Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 292 - Pagbaligtad ng Sitwasyon

Chapter 292 - Pagbaligtad ng Sitwasyon

Sa pagkakuha ng Water Moon God Peach Fan, nalagpasa na ng Fan Flying Bandit ang dalawang mga ekspertong nasa True Spirit Realm at halos ang lahat ng mga gamit dito ay nakuha ng Fan Flying Bandit at ng mga kasamahan nito.

Ito ay base sa katotohanan na ang Water Moon God Peach Fan ay kailangan pang i-refine. Kung hindi, talagang mapipinsala o mapatay ba ng Fan Flying Bandit ang dalawa.

"Sina Master Bi at si Severed Blood Bald Eagle ay hindi na masiyadong makakapagpigil."

Naisip ni Zhao Feng. Tumayo siya malapit sa pinto ng Silangang bahagi at hindi siya kumilos.

"Zhao Feng, halika rito at tumulong ka!"

Sumigaw si Master Bi nang makita niya si Zhao Feng.

"Batang may asul na buhok. Kung mamamatay kami, hindi ka rin makakalis."

Isang malamig na ilaw ang nagliwanag sa mga mata ng Severed Blood Bald Eagle.

Tunay ngang si Zhao Feng ang pinakamalakas sa lahat ng nasa ilalim ng True Spirit Realm at nalagpasan na niya ang tatlong mga ekspertong nasa half-step True Spirit Realm sa unang palapag.

Kung tutulong si Zhao Feng, maaari na siyang maikumpara sa isa pang True Spirit Realm at kahit hindi sila mananalo, mababawasan nila ang kanilang pagkakaba.

Nakatayo ng parang isang kahoy na patpat si Zhao Feng ng walang kahit anong senyales ng pagkilos.

"Hahaha… Batang may asul na buhok, wala akong pake kung tutulungan mo sila o hindi. Papatayain pa rin kita."

Bahagyang tumawa ang batang may suot na brocade habang nakatitig siya kay Zhao Feng gamit ang labis na nanlalamig na kaniyang mga matang puno rin ng paglalayong pumatay.

Kinamuhian na niya si Zhao Feng dahil sa insidente sa naunang palapag. Kung hindi dahil kay Zhao Feng, makukuha niya sana ang Hundred Flower Sack na magbibigay sa kaniyang ng abilidad na mapatay ang lahat ng taong naroroon.

Labis na mapaniil ang Fan Flying Bandit.

Nagsalubong ang mga kilay ni Zhao Feng.

Hindi mahalaga kung tutulong si Zhao Feng o hindi- hindi pa rin naman siya pakakawalan ng kalaban kahit ano ang mangyari.

Mula rito, maaaring makita kung gaano kalakas ang loob ng Fan Flying Bandit, dahil mayroon siyang Water Moon God Peach Fan upang sugpuin ang lahat ng taong nandoon.

"Hmph, hindi na makakatagal ang dalawang lalaking ito at labis ko silang parurusahan mamaya. Pagtapos noon, gugugol ako ng ilang oras sa pagrefine ng pamaypay, at sa oras na iyon, ang pagpatay sa mga taong ito ay kasingdali ng pagtapik ko sa aking kamay."

Nakikita na ng batang may suot na brocade ang tagumpay.

Ang kaniyang lakas ay nakaabot na sa tugatog sa lugar na ito – ano pa ang katatakutan niya?

Sa pagkarinig ng mga salita ng Fan Flying Bandit, sina Master bi at ang Bald Eagle ay labis na nagalak.

"Zhao Feng, hindi ka rin naman pala pakakawalan ng Fan Flying Bandit kahit ano ang mangyari."

"Tara na rito at tulungan mo kami!"

Nasa gipit na sitwasyon sina Master Bi at si Bald Eagle.

Kahit si Bi Qiaoyu na siyang nasa isang sulok ay hindi mapigilang magmakaawa, "Brother Zhao, pakiusap tulungan mo na kami. Kung mananalo ang bandidong ito, magpapakalat siya ng kasamaan sa mundo. Kailangan mo siyang pigilan."

"En."

Matamlay na tumango si Zhao Feng at winagayway ang kaniyang kamay.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay mayroong hawak na isang dark silver snake whip at siya ay lumukso sa ere.

