Ang ikatlong palapag ng Purple Bronze Coffin.
Ang kabataang may asul na buhok ay naupo sa tatlong coloured petal shaped lotus at suot ang Heaven Luo Mystic Armor. Sobrang kisig ng kanyang itsura at ang kanyang asul na mata ay naging dahilan upang mag mukha siyang malamig.
Sa sandaling ito.
Ang malabong aura ng half step True Spirit Realm ay nagsimulang manggaling kay Zhao Feng.
Ang tanging kaibahan ng 7th Sky at half Step True Spirit Realm ay mayroong Qi ng half step True Spirit.
Maging ang kaunting True Force na mula sa Qi of half step True Spirit, ito ay nangangahulugan pa rin na umabot ito sa panibagong estado.
Ang pagkakaroon ng Three Flower Treasured Lotus ay nangangahulugan na si Zhao Feng ay may kakayahan na gamitin ang Hundred Flower Saint Liquid sa hangganan nito.
Ang mata ni Heiyun Master ay puno ng paghanga at kaguluhan.
Gamit ang pagkakataong ito, si Zhao Feng ay humakbang sa hakbang na maraming hindi makagagawa sa isang dosenang taon at ito ay hindi lamang base sa swerte.
Mula sa panga ng tatlong Spirit Realm experts, nakuha ni Zhao Feng ang lahat ng kayamanan ni Heiyun Master sa ikatlong palapag. Masasabing tila nagnakaw siya ng pakain sa isang tigre.
"Ang Three Flower Treasured Lotus ay talagang mahusay na bagay. Ang lebel ng aking mental energy ay mataas na at gamit ito ay mas lalo pa itong tumaas."
Dahan-dahang binuksan ni Zhao Feng ang kanyang mga mata.
Ang Qi of half step True Spirit ay nagpatuloy na sumanib sa kanyang katawan.
Ang lebel ng mental energy ni Zhao Feng ay maikukumpara na sa True Spirit Realm at makakakuha na ng Heaven Earth Yuan Qi. Gamit ang Three Flower Treasured Lotus, tila nagdadag ito ng pakpak sa tigre.
Pinanood ni Heiyun Master ang pagtaas ng cultivation ni Zhao Feng. Ang mas ikinagulat niya ay ang kontrol ni Zhao Feng sa kanyang Qi of half step True Spirit ay masyadong payapa at walang kamalian.
Ang madalas na sinag sa mga mata ni Zhao Feng ay nagdagdag sa presyur gaya ng ibang nasa half step True Spirit Realm cultivator na nakita ni Heiyun Master.
Nakikita niya na ginagawa ni Zhao Feng ang lahat upang maitago nito ang kanyang aura.
Matapos ang kalahating araw.
Umabot na sa sampung porsyento ang Qi of half step True Spirit ni Zhao Feng. Ang kasindak-sindak na bilis na iyon ay naging dahilan upang magtaka si Heiyun Master.
"Kung mayroon kang bloodline power ngunit hindi sapat ang lakas nito para sa spiritual sense, hindi posibleng mag refine ang Three Flower Treasured Lotus. Kahit na mayroon akong Three Flower Treasured Lotus at Hundred Flower Aain Liquid, ang conversation rate ng Qi of half step True Spirit ay hindi ganoon kabilis. Hindi kaya mayroon kang Heaven Spiritual Body?"
Huminga nang malalim si Heiyun Master at ipinagpatuloy angbaknyang paghihinala.
Ang Heaven Spiritual Body ay isa sa pinaka talentadong uri ng katawan at mga ganoong katawan lamang ang may kakayahan na mag cultivate ng mabilis.
"Kung mayroon akong Heaven Spiritual Body, malamang ay wala na ako sa Ascended Realm."
Umiling si Zhao Feng at ngumiti.
Kung ipagliliban ang Heaven Spiritual Body, maging ang mga High tier Earth Spiritual Body ay may tsans na umabot sa True Spirit Realm bago umabot sa edad na dalawampu.
Hindi niya na pinaliwanag at ang kanyang lebel sa mental energy ay malaki ang tinaas, na naging dahilan upang mas magung aktibo si Heaven Earth Yuan Qi.
Ang mental energy ni Heiyun Master ay nalagpasan na, "Ang iyong mental energy level ay maikukumpara na sa mga nasa True Human Rank!"
"Walang duda na mabilis mong irefine ang Three Flower Treasured Lotus at ilipat sayo ang Qi of half step True Spirit nang mabilis."
Mas naintindihan na ni Heiyun Master.
Kung ang lebel ng mental energy ng isang tao ay lumagpas sa kanilang cultivation, ang kanilang cultivation ay hindi basta-basta masusukat.
Ito ay tila pag-ulit ng True Spirit Realm expert sa kanyang cultivation mula sa simula. Sila ay mag cucultivte sa bilis ng ilang libong milya.
"Halos lima hanggang anim na araw na. Hindi pa ba nakakrating ang ibang grupo?"
