Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 308 - Grand Elder

Chapter 308 - Grand Elder

Habang kinakaharap ang mga atake ng babaeng nakaberde, hindi nangamba si Zhao Feng at agad niyang binuksan ang kanyang bloodline power na siyang naglabas ng kanyang mga kidlat at nakabuo ng mga alon nito at mas malakas pang mga kidlat na kayang hatiin kahit ang mundo.

Ang enerhiya sa Lightning Wave of Destruction ay kayang pabagalin kahit ang mga eksperto na nasa True Human Rank.

Bukod pa roon, na kay Zhao Feng naman ang Water Moon Pirate's Source of True Spirit, kung kaya hindi niya kailangang mag-alala sa paggamit ng True Force.

"Walang hiyang bastardo!"

Sinalag ng babaeng nakaberde ang atake ni Zhao Feng, pero ang mahalagang bagay ay ang enerhiya mula sa Lightning Wave of Destruction ay nakakaabot pa rin kay Empress Qin na nasa likod ng kanyang tagapagsilbi.

"Empress Qin, ang petal na ito ay ibinigay sa akin ng kalooban ng Water Moon Pirate at hindi ko ito sariling intensyon. Bakit hayok na hayok kang patayin ako?" Pagtatanong ni Zhao Feng.

Ayon sa sinabi ni First Elder, ang tumanggap ng liham ay may koneksyon sa kanya.

Kahit na dahil lamang dito, ang ganid ng Empress Qin para patayin siya ay hindi dapat ganito kalakas.

"Patayin siya!"

Ang mukha ni Empress Qin ay napakalamig at hindi na siya nagapaliwanag pa. Kung hindi lamang siya apektado ng lotus at petal na nasa kamay ni Zhao Feng, matagal na siyang sumugod at pinagpirapiraso si Zhao Feng.

Ang isip ni Zhao Feng ay agad na nalito. Mayroong dalawang sitwasyon sa kasalukuyan.

Una, wala ng pakialam si Empress Qin sa nakaraan niyang relasyon at ang iniisip niya lang ay patayin si Zhao Feng sa hindi malamang dahilan.

Ikalawa, hindi pala si Empress Qin ang taong hinahanap niya.

Hindi niya alam kung ano ang dapat alalahanin, parehong hindi mabuti para sa kanya ang mga ito.

Ang pangyayaring ito ay agad na nakalikom ng atensyon mula sa mga taong nalalapit sa Water Mist Pavilion.

"Kailangan kong tumakas mula sa lugar na ito."

Ang Yin Shadow Cloak ni Zhao Feng ay pumagaspas at ang kanyang anyo ay naging mapusyaw nang dumiretso siya sa mga puno na malapit sa lawa.

"Bi'er, kailangan natin siyang patayin. Magpadala ka ng kautusan na nagsasabing gusto akong halayin ni Zhao Feng at maglagay ka pa ng dagdag na patong sa kanyang ulo sa buong bansa." Pagsigaw ni Empress Qin.

"Nauunawaan ko po, Empress."

Ang babaeng tagapagsilbi ay naging isang kulay berdeng anyo na sumunod kay Zhao Feng, pero hindi niya inaasahang malakas ang panramdam ni Zhao Feng para marinig ang huling utos ni Empress Qin. Nandilim ang ekspresyon ni Zhao Feng at saka lumingon: "Empress Qin, nirerespeto ko na ikaw ay ang akin elder pero kahit pa kinalkula ng Water Moon Pirate ang mga kilos mo, hindi mo dapat ako tratuhin nang ganito."

Sa totoo lang, napakagaling na nga talag ni Zhao Feng para maabot ang hakbang na ito.

"Sutil, para subukan na maltratuhin ang Empress. Mamatay ka na lang!"

Sinunod ng tagapagsilbi niyang nakaberde ang utos ni Empress Qin at sa halip na ipahuli ito ay patayin na lamang.

Hmph!

Huminto muna ang anyo ni Zhao Feng at ang kanyang kulay asul na buhok ay nilipad ng hangin.