Tumingin si Zhao Feng ng mayroong pag-iintindi habang sumali sa magulong labanan ang munting pusang magnanakaw gamit ang 'Mystic Snake Blood Whip' nito.

Napakaliksi ng munting pusang magnanakaw at mayroong itong kapangyarihan ng invisibility.

Sa ilang pagkislap lamang, nakapasok na ito sa labanan sa ibaba.

"Five Elemental Piercing Crystal!"

Ang daoist na mayroong asul na kapa, ang magandang may suot na bulaklaking damit, at ang Head ng pamilya Bi ay naglalaban-laban para sa isang kristal na mayroong limang kulay.

Ang Five Elemental Piercing Crystal ay isang pambihirang materyal na maaaring maisanib sa kahit anong sandata upang mapalago ang kalidad nito.

Ang isang piraso ng Five Elemental Piercing Crystal ay kayang pataasin ang Low tier Spiritual grade ng kalahating grade at kung ito ay gagamitin kasabay ng ilan pang materyales, maaari pa itong makaabot sa Mid tier Spiritual grade.

Subalit, kung isa itong Peak tier Mortal grade weapon gaya ng Luohou Bow ni Zhao Feng, maaari agad itong makaabot sa Spiritual grade.

Ang halaga ng materyal na ito ay mas mataas pa kaysa sa mga normal na Spiritual grade weapons.

Shua!

Isang latigong hugis ahas ang biglang lumabas at dinakma ang Five Elemental Piercing Crystal.

"P*tanginang pusa! Sinasalubong mo ang kamatayan!!"

"Ibaba mo ang kristal!"

Nagngangalit na sumigaw ang magandang babae at ang daoist na mayroong asul na kapa subalit biglang nagliwanag ang kanilang mga mata.

Ang munting pusang magnanakaw ay hindi lamang hawak ang Five Elemental Piercing Crystal, mayroon din itong Mystic Snake Blood Whip.

"Kung mapapatay natin ang pusang ito, makukuha natin parehas ang Mystic Snake Blood Whip at ang Five Elemental Piercing Crystal."

"Ang halaga ng pinagsamang dalawang gamit na ito ay maikukumpara sa Hundred Flower Sack."

Ang tatlong ekspertong nasa half step True Spirit Realm ay tumalon patungo sa munting pusang magnanakaw.

Tinanggap na nila na hindi sila ang katapat ni Zhao Feng subalit kung ang alaga lamang naman niyang pusa ang aasikasuhin nila malamang magiging madali ito.

Shua Shua!

Binukas ng munting pusang magnanakaw ang kaniyang bibig at mapang-insultong tumawa bago tuluyang naglaho.

Sa tuwing ito ay naglalaho, kahit ang mga nasa True Spirit Realm ay hindi ito basta-bastang natatagpuan.

Nagdulot ito upang malaglag ang ekspresyon ng Fan Flying Bandit dahil wala siyang pagbubuntuan ng kaniyang galit.

Ang tao at ang pusa ay nakakuha ng hindi mabilang-bilang na mga kayamanan at kaya naman dapat silang patayin ng sampung libong beses.

Nagdesisyon ang batang naka-brocade na patayin ang pusang magnakakaw kung magkakaroon siya ng pagkakataon.

Kung tutuusin, ang pinagsama-samang halaga ng Mystic Snake Blood Whip at ng Five Elemental Piercing Crystal ay malapit na sa Water Moon God Peach Fan na nasa kaniyang kamay at isa itong bagay na kaya magpapula ng mga mata kahit ng mga taong nasa True Spirit Realm.

Beng~~ Sou- Sou-

Tumira ng isang pana si Zhao Feng patungo sa Fan Flying Bandit mula sa malayo gamit ang kaniyang Luohou Bow.

Ang lahat ng kaniyang atake ay nagagamit lamang upang pabagalin ang Fan Flying Bandit at hindi ito nagdulot ng totoong pinsala.

Sa pagkakita na ang atensyon ng mga taong naroroon ay nasa munting pusang magnanakaw, maingat na sumulyap si Zhao Feng kay Heiyun Master na siyang nasa isang sulok.

Kahit nakarating na si Heiyun Master sa half step True Spirit Realm, 10-20% lamang ng kaniyang True Force ang nasalin sa Qi ng True Spirit at hindi siya magaling sa pakikipaglaban.

Kaya naman, kumilos siya kagaya ni Bi Qiaoyu – nagtatago sa pinakamalayong lugar na makikita nila.

