"Isang milyon."
Ang nakakaakit na boses na ito ay nagpalambot sa buong katawan ni Zhao Feng nang hindi niya sinasadya dahil sa pakiramdam na tila ba inaalagaan siya nito.
Naramdaman ng mga eksperto na tila natutunaw ang kanilang mga puso.
Mayroong kasabihan: Hindi mapapalagpasa ng mga bayani ang magagandang babae.
Kahit gaano pa kalakas ang isang bayani, hindi nito magagapi ang ngiti ng isang binibini.
Bukod pa roon, ang may-ari ng boses na ito ay ang pinakamagandang babae sa Canopy Great Country – si Empress Qin.
"Empress Qin… Nahanap na rin kita sa wakas."
Hindi mapigilan ni Zhao Feng na huminga nang malalim habang ang kanyang anyo ay nanginginig nang bahagya.
Miao miao!
Ang munting pusang magnanakaw sa loob ng Spiritual Pet Bag ay nagsimula nang mangamba. Nag-bid na ng 1,000,000 si Empress Qin at walang kahit sino ang gustong makipagkumpitensya sa kanya.
Bukod pa roon, ayon sa kasunduan nila ni Zhao Feng at ng munting pusang magnanakaw, kapag lumagpas na ng isang milyon ang presyo, hindi na ito bibilhin ni Zhao Feng.
Poof!
Ang munting pusang magnanakaw ay binuksan ang kanyang bibig at nagduwal ng isang Spiritual Grade Weapon na nasa Low Tier, ang halaga nito ay halos nasa isang milyon.
Ito na ang personal na pera ng munting pusang magnanakaw.
Kung hindi sapat ang primal crystal stones ng isang tao, pwede niyang ipagpalit ang mga aytems na mayroon siya para dagdagan ang halagang mayroon siya.
"Sige."
Mayroon ngiti sa mukha ni Zhao Feng, palibhasa pinlano niya naman talaga ito.
"1,100,000."
May kumpiyansang nagdagdag si Zhao Feng ng 100,000. Ikinagulat ito ng mga manonood.
Sino ba ang taong ito na nasa ikalimampung stand na kumakalaban sa Iron Blood Religion at ngayon naman ay sa mga Imperials.
"Sino naman ang sutil na ito na sinusubukang makipaglaban sa Empress?"
"Hmph, ito ang unang beses na nag-bid ang Empress. Paano niya naman basta-bastang matatanggap ang pagkatalo?"
Ang mga eksperto sa Imperials na nasa 3rd Stand ay nagpakawala ng buntong hininga.
"1,150,000."
"1,200,000."
Hindi nakikita ni Zhao Feng at ng Empress Qin ang isa't isa, pero naglalaban sila sa pamamagitan ng kanilang mga boses.
Ang boses ni Empress Qin ay malinaw, malutong at nakakaakit. Ang tunog nito ay tila ba ito ang pinakamagandang bagay sa buong mundo.
Sa kabilang banda, ang boses ni Zhao Feng ay malamig at walang emosyon, na tila ba hindi niya alam kung ano ang depinisyon nito.
Sa wakas, kahit si Empress Qin ay interesado na rin kung sino ang may-ari ng boses. Hindi naman ganoon katanda ang may-ari nito at nasasalag niya rin ang kanyang 'Charming Soft Voice'.
Ang mga normal na tao ay susuko na agad sa segundong marinig nila ang boses ni Empress Qin at mahihiya na agad sila na lumaban.
"1,800,000."
Ang boses ni Zhao Feng ay matigas at hindi man lang nagpakita ng kahit anong senyas ng pagsuko.
Sa ikatlong stand, bumuntong hininga na si Empress Qin: "Sabagay, hindi naman ako ganoong kamaalam sa Dao of Life. Sa'yo na 'yan."
Ang mga nakarinig nito ay tila ba gusto ng bilhin ang barya at ibigay ito sa kanya.
Sa totoo lang, sa lakas at yaman na mayroon ang Imperials, kung gugustuhin naman talaga ni Empress Qin ang baryang ito, mahihirapan talaga si Zhao Feng na manalo, Pero ang sadya ng Imperials ay mas mahalagang bagay pa at ang presyong dalawang milyon ay napakalaki na para sayangin nila.
