Iron Blood Religion, Thousand Water Chapter.
Mula sa bulwagan ng bagong Chapter Leader ang tunog ng kulog ay maririnig at ang lugar na pinalibutan nito ay napuno ng Heaven Earth Lightning Yuan Qi.
Sa dulo ay mayroon pang matatamlay na mga arko ng kulay lilang kidlat na gumawa ng isang nakakatulalang tanawin.
Kahit ang mga cultivators na nasa Ascended Realm o mas mataas pa na nasa loob ng sampung milya ay kayang maramdaman ang pagbabago rito.
"Tunay na karapat-dapat siyang makatanggap ng malaking importansyang galing sa Deputy Patriarch. Hindi pa siya labingpitong taon, subalit kaya niya nang maabot ang True Spirit Realm sa ganito kabatang edad. Bihirang mangyari ito kahit sa buong Canopy Great Country."
Umikot ang mga mata ni Die Ye habang binabantayan niya si Zhao Feng.
Sa karanasan niya, alam niya na maayos ang pagpoprogreso ni Zhao Feng at walang kahit anong kagipitan dito.
Ang kaguluhan mula sa bagong Chapter Leader ay dali-daling nakakuha ng atensyon ng mga upper echelon ng Thousand Water Chapter.
Ang ekspresyon nina Yun Sha at Chen Mengzhen ay parehas na bahagyang taimtim.
"Ang Zhao Feng na ito ay tiyak na isang henyo. Kung aalalahanin natin noong naghirap tayong makaabot sa 6th Sky ng Ascended Realm. Dagdag pa rito, mayroon siyang isang kakaibang blood power…."
Kumunot ang mga kilay ni Chen Mengzhen dahil nararamdaman niya na ang sitwasyon ay bahagyang nagiging problema na.
Kung hindi naabot ni Zhao Feng ang True Spirit Realm, kung ganoon magiging isang langgam lamang siya na mayroong isang malaking pinanggalingan sa kanilang mga mata. Kahit na wala silang magawa sa panlabas, kaya nilang gumawa ng mga palihim na gawain sa dilim at ito ay madudulot upang bumalik ang batang ito mula sa Chapter.
Subalit, sa oras na makaabot si Zhao Feng sa True Spirit Realm, mag-iiba na ang sitwasyon.
Sa oras na maging True Spirit ka, hindi ka na mortal.
Ang pangungusap na ito ay kadalasang ginagamit kahit sa Canopy Great Country.
Kapag ang isang tao ay nakarating na sa True Spirit Realm, ang lifeform ng taong iyon ay labis na tataas sa lakas at ang haba ng kanilang buhay ay mabilis ding aangat.
"Kung makaabot siya sa True Spirit Realm, talagang magiging problema ito. Ang isang tao na mayroong bloodline power ay mas malakas kaysa sa mga walang ganito, kung sila ay nasa iisang rank. Dagdag pa rito, mayroon pa siyang Three Flowered Treasured Lotus."
Naging pabago-bago ang ekspresyon ni Yun Sha.
Kahit na sila ay nasa peak ng True Human Rank at hindi nila binibigyang-pansin ang mga True Human Rank, si Zhao Feng maraming bagay na inaasahan. Mayroon siyang Deputy Patriarch sa likuran niya, nakakatakot na talento, isang kakaibang eye bloodline, at mga mahahalagang kagamitan… Ang lahat ng bagay na ito ang tumutulak sa kaniyang kasikatan sa isang mas mataas na level.
"Hindi, kailangan ko siyang pigilang makarating sa True Spirit Realm. Alam ng lahat na suwerte, porma, spiritual pills, at ang estado ng puso ay ang kinakailangan upang makaabot sa True Spirit Realm. Kung pipigilan ko siya ngayon, ang pag-asa niya sa pagtagumpay ay magiging mas mababa."
Isang malamig na liwanag ang kumislap sa mga mata ni Yun Sha.
"Baliw ka ba? Kapag nalaman ito ng Deputy Patriarch at hindi ka namatay, malamang ay mawawalan ka ng isang patong ng balat."
Tumalon sa takot si Chen Mengzhen.
"Hmph! Halata namang hindi tayo makakagamit ng mga tao mula sa sarili nating Chapter. Kailangan nating manghingi ng tulong mula sa mga tao sa labas."
Dumilim ang mukha ni Yun Sha.
