Dahil nasa entablado siya, napagtanto ni Zhao Feng na ang mga
arrays na nandoon ay nalagpasan ang kaniyang kaalaman.
Ang mga Gravity arrays na nandoon ay napakalakas at hinahawakan
nito ang mga batas ng Heaven at Earth.
Sampung beses na mas malakas na gravity ay nangangahulugan na
kahit ang atake ng mga nasa True Spirit Realm ay mapipigilan.
Maaaring masabi na isa sa sampu lamang ang maaaring magamit na
bilis at kapangyarihan dito.
"Narinig ko na ang pangalang Chapter Leader Zhao noon pa at nais
niyang matuto ng mga bagay-bagay mula sa iyo."
Kahit na may pagkamayabang si Jiang Sanfeng, kailangan pa rin
niyang maging magalang sa ibang tao kahit na ayaw ng kaniyang
kalooban.
"Gawin mo ang lahat ng mga ninanais mo."
Kaswal na tumango si Zhao Feng.
Patagong ngumisi ng malamig si Jiang Sanfeng. Ang batang may buhok na hindi pa nga tumutubo ng lubusan ay talagang naniniwala na siya ay mas mataas pa kaysa kay Zhao Feng. Sa paraan ng kaniyang tono, ay tila kumakausap lang siya ng isang bata.
Ang magalang na aksiyon niya tungo kay Zhao Feng ay hanggang sa
labas na anyo lamang. Nais niya talagang makuha ang preordered spot.
"Pasensiya na."
Isang matingkad na gintong ilaw ang nagsimulang magliwanag palibot kay Zhao Feng.
Ang kaniyang kapa na mystic gold battle ay nagbigay ng isang makintab na liwanag at bago pa siya umatake, isang fiery hit power ng True Spirit ang bumalot sa entablado.
Scorching Fire Searing Heart palm
Inilabas ni Jiang Sanfeng ang kaniyang palad at nagbigay ng mga alon ng blazing Qi ng True Spirit na sapat na para masunog ang hangin patungo kay Zhao Feng.
Boom! Weng~
Ang buong entablado ay yumanig ng bahagya. Kung ito'y isang normal na lugar sa halip na ang dakilang bulwagan ng Iron Blood Religion, paniguradong isang bundok ang masisira.
Naramdaman ni Zhao Feng ang hangin palibot sa kaniya ang naging mainit gaya ng isang kumukulong putik.
Tuloy-tuloy sa pag-atake ang palad ni Jiang Sanfeng at ito'y nawawasak patungo sa vital organs ng kaniyang kalaban.
Ang mga eksperto na nasa Normal na True Human Rank na hindi
nakakaalam ng iba pang mas malalim na impormasiyon tungkol dito
ay maaaring sumabog o kaya nama'y mamatay sa fire poison ni Jiang
Sanfeng.
"Ang paglakas ni Jiang Sanfeng ay hindi naman maliit. Ang kaniyang
Scorching Sun Blazing Fire Manual ay umabot na sa ganitong kataas
na yugto nito. Ang mga nasa Normal True Human ranks ay
paniguradong hindi makakaya kahit na ang paggalaw ng kaunti."
"Sa loob ng ilang taon, kapag naabot na niya ang pinakamataas na
yugto ng True Human Rank, ay maaari na siyang maging Chapter
Leader."
Karamihan sa mga upper echelons ay namangha kay Jiang Sanfeng,
ang henyong puno ng potensiyal.
Zzzzzz!
Isang sapot ng kidlat ang lumitaw sa kamay ni Zhao Feng at inihagis
niya ito ng gaya ng kidlat ng sapot ng gagamba patungo sa lugar sa
harap niya.
Boom!
Ang dalawnag kapangyarihan ay parehas na sumabog at ang apoy at
ang kidlat ay pumulupot sa isat' isa, na bumuo na isang alon na sapat
ang kalakasan para maubos ang mga nasa True Spirit Realm.
Ang bughaw na tubig palibot sa entablado na gaya ng sa dagat ay
sinipsip ang kanilang mga atake at nanatiling hindi gumalaw.
"Sa sobrang lalim ng array ng tubig na ito ay kaya nitong makahigop
ng enerhiya."
