Ang tatlong mga palaso na nagawa ng isang bagyo ng yelo at nyebe ay nagdulot upang magamit ni Zhao Feng ang kaniyang bloodline power at lightning inheritance sa pinakahangganan nito. Ang ice lotus symbol na nasa Luohou Bow ay kuminang sa paraang hindi na nito nagagawa noon.
Ang silid kung saan naroroon sila ay nagsimulang yumanig at natulala ang puso ng lahat ng tao roon.
Ang tatlong mga ekspertong nasa True Spirit Realm ay lahat nagulat at nagngangalit.
Ang layunin ni Zhao Feng ay ang Hundred Flower Sack.
Kahit na isa itong kakaibang kagamitan, ang mga materyales kung saan ito gawa ay hindi mas maganda kaysa sa isang normal na Spiritual grade weapon.
Sa pagharap ng tatlong atakeng nakaabot na sa True Spirit Realm level, ang yelo at ang kidlat ay dumaloy sa mga bitak ng Hundred Flower Sack.
Shuuuuu!
Isang nakakalasong usok ang tumaas mula sa Hundred Flower Sack at hindi kalaunan ito ay nalamon na ng itim na apoy.
"Ikaw… ang lakas ng loob mo…"
Tinuro ng Fan Flying Bandit si Zhao Feng gamit ang kaniyang mga nanginginig na daliri at isang napakapangit na ekspresyon nag lumitaw sa kaniyang mukha.
Bahagyang naging kakaiba ang pakiramdam ni Zhao Feng – masiyadong nasobrahan ang kanilang mga reaksyon. Hindi ba't sako lang ito?
Crrrack!
Lumaki ang mga wasak ng Hundred Flower Sack at nagpakawala ito ng isang makulay na usok.
Hindi maganda!
Ang ekspresyon ni Master Bi at ng mga Severed Blood Pirates ay nagbago nang biglaan silang magsi-atrasan.
Ang Hundred Flower Sack ay naglalamanan ng isang daang klase ng lason, na ang ilan ay kaya pang madaling makapatay kahit ng mga taong nasa True Spirit Realm.
Sa pagkakataong ito, ang tatlo cultivators na nasa True Spirit Realm ay lahat umatras habang pinipigilan ang kanilang mga paghinga at umatras sila habang ginagamit ang Qi ng kanilang True Spirit upang selyuhan ang hangin sa paligid ng kanilang mga katawan.
Nakaramdam ng matinding aura si Zhao Feng at dali-daling inilagay ang kaniyang kamay sa pinto.
Boom!
Bumukas ang pinto at isang berdeng liwanag ang bumalot kay Zhao Feng.
"Batang may asul na buhok, ang lakas ng loob mong sirain ang Hundred Flower Sack. Gagawin kong alikabok ang lahat ng buto mo!"
Ang guwapong mukha ng Fan Flying Bandit ay bahagyang pumangit – isa itong ekspresyon ng matinding pagkamuhi.
Hundred Flower Sack? Bwisit ano ba 'yon?
Sininok si Zhao Feng. Nararamdaman niya na gusto siyang sakmalin ng Fan Flying Bandit at sipsipin ang kaniyang dugo.
Ang lason na kumawala mula sa Hundred Flower Sack ay isang bagay na kahit ang tatlong taga-True Spirit Realm ay kailangang takasan.
"Ano ang kagamitan na iyon na nagpapadala ng kasindak-sindak na aura na kahit ang mga taga-True Spirit Realm ay kinatatakutan ito?"
Hindi mangmang si Zhao Feng at kahit papaano ay kaya niyang hulaan kung ano ang nagagawa ng Hundred Flower Sack, subalit hindi niya pinagsisihan ang kaniyang mga pagkikilos.
Ang ganitong katakot-takot na kagamitan ay isang bangungot kung mapupunta ito sa mga kamay ng kaniyang kalaban.