"Tulong ng mga tao sa labas? Maaari bang ikaw…"
Nagpakita ng isang nakakaintinding mukha si Chen Mengzhen.
Noon, ang Thousand Water Chapter ay hindi pa nailalagay sa malaking panganib. Ang tanging problema na mayroon sila ay kasama ang pamilya ng Yun.
Ang panig ng pamilya ng Yun ay pumasok sa isang Primal Crystal Mine na pagmamay-ari ng Thousand Water Chapter at pumatay sila ng isang miyembro ng Iron Blood Religion.
"Tantsa ko na ang batang iyon ay nangangailangan ng sampung mga araw pa upang buuhin ang kaniyang Source of True Spirit. Sa mga panahong ito, kaya nating palakihin ang mga bagay. Sa oras na maglaban ang dalawang puwersa, kailangang dumalo ng Chapter Leader."
Dinilaan ni Yun Sha ang kaniyang mga labi ng mayroong isang nakakatakot na ekspresyon.
Pinag-isipan muna ito ni Chen Mengzhen sa ilang sandali bago tumango.
Kailangan niyang tanggapin na ito ay isang perpektong plano. Halatang hindi sila maaaring kumilos nang sila mismo, kaya't kailangan nilang umasa sa panlabas na tulong.
Ang tulong na manggagaling sa labas ay ang panig ng pamilya ng Yun, ang pinakamalaking kalaban ng Thousand Water Chapter.
Para sa sumunod na dalawang araw.
Ang pagtatalo ng Iron Blood Religion Chapter at ng panig ng pamilya ng Yun ay mas lumaki.
Ang parehas na panig ay hindi umatras.
May matigas na pag-uugali ang Iron Blood Religion at dahil ang panig ng pamilya ng Yun ang pumatay sa kanilang miyembro, halatang hindi susuko ang Iron Blood Religion. Lahat ng ginawa nila ay mukjang umaayon sa tipikal na pag-uugali ng Iron Blood Religion.
Sa loob ng tatlong araw.
Ang labanan ng Iron Blood Religion at ng panig ng pamilya ng Yun ay nakarating sa panibagong level.
Sa umpisa, isa lamang itong labanan sa pagitan ng mga nasa Ascended Realm o sa half step True Spirit Realm.
Hindi kalaunan nakasali na rin ang mga nasa True Human Rank.
Nagsimulang lumaki ang pag-aaway nang gumawa ng maliliit na gyera ang dalawang panig.
Sa ikalimang araw sina Yun Sha at si Chen Mengzhen ay mismong pumasok na sa laban, pumaslang sila ng isang ekspertong True Human Rank mula sa pamilya ng Yun at lubhang pininsala ang dalawang ekspertong nasa True Human Rank.
Matapos noon, ang head ng panig ng pamilya ng Yun, ang ekspertong nasa True Mystic Rank, ay pumatay din ng isang True Human Rank mula sa Iron Blood Religion.
Nagsimulang lumawak ang sitwasyon.
"Ito… anong nangyayari? Bakit masiyadong nagtutulungan ang pamilya ng Yun?"
Parehas na nagulat sina Yun Sha at si Chen Mengzhen.
Noon, patanda na ng patanda ang head ng pamilya ng Yun at nawawalan na siya ng intensyong makipaglaban, kadalasan ay umiiwas ito sa gulo kasama ang Iron Blood Religion.
Subalit, ngayong oras naging labis na kakaiba ito.
Ang panig ng pamilya ng Yun ay ang panig na pumatay sa miyembro ng Iron Blood Religion at ang Iron Blood Religion ay nakikipaglaban para sa paghihiganti, subalit ang panig ng pamilya ng Yun ay umatake pabalik samantalang sina Yun Sha at Chen Mengzhen ay walang ginagawang kahit ano.
Maayos na gumagana ang lahat ng bagay.
"Tiyak na may nangyayari dito. Bakit maglalakas-loob ang panig ng pamilya ng Yun na makipagsagupaan sa atin? Kahit na mayroon silang isang ekspertong nasa True Mystic Rank, umaasa ba talaga na mas mananalo sila kaysa matalo? Dagdag pa rito, mas marami tayong tauhan kabilang na ang mga scouts at mga espiya…"
Nabalisa si Chen Mengzhen.