"Kung makikita ko ang ganda ng Empress, pwede ko namang ibigay ang Foretelling Ancient Coin sa iyo ng libre?"
Malakas ang tawa ni Zhao Feng.
Nang marinig ito, ang buong auction ay nagkagulo na.
"Hindi ba natatakot sa kamatayan ang batang ito? Matapos niyang sinubukan na kunin ang loob ni Empress Qin sa harap ng lahat?"
"Buti na lang wala ang Emperor, kung hindi, paniguradong magkakaroon muli ng palabas. "
"Zhe zhe zhe, ang ganda nga ni Empress Qin ay hindi pwedeng maliitin. Dalawang milyon ang kinailangan ko para lamang makita ang itsura niya."
Agad na nagdulot ng diskusyon ang mga salitang binitawan ni Zhao Feng.
Miao miao!
Ang munting pusang magnanakaw ay nagngitngit ang ngipin at tumingin kay Zhao Feng na punong-puno ng galit.
Ang 3rd Stand.
"Sige lang, kapag nakuha mo ang Foretelling Ancient Coin, pwede mo kong puntahan at makita pagkatapos ng auction."
Ang matamis na boses ni Empress Qin ay naglalaman ng tonong nakikipaglaro.
"Sige."
Pagpayagad agad ni Zhao Feng.
Alam niya na sa dunong na mayroon ang Empress Qin, hindi mahirap para sa kanyan na malaman kung bakit gusto niya itong makita.
Ang Foretelling Ancient Coin ay isang pagkukunwari lamang.
Matapos bilhin ang Foretelling Ancient Coin, ang mga presyo ng aytems ay lalo lang nagmahal, hanggang umabot ito sa ilang milyon at sampu-sampung milyon.
"Star Darkness Sword, isang weapon na nasa High Tier Spiritual Grade na gawa sa isang misteryosong materyales. Kaya nitong icamouflage ang isang tao sa dilim at gamitin ang kapangyarihan ng mga bituin. Nagmumula ito sa Seven Sword Inheritance."
High Tier Spiritual grade, Seven Sword Inheritance.
Napakahalaga nga ng kayamanan na ito at kahit ang mga nasa True Lord Rank ay napupuno ng ligalig nang makita ito.
Mula sa Four Great Inheritances, ang Seven Sword Inheritance ay nasa ikalawang puwesto at tanging nararapat para lamang sa Dao of the Sword.
Sa Scarlet Moon Demonic Religion Era, ang Sword Saint na ' Ye Wuxie' ay nakatanggap ng rekognisyon mula sa Seven Sword Inheritance.
Naunawaa niya ang isang napakalakas na sword intent at kaya niyang hatiin ang mga ilog gamit ang isang ispada at gawing kawalan ang kahit alin sa paamagitan lamang ng pag-iisip nito. Malaki ang kanyang ginampanang bahagi para matalo ang Scarlet Moon Patriarch.
Ang Star Darkness Sword ay nagmumula sa Seven Sword Inheritance at kay lakas n dala nitong kapangyarihan.
"Star Darkness Sword, ang panimulang presyo ay 20 milyon. Bawat taas ay dapat nasa kalahating milyon."
Iwinagawayway ng elder ang kanyang kamay.
Panimulang presyo na 20 milyon.
Marinig pa lamang ang presyo ay marami na agad ang sumuko. Tanging ang walong pinakamalalakas na pwersa at iba pang top tier factions ang kayang sumali.
Pagkatapos ng mainit na laban, ang Star Darkness Sword ay nabili ng Qin Sword Palace sa presyong 70 milyon.
"70 milyon…"
Nanginig ang puso ni Zhao Feng. Bawat pagkakaiba sa tier ay nagreresulta sa pagbabago ng presyo na halos sampung beses ang dami.
Ang mga High Tier Spiritual Grade Items ay nasa pinakamataas na antas sa kontinente.
Kailanman ay hindi nakakita si Zhao Feng o nakarinig man lang ng tungkol sa mga Peak Tier Spiritual Grade Items.
