang tanging nandoon ay ang may kulay
dugong na buhok na Tiemo at si Zhao Feng Feng.
"Zhao Feng, ang iyong kakayahan at paglakas ay nakalampas sa aking mga ekspektasiyon. Sa ngayon ang Sacred True Dragon Gathering ay maganda kapalaran para sa iyo. Kung ang iyong suwerte ay hindi gaano masama, ikaw ay maaring makasama sa top one hundred."
Ngumiti ng bahagya ang Tiemo.
"Top one hundred?"
Bahagyang napahinto si Zhao Feng – hindi ito ang ninanais niyang
puwesto, ngunit alam niya na ang top one hundred ay may malaking
pagitan.
Ang mga taong nakaabot ng top one hundred ay pinapangalanang
True Dragon Geniuses at maaari nilang nakuha ang basbas ng mga
kontinente.
Kapag nakakuha sila ng sapat na basbas, ay maaari na silang
makapasok sa inheritances.
"Zhao Feng, ayokong pagsabihan ka ngunit si Yu Tianhao ng central
continent ay nakaabot na sa pinakamataas na yugto ng True Human
Rank at nagawa na rin niyang hamunin ang True Lord Rank cultivator
at halos maging kapantay na niya ang mga ito. Si Tantan Lanyue ng
Eastern Continent naman ay tinatawag na beast tamer na mayroong
tatlong True Mystic Rank beasts mula sa kaniyang panig. Ang isa sa
kanila ay isang One-Horned Earth Dragon, na ang battle power ay
malapit na sa kapangyarihan ng mga nasa True Lord Rank cultivator.
Ang Sacred True Dragon Gathering na ito ay mas malakas na kaysa
dose-dosenang naunang henerasiyon."
Tila nakita ng Tiemo na hindi sapat kay Zhao Feng ang top one
hundred na puwesto.
"Cultuvation na nasa pinakamataas na yugto ng True Mystic Rank?
Hamunin ang isang True Lord Rank?"
Hindi maiwasang patunugin ang kaniyang dila. Hindi niya alam kung
isa itong suwerte o kapahamakan na ipanganak sa panahon kung saan
napuno ng mala-halimaw na mga henyo.
Ang bilang ng mga eksperto ng True Human rank sa nakaraang Sacred
True Dragon Gathering ay mga mababa pa lamang at karamihan ay
nasa unang yugto pa lamang.
Ngunit sa panahon ngayon, maraming eye-catching prodigies na
nagsama-sama. Walang nakakaalam kung sila'y babagsak o bubuo ng
isang mas matingkad na liwanag.
"Siyempre, ang lahat ay may pagkakaiba. Mas maraming mga henyo
ang naroon, mas malakas na True Dragon Blessing ay ibibigay. Ang
balita na nanggaling sa divination clans na mas malakas daw ang
tiyansa ng Heaven's Legacy Inheritance pagdating sa koneksiyon sa
mga kontinente."
Bumuntong hininga ang Tiemo.
Tumango naman si Zhao Feng: "Deputy Patriarch, huminahon ka.
Gagawin ko ang lahat para sa Sacred True Dragon Gathering."
Alam niya ang kaniyang posisyon matapos siyang sabihan ng Tiemo.
"Huwag kang matakot. Bata ka pa at ang limitadong edad sa Sacred
True Dragon Gathering ay limampu. Karamihan sa mga kalaban mo ay
doble ng edad mo at nakasali na sila sa mga nakaraang Sacred True
Dragon Gathering."
Napangiti ang Tiemo.
Sa kaniyang pagkakaalam, mahihirapan si Zhao Feng na maabot ang
top fifty. Kung sabagay, si Zhao Feng ay bata pa at ang kaniyang
cultivation ay mas mababa pa kaysa sa mga top geniuses mula sa
ibang kontinente.
Mahihirapan si Zhao Feng na makaabot sa top twenty at
paniguradong wala siyang pag-asa na maka unang puwesto ngunit
matapos siguro ang sampung taon, ang lahat ay magiging posible.
"Mas maraming mga henyo ay mas maganda sapagkat mas maraming
inheritances ang maaakit sa laban."
Kinalma ni Zhao Feng ang kaniyang sarili.
Nang paalisin niya si Zhao Feng gamit ang kaniyang mga malungkot
na mga mata, nagdalawang-isip ang Tiemo at tila siya ay gumagawa
ng mahirap na desisyon.
"Sandali."
Biglang pagtigil sa kaniya ng Tiemo.
Nagtatakang napalingon si Zhao Feng. Nakita niya na may sasabihin
pa sa kaniya ang Deputy Patriarch.
"Sumama ka sakin."
Tumingin ng malalim ang Tiemo kay Zhao Feng bago tumalikod
patungo sa kalaliman ng dakilang bulwagan.
Sinundan siya ni Zhao Feng ng walang pag-aalinlangan.
Hindi niya alam na ang kaniyang paglalakbay ay babaguhin ang
kaniyang kapalaran.
Matapos madaanan ang ilang mga pasilyo, ang dalawa ay pumasok sa
sikretong bulwagan.
