Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 317 - Ang Utos ng Chapter Leader

Chapter 317 - Ang Utos ng Chapter Leader

"Zhao Feng, tara rito upang mamatay ka na!"

Sigaw ng Fan Flying Bandit na mayroong kasamang nakakalasong tingin sa kaniyang mukha dahil sa wakas ay nakakahabol na siya kay Zhao Feng.

Naintindihan na ni Zhao Feng ang Lightning Inheritance at ang Yin Shadow Cloak kaya naman ang kaniyang bilis ang pinakamataas sa lahat ng mga taong naroroon.

Ang mga taong mayroong bilis na maaaring maikumpara sa kaniya ang ang Head ng pamilya ng Yun at ang Fan Flying Bandit lamang.

Bilang isang personal na disciple ng Water Moon Pirate, talagang napakabilis ng Fan Flying Bandit.

"Chapter Leader mag-ingat po kayo, maraming tricks ang bandidong ito…"

Nagpunta si Die Ye matapos na labis mapinsala ang isang kalaban na True Human Rank elder at sinubukan niyang tulungan si Zhao Feng.

Ang pinakamahalagang gawain ni Die Ye ay suportahan si Zhao Feng, kabilang na ang kaniyang kaligtasan.

Nagliwanag ang mga mata ni Zhao Feng. Ang lakas ni Die Ye ay higit pa sa inaakala niya at halos hindi siya mas mahina kina Yun Sha at kay Chen Mengzhen.

"Die Ye, tumulong ka sa pagsagip kay Lieutenant Chen, ako na ang bahala sa bandidong ito."

Dumaloy ang boses ni Zhao Feng patungo sa mental energy area ni Die Ye.

Bahagyang nagdadalawang-isip si Die Ye, subalit bumanda ang boses ng Chapter Leader sa buong isipan niya at puno ito ng pag-uutos.

Sige.

Tumalikod si Die Ye at sumunggab patungo sa Hundred Flower Chapter upang iligtas si Chen Mengzhen.

Kung kaya nila siyang masagip, magkakaroon ng isa pang lieutenant ang Iron Blood Religion Chapter at magkakaroon sila ng pagasa na baligtarin ang sitwasyon.

Ang tanging problema ay mayroon pang isang True Human Rank at dalawang nasa half step True Spirit Realm cultivatora na nagbabantay kay Chen Mengzhen.

Habang sumusugod si Die Ye patungo sa ibang mga tao, may isa pang ekspertong nasa True Human Rank ang nagpunta upang harangin siya.

Ang pinakapunto ng sitwasyon na ito ay nasa pagitan ni Zhao Feng ar ng Fan Flying Bandit.

Ang Head ng panig ng pamilya ng Yun ay napigilan din ni Yun Sha at ng iba pa.

Si Die Ye at ang iba pa ang umasikaso sa mga ekspertong mula sa Hundred Flower Chapter at sila ay naglaban-laban.

Sa kasalukuyan ay patas ang dalawang panig, subalit ang kalaban ay mayroong Fan Flying Bandit na siyang puno ng nakakasindak na mga tricks. Sa oras na hindi siya mapigilan ni Zhao Feng, mapupunta lamang sa iisang panig ang laban.

Ang pinsala ng Fan Flying Bandit sa mga normal na True Human Rank cultivators ay masiyadong mataas. Kahit ang isang lieutenant ay nadakip niya.

Sa isang iglap na ito, nagtinginan si Zhao Feng at ang Fan Flying Bandit at mas naging siksik ang mga Qi ng kanilang True Spirit habang nagpapakawala sila ng isang puwersa na nagdulat upang hindi makalapit ang ibang mga tao.

Ang ibang mga eksperto mula sa ibang mga dibisyon ay palihim na pinagmamasdan ang labanang ito.

"Fan Flying Bandit, natalo ka sa akin nakaraan at nawalan ka ng isang braso. Hindi ka pa rin nagbabago. Ngayon, puputulin ko ang isa mo pang braso at pababagsakin ko ang cultivation mo."

Nakatayo si Zhao Feng at nasa likuran niya ang kaniyang mga mga kamay habang kumikinang ang kaniyang mga mata.

Napakayabang!

Ang Hundred Flower Chapter, ang panig ng pamilya ng Yun at ang Iron Blood Religion Chapter ay lahat natulala.