Tanging ang Wheel of Light and Darkness lamang ang ay kapasidad na lagpasan ang High Tier dahil sa talim nito at sa pinagsamang lakas o kapangyarihan.
Akala ni Zhao Feng noong una na ang Star Darkness Sword ang pinakamagandang aytem roon at mahirap na makahanap pa ng maaaring papantay rito.
Sa hindi inaasahan, ang ikaapat na aytem pala ang sisira ng ganito niyang pag-iisip.
"Demon Slaughterer Blade, isang High Tier Spiritual Grade Item na nagmula pa sa 'Daguang Lord Country' sampung libong taon na ang nakalilipas. Alam naman nating lahat na ang Daguang Lord Country ay nasira isang gabi at mula noon, ang mga Lord Countries ay alamat na lamang. Ang Demon Slaughterer Sword na ito ay nagmula sa Daguang Imperials. Sa totoo lang, ang orihinal na lebel nito ay nasa Peak Tier Spiritual Grade pero matapos ang kalamidad na naganap, bumaba ito sa High Tier…."
Ibinuod ng matandang nakaroba ang kasaysayan nito.
Ang Demon Slaughterer Blade ay punong-puno ng kapangyarihan at may abilidad itong gapiin ang mga Demons at Ghosts o mga Demonyo at Multo. Noon, isa itong Peak Tier Spiritual Grade Weapon. Nagmula pa ito sa Daguang Lord Country na may mataas na collective at historical value. Maaari pa itong maglaman ng mga sikreto kung bakit biglang naglaho ang Lord Country.
"Demon Slaughterer Blade, ang panimulang presyo nito ay 25 milyon."
Namula ang mukha ng matandang nakaroba.
"30 milyon."
"40 milyon."
"45 milyon."
Hindi nagtagal.
Ang Demon Slaughterer Sword ay umabot ng 70 milyon at naibenta na rin sa wakas sa mga Imperials sa halagang 72 milyon.
Mamaya-maya, ang mga spiritual garde items, techniques at mga skills na mahirap kunin sa labas ay lumabas na sa auction.
"Heavens Legacy Script. Mayroong 48 lamang na ganito sa buong mundo at bawat iskrip ay naglalaman ng mga iilang sikreto sa Heavens Legacy Inheritance. Kapag nagkaroon ng sapat na bilang nito, maaaring matantsa ng isang tao kung saan ang destinasyon at oras ng susunod na pagpapakita ng Heavens Legacy Inheritance."
"Scarlet Moon Incomplete Maps, kapag nalipon naman ng isang tao ang 108 na kopya nito, pwede niyang buksan ang Scarlet Moon Inheritance at maabot ang lebel na naabot ng Scarlet Moon Patriarch."
Sabay na inilabas ng matandang nakaroba ang Scarlet Moon Incomplete Maps at ang Heavens Legacy Scripts. Ang Heavens Legacy Scripts ay may 18 na iba-ibang uri at bawat uri ay may higit 100 na kopya at may panimulang presyo na 50,000.
Ang Scarlet Moon Incomplete Maps naman ay 68 na uri at 100 na kopya sa bawat isa at may panimulang presyo na 20,000.
Parehong ang Heavens Legaacy Scripts at Scarlet Moon Incomplete Maps ay may information slip na magagamit mo lang ng isang beses.
"Koleksyon?"
Pinag-isipan ito ni Zhao Feng pero sumuko rin siya.
Ang Heavens Legacy Script at Scarlet Moon Incomplete Maps ay parehong binebenta sa napakataas na presyo.
Ang presyo para sa Heavens Legacy Script ay nasa 120,000 at ang Scarlet Moon Incomplete Maps naman ay sa halagang 50,000 bawat isa.
Kahit si Heiyun Master ay hindi napigilan ang kanyang sarili at bumili siya ng sampung Heavens Legacy Scripts.
Hindi natukso si Zhao Feng na gawin ito. Ang kayamanan ay isang bagay na hinihiling ng lahat pero hindi nakukuha. Hindi naman porket nakuha mo ang mga aytems na ito ay magbubukas nang kusa ang inheritance kahit kailan mo gusto.
