"160,000!!"
"170,000!"
"200,000!"
Hindi matigil ang mga sigawan sa loob ng auction.
Ang Sky Bamboo Nine Sound Qin ay isang napakahalagang aytem na nagmula sa Qin Sword Palace at hindi lamang ito sagrado para sa mga nagsasanay ng Dao of Entertainment, kundi nakaangkop rin bilang isang aytem na pangolekta.
Nang makita ang presyo ay tataas na ng 200,000, isang ngiti ang sumilay sa mukha ni Zhao Feng.
"300,000!"
Isang malamig na boses ng babang nagmumula sa isa sa mga Esteemed Guest ang nagtaas ng presyo nito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng 100,000 primal crystal stones.
Ang karamihan ay natahimik at napatingin sa stand na pinanggalingan ng boses.
"Ang mga tao sa stand na iyan ay nagmumula sa Qin Sword Palace. Diyan talaga galing ang Sky Bamboo Nine Sound Qin…."
Ilan sa mga kalaban ay pinag-isipan itong mabuti at karamihan sa kanila ay nagdesisyon nang sumuko.
Ang Qin Sword Palace ay katulad rin ng Iron Blood Religion – isa ito sa tatlong pangunahing sects at napakasikat rin nito.
Karamihan sa mga tao ay hindi nangahas na kalabanin ang isang halimaw gaya ng Qin Sword Palace at ang kanilang yaman rin ay hindi maikukumpara.
"310,000!"
"320,000!"
Subalit, mayroon pa ring mga tao na nakapagcultivate na sa Dao of Entertainment at ang kanilang cultivation ay umabot na sa True Mystic Rank. Mayroon rin silang malalakas na pwersa na hindi takot sa Qin Sword Palace.
"400,000!"
Ang mga tao galing sa Qin Sword Palace ay muli na namang nagdagdag ng 100,000 kung kaya natahimik na rin ang lahat.
Kahit gaano pa katanga ang mga taong ito, napagtanto rin nila na hindi nila matatalo ang Qin Sword Palace sa pagbili ng aytem na ito.
Nagsimula nang mag-alangan ang mga kalaban nila.
Ang 400,000 Low Grade primal crystal stones ay katulad rin ng 40,000,000 substandard primal crystal stones at ito na rin ang pinakamataas na halaga ng Qin na ito. Kapag nagdagdag pa sila, hindi na ito sulit.
"410,000."
Isang nakakapanghamak na boses mula sa 5th Esteemed Guest Stand na siyang nakakuha ng atensyon ng lahat – ang sumubok na mangahas at kalabanin ang Qin Sword Palace sa harap ng maraming tao?
Subalit, ang 5th Esteemed Guest Stand ay katabi ng Qin Sword Palace, nangangahulugan na magkapareho sila ng estado.
"Sila ang mga taong nagmula sa Wind Cloud Sect!"
"Hindi na nakapagtataka kung bakit sinubukan nilang mangahas na kalabanin ang Qin Sword Palace. Ang Wind Cloud Sect ay isa sa mga tatlong pangunahing sects."
Nauunawaan ng lahat.
Ang Wind Cloud Sect ay isa sa mga pangunahing sects at kamakailan lang ay nagkaroon sila ng alitan ng Qin Sword Palace.
Ang Qin Sword Palace ay mas malapit sa Imperials samantalang ang Wind Cloud Sect ay nasa panig naman ng Iron Blood Religion.
"450,000."
Ang boses mula sa Qin Sword Palace ay may dala ng tono ng iritasyon.
"460,000."
Ang boses mula sa Wind Cloud Sect ay may dala namang masayang tono.
"560,000."
Muling ipinakita ng Qin Sword Palace ang kanilang yaman sa pagdaragdag ng 100,000.
Ganoon rin, sa isang Esteemed Guest Stand.
"Hmph! Kapag nagtaas pa ng presyo ang Wind Cloud Sect, ano pa ang magagawa nila?"
Ang mata ng isang binibining nakasuot ng magandang damit ay napakalamig.
"Tama si Goddess Qin. Ang Sky Bamboo Nine Sound Qin ay isang aytem na pangolekta lamang sa mga kamay ng isang tao na wala namang alam sa Entertainment."
Bahagyang nakangiti ang isang eksperto na nasa True Mystic Rank.
Sa ngayon.
Hindi na nagtaas pa ng presyo ang Wind Cloud Sect. Tila ba gusto lamang nilang makipaglaro sa Qin Sword Palace at hindi naman ang sumobra.
Ang Sky Bamboo Nine Sound Qin ay naibenta sa halagang 560,000.
Nagpakita si Zhao Feng ng isang nasisiyahang ngiti. Sa ilalim ng mga normal na sitwasyon, ang presyo ng Sky Bamboo Nine Sound Qin ay 400,000 lamang. Ang paglagpas sa 500,000 ay sobra sobra na.
"Hehe, ito pa ang isang napakagandang aytem mula sa Water Moon Pirate… Ang Jade Spiral Mystic Phoenix Crown….."
Ngumiti ang matandang nakaroba at itinaas ang kanyang kamay.