Isang mapusyaw na kulay asul at kasing lamig ng yelo ang lumingon at hinarap ang diereksyon ng babaeng nakaberde.

Isang nakakapagpaginaw na lamig mula sa mental energy ang pumuno sa paligid.

"Bi'er, huwag mo siyang tignan sa mata."

Maalam si Empress Qin at agad niyang binalaan ang tagapagsilbi.

Ang mental energy technique ni Zhao Feng ay nakabase sa source ng kanyang mental energy at ang source na ito ng God's Spiritual Eye ay nakasisindak.

Kung kaya walang kahit sino ang nasa parehong realm ang kayang tiisin ang mata ni Zhao Feng.

Kung naiwasan ng kanyang kalaban ang kaliwa niyang mata, ang kanyang kapangyarihan ay mababawasan ng halos% o higit pa.

Subalit, ang babala ni Empress Qin ay nahuli na.

Nanginig ang buong katawan ng tagapagsilbi habang nakatingin sa mata ni Zhao Feng sa loob ng isang hininga.

Plop!

Ang kanyang buong katawan ay nabalutan ng malamig na pawis, at napahiga siya sa lapas na hindi makagalaw gaya ni Empress Qin.

Ang eksenang ito ay ikinagulat ni Empress Qin.

Sa parehong pagkakataon, ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay nakaramdam ng kakaiba mula sa iba't ibang direksyon.

"Isang True Mystic Rank, Dalawang True Human Rank at marami pang ibang eksperto ang paparating…"

Huminga nang malalim si Zhao Feng.

Alam niyang wala na siyang daan para makatakas pa.

Kung isa lamang sana o dalawang eksperto na nasa True Human Rank, hindi niya kailangang matakot pero ang mga eksperto sa True Mystic Rank ay lagpas na ng kanyang limitasyon pagdating sa bilis at lakas.

Shua!

Dahil malapit na siyang matalo, tumalon agad siya patungo kay Empress Qin.

"Ikaw…"

Ang anyo ni Empress Qin ay manhid at hindi niya kayang kontrolin ang kanyang sarili.

Sa ganitong pagkakataon, ang mental energy ng babaeng nakaberde ay ubos na at hindi niya man lang kayang suportahan ang kanyang katawan kung kaya nakikita niya lamang na nilalapitan ni Zhao Feng si Empress Qin.

Sikretong pinadaloy ni Empress Qin ang kanyang Qi ng True Spirit. Kahit na kalkulado ng Water Moon Pirate ang pangyayaring ito, nasa True Lord Rank na siya kung kaya ang kapiranggot ng kanyang Qi ng True Spirit ay sapat na para patayin ang papalapit na Zhao Feng.

Isang kapiranggot ng Qi ng True Spirit mula sa True Lord Rank ay agad na magagapi ang mga nasa True Human Rank lalo na't wala pa si Zhao Feng sa True Spirit Realm.

Subalit, ang lahat ng kanyang kilos ay kontrolad ni Zhao Feng.

Shewwwww!

Isang maitim na pilak na sinturon sa baywang ni Zhao Feng ang naging isang latigo na bumalot kay Empress Qin.

Sa Water Moon Treasury, ang Mystic Snak Blood Whip ay may halagang nalalapit sa Water Moon Four Treasures sapagkat kaya nitong palakasin ang kapangyarihan nito sa pagsipsip ng dugo ng mga nabubuhay na nilalang.

Shuuu!

Si Empress Qin ay nabalutan ng Mystic Snake Blood Whip at ang kanyang blood essence ay dahan-dahang nahihigop.

Kung ito ay isang cultivator sa Ascended Realm, ang kanilang blood essence ay matagal nang nahigop sa loob lamang ng dalawang hininga.

Kung kaya, ang kanyang pagsubok na tumipon ng kapiranggot na Qi ng kanyang True Spirit ay nasira.

Habang lumalapit si Zhao Feng, ang petal na nasa kanyang kamay ay naging mainit at ang mapusyaw na pulang marka sa noo ni Empress Qin ay naging matingkad.