Halatang nagngangalit ang Fan Flying Bandit. Kung nakuha niya ang Hundred Flower Sack, kaya niyang mapatay ang dalawang nasa True Spirit Realm at kuhanin ang lahat ng kayamanan ng Water Moon para sa sarili niya.
Subalit, walang nag-akala na ang isang batang nasa 7th Sky ang sisira ng kaniyang mga pangarap.
Sa kabilang banda, sina Master Bi at ang Severed Blood Bald Eagle ay bahagyang natuwa.
Sa tatlong nasa True Spirit Realm, ang Fan Flying Bandit ang pinakamalakas at pinakamabalis, kaya naman ang kaniyang pagkakataong makuha ang Hundred Flower Sack ay mas mataas kaysa sa dalawa.
Kung napunta sa mga kamay niya ang Hundred Flower Sack, maaaring mawalan pa sila ng abilidad na makatakas.
Dahil si Zhao Feng ay nangialam, ang balanse sa pagitan ng tatlo ay naging maayos.
Dahil wala na ang Hundred Flower Sack, ang Fan Flying Bandit ay wala ng 100% pagkakataon na matalo ang pinagsamang puwersa ng dalawang cultivators na nasa True Spirit Realm.
"Senior martial brother, kailangang balatan ang batang ito at kailangan siyang pahirapan sa loob ng isang daang araw kung saan siya magmamakaawang mamatay na lamang."
Ang mga mata ng magandang babaeng nakabulaklaking damit ay puno ng pagkamuhi at ang daois na nakasuot na asul na kapa ay itiniim ang kaniyang mga ngipin habang nakatitig siya sa umalis na anyo ni Zhao Feng.
Nakuha ni Zhao Feng ang dalawa sa pinakamahahalagang kagamitan kanina: Ang Hundred Flower Saint Liquid at ang Mystic Snake Blood Whip.
Sa lahat ng mga bagay doon bukod sa Hundred Flower Sack, ang dalawang ito ang mayroong pinakamalaking halaga.
Subalit, nasira ni Zhao Feng ang Hundred Flower Sack.
Kahit ngayon ang daoist na mayroong asul na kapa, ang magandang babaeng may bulaklaking pananamit at ang Head ng pamilya ng Bi ay mayroong namamanhid na mga katawan at dose-dosenang lapnos, subalit lahat sila ay nag-aalala pa rin sa lakas ni Zhao Feng.
Natalo sa lakas ng huling nabanggit ang tatlong nasa half-step True Spirit Realm at nagpakawala ng isang 'Storm of Ice and Lightning', na ang kapangyarihan ay maikukumpara sa True Spirit Realm.
Sa kabuuan, ang tatlong puwersa bukod kay Heiyun Master at kay Bi Qiaoyu, ay lahat inilagay ang kanilang galit kay Zhao Feng.
"Huwag kang mag-alala, ang batang iyon ay magpapakita pa rin sa ikalawang palapag at habang nandito ang Mechnisms Master, ang bilis natin sa pagsosolusyon sa mga mekanismo ay magiging mas mabilis kaysa sa kaniya."
Bahagyang kumalma ang ekspresyon ng Fan Flying Bandit, subalit ang kaniyang mga mata ay mas lalo pang nanlamig.
Sunod, ang tatlong puwersa ay hinati ang mga natitirang kagamitan depende sa kung gaano sila kalakas.
Sa lahat ng mga kagamitan, mayroong ilang mga Spiritual grade items at mahahalagang mga bagay. Subalit, matapos hatiin ang bungkos sa tatlo, ang halaga ng bawat panig ay hindi mas mataas kaysa kay Zhao Feng.
Matapos hatiin ang mga kagamitan, ang tatlong grupo ay pumasok na sa kani-kanilang mga pinto.
Ang Fan Flying Bandit at ang mga kasamahan nito ay lahat nasa Kanlurang pinto, kabaligtaran ng kay Zhao Feng.
