Mayroong walong pangunahing grupo sa Canopy Great Country at bawat isa ay mas malakas kaysa sa normal na Strong Countries. Maliban doon, ang Great Country ay mayroon ding ibang puwersa kasama na ang pamilya ng Flooding Lake Liu, na kilala
bilang kasing lakas ng Strong Country.
Gayon pa man, sa malaking bansang iyon, ay mayroon lamang sampung puwesto.
Ang Deputy Patriarch ay nagbigay ng isang buwan na palugit nangangahulugang si Zhao Feng ay may natitira pang oras.
Hindi talaga nababahala si Zhao Feng tungkol sa puwesto, kaya siya ay
mas tumutok mismo sa Sacred True Dragon Gathering.
Ang mga nagsipaglahok ay ang mga henyo ng bawat kontinente at
karamihan sa kanila ay may mga bloodlines o kaya'y mga pambihirang skills.
Sa ngayon, ang forte ni Zhao Feng ay mental energy at bilis at hindi
siya takot mga malapitang laban.
Nasa kaniya ang Water Moon God Peach Fan para sa malapitan at mid
range na labanan at ang Three Flowered Treasured Lotus ay para
naman sa dipensa.
Ngayon ay kailangan lamang niya ng makapangyarihan na
pangmalayuang mga armas. At dahil humalo na ang kaniyang God's
Spiritual Eye, naglaan si Zhao Feng ng importansiya sa mga
pangmalayuang armas upang mapagbuti nito ang kaniyang God's
Spiritual Eye.
Sa oras ng labanan ang ating buhay at kamatayan na may kasamang
kahirapan sa kapaligiran, ang makapangyarihang mga long range
weapon ay kinakailangan.
Matapos ang kalahating buwan, si Tiegan Master ay dumating na din
sa Thousand Watee area Chapter.
"Five Elemental Piercing Crystal… Five Elemental Yuan Crystal…
Fallen Meteorite… Mystic Ice Essence…".
Namangha si Tiegan Master ng makita ang mga kagamitan ni Zhao
Feng habang inaayos ito.
Ayon sa mga naiisip ni Zhao Feng, kailangan niya ng panibagong bow
para mapalakas niya ang Luohou Bow.
Hinawakan ni Tiegan Master ang Luohou Bow at ang ng Ice Lotus
symbol ng may panghihinayang: 'Sa kasamaang palad, ang
kapangyarihan ng Ice Lotus symbol ay hindi na malakas para sa iyo.
Samakatuwid, ang Luohou Bow at mga Arrows ay mga Mortal grade.
Ang potensiyal nito ay maari mo ng magamit ng maayos.
Nanghinayang si Zhao Feng ng marinig niya rin ito sapagkat alam
niya na kailangan niya ng isuko ang mga ito.
Siyempre, ang Five Elemental Piercing Crystal at ang Five Elemental
Yuan Crystal ay maaari mapalakas ang mga Spiritual grade at
maaaring mapalakas ang mga mortal grade items, ngunit ang isang
ito ay masasayang lamang.
Alam ni Tiegan Master na ginamit na ni Zhao Feng ang Luohou Bow sa
loob ng maraming taon at mahirarapan itong isuko lamang sapagkat
sanay siyang gamitin ito.
Tumalikod siya at ngumiti: "Makakaya kong pandayin ulit ang
Luohou Bow at makabuo ng bagong bow at arrow. Kumpiyansa akong
mas magiging maganda ito kaysa sa orihinal."
Natuwa si Zhao Feng sa kaniyang narinig.
Ang bagong panday na Luohou Bow ay paniguradong mag-iiba kaysa
sa orihinal na gamit, ngunit may iba pa ring katangian ito na
mananatili at malampasan ang orihinal.
Ang mas mahalagang bagay, hindi buong kailangan ni Zhao Feng ng
panibagong long range weapon.
Matapos iyon, nag-umpisang kalkulahin nina Zhao Feng at Tiegan
Master ang kanilang mga resources at gastusin.
Maliban sa Five Elemental Piercing Crystal at Five Elemental Yuan
Crystal, si Zhao Feng ay gumastos ng milyones ng Piramal Crystal sa
Five Elemental Yuan Crystal sa ibang craft resources para magawa ang
pinakamagaling na Luohou Bow.
