Makikita ang saya sa mga mata ni Empress Qin. Gamit ang cultivation ng Grand Elder na nasa 'Half Step Origin Core Realm', marami siyangt taktika na maaaring makapagligtas sa kanya, kahit mula sa ilang dosenang milya pa.
Kahit ang pag-iisip pa lang ng tungkol sa kanya ay sapat na para paguhuin ang mga isip ng mga ekspertong nasa True Human Rank.
Sa biglang iyon, ang kapangyarihan ng Half Step Origin Core Realm ay lumatag sa loob ng 100 milyang paikot at ang Heaven Earth Yuan Qi ay bumuo ng iba't ibang senaryo.
Isang elder na may hawak na tungkod na may ulo ng dragon ang nagpakita sa pader ng siyudad. Ang kanyang kulukulubot na mukha ay walang emosyon.
"Pagbati Grand Elder."
"Ang inyong lingkod ay binibigyang pagkilala si Elder Long Mu."
Ang mga eksperto sa True Spirit Realm kasama na ang Emperor ay lahat yumuko na punong-puno nang paggalang.
Ang Canopy Great Country Imperials ay nasa Northern Continent na sa loob ng 10,000 taon at halata namang mga eksperto talaga sila na may pundasyon na.
Si Grand Elder 'Long Mu' ay isa sa kanila.
"Grand Elder, basta ikaw ang kumilos, walang magagawa ang sutil na iyan."
Wika ng Canopy Great Country na Emperor.
Walang kahit sino ang nagdududa sa lakas ng Grand Elder.
"Ang bloodline power ng mata ng sutil na ito ay hindi simple, kung kaya hindi ko siya makokontrol mula sa antas ng mental energy. Bukod pa roon, ang kanyang alagang pusa ay kakaiba…"
Tumitig muna si Elder Long Mu sa eksena at hindi gumawa ng kahit anong patumpik-tumpik na aksyon.
Ang estado ni Empress Qin ay nasa ikatlong puwesto ng Imperials. Ang kanyang cultivation pa lamang ay nasa True Lord Rank na at kakaunti lamang sa Imperials ang mayroon nito.
Ang mas mahalagang bagay pa ay ang Empress Qin lamang ang tanging tulay sa pagitan ng Imperials at ng Liu Family.
Malaki ang ginagampanang karakter ni Empress Qin kung bakit ang Liu Main Family ay sinusuportahan ang Imperials. Kapag nawala nila ang suporta na ito, ang respeto mayroon ang Imperials at ang kapangyarihan nila ay agad na mawawala sa Iron Blood Religion.
Sa ilang dosenang milya ang layo, hindi man lang nangamba si Zhao Feng sa kasalukuyang sitwasyon.
Ang munting pusang magnanakaw ay kontroload ang Mystic Snake Blood Whip at bihag pa nito si Empress Qin. Ang aura rin mula sa Half Step Origin Core Realm ay hindi masyadong nakaapekto.
Miao miao!
Ipinakita pa nga ng munting pusang magnanakaw ang kanyang ngipin at gumawa ng kakaibang mukha.
Ang mga kilos na ito ay hindi mapapalagpas ng panramdam ng Grand Elder.
Nakikita rin ni Elder Long Mu ang kalmado at mahinahong estado ni Zhao Feng.
"Munting kaibigan, pakawalan mo ang Empress, sumuko ka na at baka magkaroon ka pa ng tsansa."
Ang boses ni Elder Long Mu ay tila isang boses ng mga diyos na kayang paguhuin ang isip ng kahit sinong sumubok na lumaban.
Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay naguhitan ng isang kulay asul na malamig na liwanag na siyang nagpakalma agad ng kanyang isip.
Sa loob ng dimensyon ng kanyang kaliwang mata, ang nagyeyelong lawa ay umalon lamang nang kaunti.
Ang souce ng mental energy ng God's Spiritual Eye ay hindi mapaparam kailanman, pero halos ang kabuuan ng kapangyarihan nito ay hindi kayang kontrolin ni Zhao Feng.
Syempre, kung si Zhao Feng ay aatakihin, halos lahat ng kanyang mental energy ay manghihina.
Kung maglalabanan sila, isa laban sa isa, agad na mapapatay ni Elder Long Mu si Zhao Feng gamit lamang ang isang daliri pero ang kanyang mental energy ay hindi pa sapat kung saan mapapasuko na lamang niya si Zhao Feng.
"Hindi ganoon kasimple ang sitwasyon. Kung mag-isa lang sana ang sutil na ito, marami akong maaaaring gawin."
Ang ekspresyon ni Elder Long Mu ay bahagyang taimtim habang nakatingin siya sa malayo.
Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay kayang makakita ng mga parte ng ilang milya at kahit ang sitwasyon pa sa pader ng siyudad.
Sa itaas ng Three Flowered Treasured Lotus, si Empress Qin ay walang kapangyarihan pero ang paghinga niya ay naging kalmado na rin. Pagkatapos ng lahat, nasa True Lord Rank naman siya at nagsisimula na siyang makakuha ng kontrol sa pulang marka na nasa noo niya.