Pinagmasdan ni Zhao Feng ang array na nasa paligid. Kagaya ng Dark
Water Inheritance ni Bei Moi ngunit mas malakas ito kumpara doon.
Shua!
Sa unang pagpapalitang ng atake, mabikis na iniwasan ni Zhao Feng
ang Scorching Blazing Fire Palm ni Jiang Sanfeng na balak na
puntiryahin ang kaniyang mga organs.
"Suwerte nga lang ba ito?"
Kumislap ang mga mata ni Jiang Sanfeng dahil sa pagkagulat.
Ang kaniyang Scorching Sun Blazing Fire Palm ay may itinatagong
blazing sun power mula sa pagnginig nito at kayang tamaan ang mga
organs ng kaniyang kalaban. Sa lakas nito ay mahihirapan ang kagmhit na sino na depensahan ito.
Sa mga galaw ni Zhao Feng ay nakayanan niyang iwasan ang mga
atake. Si Jiang Sanfeng naman ay nakaramdam ng kaunting
pagkatamlay mula sa pagsirit ng kidlat.
Nang makita niyang sinuri ni Zhao Feng ang array, si Jiang Sanfeng ay nagalit na.
Ito'y parang mas naging interesado pa si Zhao Feng sa lagay ng
entanblado kaysa sa kaniyang kalaban.
Scorching Sun Blazing Heaven!
Umungol sa galit si Jiang Sanfeng at sa sunod niyang atake ay
nagbigay ng 'di mabilang na mga kislap ng apoy na na sumisipol mula
sa entablado. Ang hangin sa entablado ay tila namantsahan ng mga
apoy.
Ang tubig na nasa hangin ay agad na natuyo. Ang palad na puno ng
naglalagablab na mga apoy ay hindi maaaring maiwasan.
"Scorching Sun Blazing Heaven, isang malakihang klase ng atake.
Tignan natin kung papaano mo ito maiiwasan."
Ang palad ni Jiang Sanfeng ay tila sumisimbolo sa kaniyang walang
katapusang galit.
Shua!
Ang kidlat ay pumunta sa paa ni Zhao Feng at ang buong katawan niya
nabalot ng manipis na parte ng kidlat, na kaniyang pinatawan ng
isang flaming sky.
Sandali, hindi.
Siya ay umaatake gamit ang espasiyo mula sa sky of fire.
Xiu!
At sa mga oras na iyon, isang multong pigura na gaya ng isang isdang
lumalangoy sa masikip na pampang.
Lumaki ang mga mata ng mga upper echelons na nanonood mula sa
labas ng entablado.
Ang bata na nasa sky of fire na lumalampas sa espasiyo ng mga apoy
na may pinakamliit na paggamit ng lakas at enerhiya, ay matagumpay
na naiwasan ang mga nakapipinsalang atake ni Jiang Sanfeng.
"Nagawa pa rin niyang makaiwas ng mabilis kahit na nasa ilalim siya
ng gravity na may sampung beses na lakas.
"Para magawang pag-isahin ang mga batas ng mga kidlat papunta sa
kaniyang galaw, sandali, hindi, mayroon ding malamultong layunin
ito para makagalaw siya kung nanaisin niya."
Ang mga nasa upper echelons ay nakaintindi ng mabilis.
Sa mga oras na iyon, si Zhao Feng ay may lubos na kalamangan
pagdating sa bilis.
"Paano ito naging posible? Lahat ng mga atake ko, kasama na ang
mga paraan at galaw nito, ay madaling naiwasan niya."
Nagulat ng sobra si Jiang Sanfeng at ang ekpreksiyon niya na naging
seryoso.
Kahit na ang Scorching Sun Blazing Fire Palm niya ay mayroong
nakapipinsalang kapangyarihan, ito'y mayroon ding nakauubos na
enerhiya.
Kung ito'y magpapatuloy, mauubos niya ang lahat ng kaniyang
enerhiya bago pa umatake si Zhao Feng.
Scorching Sun Heart Piercing Spear!
Huminga ng malalim si Jiang Sanfeng nang ang flaming spear ay
nabuo sa kaniyang palad. Matapos itong mabuo, ay inihagis niya ito sa
dibdib ni Zhao Feng at sumipol habang ito'y lumilipad.
