Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 315 - Paglabas ng Chapter Leader sa seklusyon

Chapter 315 - Paglabas ng Chapter Leader sa seklusyon

Ang Mystic Flower Treasured Bible, na siyang sinira ni Zhao Feng, ay napanatili ng Water Moon Pirate's Source of True Spirit.

"Water Moon pirate, hindi mo parin kayang mawala ang natatago mong skill no'? Kung ganon bakit mo iiwan ang trick na ito ?"

Inobserbahan ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang librong gawa sa Qi ng True Spirit at hindi niya mapigilang mapabuntong-hininga.

Sa mga oras na ito, naramdaman niya kung gaano kalakas ang calculation skill ng Water Moon pirate's.

Sa era na iyon, walang lakas ang Water Moon Pirate para mamuno. Ngunit hindi lang siya umasa sa lakas at yaman, Siya rin ay lubos na matalino.

Shua!

Pinadaloy ni Zhao Feng ang kaniyang God's Spiritual Eye para suriin ang 'libro' na gawa sa Qi ng True Spirit at ang nilalaman nito ay agad na kinopya ni Zhao Feng.

Ang kaniyang God's Spiritual Eye ay sumailim sa maraming pagbabago at ang kapangyarihan nito ay lubos na lumakas. Kahit na ang Mystic Flower Treasure Bible, ang skill na maikukumpara sa High Level Spiritual grade ay nakopya.

Hindi kalaunan, Treasured Bible ay lumitaw sa kaniyang isip at dali-daling tumingin si Zhao Feng sa mga nilalaman nito.

Kung skills ang pag-uusapan, ang Mystic Flower Treasured Bible ang natatanging bagay na malapit sa High level Spiritual grade. Subalit isa itong libro na naglalaman ng mga skills ng Hundred Flower Chapter at ang ibang nagmula sa Wicked path.

Sa madaling salita, ito ay isang Wicked book na naglalaman ng mga essences ng masamang mga teknik.

Kaya naman, ang totoong halay maaaring maikumpara sa Lightning Inheritance ni Zhao Feng.

Ang tanging diperensya ng Mystic Flower Treasured Bible ay ginawang mahirap para sa mga cultivators upang makarating sa Origin Core Realm, kung saan ang Lightning Inheritance ay mayroong tiyak na bilang ng tagumpay.

"Ang Mystic Flower Treasured Bible ay naglalaman ng kakaibang mga teknik na hindi maaasahan. Ang movement at speed skills ay makakatulong sa mga mahihinang parte ng Lightning Inheritance."

Natulala si Zhao Feng nang una niyang mabasa ang Mystic Flower Treasured Bible.

Ang layunin ng Lightning Inheritance ay comprehension at mga insights, kung saan ang Mystic Flower Treasured Bible ay maaaring magamit sa kahit anong sitwasyon, bawat isa ay may kakaibang estratehiya.

"Pipiliin ko ang pinakamaganda at kakalimutan na ang mga natitira."

Ginawa na ni Zhao Feng ang kaniyang desisyon. Gamit ang Mystic Flower Treasured Bible na hawak niya, hindi na niya kailangan pa ng ibang skills.

Para sa sumunod na isa hanggang dalawang araw, nanatili si Zhao Feng sa seklusyon.

Ang Lightning Yuan Qi na nasa taas ng bulwagan ng Chapter Leader ay naging ilang beses na mas sisik at bumuo pa ito ng isang ulap ng kidlat.

"Sa aura pa lamang na mula sa pagsubok makatungtong sa True Spirit Realm siya ay ilang beses nang mas malakas kaysa sa iba."

Nanlambot ang puso ni Die Ye. Ang ulap ng kidlat na nagtipon sa taas ng bulwagan ay nakalampas na sa mga unang yugto ng isang eksperto ng True Human Rank.

Batay sa mga pangkaraniwang normal, ang mga kakapasok pa lamang ng True Human Rank ay itinuturing bilang panimulang yugto lamang at pagkatapos lamang ng consolidation sila makaabot sa mga unang yugto.

May tatlong pangunahing dahilan kung bakit napakalakas ng aura ni Zhao Feng.

Una, ang Lightning Inheritance ay labis na makapangyarihan at ang Lightning ang isa sa pinakamakapangyarihang mga elemento sa mundo. Kaya nitong laban ang karamihan sa ibang mga elemento.