"Ang Mystic Peach Seal ay ginawa upang labanan ang mga babae at isa itong sikretong technique ng Mystic Flower Treasured Bible. Subalit, minaliit yata ng Water Moon Pirate ang aking paglago."
Hindi gumalaw si Empress Qin. Naghihintay muna siya na masanay ang kanyang katawan sa Mystic Peach Seal at kapag nanumbalik na ang 10-20% ng kanyang Qi ng True Spirit, pwede na siyang umatake.
Subalit, ang presyur na kinakaharap ni Empress Qin ay hindi basta-basta. Nariyan pa ang Mystic Snake Blood Whip ni Zhao Feng na inuubos ang kanyang blood essence.
Ang mga dahilan na ito ang siyang pumigil para pagpapanumbalik ng kanyang abilidad.
"Zhao Feng, interesado ka bang makinig ng isang istorya? Hindi mo siguro alam kung bakit gusto kitang patayin."
Ang ganda ni Empress Qin ay sapat na para masira ang mga bansa at mga lalaki. Kahit si Zhao Feng ay bumilis rin ang tibok ng puso.
Kahit ang kanyang God's Spiritual Eye ay ginagawa siyang napakalohikal, walang kahit anong bagay ang perperkto.
"Sige."
Tumango si Zhao Feng sa interes, kahit na nararamdaman niyang nasasanay na ang katawan ni Empress Qin sa Mystic Peach Seal.
"Mayroong isang matalinong tao na may tatlong babaeng disipulo. Ang unang disipulo ay pinili ang Dao of Life, ang pangalawa naman ay ang Dao of Charm at ang ikatlo ay ang Dao of Entertainment. Sa pagkakataon iyon, ang tatlong babae na iyon ay napakabata pa at tinahak nila ang magkakaiba nilang landas sa buhay."
Biglang nabihag si Empress Qin ng kanyang mismong alaala at naipakita niya ang dalisay at purong ekspresyon ng kanyang mukha.s
Dahil sa distansya, bukod pa kay Elder Long Mu, halos wala ang makarinig ng kanilang usapan.
"Narinig ko na ang kuwentong ito,."
Marahang tumango si Zhao Feng.
"Ang matalinong tao na iyon ay may iba ibang plano para sa kanyang tatlong disipulp. Isa sa mga babaeng ito ay nakakilala ng isang gwapong binata mula sa isang malayong bayan at nahulog ang kanyang loob roon, pero sa huli, pinili niya ang kanyang inheritance at umalis sa bayan para bumalik sa mataong siyudad…"
Hanggang sa masabi ang mga ito, tumigil muna nang sandali si Empress Qin.
Agad namang naunawaan ni Zhao Feng na ang babaeng disipulo na ito ay si Empress Qin at ang malayong bayad na tinutukoy niya ay ang Thirteen Countries.
"Ito ang unang dahilan kung bakit gusto kitang patayin." Walang emosyon na sabi ni Empress Qin.
Nayanig ang isip ni Zhao Feng, mas malamig pa pala si Empress Qin kaysa sa kanyang inaasaahan.
Pero habang iniisip ito, nauunawaan naman niya kung bakit.
Kahit gaano pa nila kamahal ang isa't isa noon, ilang taon na ang nakalipas at si Empress Qin ay nasa tuktok na ng Great Country.
Wala ng masyadong koneksyon sa kanilang dalawa.
Ang First Elder ay isang nakaraang pag-ibig lamang mula sa isang maliit na bayan.
Bakit naman niya hahayaang ang nakaraang pag-ibig niya na sirain ang kanyang kasalukuyang buhay gayong isa na siyang Empress ng Great Country?
Kung kaya, nang malaman na si Zhao Feng ay isang disipulo ng First Elder, gusto niyang patayin nito ngunit nag-aalangan pa rin siya.
"Ikalawa, ikaw ay dapat na ikakasal kay Liu Qinxin at isang senior martial sister ang namatay para lamang mabago ang kanyang tadhana. Isa ka sa mga dahilan."
Ang mga mata ni Empress Qin ay talagang malamig.
Tahimik na tumayo si Zhao Feng at hindi niya naisip na pati pala ito ay may kinalaman sa kanya.
Si Empress Qin at ang kanyang mapapangasawa ay nasa magkabilang panig.
Muli na namang naitulak si Zhao Feng sa kalabang panig ni Empress Qin.
"Noong una, gusto lamang kitang itago sa dilim saka kita papatayin nang palihim. Hindi ko lamang inaasahn na ikaw pala ang makakakuha ng kalooban ng Water Moon Pirate at magkakaroon ng Mystic Peach Flower Seal." Napabuntong hininga si Empress Qin nang napakalamig.
Nang marinig ito, umilin si Zhao Feng at ngumiti: "Kung ang taong may hawak ng Mystic Peach Flower Seal ay talagang malakas, siguro ay mapapasunod at magagawa kang alipin nito."
