Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 318 - Pagputol ng isa pang Braso

Chapter 318 - Pagputol ng isa pang Braso

Walang ekspresyon binuksan ni Zhao Feng ang depensa ng Three Flowered Treasured, na nagdulot upang mabalutan siya ng tatlong petals.

Ngayon na nakarating na siya sa True Spirit Realm, ang lahat ng mga epekto ng Three Flowered Treasured Lotus ay tumaas na.

"Beams of Lightning"

Ang mga arkong kasingkapal ng isang braso ang nabuo sa palad ni Zhao Feng at sumunggab ito patungo sa Fan Flying Bandit.

Kahit na ang mga beams of lightning ay hindi kasing talim ng Blade of Lightning, naglalaman pa rin ito ng malaking pinsala at mas nababagay ito para sa mga tapatang atake.

Subalit, itinadhana na siyang magkaroon ng matinding labanan kaharap ang Fan Flying Bandit.

Alam ng Fan Flying Bandit ang mga kalokohan ni Zhao Feng at mayroon siyang isang plano.

Crack!

Ang Water Moon God Peach Fan na nasa kaniyang kamay ay naging isang umiikot na payong at sinasalag nito ang kidlat ni Zhao Feng.

Ang Water Moon God Peach Fan ay maaaring maging isang hugis payong kapag gagawing pandepensa ito, subalit ang tanging kahinaan nito ay kaya lamang nitong sumalag sa mga atakeng mula sa iisang direksyon at hindi ito kasing galing ng Three Flowered Treasured Lotus.

Noon sa Transverse Water Stronghold, hindi man iniisip ng Fan Flying Bandit ang tungkol sa depense. Sa puntong iyon, nais lamang niyang talunin ang lahat ng mga taong naroroon subalit minaliit niya ang kalaban at siya ay naloko ni Zhao Feng.

Dagdag pa rito, ang hypnosis patungo sa Fan Flying na nagmula sa Three Flowered Treasured Lotus ay mas mahina ang epekto kumpara sa Fan Flying Bandit noon.

Noong huling laban, pinagod ni Zhao Feng ang Fan Flying Bandit gamit ang hypnosis smell at sa wakas ay natagpuan niya ang kaniyang kahinaan sa pamamagitan ng God's Spiritual Eye.

Kaya naman, matapos bumalik ang Fan Flying Bandit sa kaniyang dibisyon, gumawa siya ng isang antidote na kayang salagin ang 60-70% ng mga amoy mula sa Three Flowered Treasured Lotus.

"Hmph! Hindi lang ako gumawa ng isang antidote, naghanda rin ako ng isang rare soul item na kayang pataasin ang resistensiya ko sa mental energy."

Mayroong kahambugan sa mga mata ng Fan Flying Bandit.

Ang Three Flowered Treasured Lotus ni Zhao Feng ay kayang tapatan ng kaniyang antidote at ang mental energy ni Zhao Feng ay kayang salagin ng kaniyang soul item.

"Kayang gamitin ng Fan Flying Bandit ang lahat ng kapangyarihan ng Water Moon God Peach Fan at hindi niya kailangang katakutan ang mga normal na True Human Rank Cultivators sa pamamagitan ng kaniyang opensa at depensa. Dagdag pa rito, naghanda na siya sa pagkakataong ito."

Kumislap ang mga mata ni Zhao Feng.

Ibig sabihin nito na ang opensa, depensa at bilis niya at ng Fan Flying Bandit ay lahat perpekto.

Ang Fan Flying Bandit ay mayroong Water Moon God Peach Fan, na bahagyang nagpapakalakas lalo ng kaniyang mga atake. Subalit si Zhao Feng ay mayroong Three Flowered Treasured Lotus, kaya't mas maganda ang kaniyang depensa.

Kung bilis at paggalaw ang pag-uusapan, halos pantay ang dalawa.

Sa paglipas ng oras, ang labanan ni Zhao Feng at ng Fan Flying Bandit ay mas naging matindi at ang mga arko ng kidlat ay kumislap sa harapan ng mga taong naroroon, nagdulot upang kumirot ang mga puso ng mga taong nanonood.

Sa isang tiyak na pagkakataon, binuksan ni Zhao Feng ang kaniyang God's Spiritual Eye at gumamit siya ng isang mental energy technique.

Weng~~

Ang Buddhist bead na nasa dibdib ng Fan Flying Bandit ay nagpakawala ng isang misteryosong liwanag at mukhang naririnig niya ang tunog ng mga buddhas sa tabi ng kaniyang mata.