"Hehe, ang yaman mo. Ang gastusin para magawa ito ay lumalampas
pa sa normal Mid tier Spiritual grade weapon."
Lubhang nasisiyahan sa mga materyales si Tiegan Master. Sigurado
siyang naabot na nila ang antas ng perpeksiyon.
Iniwan na ni Zhao Feng ang mga dapat asikasuhin kay Tiegan Master
dahil kailangan na niyang pumunta sa Iron Blood Religion
headquarters at dumalo sa mga labanan ng mga puwesto para sa
Sacred True Dragon Gathering.
"Huwag kang mag-alala, ibibigay ko sa iyo ang perpektong long
range weapon sa loob ng kalahating buwan." Ipinangako ni Tiegan
Master.
Kumalma si Zhao Feng at itinuro ang Three Flowered Lotus kasama si
Die Ye patungong Capital.
Sa kasalukuyang cultivation ni Zhao Feng at ang siksik na Qi ng True
Spirit, ang bilis ng Three Flowered Treasured Lotus ay maikukumpara
sa mga eksperto ng True Mystic Rank.
Sa loob ng sampung araw, si Zhao Feng ay nakadating na din sa Iron
Blood Religion main headquarters.
Agad na ipinatawag si Zhao Feng ng Deputy Patriarch. Si Die Ye ay
ipinatawag din.
Ang dakilang bulwagan ng Iron Blood Religion.
Nang pumasok sina Zhao Feng at Die Ye, karamihan sa miyembro ng
upper echelon na nasa loob ng bulwagan kasama na ang mga
Protectors, Elder at ang Chapter Leaders ay napatingin sa kanila.
Maliban sa kanila, mayroon ding lalaki at babae na nakatayo sa gitna
ng bulwagan na may magalang na mga ekspresiyon.
"Si Chapter Leader Zhao Feng ay naririto na."
Nang pumasok si Zhao Feng, isang masiglang boses ang narinig mula
sa bulwagan.
Ang Chapter Leader ay naroon na sa upper echelon ng Iron Blood
Religion at karamihan ay mga nasa True Mystic Rank.
Samakatuwid, nang pumasok si Zhao Feng, ay nagkaroon agad siya ng
puwesto.
Ang malalapit na Chapter Leaders at mga Elders ay pumunta pa kay
Zhao Feng para magbigay ng kanilang mga pagbati. Bilang pinakabata
sa Chapter Leader ng Iron Blood Religion, sobra-sobrang atensiyon
ang napunta kay Zhao Feng.
At sa mga oras na iyon, ang lalaki at babae na nasa gitna ng bulwagan
ay tumingin kay Zhao Feng ng may kasamang selos at inggit.
Sumabay sa pagtayo si Die Ye kasama ang lalaki at ang babae.
Mukhang alam na ni Zhao Feng kung tungkol saan ang mga ito.
"Sila Jiang Sanfeng, Dong Xue at Die Ye ay mga batang henyong elites
mula Iron Blood Religion. Sa kanilang tatlo, si Jiang Sanfeng ay isa sa
mga ten stars ng nakababatang henerasiyon."
May isang tao ang nagmadaling ipakilala ito kay Zhao Feng.
Si Jiang Sanfeng ay naka-suot ng isang mystic gold battle na kapa at
sa edad na dalawampu't tatlong taong gulang, siya ay may kumikintab
na ilaw sa kaniyang mga mata na nagbibigay ng nakakakabang
pakiramdam.
Ang cultivation ng taong ito ay umabot na sa pinakahuling yugto ng
True Human Rank at siya ang nangungunang henyo ng Iron Blood
Religion.
Si Dong Xue naman ay isang batang babae na may maputing balat na
kasing kulay ng niyebe at sa edad na dalawampu ay mayroong
cultivation ng maagang yugto ng True Human Rank. Kung ito ay
ilalagay sa Cloud area, ang resulta nito ay hindi kapani-paniwala.
At para sa huling si Die Ye, si Zhao Feng ay pamilyar na sa kaniya.
