Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 301 - Rising Dragon Auction

Chapter 301 - Rising Dragon Auction

Agad na nakita ni Zhao Feng ang ganda ng Capital mula sa ilang libong milya.

"Hmm?"

Biglang nakaramdam si Zhao Feng ng paggalaw mula sa kanyang Spiritual Pet Bag.

Miao miao! Ang munting pusang magnanakaw ay biglang nagising pagkatapos ng isang buwang mahimbing na pagkakatulog. Nang magbukas ang mga mata nito, isang bakas ng kapangyarihan at kalaliman ang makikita pero agad ring naglaho.

Ang orihinal na kulay abong balahibo ng pusang magnanakaw ay naging mapusyaw na pilak.

Mas lumaki rin ito nang kaunti pero kahit hindi naman talaga halata, nakita agad ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng na may pagbabago sa pusa niya at napakaimportante nito.

Miao miao!

Tumayo ang munting pusang magnanakaw sa braso ng kanyang may-ari at ipinalantik ang dalawang tansong barya na kanyang hawak sa isang "Ding!"

Interesadong tumingin si Heiyun Master mula sa kanyang gilid samantalang si Zhao Feng ay sanay na sa ganito.

"Miao miao!"

Gumawa ng iilang galaw ang pusang magnanakaw kay Zhao Feng habang iniiling ang ulo nito at nagpakawala ng hininga.

"Ano ang sinasabi niya?"

Bahagyang nagulat si Heiyun Master.s

"Sinasabihan niya ako na huwag pumunta sa Capital sapagkat ang kapalaran ko ngayon ay hindi ganoon kaswerte at mahirap malaman kung makakaengkwentro ba ako ng panganib o kayamanan."

Umiling si Zhao Feng na tila hindi niya na alam ang gagawin.

Ang Capital ay isang lugar na talagang pupuntahan niya. Bukod pa roon, pinagpala na rin siya ng Water Moon Treasury. Subalit, ang swerte ng isang tao ay hindi palaging maganda sa lahat ng pagkakataon.

"Isang pusag marunong magkalkula ng hinaharap. Nakakatuwa naman. Ang Six Warlock Divine Tower ay mayroon ring isang misteryosong, maalam at matalinong tao na kayang malaman ang hinaharap. Sa parehong pagkakataon, mayroon ring pusa ang taong iyon."

Wika ni Heiyun Master.

"Oh? Six Warlock Divine Tower?"

Naging interesadong bigla si Zhao Feng.

Matalinong tao? Kakaibang pusa?

Miao miao!

Nang marinig ito, kumislot ang mga mata ng pusang magnanakaw.

Napangisi si Zhao Feng, "Pusang magnanakaw, hindi kaya kauri mo sila, hindi ba?"

Miao miao!

Galit na iwinagayway ng pusa ang pangalmot nito, tila ba sinasabi niya na nag-iisa lang siya sa buong mundo.

Tumawa si Heiyun Master.

Ang pagpapakita ng pusa sa kanilang mahirap na lakbayin ay nakapagdulot ng saya.

Huminto na si Zhao Feng sa pagcucultivate. Ang kanyang Qi ng Half Step True Spirit ay nakaabot na ng 60% at kaya niya nang makaabot sa True Spirit Realm kung sakali.

Sa totoo lang, ang kahit sinong nasa Half-Step True Spirit Realm ay may abilidad na makatuntong ng True Spirit Realm pero ang tsansa ng pagkapanalo ay napakaliit.

Ang Shredding Spiritual Pill ay nakapagpapataas lamang ng tsansa ng isang tao ng halos 20%. Kapag mas mataas ang conversion rate ng Qi ng mga nasa Half-Step True Spirit Realm, mas mataaas ang kanilang tsansang manalo.

Kung conversion rate ng Qi ng isang nasa Half-Step True Spirit ay nasa 90%, mayroon silang 50% tsansa na makaabot ng True Spirit Realm.

Subalit, habang tumataas ang conversion rate, mas lalong bumabagal ang iyong paglago. Ito ay totoong-totoo lalo na kapag lagpas na ng 50% ang conversion rate mo.

Ang matatalim na pakpak ng kulay asul na golondrina ay pumagaspas at malapit nang makarating sa Capital.

Hindi nagtagal, kahit ang mga normal na eksperto ay makikita ang ganda ng Capital at makikitang dumarami na rin ang mga kabayong nasa ere.

Mayroon ring okasyonal na mga karwahe ang nakakakuha ng atensyon habang nasa himpapawid ito.

"Ang lugar na ito ay karapat-dapat ngang tawagin na Capital."

Hindi huminto ang mga yapak ni Zhao Feng.

Simula nang dumating siya sa Canopy Great Country, mayroong pungos sa kanyang puso, at ito ay ang tapusin ang misyong ibinigay sa kanya ng First Elder.

At ngayon, ang kanyang sadya ay palapit na nang palapit – nasa harap niya na mismo.

Shua!

Isang karwahe na hila ng dalawang Flying Cloud Horses ang biglang nagpakita sa kanilang harap at nagtungo sa direksyon nila Zhao Feng.