Inib ni Zhao Feng ang usapan kasabay ng kanyang paglipat ng tingin sa tatlong pintuan.
Ayon sa kalkulasyon ng Heiyun master, ang mga taong ito ay kailangan ng lima hnggang sampung araw upang makarating dito.
Ito ay maganda para kay Zhao Feng dahil nabibigyan siya ng pagkakataon na maghanda at cultivate.
Gulu~~
Ang munting magnanakaw na kuting ay gumulong mula sa balikat ni Zhao Feng sa pagtulog nito. Ang maliit na tiyan nito ay lumitaw.
"Ang pusang ito ay masyadong maraming kinakain."
Bumuntong-hininga si Zhao Feng at nilgay ng munting magnanakaw na kuting sa Spiritual Pet Bag.
Tinitigan nu Heiyun Master ang munting magnanakaw na kuting at bumilis ang tibok ng kanyang puso. Marami itong nakain. Ang dami ng spiritual pills na nakain nito ay maaring magpasabog sa ilang cultivator mula sa True Spirit Realm ngunit ang ginawa lamang ng munting magnanakaw na kuting ay natulog.
Nakikita sa God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang spiritual pill sa tiyan ng munting magnanakaw na kuting at mabilis itong nasasanib ngunit ang kakaiba dito ay hindi lumalaki ang munting magnanakaw na kuting.
Alam ni Zhao Feng kung gaano kalakas ang munting magnanakaw na kuting ngunit walang magiging problema dito kung makipag laro siya sa ilang half step True Spirit Rwalm experts.
Mukhang ang munting magnanakaw na kuting ay hindi magigising sa matagal na panahon.
Ang katawan nito ay malalim ang tulog at dumadananas ito ng ilang pagbabago kagaya nang nangyari kay Zhao Feng sa ilog.
"Oh yeah! Little brother, ano ang hiniling ng Water Moon Pirate sa iyo?"
Hindi mapigilan ng Heiyun Master na magtanong
Matapos ang lahat, ang Water Moon Pirate ay isa sa legendary figure ng Canopy Great Country.
Ano ang hihilingin nito?
Ang kahilingan ay tungkol sa Three Flower Treasured Lotus, at matapos irefine ang Three Flower Treasured Lotus, alam niya na ang sagot.
"Ang kahilingan ay tungkol kay Emress Qin…"
Tumigil si Zhao Feng tila ayaw niya ipagpatuloy ang kanyang sasabihin
Maya-maya
Ang sulat mula Unang Elder at kahilingan ng Water Moon pirate ay kailangan niyang hanapin sj Empress Qin.
Anong klaseng tao si Empress Qin?
Punonng ekspektasyon ang puso ni Zhao Feng pangamba ngunit kahit anong mangyari, ito ay misyon niya.
Habang nag cucultivate si Zhao Feng, ang tatlong grupo ay sinosolusyunan ang mga daanan.
Ang siyam na silis sa West side.
"Ang huling silis. Isang hakbang na lamang at aabot na tayo sa ikatlong palapag."
Ang mukha ng Fan Flying Bandit ay puno ng kasabikan.
"Senior martial brother, isang hakbang pa at mababawi n natin ang lahat."
Ang magandang babae na nakasuot ng flower dress ay puno ng pag-asa.
Ang galit nila kay Zhao Feng ay umabot na sa katakot-takot na lebel at kahit maging handa si Zhao Feng na isauli ang lahat ng bagay, pahihirapan pa rin nila ito hanggang kamatayan.
Kasabay nito.
Sila Master Bi at Ang grupo ng Severed Blood Bald Eagles ay nasa kanilang ikasiyam na silid, ginagawa ang lahat upang masolusyunan ang mekanismo.
"Kahit na makuha ng batang iyon ang mga kayamanan, hidni p rin siya makakatakas."
Saad azure robed daoist na nasa ika siyam na silid na malapit ng masolusyunan.
Ang ikasiyam na silid sa South.
"Master Bi, pagtapos nating pumasok, pwede bang hindi nating phirapan si Zhao Feng?"
Pakikiusap ni Bi Qiaoyu.
"Qiaoyu, masyado kang simpleng mag-isip. Kahit na hindi tayo ang maging magkalaban niya, pakakawalan ba siya ng Fan Flying Bandit? Hahayaan lang ba siya ng sakim na Severed Blood Bald Eagle?"
Umiling si Master Bi nang sabihin ito.
Nagsilim ang ekspresyon ni Bi Qiaoyu nang marinig ito.
Tama iyon, ang malakas n pwersa ngayon ay ang Fan Flying Bandit.
Kung sina Master Bi at Severe Blood Bald Eagle ay hindi makikisama, malamang ay patay na sila ngayon.
"Sa kasamaang palad, ang batang prodigy na kagaya niya…"
May pagsisisi sa boses ni Master Bi ng sabihin ito.
Nagsisimula na siyang pagsisihan na hindi niya ginamit ng maayos si Zhao Feng, kung hindi siya sana ang kumokontrol sa sitwasyon.