"Zhe zhe, sa ngayon ay tila malaki ang naging progreso ni Jiang
Sanfeng. Ang kaniyang Sun Blazing Fire Manual ay posibilidad na
umabot sa sixth level. Tanging kakaunti lamang sa sa mga eksperto sa
True Mystic Rank sa Religion ang may kakayahang makapag-ensayo
sa ganitong level."
"Si Jiang Sanfeng ay kabilang sa top three hundred sa nakaraang
Sacred True Dragon Gathering, ngunit hindi siya nagkaroon ng
pagkakataon na makapasok sa True Dragon Genius' Ranking. Ngayon
na ang cultivation at skill niya ay lubusang tumaas, ang tiyansa niya
na maabot ang top one hundred ay hindi mababa."
The upper echelons of the Iron Blood Religion discussed in private.
Ang mga upper echelons ng Iron Blood Religion ay nag-usap ng
pribado.
Sa sandaling iyon, ang Deputy Patriarch ay nagsalita: "Sa oras na ito,
Chapter Leader Zhao feng, Jiang Sanfeng, Die Ye, Dong Xue ay ang
magrerepresenta ng Iron Blood Religion para lumaban sa mga
puwesto. Mayroon ba ditong naiisip tungkol doon?"
Ang lahat ng mga upper echelons ay sumang-ayon at hindi tumutil
nang marinig nila ito.
Ang mga apat na taong ito ay ang mga pinakamalakas na henyo na
mayroon ang Iron Blood Religion at ang mga natitirang nakababatang
henerasyon ay hindi pa nakakaabot sa True Spirit Realm.
Sina Jiang Sanfeng at Zhao Feng ay parehong elites sa kanilang apat
na may parehong henerasiyon.
"Ang mga taong pinangalanan ay lalaban para sa puwesto ay
nakumpirma na, ngunit ang ating Iron Blood Religion ay
mananatiling mayroong pre-ordered spots."
Ngumiti ng bahagya ang may puting buhok na Regulations Elder.
Ang ibig sabihin ng mga pre-ordered spots ay kailangang may mga
taong panandaliang mapipili bilang kalahok sa Sacred True Dragon
Gathering at hindi na kailangang dumaan pa sa mahirap na proseso.
Kailangang malaman na ang buong Great Canopy Country ay mayroon
lamang sampung puwesto at ang mga 'di mabilang na mga grupo
mula sa eight major forces ay isangdaang beses na mas marami kaysa
sa populasiyon ng Thirteen Countries.
Sa dami ng mga tao, ay may 'di mabilang na mga henyo. Gaano
katindi ang kompetisiyon para sa sampung puwesto?
Samakatuwid, ang sampung mga puwesto ay kailangang makumpleto
sa loob ng matagal na panahon.
Ang ibang Great Countries, Strong Countries at kahit na ang Ten Great
Clans ay kailangan paring sumailalim sa matinding kompetisiyon.
Maaaring ganapin ito sa parehong oras o kaya'y malapit sa isa't isa.
Bawat kontinente ay lumalaban para sa limitadong puwesto.
Para sa pantay na laban, karamihan sa mga forces ay sasailalim sa
rounds of elimination at tanging ang may nakareserbang puwesto ang
hindi na kailangang makilahok sa elimination rounds. Ikaw ay
bibigyan ng pansamantalang puwesto para makilahok.
Tanging kapag sapat na ang mga henyong naalis, ang mga taong
nakakuha ng pre-ordered spots naman ang hahamunin.
Ang problema ay, sino ang bibigyan ng Iron Blood Religion ng pre-
ordered spots?
Ang pre-ordered spots ay isang senyales ng kalakasan at tagumpay.
Ito ang puwesto kung saan ang iba ay naniniwala sa iyo na may lakas
ka para lumahok sa Sacred True Dragon Gathering.
"Deputy Patriarch, ang mga pre-ordered spots ay madalas na
nakukuha sa ten stars."
Paalala ng isang Elder.
Ang ten stars ng Great Country ay mga bihasa at siguradong
nakalahok na noon pa sa Sacred True Gathering, kagaya ni Jiang
Sanfeng.
Siyempre, mayroong mga bagong tao ang tumatalo sa mga
nakatatandang henerasiyon at pumapalit sa titulong ten stars.