Si Master Bi at ang iba ay nasa Timog samantalang ang mga pirata naman ay nasa Hilaga.
Batay sa pagsusuri ni Heiyun Master, ang pinto ni Zhao Feng ang pinakamaganda samantalang ang pinto naman sa timog ang pinakamalala.
Subalit, wala silang magagawa tungkol dito dahil napagdesisyunan na ito sa oras na inilagay ni Zhao Feng ang kaniyang kamay sa stone sign.
"Ano naman kung maganda roon? Tatalunin ko ang kalangitan at papatayin ko silang lahat."
Malaki ang ambisyon ng batang naka-brocade.
Tumango ang babaeng nakabulaklaking damit: "Sa lahat ng Water Moon Four Treasures, ang Hundred Flower Sack ang ranked 4th. Mayroon pang 'Moon God Peach Fan', ang 'Three Flower Treasured Lotus', ang holy martial art ng wicked path, ang 'Mystic Flower Treasured Bible'. Kung makukuha ni Senior martial brother ang Moon God Peach Fan, na siyang ranked 3rd, kahit na ang dalawang nasa True Spirit Realm ay hindi makakatapat sa iyo. Kung makukuha mo naman ang Three Flower Treasured Lotus, kayang labanan ni senior martial brother ng tapatan kahit mayroon pang taga-True Mystic Rank na bumaba rito."
"Ang pinakamahalagang bagay ay ang Mystic Flower Treasured Bible. Kahit na kailangan pa nating isuko ang iba pang tatlo, hindi natin puwedeng ibigay ang bagay na ito." Mariing sinabi ng Fan Flying Bandit.
"Noong makuha ni Master ang Mystic Flowered Treasure Bible, siya ay isang hakbang pa ring malayo mula sa True Lord Rank. Ang pinakamahalagang bagay ay siya ay naudyok ni Empress Qin. Ang talento ko ay hindi mas mababa kaysa sa kaniya at ako ay mas desidido kaysa sa kaniya. Kung makukuha ko ang Mystic Flower Treasured Bible, talagang kaya kong maging isang panginoon ng Wicked Path at maging ang 9th pinakamakapangyarihang puwersa sa Canopy Great Country."
Napahinga ng malalim ang batang may suot na brocade at naglagablab ang ambisyon sa kaniyang mga mata. Ang tatlo sa kanila ay pumasok na sa daan patungo sa ikalawang palapag.
Mayroon ding siyam na silid sa daan at kapag nalampasan ng isang tao ang siyam na kuwartong ito, magagawa na nilang makapasok sa ikalawang palapag.
Batay sa pagkakaayos, ang mga gantimpala mula sa ikalawang palapag ay mas maganda kaysa sa nauna.
Ang speed ni Heiyun Master ay tunay na mas mabilis kaysa sa tatlo sa kalahating oras na kakailangan upang makagawa ng tsaa, ang Fan Flying Bandit at ang iba pa ay nakapasok na sa ikalawang palapag.
Mayroon ding isang kuwarto sa ikalawang palapag, bahagyang katulad ito ng isang nauna.
Sa gitna ay mayroong isang kristal na kabaong kung saan doble ang mga gantimpala.
"Water Moon God Peach Fan!"
Ang batang may suot na brocade at ang magandang nakabulaklaking damit ay nakatitig sa isang eleganteng pamaypay at nanginig ang kanilang mga puso.
Ang Water Moon God Peach Fan ay ang pinakamakapangyarihang sandatang panlaban ng Water Moon Pirates at ito ay tinuturing na isang Inheritance type item.
"Kayang magpadala ng pamaypay na ito ng mga mental illusions at mayroon itong pitong klase ng natatagong mga sandata sa loob. Kaya nitong maging isang hugis payong at gumawa ng isang defensive barrier, kaya naman kung iisipin parehas itong pang-opensa at pang-depensa. Sa katunayan, ang pinakamalakas na kapangyarihan nito ay maikukumpara sa high tier Spiritual grade. Kailangang malaman ng isang tao na sa loob Canopy Great Country, ang bilang ng mga high tier Spiritual grade weapons ay maaaring mabilang gamit ang isang kamay."