Agad na sinenyasan ni Heiyun Master si Zhao Feng na gumala muna.

Kadalasan, ang mga taong nasa mga ganitong karwahe ay hindi mga simpleng tao kundi mga eksperto sa True Spirit Realm, at nasa True Mystic Rank na.

Nang papalikuin na sana ni Zhao Feng ang kanyang sinasakyang golondrina, isang boses ang maririnig mula sa karwahe, "Zhao Feng, ayon sa Iron Blood Religion's News, binigyan ka patong sa ulo ng Flooding Lake City Lord na makita ang sa ilang mga bahagi ng Capital. Nagkaroon pa nga ng kasunduan ang Flooding Lake Liu Famly sa mga Imperials."

Umangat ang bintana ng karwahe at masisilayan mo rito ang isang matandang nakasuot ng roba at may mga kulubot sa mukha.

"Isang pagbati, Protector."

Agad na nakilala ni Heiyun Master ang taong ito at agad ring yumuko.

Sobrang nagulat si Zhao Feng – hindi niya akalain na may koneksyon rin si Heiyun Master sa Iron Blood Religion.

Ang matandang nakaroba na nasa harap nila ay nakaabot na ng True Mystic Rank ay hindi magagapi ng kahit sino sa Thirteen Countries.

"Maraming salamat ho sa babala, Protector."

Agad na ipinakita ni Zhao Feng ang kanyang pasasalamat.

Para balaan siya, nagpadala ang Iron Blood Religion ng isang taong may titulong Protector. Mula rito, makikita natin ang kanyang halaga.

"Zhao Feng, binabalaan ka ng Deputy Patriarch na huwag kang magtungo sa Capital."

Malalim na tinignan ng elder si Zhao Feng.

Pa!

Nang sabihin ito, nagsara ang bintana at isang karwahe ang lumipad agad sa mga ulap na may bilis na maikukumpara sa mga ekspertong nasa True Human Rank.

Ang palitan ng salita sa kanila ay nagtagal lamang ng dalawa hanggang tatlong hininga at kung nakinig man si Zhao Feng o hindi, basta naiparating na ng Iron Blood Religion ang kanilang mensahe.

Naiintindihan ni Zhao Feng ang mga intensyon ng Iron Blood Religion. Ang Iron Blood Religion at ang mga Imperials ay nasa magkabilang panig at kung matatali si Zhao Feng ng Empress Qin, maaari siyang maging kalaban ng Iron Blood Religion.

Ang pagkaantala na ito ay lumipas rin.

Hindi pa rin nagbago ang desisyon ni Zhao Feng. Si Empress Qin ay isang tao na kailangan niyang makita.

Isang oras ang makalipas.

Nakikita niya na ang Capital at nasilayan na rin ang isang malaking antigong siyudad na may makalumang aura.

Itinabi na ni Zhao Feng ang kanyang kulay asul na golondrina at pumasok na sa Canopy Great Country.

Sa entrada nito, nakita ni Zhao Feng ang mga larawan niya – isang kabataan na may kulay asul na buhok at may kasamang kulay abong pusa.

Ang buhok at ang kaliwang mata ng kabataan ay talagang nakakaakit ng atensyon.

Nagtago ang munting pusang magnanakaw sa Spiritual Pet Bag nang mabigat sa kalooban nito.

Ang kasalukuyang itsura ni Zhao Feng ay kulay asul ang buhok at sinadya niya ring tanggalin ang kanyang panakip sa mata.

Pinadaloy niya ang kanyang bloodline power sa kanyang katawan at isang malabong kulay asul na dugo ang pumasok sa dimensyon ng kanyang kaliwang mata.

Ang pagkontrol ni Zhao Feng sa kanyang God's Spiritual Eye ay lalong bumuti at sa isang isip niya lang ay naging kulay itim agad ang kanyang mata.

Sa pamamagitan ng kaunting pakulo, naging isang malamig na kabataang may kulay asul na buhok si Zhao Feng.

Nang pumasok siya sa Capital, tinignan nila si Zhao Feng at saka tumingin rin sa mga larawan at umiling.

Ang kabataang nasa larawan ay may asul na buhok at ang kanyang kaliwang mata ay kulay asul rin – maliban lang kung may suot siyang panakip sa mata.

Hindi naabot ni Zhao Feng ang mga bagay na ito.

Pagkatapos maging kulay asul ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng, nagbago rin ang kanyang aura.

Gaya ng nabanggit, pumasok si Zhao Feng nang malaya sa Capital.

"Hindi pa rin talaga sumuko ang Flooding Lake City Lord at binibigyan niya pa ako ng patong sa ulo sa mga Imperials ng Capital. Paano niya kaya nalaman na pupunta ako rito?"

Puno ng taimtim ang puso ni Zhao Feng.

Pagkatapos pumasok ng Capital, hindi gumawa ng kahit anong patumpik-tumpik na aksyon si Zhao Feng.

Si Empress Qin ay napakamakapangyarihan at kahit ang mga normal na eksperto sa True Spirit Realm ay nahihirapang hanapin siya.

Kailangan niya munang mgaplano.

