Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 313 - True Spirit Realm (2)

Chapter 313 - True Spirit Realm (2)

Makalipas ang ilang araw.

Umupo ang isang lalaki at ang isang babae sa isang three colored lotus.

Ang lalaki ay mayroong suot na isang asul at puting Heaven Luo Mystic Cloak at ang kaniyang buhok ay asul. Ang kaniyang kaliwang mata ay kulay asul na yelo at mayroon siyang malamig na ekspresyon habang nakadekuwatro siya.

Sa tabi niya ay mayroong isang babaeng nakapink na damit na mukhang ang edad ay nasa dalawampung taong gulang.

Ang babaeng ito na nakapink na damit ay nagngangalang Die Ye at siya ang katulong na ipinadala ni Tiemo kay Zhao Feng. Ang kaniyang cultivation ay nakaabot na sa True Human Rank.

Batay kay Tiemo, si Die Ye ay isang misteryosong katulong ng totoong Patriarch at ang kaniyang cultivation, edad at karanasan ay hindi maaaring i-base sa kaniyang hitsura.

Makikita kung gaano kalaking importansya ang iligay ni Tiemo kay Zhao Feng sa pagbigay niya ng ganitong klase ng katulong.

"Chapter Leader, ang Thousand Water Chapter ay malapit sa Thousand Water River. Ang tanawin doon ay kakaiba at mayroong halos isang daang puwersa roon. Sa ilang mga mas malalaking puwersa ay kasama ang panig ng pamilya ng Yun, panig ng pamilya ng Bi, Hundred Flower Chapter at marami pang iba…"

Mahina at nakapakacute ng boses ni Die Ye.

Sa Canopy Great Country, ang mga puwersa ng Imperials, Three Sects, at ang Four Families ay nagkalat sa buong bansa.

Kahit sa Capital, mayroong mga puwersa ng Iron Blood Religion.

Ganoon din ang Thousand Water River. Bukod sa Chapter ng Iron Blood Religion, mayroon ding ibang puwersa kagaya ng panig ng pamilya ng Yun, panig ng pamilya ng Bi, Hundred Flower Chapter at ang iba pa.

Ang mga binanggit ni Die Ye ay ang mga malalaki. Ang mga mas maliliit na pamilya at clans ay hindi kasama.

Sa nakaraang dose-dosenang taon sa Thousand Water River, ang Iron Blood Religion's Chapter ang pinakamalakas na puwersa na naroroon gaya ng pamilya ng Liu sa Flooding Lake doon sa lugar ng Flooding Lake.

Kung hindi tumaas sa True Lord Rank ang Flooding Lake City Lord, ang kasalukuyang posisyon ni Zhao Feng ay magiging katulad ng estado niya. Siyempre, ang pamilya ng Liu sa Flooding Lake ay isang mas malakaing panig na ng pamilya sa loob ng pamilya ng Liu at mayroon silang hawak na sariling lugar.

"Hundred Flower Chapter?"

Naging bahagyang interesado si Zhao Feng sa isa sa mga puwersa.

Ang Hundred Flower Chapter ay ang Wicked clan na noon ay kinabibilangan ng Water Moon Pirate.

Matapos mamatay ng Water Moon Pirate, ang Hundred Flower Chapter ay gumuho rin subalit kahit ganon pa man, kaya pa rin nitong maikumpara sa panig ng pamilya ng Yun at sa panig ng pamilya ng Bi.

"Ang Hundred Flower Chapter ay maaaring maipuwesto sa loob ng top five forces sa lugar ng Thousand Water River at isa itong Wicked clan na nananakit ng iba-t ibang pamilya at magagandang babae. Mayroon silang napakapangit na reputasyon."

Sinuri ni Die Ye ang pinakabatang Chapter Leader sa kasaysayan ng Iron Blood Religion gamit ang kaniyang mga nagniningning na mga mata.

Nasira ni Zhao Feng ang tala. Sa loob lamang ng labinganim hanggang labingpitong gulang na edad, hindi pa nga siya maituturing na taong nasa wastong edad at ang kaniyang cultivation ay hindi pa nakakaabot sa True Spirit Realm.