Ang katabi niyang maganda na nasa True Human Rank ay nagpakita ng isang koronang gawa sa jade at gold. Napakaelegante nito, malamaharlika at naglalaman ng hindi maipaliwanag na kadakilaan.
"Jade Spiral Mystic Phoenix Crown!""Ito…. Hindi ba ito ang Phoenix Crown ng mga Imperials? Ito lang naman ang pinapamana nila sa bawat reyna…"
Muli na namang nagkagulo sa auction.
Ang Phoenix Crown ay isinusuot lamang ng isang reyna.
Ang Jade Spiral Mystic Phoenix Crown ay isang aytem ng mga Imperials, at kahit ang halaga nito ay hindi kagaya ng isang Spiritual Grade Item, ang kasaysayan nito ay hindi simple.
Ang 3rd Esteemed Guest Stand.
"Nakakatawa! Sino naman ang nangangahas na ibenta ang ipinapamanang korono ng Imperials sa publiko?"
"Empress, ang Heneral niyo po ay nagbibigay suhestiyon na alamin muna natin kung sino ang nagbebenta ng korona. Maaari nating sundan ang kanilang bakas at mahanap ang lokasyon ng Water Moon Treasury."
Mayroong isang dosenang tao sa 3rd Stand at halos bawat isa sa kanila ay nakaabot na ng True Spirit Realm.
Ang pinakamalakas na aura ay umabot na ng kalahating lebel na mas mataas kaysa sa True Lord Rank.
"Hindi iyon ganoon kasimple katulad ng iniisip mo. Ang Rising Dragon Auction ay masnakasisindak pa kaysa sa iyong nalalaman. Kahit sa tuktok ng Canopy Great Country, walang kahit sino ang sumusubok na hawakan sila."
Isang matandang boses ang nagsalita.
Ano man ang sinabi ng Grand Elder ay totoo. Ang pinakamahalagang misyon sa ngayon ay ang bilhin ang Jade Spiral Mystic Phoenix Crown o kung hindi ay masisira nito ang pangalan ng Imperials.
Hindi nagtagal, nagkaroon na rin ng kasunduan ang 3rd Stand.
Sa parehong pagkakataon, sa ikalimampung stand.
"Heiyun Master, sigurado ka bang walang problema sa pagbebenta natin ng mga ipinamanang aytem mula sa mga Imeperials?"
Pagtatanong ni Zhao Feng.
"Huwag mo nang isipin. Ang Rising Dragon Auction ay hindi simple. Bukod pa sa Imperilas ng Canopy Great Country, kahit ang Ten Great Factions ay walang lakas ng loob na hamakin sila nang ganoon kadali."
Tumawa si Heiyun Master.
"Ang panimulang presyo ng Jade Spiral Mystic Phoenix Crown ay 200,000, bawat bid ay dapat na mas mataas n 5,000 kaysa sa huling nabanggit."
Pag-aanunsyo ng matandang nakaroba.
"300,000."
Sa segundong natapos siyang magsalita, isang tao mula sa Imperials ang agad na nagdagdag ng 100,000.
Napakatahimik na sa may auction.
Ang Imperials, pagkatapos ng lahat, ay ang mga namumuno sa Canopy Great Country at pagkatapos masama si Empress Qin sa politika, ang pwersa nito ay lalo pang lumakas kaysa sa mga normal na sects.
Sa puntong iyon, walang kahit sino ang nangahas na mag-bid. Nadismaya tuloy si Zhao Feng sapagkata umaasa siyang ang korona ay bebenta sa mataas na halaga.
Subalit, sa kasalukuyang sitwasyon, mukhang walang kahit sino ang mangangahas na kalabanin ang Imperials sa publiko.
Hindi kaya ang kapangyarihan ng Imperials ay umabot na puntong kaya na nilang kontrolin ang siyam na panig at maghari rito?
"310,000."
Isang mahinang boses ang nagmula sa 4th Stand.
Nagkagulong bigla ang mga tao at nagkaroon ng diskusyon sapagkat ang stand na ito ay nabibilang sa Iron Blood Religion.
Sa Canopy Great Country, ang labanan sa pagitan ng Iron Blood Religion at Imperials ay hindi isang sikreto.
"500,000."
Agad na itinaas ng Imperials ang bid ng 200,000 at hindi na mapigilan ng mga manonood na mapuno ng ligalig.
Ang walong pangunahing pwersa ng Canopy Great Country ay hinati ang bansa sa walo at doon kani-kanilang naghari.
Kahit ang laban sa pagitan ng Iron Blood Religion at mga Imperials ay napakalawak ng sakop, mayroong mga pwersang hindi man nila kasinglakas at nasa pagitan lamang ay nag-aabang na makita ang ganitong klase ng sitwasyon.
"510,000."
Isang walang emosyon na boses ang nagsalita mula sa Iron Blood Religion.
Naramdaman ni Zhao Feng na tila pamilyar ang boses na ito, para bang ang nagsalita ay isang lalaking kulay dugo ang buhok na si Tiemo.
"Siya ang Deputy-Patriarch ng Iron Blood Religion!"
Ilan sa mga eksperto ng True Spirit Realm ay nagkaroon ng interaksyon sa Deputy Patriarch na si Tiemo.