Ang bilis Scorching Sun Heart Piercing Spear ay mas mabilis pa kaysa
sa long range weapons.
Nakaramdam si Zhao Feng ng bahagyang kapahamakan at ang
kaniyang puso ay tila nasunog ng kaunti.
Blade of lightning.
Inihampas ni Zhao Feng ang isa niyang kamay at isang maliit na hiwa
ng kidlat ang mabilis na humati sa flaming spear sa dalawa.
"Ang lahat ng atake, bilis, at tugon ng batang ito ay napakalakas."
Nag-umpisang pagpawisan ang nuo ni Jiang Sanfeng nang maramdaman niya ang puwera nito.
Ang skill na inilabas niya ay may malapit na pagkakapareha sa apoy na
may espesiyalisasyon sa opensa. Subalit, kahit na anong gawin niya,
ay hindi niya magawang tamaan ang kaniyang kalaban. Ito'y labis na
nakakagalit para sa taong mayroong espesiyalisasyon sa opensa.
Shua!
Ang pigura ni Zhao Feng ay nahati sa tatlo.
Ang tatlong pigura sabay-sabay na tumalon patungo kay Jiang
Sanfeng. Ang kanilang mga galaw ay napakabilis. Ang isang daang
yardang malawak na entablado ng nagbigay sa tatlo para palibutan si
Jiang Sanfeng at atakihin siya.
"Ang tatlo ay pare-pareho."
Nanlamig ang puso ni Jiang Sanfeng ng hindi niya masabi kung sino
sa tatlo ang peke at ang orihinal.
Blast of the Scorching Sun!
Ang Qi ng True Spirit ni Jiang Sanfeng ay nagbigay ng mga alon ng
blazing flames na sapat na para gawing abo ang isang palasyo.
"Hindi siya magiging kapantay ni Jiang Sanfeng. Siya na ang talo
simula pa noong una."
Bumuntong hininga at hindi sumang-ayon may putting buhok na
regulations elder.
"Hindi naglabas ng sobrang enerhiya si Zhao Feng ngunit nagawa na
niyang puwersahin si Jiang Sanfeng para maglabas na malaking
bilang ng Qi ng True Spirit para sa mga pangmalawakang atake."
Bahagyang tumango ang ancient Protector na naka kapa.
Peng Peng Pa!
Ang tatling pigura ay mabilis na umatake at madaling lumampas sa
mga alon ng apoy.
Bam!
Pinunasan ni Jiang Sanfeng ang kaunting dugo mula sa kaniyang bibig
at nakitang nawala ang dalawang pigura at saka sinabing: "Al tatlo ay
may kakayahang umatake ng sabay-sabay."
Ginamit ni Zhao Feng ang sikretong teknik ng kaniyang Yin Shadow
Cloak –'ang Yin Shadow Doppelganger'.
Kapag naabot ng isang tao ang tiyak na yugto ng kaniyang cultivation,
ang mga Yin Shadow Doppelgangers ay hindi lang ginagamit para
panglito ng kalaban. Sila'y maaari na ring umatake.
Sa oras na iyon ay unang subok pa lamang ito ni Zhao Feng.
"Si Zhao Feng ay maraming makapangyarihang mga kayamanan,
ngunit sa kasamaang palad ay hindi parin mahanap ni Jiang Sanfeng
ang hangganan ng kaniyang eye bloodline."
Bahagyang nagsisi ang may kulay dugong buhok na Tiemo. Siya ay
mas naging interesado sa eye bloodline ni Zhao Feng.
Claw of Lightning!
Patuloy na winasak ni Zhao Feng ang hangin at isang yardang-haba
ng lightning claw ang kumaluskos pababa na parang kulog.
Hindi na masama!
Nagawang makatayo pa ni Jiang Sanfeng bago siya mag-iwan ng
isang dominante at nakapipinsalang lightning aura na mabilis na
bumulusok sa kabila, at nagawa pa nga nitong panginigin at
patamlayin ang kaniyang True Force at dugo sa buong katawan niya.
Ang claw of lightning ay hindi lamang nagtataglay ng nakakatakot na
makapangyarihang atake, mayroon din itong kakayahang makulong
at mahuli ang kalaban.