"Master, nabalitaan ko ang tungkol sa iyong mechanims skills matagal na panahon na at mayroon akong isang script na nagmula pa sa Heaven's Legacy Inheritance."

Hindi gumalaw ang mga labi ni Zhao Feng at walang True Force ang nagamit subalit ang kaniyang boses ay maririnig sa isip ni Heiyun Master.

Matapos mapalago ng God's Spiritual Eye, maaari nang makapagpadala ng boses si Zhao Feng sa pamamagitan ng mental energy.

Heaven's Legacy Inheritance?

Huminto si Heiyun Master.

Sa lahat ng four great inheritances, ang Heaven's Legacy Inheritance ang ranked first at ito ang pinakamatanda at ang pinakamisteryoso.

Mayroong maliit na bilang ng scripts na nagmula sa Heaven's Legacy Inheritance at lahat sila ay lagpas na sa mga abilidad ng kasalukuyang sibilisasyon.

"P*tanginang pusa! Sinusundo mo na si kamatayan!"

Umalulong ang Fan Flying Bandit habang winawagayway niya ang kaniyang Water Moon God Peach na nasa kaniyang mga kamay at nagpadala ng mga malalamig na alon patungo sa munting pusang magnanakaw.

Boom!

Napaatras si Master Bi ng pamaypay na iyon at isang alon ng aura ng kamatayan ang humawi patungo sa munting pusang magnanakaw.

Miao miao!

Ngumiti ang munting pusang magnanakaw at naglaho.

Labis itong nakakaramdam ng kapahamakan at kumilos na agad ito para makaiwas bago pa man umatake ang Fan Flying Bandit.

"Saan nagpunta ang p*tanginang pusa na iyon?"

Nawala ng lahat ang bakas ng anyo ng munting pusang magnanakaw.

Pinakalat ng Fan Flying Bandit ang kaniyang Spiritual Sense at naghihinala siya na baka nadurog na ang laman at buto ng munting pusang magnanakaw dahil sa kaniyang pamaypay.

Miao miao!

Muling lumitaw ang munting pusang magnanakaw sa balikat ni Zhao Feng.

Pasimpleng tumayo si Zhao Feng sa tabi ni Heiyun Master kasunod ng pinto sa Silangan.

"Heiyun Master!"

Biglang napagtanto ng Fan Flying Bandit na may mali at sumigaw siya.

Sa pagkakataong ito.

Mayroong tulalang ekspresyon si Heiyun Master habang nakatayo siya sa tabi ni Zhao Feng.

Inabot ni Zhao Feng ang balikat ni Heiyun Master at ipinatong ang kaniyang palad dito at matamlay na ngumiti, "Ang taong ito ay pupunta na ngayon sa ikatlong palapag."

Matapos sabihin ito, hinatak niya si Heiyun Master patungo sa pinto sa Silangan.

Diyos ko!

Nanginig ang puso ng bawat isa at sina Master Bi at ang Bald Eagle ay natulala habang parehas nanlamig ang kanilang mga paghinga.

Walang nag-akalang dinakip ni Zhao Feng si Heiyun Master dahil ang kanilang atensyon ay lahat nasa munting pusang magnanakaw. Kahit ang Fan Flying Bandit ay nag-iisip tungkol sa Mystic Snake Blood Whip at sa Five Elemental Piercing Crystal na hawak ng munting pusang magnanakaw.

Hindi pumalag si Heiyun Master at hinayaang hatakin siya ni Zhao Feng patungo sa pinto sa Silangan ng mayroong isang tulalang ekspresyon.

"Magnanakaw, tigil!"

Nanlamig ang puso ng Fan Flying Bandit habang siya ay sumisigaw.

Ang dahilan kung bakit mabilis siyang nakakaprogreso ay dahil kay Heiyun Master.

Nangangahuluguhan ito na kung sino man ang kasama ni Heiyun Master siya ang makakarating sa lugar na patutunguhan nang pinakamabilis.

"Tigil!!!"

Naglalagblab ang puso ng Fan Flying Bandit habang pinapadaloy niya ang Qi ng True Spirit niya at sumunggab patungo kay Zhao Feng subalit ang nabanggit ay masiyado nang malapit sa pinto sa Silangan.

Shua!