Ikalawa, ang mental energy ni Zhao Feng ay nakaabot nasa mataas na level at ang Source of Mental Energy ng kaniyang God's Spiritual Eye ay napakalaki, kaya naman kaya niyang magtipon ng mas maraming Heaven Earth Yuan Qi.

Ikatlo, ang parte ng Source of True Spirit ng Water Moon Pirate ay sumanib sa Source of True Spirit ni Zhao Feng.

Bukod sa mga dahilang ito, si Zhao Feng ay mayroon ding Three Flowered Treasured Lotus, na nakatulong sa kaniya sa pagcultivate.

Kaya naman, kahit ang Source of True Spirit ni Zhao Feng ay kakatipon pa lamang, napakamakapangyarihan na nito.

Booom!

Ang ulap ng kidlat sa hangin ay biglang yumanig at agad pumunta sa katawan ni Zhao Feng na parang baha at nilinis ito.

Sa mga oras na iyon, ang kidlat sa hangit ay naglaho

Agad na sumunod rito, ang bagong aura ng True Spirit Reals na naglalaman ng mapaminsala, mapanirang pakiramdam sa buong ilang milya.

Sa puntong iyon, lahat ng tao sa Iron Blood Region Chapter ay nakaramdam ng aura na nakakayanig

" Nagtagumpay siya."

Umarte si Die Ye na para bang nakagawa ng isang malaking gawain at isang liwanag ng supresa ang lumitaw sa kaniyang mga mata.

Ang aura ni Zhao Feng ay lubos na makapangyarihan. Naabot na niya ang True Spirit Realm, ngunit nagpapakawala na siya ng hindi matalo-talong aura."

Ang ilang mga supremong eksperto lamang ang kayang magbigay ng ganitong pakiramdam kapag tumataas ang kanilang cultivation.

Halimbawa, nang tumaas ang Sword Saint Ye Wuxie sa True Spirit Realm, isang tingkad ng liwanag ng espada ang nagpalayo sa mga eksperto ng True Spirit Realm na humahabol sa kaniya.

Batay sa mga sinaunang tala, kapag tumaas ang Scarlet Moon Patriarch sa True Spirit Realm, isang kulay dugong ulap ang bumalot sa lahat ng bagay na nasa loob ng sampung milya, sumisimbolo sa kaguluhan.

Nang makarating si Zhao Feng sa True Spirit Realm, ang lahat ng nasa loob ng sampung milya ay kayang marinig ang himig ng kidlat at naging manhid ang lahat.

"Pag-ulat sa Chapter Leader, nadakip si Lieutenant Chen ng Fan Flying Bandit. Sinabi ng Head ng pamilya ng Yun at ng Fan Flying Bandit na kung hindi magpapakita sa loob ng tatlong araw ang Chapter Leader, sisirain nila ang Iron Blood Religion Chapter."

Nanginig ang isang nakaluhod na anyo sa labas ng bulwagan.

Sa oras na nakatungtong si Zhao Feng sa True Spirit Realm, kahit ang mga normal na True Human Rank cultivators ay mararamdaman ang pagnginig ng kanilang puso kapag kaharap nila si Zhao Feng.

"T*ngina alis."

Isang mala-kulog na boses ang maririnig sa ere, gaya ng tunog ng God of Lightning.

"Opo opo!"

Labis na natakot ang cultivator na nasa half step True Spirit Realm na halos maglaho na ang kaniyang kaluluwa.

Isang sigaw pa lamang mula sa bagong Chapter Leader na ito ay nagdulot na upang gumuho ang kaniyang isipan. Ang mga normal na nasa True Human Rank ay walang ganitong kapangyarihan.

"Dapat ay kino-consolidate na niya ang kaniyang Source of True Spirit. Ngayon ay hindi ang nararapat na oras para siya ay kumilos."

Naisip ni Die Ye sa loob-loob niya.

Sa loob ng bulwagan.

Nakadekuwatro si Zhao Feng habang tinatangay ng hangin ang kaniyang asul na buhok. Nakabalot ang mga arko ng kidlat sa kaniyang katawan. Mas manipis pa ang mga ito kaysa sa mga sapot ng gagamba.