Hindi ito naiwasan niJiang Sanfeng ngunit nagawa niyang ilabas ang
kaniyang palad. Ngunit ang claw of lightning ay parang agilang
nanghuhuli ng daga.
Bam---
Mabilis na napatumba ng claw si Jiang Sanfeng at kaniyang buhok ay
nagsimulang umusok.
At ang mas nakamamangha dito ay matapos siyang mapatumba ng
lightning claw, ito'y hindi sumabog ngunit sa halip ay bigla itong
naglaho.
Hu~
Huminga ng malalim ang mga upper echelons. Kung ang lightning
claw na iyon ay sumabog, paniguradong magtatamo ito ng malaking
kabayaran kay Jiang Sanfeng.
Sa kabutihang-palad ay kayang kontrolin ni Jiang Sanfeng ang
kaniyang claw of lightning.
"Salamat."
Tumingin si Zhao Feng sa matamlay na si Jiang Sanfeng na nasa lupa,
atsaka siya ngumiti at umalis.
"Ang lakas ng Chapter Leader ay nakamamangha. Ang isang ito ay
wala man lang laban sa kagalingan mo."
Nagawang ni Jiang Sanfeng na bumalik sa taas ng may pagkapahiya sa
kaniyang ekspresiyon. Naintindihan na niya kung bakit nagawa ng
batang ito na dukutin si Empress Qin, matalo si Tian Yunzhi, at
mahawakan ang titulo bilang Chapter Leader at ang pamahalaan ang Thousand Water area.
At ang pinaka-nagpagulat sa kaniya ay ang edad ng batang ito na mas
bata pa sa kaniya ng ilang taon.
Ang limitadong edad sa Sacred True Dragon Gathering ay limampu,
kaya magagawa pang sumali ni Jiang Sanfeng.
"Kawili-wili!"
Ipinalakpak ni Tiemo ang kaniyang mga kamay dahil sa kaniyang
pagkamangha. Kahit na hindi niya nakita ang kapangyarihan ng eye
bloodline ni Zhao Feng, ang huling claw of lightning na ginamit niya
ay sapat na oara magdulot ng kaguluhan sa mga cultivators na nasa
True Mystic Rank.
"Si Zhao Feng ay labing-anim hanggang labing-pitong taong gulang
pa lamang ngunit siya'y nagtataglay na ng pambihirang lakas at
katayuan. Ang kaniyang ay hindi masusukat ng kahit na ano."
"Mayroon siyang pagkakataon para maabot ang top hundred ng
Sacred True Dragon Gathering at sa mga susunod pang pagtitipon,
maaari niya maabot ang pinakamataas na henyo ng kontinente."
Ang sigaw ng Iron Blood Religion's upper echelon at wala namang 'di
sumang-ayon.
Nakuha ni Zhao Feng ang pre-ordered spot gamit ang kaniyang
kapangyarihan.
Maraming tao ang nagulat, kasama na ang iba niyang kalaban para sa
Sacred True Dragon Gathering, na si Dong Xue.
Tanging si Die Ye lamang ang hindi nagulat. Siya ay lagi ng nasa
panig ni Zhao Feng at alam na niya ang strength ng Chapter Leader na
nakikita ng iba ay wala pa sa kalingkingan ng isang iceberg.
Matapos makumpirma ang preordered spot, sabay-sabay na umalis
sina Zhao Feng, Jiang Sanfeng, Die Ye, at Dong Xue para maghanda
patungo sa Capital sa loob lamang ng ilang araw.
"Chapter Leader Zhao, iginagalang ko ang iyong strength at
naintindihan ko na kung bakit natalo sa si Tian Yunzhi. Tanging si
Prince Jin lamang ang iyong kapantay sa laban sa lahat ng nasa
Canopy Great Country." Seryosong sabi ni Jiang Sanfeng.
"Prince Jin? Malakas siya?"
Naglabas ng tingin ng pagkainteresado si Zhao Feng.
"Si Prince Jin ay nakaabot na sa pinakamatataas na mga yugto ng True
Human Rank at siya ang number one star. Naabot niya ang top one
hundred noong nakaraan at ang kaniyang bloodline ay sinasabing
pinaka-makapangyarihan sa buong Great Country."