Mula sa perspektibo nila, si Zhao Feng ang mas mahinang panig.

Mula sa tono ni Zhao Feng, mukhang natalo na sa kaniya ang Fan Flying Bandit noon.

"Totoo ba ito o hindi? Natalo na ng bagong Chapter Leader noon ang Fan Flying Bandit at naputol niya ang isa sa kaniyang mga braso?"

"Mukhang kasinungalingan, kakatungtong pa lamang ni Zhao Feng sa True Spirit Realm ibig sabihin noon ay nasa Ascended Realm pa lamang siya…"

Nanghula ang tatlong puwersa.

Sa pagkarinig ng mga sinabi ni Zhao Feng, galit na sumigaw ang Fan Flying Bandit at napuno ng paglalayong pumatay ang kaniyang mukha. Sa araw na iyon sa Trasnverse Water Baby, kung saan niya nakaharap ang kaniyang pagkatalo, ay ang pinakanakakahiyang bagay sa kaniyang buhay at sinabi ito ni Zhao Feng sa lahat.

Sa pagkakita sa ekspresyon ng Fan Flying Bandit, nasurpresa ang lahat. Totoo ba talaga ito?

"Mamatay ka na!!"

Hiyaw ng Fan Flying Bandit nang siya ay sumabog na.

Hu~~

Ang Water Moon God Peach Fan sa kaniyang kamay ay wumagayway at gumawa ito ng katakot-takot na mga alon na parang milyon-milyong kilo ang timbang at kaya nito sirain ang lahat ng matatamaan nito.

Kung tutuusin, ang Water Moon God Peach Fan, ay ang natatanging offensive item ng Water Moon Four Treasures at ang mga atake nito ay nakakawasak.

Kahit ang mga nasa True Mystic Rank ay manlalambot sa ganitong atake.

Xiuu----

Kumislap ang anyo ni Zhao Feng at ang Yin Shadow Cloak sa likuran niya ay pumagaspas.

Weng~~ Shua! Shua!

Trumiple ang anyo ni Zhao Feng. Ang tatlong anyo ni Zhao Feng na mukhang iisa ay naging tatlong guhit ng mga kidlat na lumundag patungo sa Fan Flying Bandit.

Ito ang natatagong abilidad ng Yin Shadow Cloak, ang Yin Shadow Doppelgangers.

Ngayon na sapat na ang taas ng cultivation ni Zhao Feng, maaari niya nang magamit ang sikretong teknik ng Yin Shadow Cloak.

Kahit ang mga nasa True Spirit Realm na ay hindi makita kung sino ang tunay na Zhao Feng sa loob ng maikling oras.

"Mamatay na kayong lahat!"

Winagayway ng Fan Flying Bandit ang kaniyang pamaypay at nabalutan ng alon ang tatlong mga Zhao Feng.

Kahit ang tatlong True Human Cultivators ay mahihirapan makaatras ng walang pinsala.

Boom! Boom!

Ang dalawang Yin Shadow Doppelgangers ay mabilis na nasira nang lumapit sila sa Fan Flying Bandit samantalang ang ikatlong Zhao Feng ay tumakbo sa malayo.

"Saan ka tumatakbo?"

Dinilaan ng Fan Flying Bandit ang kaniyang mga labi at dali-daling sumunod.

Boom!

Ang ikatlong Zhao Feng ay napatay sa pamamagitan ng isang pamaypay.

Hmm?

Sa wakas ay napagtanto na ng Fan Flying Bandit na may mali.sa kasalukuyang lakas ni Zhao Feng, tiyak na hindi siya mapapatay ng isang pamaypay lamang. Alam niya kung gaanong kasindak-sindak ang pagtantsa at lakas ni Zhao Feng.

Shua!

Isang batang may asul na buhok na nakaupo sa isang lotus ang lumitaw mula sa kawalan.

Imposibleng makalimutan ng isang tao ang invisiblity power ng Yin Shadow Cloak.

Nagkagulo ang mga manonood at nagsigawan ang mga upper echelons mula sa tatlong puwersa.

Direkta bang makikipaglaban si Zhao Feng sa Fan Flying Bandit? Siyempre hindi.

Matapos ang tatlong daan at animnapung ikot, dali-dali niyang pinatalsik ang Fan Flying Bandit at sumunggab patungo sa Hundred Flower Chapter.