Kasabay ng pagkakataong ito, isang lightning mark ang kumislap sa kaniyang noo. Ito ay kaparehas ng Floating Crest Lightning Mark na natanggap niya sa Floating Crest Palace.

Si Die Ye ay 50% tama. Hindi lamang kinailangan ni Zhao Feng na magconsolidate ng kaniyang Source of True Spirit, kailangan din niyang magpalago.

Ang kaniyang Lightning Inheritance ay napipigilan ng kaniyang cultivation, subalti ngayon na nakatungtong na siya sa True Spirit Realm at nakaabot na sa bagong level sa pandama ng Heaven Earth Yuan Qi. Mas maayos pa ito kaysa sa karamihang mga normal na True Human Ranks.

Boom Boom Boom!

Lumitaw mula ang kidlat sa ere, sa oras na ito mas malakas pa ito kaysa sa mga nauna.

"Ano… ano ang nangyayari? Hindi ba't kakatungtong niya pa lamang sa True Spirit Realm? Bakit tumatataas na naman ang kaniyang aura?"

Nagkaroon ng hindi makapaniwalang ekspresyon si Die Ye.

Sa katotohanan, dahil ang parte ng Water Moon Pirate's Source of True Spirit ay sumanib sa Source of True Spirit ni Zhao Feng, ang sukat nito ay malapit na sa ika-unang yugto ng True Human Rank.

Kailangang malaman ng isang tao na ang cultivation ng Water Moon Pirate ay nakarating na sa peak True Mystic Rank at ito ay half step na ng True Lord Rank.

Ang Source of True Spirit na iniwan niya ay halatang malakas.

Gamit ang kapangyarihan at ang mga pandama mula sa pagbe-breakthrough kani-kanina lang, nagtungo agad si Zhao Feng papunta sa ikalawang palapag ng Lightning Inheritance at kumuha ng mas marami pang Lightning Yuan Qi.

Kasabay nito, ang Water Moon Pirate's Source of True Spirit ay naging isang puwersang nakatulong sa kaniya upang mahigop ang Lightning Yuan Qi at maconsolidate ang kaniyang Source of True Spirit.

Lumipas ang oras.

Ang galaw mula sa Lightning Yuan Qi sa taas ng bulwagan ng Chapter Leader ay halos maikukumpara na sa isang True Mystic Rank.

Mga ulap ng kidlat na kasing haba ng isang daang yarda ang lumitaw sa itaas ni Zhao Feng. Sa pagkakataong ito, kahit ang mga normal na True Human Ranks cultivators ay hindi maglalakas-loob lumapit kay Zhao Feng.

Kapag bumaba ang nakakasindak na ulap na kidlat na iyon, hindi lamang si Zhao Feng ang mamamatay, kahit ang mga kalapit na True Spirit Realm cultivators ay hindi rin makakaatras ng walang pinsala.

Weng~

Ang Three Flowered Treasured lotus sa ibaba ni Zhao Feng ay nagpakawala ng isang kakaibang liwanag na tumulong sa kaniya upang makapagtipon pa ng mas maraming Heaven Earth Yuan Qi.

Ang isang holy item gaya ng Three Flowered Treasured Lotus ay nakapagpataas din ng aura ni Zhao Feng.

"Zhe zhe, ito ang huling araw. Kung hindi lalabas si Zhao Feng, kung ganoon ang bastos na lieutenant na ito ay magiging laruan namin."

Nakakapangilabot na ngumiti ang Fan Flying Bandit.

Pinalibutan na ng panig ng pamilya ng Yun at ng Hundred Flower Chapter ang Thousand Water Chapter.

Ang mukha ni Lieutenant Chen Mengzhen ay puno ng galit. Ang dahil kung bakti siya ay natalo ay hindi dahil sa lakas, subalit dahil gumamit ang Fan Flying Bandit ng isang lason na mula sa Water Moon Treasury na ginamit ng Water Moon Bandit noong siya ay nabubuhay pa.

Pinamunuan ni Lieutenant Yun Sha ang upper echelon ng Chapter at dumepensa lamang sila.

Hindi nagbasta-basta ang panig ng pamilya ng Yun at ang Hundred Flower Chapter dahil ang kapangyarihan ng Iron Blood Religion ay kaya pang makalampas kahit sa mga Imperials ngayon.