"Pag-uulat sa lieutenant, niloko ng Hundred Flower Chapter ang ating mga espiya at ginahasa nila ang ilan sa ating mga babaeng miyembro bago itinapo ang kanilang mga bangkay sa tarangkahan," ulat ng isang taong nasa half step True Spirit Realm.
Hundred Flower Chapter!
Ang mga ekspresyon sa mukha nina Yun Sha at ni Chen Mengzhen ay parehas na nagbago at ang kanilang mga puso ay parang lalabas na sa kanilang mga lalamunan.
Sa mga oras na ito, naging kakaiba ang pagkikilos ng Hundred Flower Chapter, at ang Fan Flying Bandit ay nakatanggap ng maraming kayamanan sa Water Moon Treasury, ito ang Water Moon God Peach Fan na nagpataas lalo ng kaniyang lakas.
Ang forte ng Hundred Flower Chapter ay ang pagtatantsa at gamit ang mga malubhang mga paraan habang nakikiisa sa panig ng pamilya ng Yun. Talagang masasapanganib nito ang Iron Blood Religion Chapter.
"Hindi na ito nagiging maayos."
Parehas na huminga ng malalim sina Yun Sha at si Chen Mengzhen.
Sa mismong araw na iyon.
Humarap sa pangbawing atake ng pamilya ng Yun at ng Hundred Flower Chapter ang Iron Blood Religion Chapter.
Sa panlabas, ang Iron Blood Religion ay maraming miyembro at mga espiya na kayang tumalo sa kahit anong dibisyon,
Subalit walang nag-akala na ang pamilya ng Yun at ang notoryus na Hundred Flower Chapter ay magtutulungan.
Sa ika-pitong araw, ang mga pagkatalo ng Iron Blood Religion Chapter ay mas lumaki.
Kung magpapatuloy ito, pagkasira ang haharapin ng Thousand Water Chapter.
"Hmph, kung magpupunta si Zhao Feng dito at manghihingi ng tawad sa akin, maaaring pag-isipan ng panig ng pamilya ng Yun na itigil ang pag-atake sa Iron Blood Religion Chapter."
Isang matanda at kulubot na elder na nakasuot ng puti na lumulutang sa hangin, na para bang balahibo na walang timbang
Nagpakawala siya ng engrandeng aura na nagdulot sa mga True Human Rank upang manginig.
Ang taong ito ay ang Pinuno ng Yun side family, ang eksperto ng True Mystic Rank.
"Nagdulot upang humingi ng tawad ang Chapter Leader? Ang aming Chapter Leader ay hindi pa humahakbang sa kalahati palabas ng Thousand Water Chapter. Kelan niya ininsulto ang pamilya ng Yun?"
Naramdan ni Yun Sha at ng kaniyang mga kasama na parang may mali.
Pano nakapagdulot na napakalaking gulo si Zhao Feng?
"Hmph! Ang bagong Chapter Leader ay winasak ang kamay ng apo ni Yun Haiyang sa Flooding Lake City. Si Haiyang ay ang pinakahenyo sa pamilya ng Thousand Water Yun at nirekomenda sa pangunahing pamilya Yun. Siya ay puno ng potensyal, ngunit nagusot ng bastardong nagturok ng lason sa kaniyang katawan na na nagpababa sa kaniyang cultivation. Sa ngayon siya ay nagpapagaling.."
Ang boses ng pinuno ng pamilya Yun ay malamig at puno ng galit.
Sa pagdinig nito, ang mga miyembro ng Iron Blood Religion Chapter ay nagtinginan sa bawat isa.
Narinig na nila ang tungkol kay Yun Haiyang, ang numerong unong matalino sa Thousand Water sa pamilya Yun. Kasabay niyo, siya rin ang apo ng matandang pinuno ng pamilya.
Subalit, ang Yun Haiyang at ang bagong Chapter leader ay nagkaroon ng hindi inaasahang alitan.
Noon sa Flooding Lake City, nagseselos si Yun Haiyang at hinamon niya si Zhao Feng sa archery.
Ang labanang iyon ay napakamapanganib. Ginamit ni Zhao Feng ang lahat ng kaniyang lakas upang selyuhan ng yelo ang kamay ng kaniyang laban. Sinuwerte siya, tumulong sa saktong oras ang Flooding Lake City's Lord kung hindi magiging isang yelong estatwa si Yun Haiyang.