Sa halos isang iglap, nakarating na sa pinto sa Silangang bahagi si Zhao Feng at inilapat ang kaniyang palad dito.

Weng~~

Umalon ang pinto at isang berdeng liwanag ang bumalot kay Zhao Feng na siyang nakaabot din kay Heiyun Master.

Bago pumasok sa loob, itinulak muna ni Zhao Feng si Heiyun Master dito.

"Manatili kayo--------!"

Nagngangalit na sumigaw ang Fan Flying Bandit at halos sumabog nasa gigil habang pinapanood niyang pumasok si Zhao Feng sa pasukan patungo sa ikatlong palapag.

Kaya lamang niyang gamitin ang lahat ng kaniyang lakas para makabuo ng isang atake.

Booom!

Isang katakot-takot na alon ang tumalsik na kayang gutay-gutayin ang mga normal na Mortal weapons.

"Ball of Lightning!"

Pinadaloy ni Zhao Feng ang kaniyang bloodline power at isang maliit na bola ng kidlat na naglalaman ng hindi mabilang-bilang na arko ng kidlat ang lumitaw sa kaniyang palad.

Ang galaw na ito ay isang mas pinong klase ng Ring of Lightning.

Baaaaaamm!

Ang makaagaw-pansin na bola ng kidlat ay sumabog at nakipagsagupaan sa alon.

Sa isang iglap na iyon, kahit ang pinto ay nanginig.

Kalahati ng katawan ni Zhao Feng ang nakalagpas na sa pinto, kaya naman sa totoo lang, kalahati lamang ng kapangyarihan ang kaniyang hinarap.

Clang!

Sumarado ang pinto at naglaho ang anyo ni Zhao Feng.

Bago sumara ang pinto, narinig pa ni Zhao Feng ang sigaw ng Fan Flying Bandit na nagdulot upang yumanig ang ikalawang palapag.

"Tagumpay!"

Pinunasan ni Zhao Feng ang dugo mula sa kaniyang bibig.

Katabi niya, nabawi na ni Heiyun Master ang kaniyang normal na ekpresyon bago mariing tiningnan si Zhao Feng, "Ang nakababatang henerasyon ngayon ay nakakagulat."

"Master, hiling ko lamang na hindi kayo manlaban at makipagtulungan kayo sa akin."

Matamlay na ngumiti si Zhao Feng.

Kalmado ang kaniyang asul na buhok at ang munting pusang magnanakaw ay nakaupo sa kaniyang balikat habang kinakalabit ang kaniyang mukha, na para bang sinasabi kung gaano ito kagaling.

Natulala si Heiyun Master.

Sa isang tingin pa lamang, nagbigay na ang batang ito ng pakiramdam na hindi siya makakapalag.

"Nakakatakot ang galaw na iyon."

May pagpupuring tumingin si Heiyun Master kay Zhao Feng subalit nagbago bigla ang kaniyang tono, "Subalit, nalason ako ng Fan Flying Bandit at mamamatay ako sa loob ng kalahating araw kung wala akong lunas."

"Sa tingin mo ba ay hindi ko nakita na nalason ka?"

Tumawa si Zhao Feng at naglabas ng kulay abong Spiritual pill.

"Ito… ang antidote, ang 'Hundred Dissolveing Pill', ginawa ng Water Moon Pirate!"

Sumigaw sa kagalakan si Heiyun Master.

Ang Hundred Dissolving Pill na ito ay isang bagay na natanggap ni Zhao Feng sa unang palapag.

Ang Silangang bahagi ay isang nakapasuwerteng lugar at si Zhao Feng lamang ang mayroong antidote na ito.

Dali-daling kinain ni Heiyun Master ang Hundred Dissolving Pill at mabilis na nabigyang-lunas ang lason sa loob niya.

"Salamat. Tutulungan kita sa abot ng aking makakaya."

Malalim na sinabi ni Heiyun Master.

"Subalit…."

Bahagyang nagdadalawang-isip si Heiyun Master, "Malakas ang loob kong ikaw ang pinakamabilis na makakapasok ng ikatlong palapag, subalit kailangan mong malaman ang lakas ng Fan Flying Bandit."

"Kalma. Simula sa oras na ito, ako na ang may kontrol sa lahat."

Ang boses ni Zhao Feng ay naglalaman ng isang kapangyarihan na mayroong abilidad upang pakalmahin ang ibang tao.