Nais pakawalan ng Fan Flying Bandit ang kaniyang galit at ibalik ang mga kagamitang pagmamay-ari niya.

Nais maghiganti ng lider ng panig ng pamilya ng Yun para sa kaniyang apong lalaki at sa likod niya ay sumusuporta ang pangunahing pamilya ng Yun.

"Ang Zhao Feng na iyon ay nakaabot na sa True Spirit Realm subalit hindi pa rin siya lumalabas."

Itiniim ni Yun Sha ang kaniyang mga ngipin, siya ay lubos na nagngangalit. Sa ganito ka-kritikal na pagkakataon, si Zhao Feng, ang tunay na Chapter Leader, ay nagtatago na parang pagong.

Sa ganitong oras may oras pa ba si Yun Sha upang magtantsa laban kay Zhao Feng?

Nahulog sa napakalaki ay napakamapanganib na sitwasyon ang Thousand Water Chapter sa loob ng sampung taon. Sa pamamagitan ng paggamit ng lahat ng kanilang puwersa, parehas sa liwanag at sa dilim, nagawa lamang nilang salagin ang dalawang dibisyon.

Marahang lumipas ang oras, pakiramdam ni Yun Sha na parang ang isang araw ay kasinghaba ng isang taon at si Chen Mengzhen ay lubos na nag-aalala para sa mga mangyayari.

Kapaitan ang lumitaw sa kanilang mga isipan.

Ninais nilang lokohin si Zhao Feng subalit sa halip ay napaso nila ang kanilang mga sarili.

Hindi lamang nila hindi natantsa ang sitwasyon laban kay Zhao Feng, napunta rin sila sa isang problema na dulot ng nabanggit.

Si Yun Sha ay naghihinala pa na si Zhao Feng ay isang kalamidad. Nakatakas siya sa kasalan sa Flooding Lake City, nagpunta sa Transverse Water Stronghold at kinuha ang Water Moon Treasury sunod ay nagpunta sa Capital upang dakpin si Empress Qin.

Ngayon, dumating na siya sa Thousand Water Chapter at nahulog na sila agad sa kaguluhang ito bago pa man nila masuri ang sitwasyon laban kay Zhao Feng.

Ang panig ng pamilya ng Yun at ang Hundred Flower Chapter ay parehas na kalaban ni Zhao Feng.

Subalit, ang puwersang dapat si Zhao Feng ang sumasalo ay nakuha ng dalawang lieutenants.

"Halos magtatanghali na. Kung hindi lalabas si Zhao Feng, dudumihan namin ang magandang lieutenant na ito at sunod ay sisirain ang Thousand Water Chapter." Pagbabanta ng Fan Flying Bandit.

Malamig na humagikhik din ang Head ng pamilya ng Yun at itinaas ang kaniyang kamay, na para bang gumagawa ng preparasyon sa pag-atake ng Thousand Water Chapter.

Ang pangunahing pamilya ng Yun ay isa rin sa walong malalaking dibisyon. Ang mga pangunahing clans, pamilya o mga punung-himpilan ay hindi susuporta sa panig o sa puwersa ng chapter nang masiyado o kung hindi mawawala ang balanse.

Kaya naman, ang Head ng panig ng pamilya ng Yun ay nag-aalala lamang sa Iron Blood Religion subalit hindi siya takot sa kanila.

Boom---

Isang malakas na kulog ang sumabog sa taas ng Thousand Water Chapter at ang lahat ng taong lasa loob ng isang daang milya ay nakakakita ng isang arko ng kidlat.

Maraming tao ang nabalisa.

Kasabay nito, ang isang ulap ng kidlat sa taas ng bulwagan ng Chapter Leader ay naglaho.

Isang asul na simbolo ng kidlat ang lumitaw sa noo ni ZHao Feng.

Xiu---

Naglaho mula sa isang parte ang kaniyang anyo at isang guhit ng kidlat ang kumislap sa alapaap.

"Darating ang Chapter Leader."

Matamlay na ngumiti si Die Ye at nagpadala ng mensahe sa bawat lugar.

"Darating ang Chapter Leader."

Pinagmasdan ng buong Thousand Water Chapter ang arko ng kidlat na tumuhog sa alapaap.