Matapos ang insidenteng iyon, ang pinsala ni Yun Haiyang ay mas malala pa kaysa sa unang inaakala. Ang kalamigan ng Luohou Bow ay kumapit sa kaniyang sariling kapangyarihan at gumapang hanggang sa kaniyang mga buto.
Sa nakaraang kalahating taon, si Yun Haiyang ay nakaratay sa kama. Kahit na nag-imbita na ng maraming mga doktor ang pamilya ng Yun, bumaba pa rin ang kaniyang potensyal, nagdulot upang mas mahirapan siyang makaabot sa True Spirit Realm sa hinaharap.
Nagkataon, ang bagong Chapter Leader ay magiging isang malaking anyo sa Thousand Water at ang mga puwersa roon ay nagkataon na pinag-aralan ang kaniyang kaligiran.
Subalit, sa ilalim ng kanilang imbestigasyon, natagpuan nila na ang batang ito ay ang taong nakapinsala kay Yun Haiyang.
"Hmph, Zhao Feng. Kung gusto mong manisi ng tao, sisihin mo ang sarili mo sa paggawa mo ng maraming kalaban. Tumakas ka mula sa Flooding Lake City, sinaktan ang apo kong lalaki, at sunod ay nagnakaw mula sa Water Moon Treasury. Kung hindi nagmungkahi ang Fan Flying Bandit na magtulungan at hatiin ang gantimpala, hindi sana ako kikilos nang ganito kaaga."
Malamig na humagikhik ang Head ng panig ng pamilya ng Yun sa loob-loob niya.
Ang Fan Flying Bandit ng Hundred Flower Chapter ay na-refine ang Water Moon God Peach Fan at ang kaniyang cultivation ay ngaony nasa haalf step na ng True Mystic Rank.
Kung battle power ang pag-uusapan, hindi ito mas mababa kaysa sa kaniya, subalit ang kaniyang mga paraan ay mas malala.
Nakaramdam ng matinding kaba ang panig ni Yun Sha. Dahil ang pamilya ng Yun at ang Hundred Flower Chapter ay naglalaban-laban, kinailangan niyang harapin ang pamilya ng Yun samantalang si Chen Mengzhen naman ang Hundred Flower Chapter.
"Lieutenant Yun, natalo si Lieutenant Chen at nadakip siya ng Fan Flying Bandit."
Isang anyo ang dali-daling kumaripas papalapit.
Ano!? Nadakip si Chen Mengzhen?
Nanlamig ang paghinga ni Yun Sha habang umaagos ang malalamig na pawis sa kaniyang likuran. Malinaw na alam niya ang lakas ni Chen Mengzhen. Siya ay isang taong nakipaglaban sa kaniya sa loob ng ilang taon.
Subalit, ang isang ekspertong kagaya niya ay natalo ng Fan Flying Bandit at sunod ay dinakip.
"Mayroon kang natitirang tatlong araw para dalhin si Zhao Feng."
Humagikhik ang panig ng pamilya ng Yun.
Thousand Water Chapter, sa bulwagan ng Chapter Leader.
"Chapter Leader, ang pamilya ng Yun at ang Hundred Flower Chapter ay nagtulungan upang atakihin ang Thousand Water Chapter. Kailangan ng dalawang lieutenants ang tulong mo."
May nag-ulat mula sa labas.
Tumayo si Die Ye sa pasukan at hindi siya nagsalita. Nandito lamang siya upang protektahan si Zhao Feng.
"T*ngina mo alis," Sambit ni Zhao Feng.
Sa loob-loob niya alam niya na si Yun Sha at ang mga kasamahan niya ay talagang pinipigilan siyang makaabot sa True Spirit Realm.
Sa puntong ito, ang Source of True Spirit na nasa kaniyang katawan ay nabuo na na kasinglaki ng isang hinlalaki.
Weng~~~
Sa mismong pagkakataon na iyon, isang hindi inaasahan pangyayari ang naganap.
Sa loob ng kaniyang dantian, ang Source of True Spirit ng Water Moon Pirate ay nagkaroon ng interaksyon kasama ang Source of True Spirit ni Zhao Feng at sila ay bumuo ng isang misteryosong tulay.
Ang Source of True Spirit na iyon ay sampung beses na mas malaki kaysa sa Source of True Spirit ni Zhao Feng, at gumawa ito ng isang malinaw na libro.
Sa libro ay mayroong ilang mga salita: Mystic Flower Treasured Bible.