Ngunit sa sitwasyon na ito… kailangan mamatay ni Zhao Feng.
Ang bilis ng bawat grupo ay umabot na sa kanilang hangganan ngunit ang pinaka mabilis ay ang Severed Blood Bald Eagle.
Ang azure robed daoist ay isang grave robber at may karanasan na sa mga mekanismo. Ang pakikipag tulungan sa Severed Blood Bald Eagle ay nagbigay sa kanya ng kabilisan.
Creek!
Ang pintuan sa Hilaga ay nagbukas at ang Severed Bald Blood Eagle, azure robed daoist at ibang half step True Spirit realm ay naglakas sa ikatlong palapag.
"Zhao Feng!"
Ang tatlong tao ay nakulong sa gitna.
Ang kabataang may asul na buhok na may suot ng asul at puting Heaven Luo Mystic Armor ay naupo sa taas ng Three Flower Treasured Lotus.
Maliban sa kanya ay ang maliit na elder na nakaupo sa tabi ni Zhao Feng.
Sa pagtingin sa walang laman na kabaong kristal at ang nag iisang bangkay, ang ekspresyon ng Severed Blood Bald Eagle at ng mga kasamahan nito ay nagbago.
"Three Flower Treasured Lotus, Mystic Flower Treasured Bible. Kinuha ng hayop na ito ang lahat!"
Ang Severed Blood Bald Eagle at ang azure robed daoist ay ipinakita ang kanilang kasakiman na ekspresyon at gulat bago ito mapalitan ng kasabikan at galak.
Bilis!
Patayin siya at kunin ang mga kagamitan!
Ang tatlo ay nagtungo kay Zhao Feng.
Alam nila ang lakas ni Zhao Feng. Mas malakas siya sa normal half step True Spirit Realm experts at ngayon na mayroon silang True Spirit Realm at suporta sa dalawang half step True Spirit Realms, madali lamang sa kanila na patayin ito.
Sou-- Sou-- Sou-
Ang Severes Blood Bald Eagle ay lumipad patungo kay Zhao Feng at nagpakawala ng kritikal na atake.
Ang aura mula sa True Spirit Realm sa sandaling iyon ay naging dahilan upang hindi makahinga ang Heiyun Master.
Naupo si Zhao Feng sa Three Flower Treasured Lotus na may mapang asar na ekspresyon.
Weng~~
Ang Three Flower Treasured Lotus ay nagdagdag ng asul, lila at pulang mga petals at bumuo ng tatlong kulay na ilaw na prumotekta kay Zhao Feng at Heiyun Master.
Booooom-----
Ang mapinsalang mga atake ay nagtungo sa Three Flower Treasured Lotus. Gayunpaman, kasing tatag ito ng Mt. Tai.
Naupo si Zhao Feng sa lotus at hindi man lamang siya nagalaw. Ang suot niyang Heaven Luo Mystic Armor ay bahagyang nasira.
Paano iyon nangyari??
Ang Severed Blood Bald Eagle at ang mga kasamahan nuti ay halis lumuwa ang mata.
Ang mga atake ng tatlo ay makakapinsala o makapapatay ng isang True Spirit Eealm expert ngunit ang kabataan ay nakaupo sa Three Flower Treasured Lotus na walang galos.
"Ang Three Flower Treasured Lotus ay karapat-dapat na maging mahalagang bagy sa Wicked path. Noon, ang Water Moon Pirate ay nakaasa dito upang makatakas mula sa mga True Lord Rank experts."
Masayang bumuntong-hininga si Heiyun Master.
Kailangan niyang aminin na minaliit niya ang kakayahan ng Three Flower Treasured Lotus. Ang dahilan kung bakit ito nilagay sa ikatlong palapag ay sa halaga nito.
"Paano mo nagamit ang Three Flower Treasured Lotus!?"
Sumigaw ang azure robed daoist sa pagkainis.
Ang tatlo ay nagsanib-sanib ng atake ngunit hindi nila nagawang sirain ang depensa.
Kung nasa labas sila, ang Three Flower Treasured Lotus ay nilipad na ngayon.
"Bwisit na 'yan… bigla akong nakaramdam ng pagod… gusto ko ng matulog…"
Ang mata ng pirata mula sa half step True Spirit Realm ay pumipikit.
Maging ang azure robed daoist ay nakaramdam ng lubhang pagkapagod.
"Mas maraming atake ang ginagawa natin, mas mapapagod tayo… ito ay mula sa amoy ng Three Flower Treasured Lotus."
Ang ekspresyon ng tatlo ay nagbago at agad na tumigil.
Ang Three Flower Treasured Lotus ay isang banal na gamit mula sa Wicked Path na maaring maglabas ng amoy maliban sa kakayahan nitong lumipad at dumepensa.
Ang amoy na ito ay isang bagay na maging ang mga nasa True Spirit Realm ay hindi mapipigilan.