Hindi masiyadong nagsasalita ang batang ito at kadalasan siya ay nagcucultivate.

Minsan, si Die Ye pa nga ang naglalagay ng Qi ng True Spirit sa Three Flowered Treasured Lotus upang paliparin ito.

Hindi kalaunan, naintindihan na ni Zhao Feng ang pangkalahatang sitwasyon sa paligid ng Thousand Water River.

"Ano ang kailangan kong alalahanin kapag nakarating na tayo sa Thousand Water Chapter?"

Mapagkumbabang nanghingi ng payo si Zhao Feng.

"Sa panlabas, ang Thousand Water Chapter ay mayroong anim na True Spirit Realm cultivators. Sa kanilang anim, ang dalawang lieutenants na sina Yun Sha at Chen Mengzhen ay parehas na nasa peak True Human Rank at kapag nagsama ang dalawa, nakakatalo pa sila ng isang ekspertong nasa True Mystic Rank. Siyempre, ang dalawang ito ay parehas na nagnanais sa posisyon ng Chapter Leader at nag-aalala ako na maaaring hindi sila maging masunurin…"

Hindi itinago ni Die Ye ang mga salik na hindi makabubuti para kay Zhao Feng.

Hindi mapigilang mapahagod si Zhao Feng sa kaniyang noo. Mukhang hindi maliit ang problema niya.

Ang pinakamahalagang bagay ngayon ay ang makarating sa True Spirit Realm. Sa ganitong paraan, mas magiging kaunti ang problema at ang mga usap-usapan.

Ang flying speed ng Three Flowered Treasured Lotus ay napakabilis at malapit ito sa mga normal na True Mystic Rank cultivators. Kasabay nito, napakatatag din nito.

Ang kahinaan ng Three Flowered Treasured Lotus ay ang pinakamaraming taong magkakasya rito ay dalawa lamang. Subalit walang duda, ang opensa, bilis, at support abilities ng Three Flowered Treasured Lotus ay maituturing na pinakamahalagang gamit ni Zhao Feng.

Matapos no'n, sinuri rin ni Zhao Feng ang mapa ng Thousand Water River.

Sa wakas, sa mga panglabas na dulo ng lugar, nakakita si Zhao Feng ng pangalan na "Transverse Water Stronghold."

"Hehe, kung ganoon ang Transverse Water Stronghold at ang Hundred Flower Chapter ay parehas na nasa paligid ng Thousand Water River."

Nanlambot ang puso ni Zhao Feng.

Makalipas ang kalahating buwan.

Sina Zhao Feng at Die Ye ay nakarating na sa Thousand Water Chapter.

Ang bagong Chapter Leader ay mabilis na nagdulot ng kaguluhan sa Iron Blood Religion's Chapter.

"Hmph! Ang bagong Chapter Leader na ito ay isang bata na hindi pa man lamang nakakapagpatubo ng buhok."

"Gusto mong makinig kaming mga nasa wastong gulang na sa mga utos ng isang bata? Hindi ko maintindihan kung ano ang iniisip ng punung-himpilan ng Iron Blood Religion."

Ang mga upper echelons ng Thousand Water Chapter ay lahat nagagalit.

Ang dalawang lieutenants na nasa harap, sina Yun Sha at si Chen Mengzhen, ay parehas na mayroong pangit na mga ekspresyon.

Si Yun Sha ay isang batang may pulang kapa na mayroong malamig na ekspresyon at mayroon siyang matindi at madugong aura na ikinanginig ng mga normal na cultivators na nasa True Human Rank.

Si Chen Mengzhen ay isang nakakatulalang babae na mukhang napakamaharlika. Ang kaniyang pares ng mga mata ay tuloy-tuloy sa pagkinang.

Nagpalitan ng tingin ang dalawa.

Chen Mengzhen said.

"Ang bagong Chapter Leader na ito ay prinomote ng Deputy Patriarch mismo. Ikalawa, mukhang ang batang ito ay ang nakatanggap ng inheritance ng Water Moon Pirate at ang nakadakip kay Empress Qin sa Capital." Sabi ni Chen Mengzhen.