Isang eksperto ng True Human Rank at maraming eksperto na nasa
pinakamataas na True Human Rank ang nakatago sa sikretong
bulwagan. Hindi niya malalaman na naroon ang ang mga ito kung 'di
dahil sa kaniyang God's Spiritual Eye.
Sa gilid ng sikretong bulwagan, ay mayroong hagdanan.
Habang sinusundan ang hagdanan pababa, nakaramdam ng mabigat
na aura si Zhao Feng. Ang kaniyang God's Spiritual Eye ay biglang
gumalaw na parang may kakaibang naramdaman ngunit mabilis din
itong huminahon.
Ang hagdanan ay huminto sa isang underground palace.
"Nandito ka? At nagsama ka ng isang bata?"
Isang mahinang matandang boses ang umugong mula sa
underground palace.
Kahit na mahina lamang ang boses na iyon, ito ay diretsong pumasok
sa kaniyang mental energy.
Sumikip ang puso ni Zhao Feng. Mula sa mental energy ng taong may
aurang iyon, nalaman niya agad na mas mataas ito kaysa sa kahit na
sino na nasa True Lord Rank.
Mula sa underground palace, mayroon doong lilang gintong kama na
kung saan mayroong matandang lalaki na may makapal na kilay ang
nakaratay sa taas. Ang kaniyang balat ay tuyo na at walang aura ang
nanggaling sa kaniya.
"Brother Hong."
Umakyat ang Tiemo at kasuwal na bumati sa kaniya.
Ang matandang may makapal na kilay ay tumingin sa kanila ng may
katanungan sa kaniyang mga mata.
"Zhao Feng bumati ka sa iyong Senior."
Mabilis na yumuko si Zhao Feng. Hindi niya alam kung bakit ang
matandang Senior na may makapal na kilay na nasa harap niya ay
nagbibigay sa kaniya ng malalim na pakiramdam na nagdudulot sa
kaniya para hindi niya gamitin ang kaniyang God's Spiritual Eye.
Kahit na ang dagat ay walang bilang na mas malaki kaysa sa ilog.
"Brother Hong, siya ang pinakabatang Chapter Leader sa Religion sa
buong kasaysayan at siya rin ang namamahala sa Thousand Water
area. Dinukot niya rin si Empress Qin, at nakuha niya rin ang preordered spot para sa Sacred True Dragon Gathering at tinulungan
niya akong gawin ang Wheel of Light and Darkness…"
Mayabang na sabi ng Tiemo tungkol sa kuwento ni Zhao Feng.
Sa wakas, ay nakita at ipinagmalaki niya rin si Zhao Feng.
"Isang Chapter Leader na nasa labing-anim hanggang labing-pitong
taong gulang pa lamang? Kung hindi ikaw to, paniguradong katawa-
tawa ang bagay na ito."
Pinagmasdan ng elder na may makapal na kilay si Zhao Feng at
mabilis niyang nalaman kung ilang taon na si Zhao Feng.
Hmm?
Tumingin pa siya ng mas malapit dahil sa pagkagulat.
Mula sa Flooding Lake City, nakita rin ng Flooding Lake City Lord Liu
Jiutian na kakaiba ang bloodline ni Zhao Feng.
Ang elder na may makapal na kilay ay may magkaparehas na
kapangyarihan, ngunit mas tiyak nga lang ang sa Flooding Lake City
Lord at sa Tiemo.
"Napaka-kakaibang uri ng eye bloodline at strong source ng mental
energy..."
Tumingin ang elder na may makapal na kilay kay Zhao Feng na tila
nagsusuri ito ng batong luntian.
"Karamihan sa mga tao na nasa True Mystic Rank ay walang laban kay
Zhao Feng, ngunit ang kaniyang eye bloodline ay hindi pa naaabot ang
buo nitong potensiyal o kaya nama'y, sa Sacred True Dragon
Gathering, ay magkaroon siya ny tiyansa para maabot ang top fifty o
mas mababa pa dito ay mas maganda. Umaasa ako na matuturuan siya
ni Brother Hong para sa iba pang titulo."
Paliwanag ng Tiemo.
"Hehe, ibig mo bang sabihin na tuturuan ko siya o bibigyan ko siya ng
mga resources.?"
Naiinis na sabi ng elder na may makapal na kilay, ngunit ang kaniyang
mga mata ay nanatili kay Zhao Feng.
Isang 'di nakikitang mental energy pressure ang biglaang humalo sa
hangin at agad na bumalot kay Zhao Feng. Yumanig ang ni Zhao Feng
at nakaramdam siya ng puwersa na hindi pa niya nararamdaman
kahit kailan.
Ang elder na may makapal na kilay ay naglabas lamang ng maliit na
bilang ng kaniyang aura, ngunit tila ito'y sapat na para dumurog ng
isang elepante.
Kumislap ng yelong bughaw ang kaliwang mata bi Zhao Feng at ang
nagyeyelong lawa sa loob ng dimensiyon ng kaniyang kaliwang mata
ay nagbigay ng malamig na pakiramdam.
"Eh?"