Ang aura ng jade petal na ito ay nakakaapekto rin kay Zhao Feng.

"Bantayan mo siya."

Tila ba sinabi ito ni Zhao Feng sa hangin.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay tumalon sa balikat ni Empress Qin at siya na ang kumontrol ng Mystic Snake Blood Whip.

Weng~~

Isang lotus na may tatlong kulay ang nagpakita sa may paa ni Zhao Feng habang dinudukot niya si Empress Qin at tumakbo siya tungo sa labas na hangganan ng Capital.

Sa parehong pagkakataon, ang tunog ng mga taong lumilipad sa ere ay maririnig.

Isang True Mystic Rank at dalawang True Human Rank ang nasa malapit at kararating lamang.

"Kahit sino sa inyo ang lumapit, papatayin ko siya." Walang emosyon na sabi ni Zhao Feng habang ang kanyang mata ay nagiging kulay asul.

Miao miao!

Itinango ng munting pusang magnanakaw ang ulo nito at hinigpitan ang hawak sa Mystic Snake Blood Whip. Napakapamilyar na parang ito ng panlilinlang ng mga tao.

Isang mapusyaw na marka ang sumilay sa napakaputing leeg ni Empress Qin.

"Tama na!"

Ang mga ekspresyon ng nalalapit na eskperto sa True Spirit Realm ay biglang nagbago.

Ang eksena sa kanilang harap ay ikinagulantang nila.

Ang mga damit ni Empress Qin ay kalahating nakahubad mula sa kanyang katawan at ang kanyang tagapagsilbi ay nakahiga sa lupa nang nagpapawis at hindi makagalaw.

Ito ang dahilan para mag-isip sila ng ibang bagay.

Walang kahit sino ang lumapit kay Zhao Feng at pinanatili nila ang distansya. Ang Three Flowered Treasured Lotus ni Zhao Feng ay mas mabilis nang bahagya kaysa sa mga normal na eksperto ng True Human Rank sa kanilang pinakasukdulan.

"Sabihin niyo agad ang mga Imperials."

"Sabihan niyo ang Emperor na may taong dumukot kay Empress at mukhang siya ang tagapagmana ng Water Moon Pirate."

Agad na lumipad ang balita sa ere.

Sa loob lamang ng kalahating oras para gumawa ng tsaa, ang buong Capital ay nagulantang.

Dahil sa Rising Dragon Auction, mas marami pa naman ang mga eksperto sa True Spirit Realm na naroroon.

"Diyos miyo, malinaw pa ba ang aking mga mata? May taong dumukot kay Empress?"

"Three Flowered Treasured Lotus, siya siguro ang tagapagmana ng Water Moon Pirate. Huwag kayong lumapit at mag-ingat sa lason."

Ang mga eksperto sa True Spirit Realm ay napaurok na lamang ang kanilang mga dila.

Ang kasikatan ng Water Moon Pirate mula isang daang taon na ang nakalilipas ay naririyan pa pala. Ang kanyang mga lason ay kayang pumatay ng mga eksperto na nasa True Spirit Realm nang hindi nakikita at hindi rin siya mapapantayan ng kahit sinong mas mababa sa True Lord Rank.

Hawak ni Zhao Feng si Empress Qin bilang kanyang bihag at nilagpasan niya ang mga pader ng Capital, pero sa pagkakataon ring iyon, isang nakakatakot na aura ang pumuno sa hangin.

Ang hangin sa taas ay tila nababasag ng kidlat. Ito ay ang paggalaw n Heaven Earth Yuan Qi.

"Isang sutil na walang nalalaman, ngayon pa lang ay sumuko ka na."

Isang makalumang boses ang umalingawngaw sa hangin na tila isang diyos na nag-uutos.

True Lord Rank.

Noon ring iyon, ang mga nalalapit na eksperto ay pinigil ang kanilang mga hininga.

Nakikita ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang kilos ng Heaven Earth Yuan Qi.