Nanginig ang katawan ng Fan Flying Bandit at may lumitaw na malalamig na pawis sa kaniyang noo.

Ginamit ni Zhao Feng ang mental energy sa kaniyang mga kahinaan at kahit na mayroong soul protecting item ang Fan Flying Bandit, nahulog pa rin siya rito.

Ang mga soul items ay napakabihira at mayroong pagkakaiba-iba ito sa lakas. Ang soul item ng Fan Flying Bandit ay nasa peak mortal grade lamang.

"Bwisit…"

Nabalisa ang Fan Flying Bandit.

Napakamakapangyarihan ng God's Peach Fan at marami siyang mga paraan na kayang makatalo ng mga eksperto mula sa peak True Human Rank.

Subalit si Zhao Feng ay mayroong Three Flowered Treasured Lotus at ang God's Spiritual Eye na kayang-kaya siyang tapatan.

Sa katotohanan, kaya ring magpadala ng Water Moon God Peach Fan ng isang mental energy illusion dahil isa itong bagay mula sa Wicked Path upang mapataas ang epekto ng iba't-ibang mga lason.

Subalit, sinubukan na ito ng Fan Flying Bandit sa ibang mga tao at gumana ito, ngunit wala itong epekto kay Zhao Feng.

Sa mismong oras na ito, gumaling na si Chen Mengzhen at nakisali siya sa laban.

Nakaramdam siya ng pasasalamat kay Zhao Feng at nais niyang magpunta upang tumulong kay Zhao Feng sa pag-aasikaso sa Fan Flying Bandit.

"Tumulong ka sa iba."

Ang boses ni Zhao Feng ay maririnig sa kaniyang isipan.

"Naiintindihan ko po, Chapter Leader."'

Mariing tumingin si Chen Mengzhen at magalang ang kaniyang pakikitungo kay Zhao Feng.

Nang iligtas siya ng batang ito, naramdaman ni Chen Mengzhen ang katakot-takot na kapangyarihan ng kaniyang eye bloodline.

Sa pagkakataong ito, napagtagumpayan na ni Zhao Feng ang pagtapat sa mga atake ng Fan Flying Bandit at kung siya ito o si Yun Sha na nasa kaniyang puwesto, hindi ito gagana.

Sa pagsali ni Chen Mengzhen, bumaligtad na ang sitwasyon.

Si Chen Mengzhen at si Die Ye ay parehas na nasa lieutenant level na mga eksperto na napagtagumpayang makapatay o labis na makapinsala ng dalawa o tatlong mga True Human Rank cultivators.

Matapos iyon, nakisali na si Chen Mengzhen sa laban ni Yun Sha at tinulungan siyang talunin ang Head ng panig ng pamilya ng Yun.

Sumigaw sa galit ang Head ng panig ng pamilya ng Yun, subalit wala siyang magawa kundi umatras kasama ng kaniyang mga tauhan.

Isang ngiti ang nabuo sa mga labi ni Zhao Feng. Ang pagsagip kay Chen Mengzhen ay talagang ang pinakamahalagang bahagi ng plano.

Matapos matalo ng panig ng pamilya ng Yun, ang lakas ng loob ng Hundred Flower Chapter ay bumaba at hindi kalaunan ay nawasak na sila ni Die Ye at ng mga kasamahan niya.

"Chapter Leader, tutulungan kita!"

Winagayway ni Die Ye ang kaniyang braso at maliksing nakisali sa laban.

Kung battle prowess ang pag-uusapan, hindi mas mahina si Die Ye kaysa kay Yun Sha o kay Chen Mengzhen at hindi mas malala sa Fan Flying Bandit.

Mas mataas si Zhao Feng at si Die Ye kaysa sa Fan Flying Bandit.

"Zhao Feng, kung talagang may skills ka, tara labanan mo ako mag-isa…"

Sumigaw ang Fan Flying Bandit at halos sumabog na ang kaniyang mga lamang-loob.

Hindi niya talaga gustong makita si Zhao Feng na mapagtagumpayan ang baligtad sa sitwasyon. Ano na lamang ang mararamdaman niya kung mangyari ulit ang iisang bagay?

70-80% ang bloodline power ni Zhao Feng na nagamit at isang matamlay na malamig subalit sinauna at eleganteng tato ang lumitaw sa kaniyang balat.