Ang auction ay umabot sa huling kritikal na pagkakataon bago naibentang lahat ang mga Scarlet Moon Incomplete Maps at Heavens Legacy Scripts.
Alam naman ng lahat na ang pinakapangunahing aytems sa auction na ito ay ang mga piraso ng 'Earth Grade Weapons' at ang 'Seven Sword Incomplete Manual'.
"Ang Seven Sword Incomplete Manual ay nagmumula sa Seven Sword Inheritance at may ilang mga koneksyon ito sa Sword Saint na si 'Ye Wuxie'. Ang incomplete manula na ito ay sinasabing mahirap maunawaan kahit pa ng mga taong nasa True Lord Rank. Ayon sa mga Treasure Inspectors, ang skill na ito ay nasa isang napakataas na antas pero dahil hindi ito kumpleto, ang lebel nito ngayon ay malapit lamang sa Peak Spiritual Grade."
Ang unang binenta ay ang Seven Sword Incomplete Manual.
"Seven Sword Incomplete Manual – panimulang presyo: 30 milyon."
Sa pagkakataong sinabi ito, agad na nagkagulo ang lahat.
"50 milyon."
"65 milyon."
"80 milyon."
Tanging bumagal lamang ang lahat nang makaabot na ng 80 milyon ang presyo nito.
Sa pagkakataong ito, tanging ang Imperials, Iron Blood Religion, Qin Sword Palace at Tian Family na lamang ang naglalaban.
"100 milyon. Kung maaari ay tignan niyo muna akong lahat."
Isang malinaw na boses ang maririnig mula sa unang stand.
Ang First Esteemed Guest Stand.
Agad na tumingin ang lahat. Sa pagkakataong iyon, kahit ang mga nakatataas ng Imperials at ng Iron Blood Religion ay may mga taimtim na ekspresyon.
Natahimik ang karamihan at naging kakaiba ang kapaligiran.
"Sino ba ang taong ito na gustong magpakita ng kanyang mukha?"
"Bakit?"
Hindi nakontento ang mga taong nasa ibaba.
Kahit nasa pinakasukdulan na ang halagang 100,000,000, tila napakaarogante naman yata ng taong ito?
"Isang pagbati, Mystic Sword Sovereign."
Ang matandang nakaroba ay huminga muna nang malalim at saka yumuko nang may paggalang sa 1st Stand.
Isang eksperto na nasa Origin Core Realm.
Boom!
Nagkaroon na naman ng diskusyon sa auction.
"Totoo ba ito? May mga Origin Core Realm Sovereigns pa pala ang nabubuhay sa kontinenteng ito?"
"Talaga ba? Kung magpapalitan ng atake ang mga Origin Core Realm Sovereigns, kahit pa ang Capital ay hindi ito kakayanin."
Ang ilan sa mga tao ay nagsususpetsa pero ang ilan naman ay maligalig.
Ayon sa mga alamat, ang mga taong nasa Origin Core Realm ay may kapangyarihang sirain ang langit at lupa. Ni wala nga silang pake sa isang Strong Country o kahit na ang Walong Pangunahing Pwersa ng Canopy Great Country.
Kahit ano mang sabihin nila ay maaapektuhan ang lahat.
Subalit, sa pagkakataong iyon, ang mga Imperials at Iron Blood Religion ay nanahimik lamang.
Walang kahit sino ang lumaban sa kanya.
Mula sa 1st Stand ay naglakad ang isang kabataan na kulay berde ang suot at may napakarilag na aura.
Sa isang yapak lang, naabot niya ang entablado ng auction at sa susunod na yapak ay biglang nawala.
Kasabay niyang maglaho ay ang Seven Sword Incomplete Manual.
"Paalam Sovereign."
Yumuko ang matandang nakaroba at isang interspatial ring ang biglang napunta sa kanyang kamay.
Nang subukang ng mga True Lord Rank na palawakin ang kanilang Spiritual Sense ng ilang dosenang milya, wala ng kahit anong bakas ng Mystic Sword Sovereign.