"Hindi ito isang True Lord Rank, ito ay mas malapit sa Half Step Origin Core Realm."

Huminga siya nang malalim at sinuri ang paligid niya pero wala siyag mahanap na mga bakas.

Habang nagiging mas importante ang nangyayari, ang kanyang God's Spiritual Eye ay lalong napapakislot.

Ang kanyang kaliwang mata ay nakakakita mula sa ilang daang milya at natantsa niyang ang may-ari ng boses na ito ay medyo malayo pa naman sa kanya.

"Kung sino man sa inyo ang mangangahas na lumapit sa loob ng 50 milya, agad ko siyang papatayin at gagawa ng mga bagay na hindi nararapat sa publiko…"

Nanlamig lamang ang ekspresyon ni Zhao Feng habang binabalewala niya ang kapangyarihan sa ere.

"Lahat kayo ay magsibalik!"

Nawalan na ng kahinahunan si Empress Qin. Forte niya ang charm at kapag ang kanyang pagkakakilanlan ay masisira, pati ang pundasyon niya sa Imperials na itinayo niya sa loob ng ilang daang taon ay mababawasan hanggang sa maglaho.

Bukod pa roon, may mga tao pa rin sa Imperials na gugustuhin siyang makita na mamatay.

Sa pagkakataong iyon, lahat ng nasa loob ng 50 milya ay inalis ng Imperials.

Ang mga nakatataas ng Imperials, ang Emperor, Elders, Generals…. Lahat sila ay dumating.

Sa ganoong pangyayari, ang buong Capital ay nagulantang.

"Huwag mong saktan si Qinxin."

Ang Emperor ay isang lalaking brusko at may kulay kayumangging buhok na agad lumayo matapos makitang bihag si Empress Qin.

Agad na sinuri ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang 50 milya at ang kanyang ekspresyon ay tumamlay: "Sa Hilagang-Silangan, mayrrong nakatayo sa puno, at sa ulap ay may dalawa. Sa tabi ng ilog ay may apat…"

Lahat ng kanyang mga binanggit ay nasa Half Step True Spirit Realm pataas.

Nang sabihin niya ito, lahat ng Imperials ay nagulat. Kahit na pinaalis na nila ang mga tao, nagpadala pa rin sila ng iba para bumuo ng isang pangkat na magsasagip sa Empress pero hindi nila inaakalang napakalinaw pala ng mga mata ni Zhao Feng. Maliban sa tao, kahit siguro ang isang langgam ay hindi makatatakas sa kanyang mga mata.

"Ang bloodline power ng batang ito ay nakasisindak. Tawagin niyo ang lahat para bumalik." Hindi mapigilang bigkas ng Emperor.

Ang mga Elders at Generals ay nagpalitan ng tingin sa isa't isa.

Ang estado ni Emperor Qin sa mga Imperials ay napakataas at ang kanyang pagmamahal sa Empress ay hindi matatapatan.

Wala kahit sino ang nakaisip na ang kabataang tulad ni Zhao Feng na hindi pa nakakaabot ng True Human Rank ay kayang dukutin si Empress Qin.

Dapat lamang malaman na si Empress Qin ay naabot na ang True Lord Rank at nakapagcultivate na sa Dao of Entertainment and Charm. Kahit hindi niya espesyalisasyon ang pakikipaglaban, sapat na ang lakas niya para sirain ang kahit sinong mas mababa sa True Lord Rank. Kung babalikan, kahit ang Water Moon Pirate ay natalo rin niya.

Pero ano pa ang mas nakakatakot ay ang bloodline power sa mata ni Zhao Feng ay kayang makakita sa ere, kahit anong gawin nila ay walang kwenta.

Sa pagkakataon ring iyon, ang Heaven Earth Yuan Qi ay tumalon at nilikom ang kanyang aura na tila magagalaw at masisira nito ang kalangitan.

Ang aura na ito ay tila isang sovereign na bumaba at kayang magpaluhod sa lahat.

"Grand Elder."

Ang Imperials, kasama na ang Emperor ay yumuko sa kanya.