"Hmph! Ano ngayon? Ang pagkuha ng Water Moon Treasury ay suwerte lamang. Ang pagdakip kay Empress Qin ay nagkataon lang din, isang bagay na nagawa ng walang daan para umatras. Kung hindi dumating ang Deputy Patriarch, sa tingin mo ba ay makakatakas siya ng walang pinsala?"

Malamig na humagikhik si Yun Sha.

Halatang alam ng lahat ang tungkol sa kasaysayan at kaligiran ng Chapter Leader na ito.

Para sa mga nasa ibaba, kinailangan pa nilang makita ang pag-uugali at personalidad ng bagong Chapter Leader kung sakaling ikakagalit nila siya.

Para sa dalawang lieutenants, kailangan nilang makahanap ng isang mahalagang bagay na ikakasira niya upang magkaroon sila ng pagkakataon na mapromote.

Tumawa si Chen Mengzhen at sinabing: "Kahit ano pa ang sabihin mo, siya ay napromote mismo ni Deputy Patriarch at sikat siya sa buong bansa. Wala tayong magagawang litaw na litaw o kung hindi kapag ito ay kumalat…"

Umubo si Yun Sha subalit wala siyang sinabi.

Dahil suportado ito ng Deputy Patriarch, halatang wala silang magawa sa bagong Chapter Leader na ito na makikita sa panlabas, subalit maaari silang gumamit ng ilang mga paraang patago.

Hindi kalaunan, ang bagong Chapter Leader ay bumaba mula sa alapaap para sa kaniyang Three Flowered Treasured Lotus.

Ang mga mata ng bawat isang mula sa Iron Blood Religion ay tumitig sa malamig na batang mayroong asul na buhok na may suot na Heaven Luo Mystic Cloak. Ang matamlay na kulay asul na yelong kaliwang mata ay parang kayang tumagos sa kahit saan sa mundong ito at kaya naman nagpadala ito ng nakapanginginig na lamig.

Ang middle at lower echelon ng Chapter ay biglang iniwasan ang kaniyang paningin.

Masiyadong nakakatakot ang tingin ng bagong Chapter Leader na ito. Ang kalamigan ay parang kayang makapagpayelo ng mga kaluluwa.

Ang dalawang lieutenants lamang ang hindi umiwas sa kaniya.

"Isang eye bloodline, subalit masiyadong mababa ang kaniyang cultivation at wala siyang sapat na karanasan."

Malamig na humagikhik si Yun Sha.

Ang kakaibang bagay ay sa tabi ng bagong Chapter Leader, ay mayroong isang nakapink na katulong na ang cultivation ay nakaabot na sa True Human Rank.

"Die Ye? Ang pinakapinagkakatiwalaang katulong ng parehas na Patriarch at ng Deputy Patriarch…"

Nakilala ni Chen Mengzhen ang katulong na mayroong pink na damit at napahinga siya ng malalim habang binabawi ang kaniyang pagmamaliit.

Maaaring makita ng isang tao kung gaano hinahangaan at kung paano naglagay ng malaking importansya ang Deputy Patriarch kay Zhao Feng dahil sa pagpapadala niya sa katulong na ito kay Zhao Feng.

"Pagbati sainyo Chapter Leader."

Nang ilabas ni Zhao Feng ang kaniyang Chapter Leader token, ang mga taong nasa ibaba ay lahat yumukod.

Kahit ang mga kasinglakas ni Yun Sha at ni Chen Mengzhen ay kinailangang yumukod kay Zhao Feng sa pagrespeto.

Sa pagkakataong ito, pakiramdam ni Zhao Feng na isa siyang panginoon ng alapaap na bumaba subalit alam niya na ito ang kapangyarihang binigay sa kaniya ng Deputy Patriarch. Sa pamamagitan ng kaniyang God's Spiritual Eye, hindi mahirap para kay Zhao Feng na makita ang mga taong hindi talaga sumusunod sa kaniya.

Sa unang araw, nakilala na ni Zhao Feng ang upper echelons ng Iron Blood Religion Chapter.

Nag-uulat ang mga Elders tungkol sa ilang mga importanteng usapin sa Chapter Leader.