"710,000."
Napakayaman talaga ng Imperials at agad silang nagdagdag pa ng 200,000.
"720,000."
Kaswala lamang ang boses ni Deputy Patriarch Tiemo.
"800,000."
"810,000."
Kahit ano pang gawing pagdaragdag ng Imperials, ang Iron Blood Religion ay palaging magdaragdag ng 10,000.
Ang 810,000 ay katumbas na ng isang magandang kalidad ng Low Tier Spiritual Grade Weapon.
Kapag ang isang sandata ay umabot na ng Mid Tier Spiritual Grade, napakabihira na nito. Sa Canopy Great Country, talagang kakarampot lang ang mayroong High Tier Spiritual Grade Items.
3rd Stand.
Ang mga eskperto mula sa Imperials ay nahihirapan nang pigilan ang kanilang mga sarili.
"Grand Elder, Empress, ang Tiemo na iyan ay walang hiya talaga at gusto nila tayong sirain."
"Bakit hindi na tayo kumilos ngayon at alisin ang takot na ito?"
Isang nasa True Lord Rank at maraming mga eksperto sa True Mystic Rank ang pinigilan ang kanilang galit.
"Huwag kayong gumawa ng kahit anong padalos-dalos na desisyon. Ang lakas ni Tiemo ay katulad ng isang nasa Half-Steo Origin Core Realm na eksperto at matapos niyang muling ayusin ang Wheel of Ligh and Darkness, tila naging isa siyang tigre na may mga pakpak. Kahit ang mga normal na eksperto sa True Lord Rank ay nasa panganib na mamatay habang kinakalaban siya. Bukod pa roon, ito ang teritoryo ng Rising Dragon Auction."
Isang matandang boses ang nagpatigil sa lahat ng mga tao.
"1,200,000."
"1,210,000."
"2,000,000."
Ang huling presyo ay nakaabot ng nakakagulantang na lebel at nagdulot ito ng hindi maipaliwanag na pakiramdam sa auction.
Ang 2,000,000 ay halaga na ng isang Mid Tier Spiritual Grade Weapon at ang Jade Spiral Mystic Phoenix Crown ay kasinghalaga lamang ng sampung libong primal crystal stones at naging mahalaga lamang dahil sa kasaysayan nito.
"Wala namang kwenta ang koronang iyan? Sa inyo na lang iyan."
Tumigil na sa bidding ang Iron Blood Religion.
Kakasimula pa lamang ng auction at lahat ng kanilang nakikita ay umpisa lang. Kung hahayaan lamang ng dalawang panig, agad siguro nilang mararating ang sampung milyong primal crystal stones dahil lang sa pagtatalo.
Nang makitang huminto na si Tiemo, nagpakawala na ng hininga ang mga Imperials.
Hindi naman nasayang ang kanilang 2,000,000 na primal crystal stones.
"Haha, 2,000,000 na primal crystal stones…."
Hindi mapigilan ni Zhao Feng ang mapalakas ang tawa.
Wala namang gamit sa kanya ang Jade Spiral Mystic Phoenix Crown.
Inakala niya noong una na bebenta ang koronang ito sa ilang daang libo lang pero hindi niya naisip na aabot ito sa ganyang presyo.
Lalo pang nag-alab ang auction dahil sa mga aytems na umabot ng daan-daan at libo-libo o milyon-milyong halaga.
"Ang lahat ng andito ay esteemed guests na may estado at talino. Alam mo naman dapat na ang mga resources, forging at array skills, iilang mga sandata at aytems ng Azure Flower Continent ay mahirap gawin. Kung kaya, karamihan sa mga sandata na Mid Tier Spiritual Grade mas mataas pa ay hindi talaga ginawa sa ating kontinente….."
Ngumit ang elder na nakaroba habang nagpapaliwanag.
Nang marinig ito, nanlaki ang mga mata ni Zhao Feng.
Kung hindi ito nanggaling sa Azure Flower Continent, saan naman kaya ito galing?
"Ang Four Great Inheritances ay tanging entrada lamang sa kontinenteng ito. Ang Heaven's Legacy Inheritance, Seven Sword Inheritance, ganoon rin ang iba ay nasa ibang mga dimensyon ng panlabas na espasyo."
Tanging kaunting bahagi lamang ng mga tao ang nagulat.
Karamihan ng mga tao na nakakapasok sa Rising Dragon Auction ay nakatataas sa bansa at maraming nalalaman.
"Ang mga pinakaiingatang mga aytems mula sa Four Great Inheritances ay palaging nagpapakita sa auction. Kanina lamang ay nariyan ang Ice Essence Spiritual Fluid mula sa Mystic Ice Inheritance. Ngayon naman, isang sandata mula sa Scarlet Moon Inheritance na nasa ikatlong puwesto ang inyong masisilayan."
Pagkatapos magsalita, iwinagayway ng elder ang kanyang kamay at ang magandang katabi nito ay ipinakita ang aytem.
"Iyan ang...!!?"
Nagbago nang sobra ang ekspresyon ni Zhao Feng nang makita kung anong aytem ito,