Nanahimik si Empress Qin dahil alam niyang totoo ito.
Ang mga koneksyon ni Zhao Feng sa First Elder at Liu Qinxin ay mga problemang nasa hinaharap pa at hindi naman kritikal.
Ni hindi nga sinubukan ni Empress Qin na patayin si Zhao Feng sa Water Mist Pavilion hanggang sa inilabas niya ang Mystic Peach Flower Seal.
"Water Moon Pirate, hindi ko alam kung tinulungan mo ba ako o hindi."
Napabuntong hininga na lang si Zhao Feng sa kanyang puso.
Nanahimik na lamang si Empress Qin at ang kanyang mga mata ay kalmado. Sa kasalukuyan, ang Qi ng kanyang True Spirit ay nanumbalik na ng sampung porsyento pero sinadya niyang magpanggap na hindi ito napapansin.
Kahit pwede na siyang tumakas ngayon, hindi siya kampante na kaya niya nang patayin si Zhao Feng.
Pa!
Isang nalikom na bola ng kidlat ang pinatama ni Zhao Feng mula sa kanyang palad patungo kay Empress Qin.
Sa parehong pagkakataon.
Muling hinatak ng munting pusang magnanakaw ang Mystic Snake Blood Whip.
"Ikaw…"
Hanggang sampung porsyento lamang ng Qi ng kanyang True Spirit ang kayang padaluyin ni Empress Qin pero agad itong naglaho dahil kay Zhao Feng at sa kanyang pusa.
Muling namanhid ang katawan niya at ang simbolo ay naging mas mapula.
Tinantsa ni Zhao Feng ang distansya at nakalkula niya na nasa 100 milya ang layo nila mula sa Capital.
Sina Grand Elder Long Mu at ilang mga eksperto ay nakasunod lamang nang malapit pero hindi sila gumagawa ng kahit anong kilos.
"Isang pagbati Lord Tiemo."
Ngumiti si Zhao Feng at napatingin sa isang burol na isang dosenang milya ang layo sa kanya habang isang gintong token na may nakaukit na pulang kristal ang nagpakita sa kanyang kamay.
Gold Iron Blood Order Token.
Qiu!!!
Ang kulay dugong gintong token ay naging isang kulay dugong usok na sumilaw ng ginto.
"Hahaha… Manonood lang naman sana ako eh pero hindi ko akalaing mahahanap mo ako."
Isang mahabang tawa ang maririnig mula sa burol at sa sumunod na bigla, isang ginintuang sedan na may simbolo ng blood dragon at ispada at patalim na magkaekis ang nagpakita.
Apat na tagabuhat ng sedan na nasa True Human Rank ang lumulutang sa itaas ni Zhao Feng.
Golden Spear Blood Dragon Sedan!
Ang ekspresyon ng mga eksperto sa Imperials ay nagbago.
Naningkit ang mga kilay ni Elder Long Mu.
Sa Canopy Great Country, kakaunti lamang ang hindi nakakaalam ng Golden Spear Blood Dragon Sedan. Kahit na hindi pa, paniguradong alam nila ang alamat nito.
"Golden Spear Blood Dragon Sedan… Ang Deputy Patriarch ng Iron Blood Religion…"
Ang ekspresyon ni Empress Qin ay biglang humigpit at ang kanyang kalmadong mukha ay naging taimtim.
Kahit gaano pa kalala ang sitwasyon kanina, mas kinakabahan siya sa ngayon.
"Tiemo, poprotektahan mo talaga ang sutil na ito?"
Umalingawngaw ang boses ni Elder Long Mu mula sa ilang dosenang milya.
Ang lalaking kulay dugo ang buhok na si Tiemo ay umalis sa kanyang Golden Spear Blood Dragon Sedan para batiin si Zhao Feng.
"Bisita ng Iron Blood Religion si Zhao Feng. Kung hindi naunang umatake si Empress Qin, hindi naman niya ilalagay ang kanyang sarili sa ganoong estado."
Malamig na panghahamak ni Tiemo.
Kahit ang kanyang cutivation ay mas mahina nang kaunti kay Elder Long Mu, sumagot pa rin siya.
Lalo na at nagawa na ang Wheel of Light and Darkness, mas malakas na si Tiemo kaysa sa inaakala.
"Pakawalan niyo na si Empress Qin at lahat ng nangyari rito ngayon ay magiging aksidente lamang. Kung hindi, dahil ikaw lang rin naman ang nag-iisa rito, paniguradong hindi ka makakatakas ng walang sugat mula sa mga atake ko at ng ilang mga True Lord Ranks."
Bahagyang pumangit ang ekspresyon ni Elder Long Mu. Bumalik pa nga siya ng isang yapak para lamang sabihin ito.
"Sige, pakawalan mo na siya."
Pagkatapos magkaroon ng kasunduan, desidido na si Tiemo.
"En."
Itinango ni Zhao Feng ang kanyang ulo at sinipa si Empress Qin tungo sa kanila nang wala kahit anong sinasabi.