"Chapter Leader, ang panig ng pamilya ng Yun ay mabilis na tumatataas ang lakas at isa na namang True Human Rank ang isinilang. Kahit na tumatanda na ang Head ng Pamilya at hindi na magamit ang lahat ng kapangyarihan ng kaniyang True Mystic Rank, sila pa rin ang pinakamalakas na puwersang banta sa Thousand Water Chapter."

"Hindi pa matagal na panahon ang nakakalipas, ang panig ng pamilya ng Yun ay nagdulot ng kaguluhan sa isang Primal Crystal mine sa ilalim ng kontrol nating Thousand Water Chapter at pumatay pa sila ng isang tao. Tiyak na mayroong natatagong intensyon dito. Inirerekomenda ko na personal na puntahan ang pamilya ng Yun at ayusin ang mga problema."

"Pag-uulat sa Chapter Leader, ang Hundred Flower Chapter ay naging hindi pangkaraniwang low key nitong mga nakaraang buwan. Ang ilang mga upper echelons ay naghihinala na nakakuha sila ng ilan sa mga Water Moon Treasury."

Ini-ulat ng lahat ng mga Elders ang kanilang mga usapin.

Kumunot ang mga noo ni Zhao Feng. Mula sa kaniyang perspektibo, mukhang napalawak ang maliliit na problemang ito at ang lahat ng ito ay para lamang sa pakinabang ng iba.

Buti na lang ngayon, walang kahit anong puwersa ang naglakas-loob na personal na hamunin ang kapangyarihan ng Thousand Water Chapter.

"Simula ngayon at sa mga susunod, magpupunta ako sa seklusyon at ang lahat ay pamamahalaan ni Die Ye."

Tumayo si Zhao Feng at pumasok sa kaniyang lugar.

Mukhang hindi siya masiyadong interesado sa mga problemang ito at ito ay pasikretong ikinasaya nina Yun Sha at ni Chen Mengzhen.

Ang bagong Chapter Leader ay hindi masiyadong interesado sa kapangyarihan. Ibig sabihin nito na ang dalawa sa kanila ay mayroon pang hawak na malaking awtoridad.

Ang talagang pinakaproblema rito ay si Die Ye.

Ang katulong na ito ay kayang makahanap ng butas sa mga problema at kinukuwestiyon niya ito.

"Ang bagong Chapter Leader na ito ay isang bata lamang at hindi siya nakakatakot. Ang pangunahing problema rito ay ang katulong."

Inilipat nina Yun Sha at ni Chen Mengzhen ang kanilang mga atensyon patungo kay Die Ye.

Hindi lamang alalay ni Zhao Feng si Die Ye, siya rin ang punong tagapayo ng Deputy Patriarch.

Mayroong madaling trabaho si Zhao Feng at iginugugol niya ang karamihan ng kaniyang oras sa cultivation. Ang Qi ng half step True Spirit ay napakapuro at ang affinity nito ay mas lalong tumataas dahil sa Heaven Earth Lightning Yuan Qi.

Matapos maupo ng ilang sandali, mayroon na agad Lightning Yuan Qi na nagtitipon sa taas niya.

Ang pag-abot sa True Spirit Realm ay hindi masiyadong mahirap para kay Zhao Feng.

Ang kailangan niya na lamang ngayon ay panahon para buuhin ang sarili niyang Source of True Spirit.

Ang Source of True Spirit ay ang origin ng Qi ng True Spirit at ito ang nagtitipon sa buhay at sa blood essence ng cultivator.

Apat hanggang limang araw ang nakalipas, ang Qi ng half step True Spirit ni Zhao Feng ay nakaabot nasa purong level at halos maging purong-puro na ito.

Ang liquidity True Force form ay mas puro pa kaysa sa orihinal na Qi ng True Spirit.

Ang Lightning Yuan Qi sa taas ni Zhao Feng ay mas naging siksik at dumaloy ito sa buo niyang katawan, hinuhugasan ang kaniyang buto at binabago ang kaniyang Qi ng half step True Spirit.

"Huling hakbang."

Huminga nang malalim si Zhao Feng at mayroong kasing liit ng patak ng ulan na True Force ang nagtipon at sunod ay lumiit na para bang gumagawa ito ng maliit na lawa.