"Ang Iron Blood Religion ay kinakategorya sa pamamagitan ng estado
sa buhay at lakas nito. Maaring ang lakas ni Zhao Feng nang talunin
niya noon ang Tian Yunzhi. Maliban doon, siya rin ang pinakabatang
Chapter Leader ng Iron Blood Religion at ang namumuno sa Thousand
Water area. Ang estado niya sa buhay ay hindi kuwestiyonable."
Ang sabi ng Deputy Patriarch.
Nang marinig ito, ang mga upeer echelons ay sumang-ayon.
Kung pagbabatayan ang lakas, estado sa buhay, at mga tricks, si Zhao
Feng ang nangunguna.
Ang pinaka-importanteng bagay ay siya ay bata pa at punong-puno
ng potensiyal.
Gayun pa man, may ilan pang mga upper echelons ang hindi pa kumbinsido.
"Maraming dahilan ang nagpasiya dahil sa pagtalo ni Zhao Feng kay
Tian Yunzhi. Ang rason kung bakit niya rin pinamumunuan ang
Thousand Water area ay dahil din sa tulong ni Yun Sha, Cheng
Mengzhen, at ni Die Ye."
"Hindi tayo puwede magdisisyon sa tuling lamang ng suwerte. Si
Jiang Sanfeng ay naka upo na sa ten stars sa loob ng maraming taon at
naging kalahok na sa nakaraang Sacred True Dragon Gathering kaya
siya mas dalubhasa."
Ang mga upper echelons ay nag-usap ulit.
Both Zhao Feng and Jiang Sanfeng had their own supporters.
Parehong sinuportahan ng kani-kanilang mga taga-hanga sina Zhao
Feng at Jiang Sanfeng.
Sa ganitong paraan, ang kapangyarihan para pumili ay nasa kamay ng
Deputy Patriarch ngunit ang Tiemo na may kulay dugong buhok ay
hindi agad nagsalita.
Tumayo sa gitna ng bulwagan si Jiang Sanfeng at tila nakaramdam ng
kahinaan para sa katulad niyang hambog kung umasta.
Huminga siya ng malalim at tumingin siya matalim patungo kay Zhao
Feng.
Sa katotohanan, ang pinakabatang Chapter Leader na ito ay nagbibigay sa kaniya ng sobrang takot.
Ang kaniyang mga naoagtagumpayan ay nagbibigay sa kaniya ng
sobrang kasikatan at siya'y kilala sa buong Great Country. Ang
kaniyang posisyon sa Iron Blood Religion ay mataas din.
Samakatuwid, ang Deputy Patriarch ay may malaking importansiya sa
kaniya.
"Bakit hindi natin hayaang maglaban sina Jiang Sanfeng at Zhao Feng
para maging patas?"
Ngumiti ng bahagya ang may puting buhok na Regulations Elder.
Naintindihan niya ang ibig sabihin ng Deputy Patriarch.
Ang Tiemo ay madaling makakapag desisyon sa mga bagay na ito
ngunit hindi niya ginawa.
"Chapter Leader Zhao, ano sa tingin mo?"
Ang bibig ng Tiemo na kulay dugong buhok ay bumaluktot. Nais niya
gamitin ang oras na ito para makita ang pagbabago ng lakas ni Zhao
Feng.
"Sige."
Tumango si Zhao Feng at tumayo sa kanyang upuan.
Nais niya talagang makuha ang pre-ordered spot dahil hindi na niya
kailangan makilahok sa mahabang proseso na iyon.
Ang mga upper echelon ay napuno ng ekspektasyon.
Boom!
Isang entablado na may habang isandaang yarda ang lumitaw sa
sentro ng dakilang bulwagan at ito'y nabalot sa isang deep blue semi-
sphere.
Shua Shua!
Parehas na tumalon sa entablado sina Zhao Feng at Jiang Sanfeng.
"Hmm?"
Naramdaman ni Zhao Feng na bumaba ang kaniyang katawan at
napagtanto niya na ang gravity ng entabladong ito ay sampung beses
na mas marami kaysa sa normal na entablado. Ang lahat ng kaniyang
mga kilos ay naging mabagal at nakakapagod. Kung ito'y mas
mahinang cultivator na nasa Ascended Realm, paniguradong sila'y
magsusuka ng dugo kapag nilagay sika sa ganitong klase ng paligid.