Sa ilalim ng kaniyang bloodline power, ang lahat ng kaniyang atake ay parang naglalaman ng isang nakapanlalamig na pakiramdam.

Kasabay nito, maaatake rin nito ang kaniyang kaluluwa.

Matapos makipaglaban nang matagal, napapagod na ang Fan Flying Bandit at kahit na mayroon siyang isang soul item, ang mental energy ni Zhao Feng ay masiyadong malakas.

Kung source of mental energy ang pag-uusapan, si Zhao Feng ay labis na mas malakas kaysa sa ibang mayroong kaparehas na cultivation level. Subalit, karamihan sa mga kapangyarihan niya ay hindi basta-bastang magagamit.

Sa pamamagitan ng tulong ni Die Ye, mayroong oras si Zhao Feng na gumamit ng mental energy skills.

Sinuri ng God's Spiritual Eye niya ang mga kalapit na eksperto.

Plop! Plop!

Isa pang True Human Rank at ilan pang mga cultivators na nasa half step True Spirit Realm ay napaluhod sa sahig dahil nawalan na sila ng lakas at sila ay napatay o kaya naman ay nadakip ng Iron Blood Religion Chapter.

Ang labanang ito ay napunta lamang sa iisang panig.

Ang lakas ni Zhao Feng ay hindi ang pinakamataas, subalit mayroon siyang abilidad na baguhin ang sitwasyon.

Ang pambawing atake ng Iron Blood Religion Chapter ay napakatiyak.

Natalo ang Hundred Flower Chapter.

Tumakas ang panig ng pamilya ng Yun.

Si Zhao Feng at si Die Ye ang responsable sa pagpatay sa Fan Flying Bandit.

Nagngangalit ang Fan Flying Bandit. Ang pinagsamang atake ni Zhao Feng at ni Die Ye ay nagdulot na upang bahagya siyang mapinsala.

"Fan Flying Bandit, sinabihan na kita na puputulin ko ang isa mo pang braso at pababagsakin ko ang iyong cultivation." Malamig na sigaw ni Zhao Feng at mas tumindi pa ang kaniyang pakikipaglaban.

Ang sukat ng Source of True Spirit na nasa kaniyang katawan ay katapat ng mga taong nasa unang yugto ng True Human Rank.

Mayroon din siyang isang bloodline power, pati ang God's Spiritual Eye at ang Lightning Inheritance.

Dagdag pa rito, mayroon ding Mystic Flower Treasured Bible si Zhao Feng, at sa pamamagitan nito kaya niyang tapatan ang mga paraan ng Fan Flying Bandit.

Itiniim ng Fan Flying Bandit ang kaniyang mga ngipin at sumara ang Water Moon God Peach Fan ng may tunog na 'pah'.

Xiu-- Xiu-- Xiu--

Tumira ng pitong nakamamatay na sandata ang Water Moon God Peach Fan.

Ang pitong mga sandatang ito ay mga kutsilyong pambato, nakalalasong mga karayom o kaya naman ay mga nakamamatay na sandata.

Ang lahat ng ito ay napakabilis at lagpas pa sa bilis ng tunog. Ang matitining na mga tunog nito ay masakit sa tainga at mas mabilis pa ang mga ito kaysa sa mga reaksyon ng karamihan sa mga True Human Ranks.

Sa ilalim ng mga normal na sitwasyon, kahit isa lamang sa mga sandatang ito ay kaya nang makapatay ng isang normal na True Human Rank.

Ayon sa teorya ang pitong ito ay kayang makapatay ng isang nasa True Mystic Rank.

Hindi maganda!

Nagawang iwasan ni Die Ye ang tatlong mga kutsilyo at ang isang nakalalasong karayom na dumaplis sa kaniyang buhok.

Mayroon ding isang hanay ng mga karayom na bumalot sa lahat ng bagay.

Shua!

Humimig ang isang arko ng kidlat at hinatak ni Zhao Feng si Die Ye papunta sa Three Flowered Treasured Lotus.

Ding Ding Ding…

Ang makapangyarihang depensa ng Three Flowered Treasured Lotus ay nagawang salagin ang mga mapanirang atake.

Natakot din si Zhao Feng. Suwerte siya, dahil mabilis siyang nakakilos o kung sarili lamang niya ang pinroktektahan niya, malalagay sa matinding panganib si Die Ye.

"Salamat."

Inilabas ni Die Ye ang kaniyang dila at huminga.

Sa mga oras na ito, lumipad sa ere ang Fan Flying Bandit at sinubukang tumakas ng mayroong pagkamuhi at pagdadalawang-isip sa kaniyang mukha.