Huminto muna sina Zhao Feng at Heiyun Master sa Capital at sinundan ang suhestiyon ni Heiyun Master na ibenta muna ang ilan nilang mga walang kwentang aytem. Kahit kumuha pa ng limang porsyento ang auctioneer rito, mababawasan naman ang aalahanin ni Zhao Feng.

Maraming maimpluwensyang mga auctioneers sa Capital at isa sa pinakakilala ay ang sobrang misteryosong Rising Dragon Auction. Sa ngayon, ang kanilang pangalan ay namamayagpag sa buong kontinente.

"Huwag kang mag-alala. Ang Rising Dragon Auction ay walang koneksyon sa mga Imperials o sa Four Families. Bukod pa roon, ang kanilang headquarters ay nasa gitna ng kontinente o middle continent."

Wika ni Heiyun Master.

"Mabuti iyan."

Hinayaan na ni Zhao Feng si Heiyun Master na asikasuhin ang lahat. Wala nama siyang interes sa mga auction.

May iilang mga koneksyon si Heiyun Master sa Capital at nakahanap siya ng ilang pagpipilian para kay Zhao Feng.

"Ang Rising Dragon Auction ay nangyayari lamang isang beses sa isang buwa at ang susunod ay sa tatlong araw na. Gusto mo bang pumunta? Marami roong mga Spiritual Grade Items kasama na ang Scarlet Moon Incomplete Maps, Heaven's Legacy Scripts na napakatataas ng halaga. Kahit ang mga nakatataas ng Imperials ay mapaparoon–"

Ang boses ni Heiyun Master ay puno ng galak.

"Hindi ako interesado….. Teka, Scarlet Moon Incomplete Maps? Heaven's Legacy scripts? Mga nakatataas ng Imperials?"

Mukhang magbabago na ang isip ni Zhao Feng.

Mayroon siyang isa ng mga Scarlet Moon Incomplete Maps mula sa Scarlet Moon Cave, isang bagay na nakuha niya sa Blood Corpse Protector. Para naman sa Heaven's Legacy Script, nakakuha siya nito sa mula sa isang Water Moon Pirate.

"Hehe, sigurado akong may mga iilang mahahalagang tao ang paparoon. Imperial, Three Sects, Four Families. Ang bawat isa sa kanila ay magpapadala ng tao at maaaring naroroon rin si Empress Qin. Umaasa akong makakuha ng mga ancient scripts ngayon. En, ilan sa mga Four Inheritances na aytems ay mabuti para sa isang pananaliksik…."

Lalong naging maligalig si Heiyun Master habang nagsasalita.

Ang Rising Dragon Auction ay isang napakalaking ganap talaga at isa rin sa mga pinakasikat sa loob ng ilang daang taon.

Miao miao!

Nang marinig ito, agad na tumalon palabas ng Spiritual Pet Bag ang munting pusang magnanakaw. Isa itong balasubas kung kaya nanaisin talaga nito ang mga auction.

"Bumalik ka sa loob."

Agad siyang kinuha ni Zhao Feng at agad ring ibinalik sa loob ng Spiritual Pet Bag.

Pagkatapos ng lahat, si Zhao Feng pa naman at ang kanyang pusa ay may patong ang ulo at nasa mga larawan.

Kani-kanina lamang ay may nakita si Zhao Feng na isang kabatan na kinuha ng mga otoridad dahil may pusa ito.

"Pumunta kaya tayo?"

Nakapagpasya na rin si Zhao Feng.

Ang auction na ito ang magtitipon ng mga pwersa ng Canopy Great Country at maaari niya pang makita si Empress Qin. Mayroon ring mga Heaven Legacy Scripts at Scarlet Moon Incomplete Maps na mga antigong bagay na interesado si Zhao Feng na makuha.

Ang auction ay magaganap sa tatlong araw, kung kaya, kailangang maghanda ni Zhao Feng.

Sa madaling salita, kailangan ni Zhao Feng na kumuha ng pilak o 'silver'.

Para kapag nakakita siya ng mga magagandang aytems, agad niya itong mabibili.

Kahit ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay hindi nagliliyab at kumikinang na parang ginto, puno pa rin ito ng kaalaman at dunong.

Sa mga sumunod na dalawang araw, ibinenta ni Zhao Feng ang napakaraming bilang ng kanyang mga materyales, pills, at mga sandatang hindi niya gagamitin habang iniwan niya naman ang iilan na magagamit niya sa hinaharap.

Pagkatapos niyang linisin ang mga ito, punong-puno ng Primal Crystal Stones ang kanyang Interspatial Bracelet. May dala rin siyang dalawa pang interspatial rings na ang pwedeng paglagyan sa loob ay kasinglaki ng isang garahe.

Sa pagkakataong iyon, napakayaman ni Zhao Feng at nagbigay pa siya ng ilang mga aytems mula sa Water Moon Pirate para ibenta ng Rising Dragon Auction.

Ang headquarters ng Rising Dragon Auctioneer ay nasa mdidle continent at isa silang walang kinikilingan na pwersa na hindi ipinapakilala ang pagkakakilanlan ng nagbebenta.

Kung ganoon, isa itong napakagandang lugar para ibenta ang mga aytems.