Layunin: Sagipin si Chen Mengzhen.

Nang banggitin ni Zhao Feng tungkol sa kung paano niya tinalo ang Fan Flying Bandit noon at nakuha ang tagumpay sa kaniyang mga kamay, isa lamang itong pagpapanggap na lalabanan niya ang Fan Flying Bandit.

Sinong mag-aakala na talagang hindi pala siya makikipaglaban?

Ang lahat ng ito ay ginawa lamang upang mapatalsik niya ang Fan Flying Bandit.

Si Zhao Feng laban sa Fan Flying Bandit? Hindi na man siya masiyadong mangmang para gumawa ng isang bagay na walang kuwenta sa kaniya. Hindi nito masiyadong maapektuhan ang buong sitwasyon depende kung matatalo niya ang Fan Flying Bandit sa loob ng maikling panahon.

Subalit ang problema ay ang Fan Flying Bandit ay natalo na ni Zhao Feng noon at labis na tumaas ang kaniyang battle power. Ang iisang estratehiya ay hindi na gagana nang dalawang beses.

Sa puntong ito, nagtagumpay na si Zhao Feng na painitin ang ulo ng Fan Flying Bandit habang sumusugod siya patungo sa grupo ng Hundred Flower Chapter.

Ring of Lightning!

Boom----

Mga alon ng kidlat ang kumawala mula sa katawan ni Zhao Feng at nagpunta ito sa bawat direksyon.

Ang mga nasa baba ng True Spirit Realm ay halos napatay lahat.

Sa pamamagitan ng tulong ni Zhao Feng, nakalapit si Die Ye kay Chen Mengzhen.

Nagtatagumpay ang plano unti-unti.

Nagalak ang mga cultivators ng Iron Blood Religion at puno sila ng pag-asa.

"Hmph! Kapag lumapit ka pa ng isang hakbang, papatayin ko siya!"

Ang eksperto na nasa True Human Rank na mula sa Hundred Flower Chapter ay hinablot at sinakal ang leeg ni Chen Mengzhen.

Tumigil ang paghakbang ni Die Ye. Hindi niya alam kung magpapatuloy ba siya o aatras siya.

"Zhao Feng, hindi ka magtatagumpay."

Sumunggab patalikod ang Fan Flying Bandit.

Tinatsa ni Zhao Feng ang oras at ang distansya at sunod ay inutusan si Die Ye: "Sumugod ka at iligtas siya."

"Ito…"

Bahagyang nagdadalawang-isip si Die Ye, subalit ito ay isang utos mula kay Zhao Feng kaya't kailangan niyang sumugod patungo kay Chen Mengzhen.

Nagbago ang mga ekspresyon ng karamihan sa mga upper echelons mula sa Iron Blood Religion Chapter: "Wala bang pakialam ang Chapter Leader tungkol sa buhay ng lieutenant?"

Isang kalabang mula sa True Human Rank ang may hawak sa buhay ni Chen Mengzhen. Kung pipilitin nilang sumugod, tiyak na papatayin niya si Chen Mengzhen.

"Dito na ba ako mamamatay? Walang emosyon ang bagong Chapter Leader na ito."

Kapaitan ang lumitaw sa bibig ni Chen Mengzhen dahil siya ay punong-puno ng kalungkutan.

Ang malamig na utos ni Zhao Feng ay nagdulot upang manigas ang mga puso ng mga miyembro ng Iron Blood Religion.

Ang Fan Flying Bandit ang siyang parang biglang nakaalala lamang ng isang bagay at labis na nagbago ang kaniyang ekspresyon: "Patayin ang babaeng 'yan!!!!"

Kinalaban na niya si Zhao Feng noon at alam niya kung gaanong nakakatakot ang batang ito.

Subalit, masiyado nang huli ang kaniyang pagbabanta.

Nakatayo si Zhao Feng sa Three Flowered Treasured Lotus at ang kaniyang matamlay na asul na kaliwang mata ay parang isang malamig at walang hanggang lawa.

Isang malamig na pagnanais ang sumakop sa mundo ng mental energy.

Ah!

Sininok ang True Human Rank na may hawak kay Chen Mengzhen nang tumingin siya sa mata ni Zhao Feng.

Pagtapos na pagtapos nito, naramdaman niya na naging isang malamig na kawalan ang kaliwang mata ni Zhao Feng at binalot nito ang kaniyang kamalayan.