Sa wakas ay napilit na ang elder na may makapal na kilay. Nang sinuri
niya pa si Zhao Feng, ay bigla siyang naharangan ng isang 'di
nakikitang malamig na aura na muntik ng palamigin ang kaniyang
pag-iisip.
"Gaano pa katagal bago ang simula ng Sacred True Dragon
Gathering?"
Tanong ng elder na may makapal na kilay.
"Sa loob na lamang ng apat hanggang limang buwan."
Sagot naman ng Tiemo.
"Kung sinusuwerte ka nga naman, kung dinala mo siya rito ng isa o
dalawang taon na mas maaga, mas maganda sana ang sitwasiyon
niya. Sa tulong ko, ay may pag-asa na siyang maka-abot ng top ten."
Nanghihinayang na sabi ng elder na may makapal na kilay.
"Kakasali pa lamang niya sa Iron Blood Religion noong nakaraang
buwan at natulungan na niya ako ng sobra noon. Mas hahasain nalang
namin ang spear bago ang laban. Kailangan lamang taasan ni Zhao
Feng ang kaniyang kaalaman kung hindi ay hindi niya maaabot ang
ganoong level sa edad niyang iyan."
Ibinigay ni Tiemo sa kaniya ang white eye.
"Sige na nga."
Pagsuko ng elder na may makapal na kilay.
Shua!
Inikot niya ang kaniyang palad at isang misteryosong ice blue crystal
ang lumitaw.
Nang lumitaw ang ice blue crystal, nakaramdam ng lamig si Zhao
Feng na tumagos sa kaniyang mental energy at ito'y nagdulot din para
gumalaw ng bahagya ang kaniyang God's Spiritual Eye.
"Ito ay ang Soul ball mula sa mundo sa labas at ito'y napaka-
misteryoso. Ang halaga ng bolang ito ay hindi ganoon kataas ngunit
ito'y naglalaman ng kaalaman tungkol sa Ancient Dao of the Soul
kahit na ito'y hindi kumpleto."
Nag-aalinlangang sabi ng elder na may makapal na kilay.
Sobrang nagulat ang Tiemo – nagbigay ang elder na may makapal na
kilay kay Zhao Feng ng isang pambihirang kayamanan mula sa mundo
sa labas.
Matapos siyang senyasan, ay agad na kinuha ni Zhao Feng ang Ball of
the Ice Soul.
Mula sa reaksiyon ng Deputy Patriarch, hindi maitatanggi na ang
bagay na ito ay pambihira.
Shua!
Walang emosiyong naglabas ang elder na may makapal na kilay ng
isang ancient book na may nakasulat na kaunting salita sa taas nito.
"Dark Eye incomplete page."
Napasigaw ang Tiemo nang tumingin siya sa elder na may makapal na
kilay dahil sa pagkagulat.
"Ito… senior ikaw…"
Hindi mapakaling kinuha ni Zhao Feng ang Ball of the Ice Soul at ang
Dar Eye incomolete page.
Ito ang kauna-unahang pagkakataong nakita niya ang elder na may
makapal na kilay at ito'y dahil sa koneksiyon ng Depury Patriarch.
Dahil nabigyan siya ng maraming mga importanteng bagay, siya ay
nakaramdam ng pagkabalisa.
Habang tinitignan niya ang ekspresiyon ni Zhao Feng, ay napangiti ng
bahagya ang elder na may makapal na kilay: "Ang lahat ay
nakadipende sa iyong hinaharap. Kung gusto mo akong bayaran,
abutin mo ang top twenty sa Sacred True Dragon Gathering at kung
makakayanan mo na kumuha ng Elixir of Life, Life Restoring Pills o
kaya mga kaparehas na mga bagay na iyon, ako'y matutuwa ng
sobra."
"Ang junior na ito ay gagawin ang lahat ng kaniyang makakaya."
Bumalik na si Zhao Feng nang nagpaalam na ang elder sa kaniya.
Nang paalisin nila si Zhao Feng, tanging ang Tiemo at ang elder na
lamang ang natira sa likod ng undergeound palace.
"Big Bro, binigay mo sa kaniya ang ball of Soul sa kaniya? Hindi ba
ang dating may-ari nito ay nasa Void God Realm? At ang Dark Eye
incomplete page ay ipinagbabawal na teknik sa kontinente na kahit
ikaw ay hindi mo naunawaan. Sa tingin mo makakaya niya ito?"
Mausisang tanong ng Tiemo.
Dinala niya si Zhao Feng dito para matulungan siya ni Big Brother
Hong , ngunit ang tulong na ito sobrang laki na pati ang Tiemo ay
nasaktan.
"Ang halaga ng ball of Ice Soul ay hindi gaanong mataas. Ito ay
naglalaman ng kaalaman ng Dao of the Soul at isang kasuwal na bagay
na hawak ng King na nasa Void God Realm. Ako'y isang tao na hindi
naman nagsanay sa Dao of the Soul kaya walang halaga ito sa akin.
Ang mas mahalaga, ay nang binuksan ni Zhao Feng ang kaniyang eye
bloodline, ang bola ay tila nakaramdam, na para ito'y nakatadhana
kay Zhao Feng."