Ang una niyang naisip ay kayang labis na mapinsala o mapatay ng pitong klase ng sandata si Die Ye, subalit ang bilis ng reaksyon ni Zhao Feng ay masiyadong mabilis. Para naman sa pagpapakawala ng Fan Flying Bandit ng mga sandatang ito, may napansin si Zhao Feng.

"Fan Flying Bandit, hindi mo matatakasan ang pagtutugis namin."

Ang pagtawa ni Zhao Feng ay parang kulog na maririnig hanggang sa dose-dosenang milya.

Mayroon siyang Three Flowered Treasured Lotus na kayang lumipad nang napakabilis at kokonsumo lamang nga katiting na True Force.

Dagdag pa rito, inilalagay din ni Die Ye ang kaniyang True Force sa Three Flowered Treasured Lotus upang mas pabilisin ito.

Ang bilis ni Zhao Feng at ng kasama niya ay mas mataas kaysa sa Fan Flying Bandit at kaya naman hinabol nila siya.

Iritang-irita at pagod na ang Fan Flying Bandit. Mayroong ilang parte ng kaniyang katawan na nalapnos na at umuusok.

Ang pinakanakakainis na bagay ay si Zhao Feng ay nagpapadala ng mental energy attack sa tuwing nakakahanap siya ng kahinaan, kaya naman kumikirot ang puso ng Fan Flying Bandit. Pagod na siya at ayaw na niyang lumaban.

"Sa kasamaang palad, wala akong makapangyarihang pangmalayuang sandata."

Bahagyang nakaramdam ng pagsisisi si Zhao Feng. Ang Luohou Bow ay isang Mortal grade weapont at hindi ito masiyadong kinatatakutan ng Fan Flying Bandit. Hindi rin naman ito kasinggaling sa pagpapadala niya ng mga arko ng kidlat.

"Chapter Leader, hindi na siya makakatagal."

Matamlay na ngumiti si Die Ye.

Kumunsumo ng mas maraming enerhiya ang Fan Flying Bandit at mas pagod pa siya sa kanilang dalawa.

Sa isang tiyak na pagkakataon, nakakita ng pagkakataon si Zhao Feng at muli na namang gumamit ng isang mental energy illusion.

Ang hapong-hapo na Fan Flying Bandit ay mayroong kaunting resistensiya at ang misteryosong liwanag mula sa buddhist bead sa kaniyang dibdib ay naging matamlay.

Shua!

Yumanig ang kamalayan ng Fan Flying Bandit at ito ay nahatak sa palayo.

Qiu--

Sa sumunod na iglap, isang espada na gawa sa kidlat ang lumitaw sa kamay ni Zhao Feng at lumitaw siya sa tabi ng Fan Flying Bandit.

Ahh!

Bago pa makapagbigay ng reaksiyon ang Fan Flying Bandit, ang kaniyang natitirang braso ay nahiwa na ng blade of lightning ni Zhao Feng at kumalat ang kaniyang dugo kung saan-saan.

Nalaglag din ang Water Moon God Peach Fan kasabay ng kaniyang braso.

Ang Water Moon God Peach Fan at ang Three Flowered Treasured Lotus ay bagay sa isa't-isa.

Nanlambot ang puso ni Zhao Feng at kukuhanin niya na dapat ito.

Miao miao!

Tumalon palabas ang munting pusang magnanakaw at sa isang iglap, kinuha nito ang Water Moon God Peach Fan.

"Ang God Peach Fan ko…"

Pulang-pula na ang mga mata ng Fan Flying Bandit, sinunog niya ang Qi ng kaniyang True Spirit at sumunggab patungo sa munting pusang magnanakaw.

Miao miao!

Kumislap ang munting pusang magnanakaw at bigla itong naglaho.

Sa puntong ito, ang battle power ng Fan Flying Bandit ay hindi na tataas kahit na sunugin pa niya ang kaniyang Source of True Spirit dahil wala na siyang natitirang braso.

Dali-daling bumalik si Zhao Feng sa Three Flowered Treasured Lotus upang pigilan ang Fan Flying Bandit sa pagpapakamatay.

Subalit, masiyadong naging mataas ang tingin niya sa Fan Flying Bandit.

Takbo!

Sinunog ng Fan Flying Bandit ang Qi ng kaniyang True Spirit na dumoble sa kaniyang bilis at kumaripas siya patungo sa ere.