Matapos makaabot sa True Spirit Realm, ang lakas ng God's Spiritual Eye ay mas lalong lumakas.

Plop!

Ang eksperto na mula sa True Human Rank na may hawak kay Chen Mengzhen ay nahulog sa sahig na puno ng pawis at pagod na pagod siya. Ang kaniyang mga mata ay puno ng gulat at takot. Hindi man lamang niya maitayo ang kaniyang katawan.

Natulala ang lahat ng mga tao sa eksenang ito. Ang Nakita lamang nila ay ang pagsulyap ni Zhao Feng sa ekspertong nasa True Human Rank at nagdulot na ito upang biglang gumuho ang nabanggit.

Kasunod no'n, ang dalawang nasa half step True Spirit Realm cultivators na katabi ni Chen Mengzhen ay hinimatay.

"Grabeng katakot-takot na eye bloodline!"

Nanlamig ang paghiga ng Head ng panig ng pamilya ng Yun.

Si Yun Sha, si Elder Gao at ang iba pang upper echelons ng Iron Blood Religion Chapter ay natulala.

Bilang ang taong nailigtas, nanginig si Chen Mengzhen at nanlaki ang kaniyang mga mata.

"Ito ba ang eye bloodline ng Chapter Leader?"

Natulala nang saglit si Die Ye bago siya nagbigay ng reaksiyon at napagtagumpayan niya na ang pagsagip kay Chen Mengzhen.

Hua!

Ang mga miyembro ng Iron Blood Religion ay napasigaw sa galak.

Sa oras na mailigtas si Chen Mengzhen, magbabago na ang sitwasyon.

Pumasok si Zhao Feng sa labanan at pinatay ang isang True Human Rank, pinatalsik ang Fan Flying Bandit at sinagip si Chen Mengzhen at ang lahat ng ito ay nagawa niya sa loob lamang ng sampung paghinga.

Nangangahulugan ito na sa loob ng sampung paghinga, nabago na ni Zhao Feng ang magiging kalalabasan ng mga bagay.

"Zhao Feng, walang kuwenta kahit iligtas mo siya. Nalason na siya ng aking Sky Softening Collapsing Powder. Mawawalan na siya ng battle power sa loob ng tatlong araw at ang lahat ng kaniyang buto ay magiging putik."

Ang tawa ng Fan Flying Bandit ay ikinagulat ng lahat ng tao.

Dinakip niya si Chen Mengzhen subalit nag-iwan pa siya ng isa pang trick kung sakaling hindi mangyari ang kaniyang inaasahan.

"Sky Softening Collapsing Powder?"

Mula sa isipan ni Zhao Feng ay may lumabas na impormasyon tungkol dito mula sa Mystic Flower Treasured Bible.

Ang Mystic Flower Treasured Bible ay naglalaman ng essence ng Wicked Path at ng buong Hundred Flower Chapter's tricks.

"Ikuha niyo ako ng nakalalasong spider's saliva, squiggly clock stone, horse pill, at sampung ice elemented spiritual pills…" Utos ni Zhao Feng.

"Naiintindihan po namin, Chapter Leader."

Kahit hindi naintindihan ng mga miyembro ng Iron Blood Religion, umayon pa rin sila sa sinabi ng Chapter Leader.

Subalit, nang ibigay ni Zhao Feng ang kautusan, nagbago ang ekspresyon ng Fan Flying Bandit.

"Paano nangyari 'yon? Bakit alam mo ang antidote ng Sky Softening Collapsing Powder? Isa itong sikreto ng Hundred Flower Chapter na hindi sinasabi ng kahit sino…"

Sa loob ng sampung paghinga, natipon-tipon na ng lahat ng miyembro ng Iron Blood Religion ang mga pangkaraniwan na mga kagamitan.

Ang nakalalasong spider saliva, chilling ice pill, squiggly clock stone at ang iba pang pangkaraniwang bagay ay inilagay sa horse pill at isinaboy kay Chen Mengzhen.

Naramdaman ni Chen Mengzhen na ang nanlalambot niyang katawan ay mas naging makapangyarihan at lubos siyang nagalak.

Sa pagkakataong ito, hinaharap ni Zhao Feng ang nagngangalit na atake ng Fan Flying Bandit.