Naglagablab sa pag-asa ang mga mata ng batang nakasuot ng brocade.
Kumpara sa Hundred Flower Sack, ang Water Moon God Peach ay mas maganda.
Siyempre, ang mga arrays at mechnisms dito ay lubhang mas mahirap kaysa sa mga nasa unang palapag.
"Ang set up dito ay bahagyang katulad ng ilan sa mga mala-alamat na set up sa Heaven's Legacy Inheritance."
Bahagyang taimtim ang ekspresyon ni Heiyun Master habang maingat siyang nagsimulang solusyunan ang mga mekanismo.
Mabilis na lumipas ang oras, ang oras na kinunsumo nila rito ay labis na mas matagal kumpara sa unang palapag at hindi mapigilang nagmadali ng batang nakasuot ng brocade. Kailangan nilang malampasan ang mga mekanismo bago makarating si Master Bi at ang mga pirata.
Halos kalahating araw ang lumipas.
Creeck!
Sa wakas, nabuksan na ni Heiyun master ang kristal na kabaong.
"Water Moon God Peach Fan!"
Tumawa ang bata at ginamit ang Qi ng True Spirit upang kuhanin ang Inheritance fan.
Walang nakakaalam kung nagkataon lamang ito o hindi, subalit ang pinto sa Timog at sa Kanluran ay sabay na bumukas.
"Hindi maganda! Nauna rito ang Fan Flying Bandit!"
Nagbago ang mga ekspresyon nina Master Bi at ng Severed Blood Bald Eagle.
Ang dalawang partido ay hindi nagdalawang isip at sumugod upang kuhanin ang mga natitirang kagamitan.
Ang battle power ng batang may suot na brocade ay talagang tumaas at pinakaba nito ang dalawang True Spirit Realms.
"Ano ang nangyayari? Ang Water Moon God Peach Fan ay hindi kasinglakas ng naiisip ko."
Naguluhan ang magandang babae. Batay sa kaniya, kung makukuha ng kaniyang senior martial brother ang Water Moon God Peach Fan, maaari niyang lubhang mapinsala ang dalawa sa loob ng maikling oras o kaya niya pang mapatay ang mga ito.
"P*ta, ang Inheritance item na ito ay kailangang marefine para sa pag-aangkin dito upang magamit ang tunay nitong lakas. Ngayon, ang kaya ko lamang gamitin ay ang 50-60% ng kapangyarihan nito. Kung mayroon pa akong kaunting oras…"
Nagdalawang-isip ang batang may suot na brocade.
Ang mga inheritance items ay kailangan munang marefine bago mo tuluyang maangkin ito at nangangailangan ito ng mga tiyak na kondisyon gaya ng bloodlines o ng isang naaayon na skill.
Bilang isang disciple ng Water Moon Pirate, halatang mayroon siyang kinakailangang skill subalit kailangan muna nitong marefine upang magamit ang lahat ng kapangyarihan nito.
Habang naglalaban ang tatlong partido, ang pinto mula sa Silangang bahagi ay bumukas at tumapak si Zhao Feng sa ikalawang palapag.
Ang dahilan kung bakit siya ang huli ay halatang dahil sa hindi bilis ang layunin niya dahil kung masiyado siyang mabilis, mataas ang tsansa na makakatapat niya ang Fan Flying Bandit.
Habang sinusuri niya ang mga kagamitan na siyang lagpas kalahati na ang nakuha, hindi mapigilang bumuntong-hininga ni Zhao Feng.
Kung susugod siya ngayon, maaaring tumalsik siya. Wala sa kahit sinong grupo ang papakawalan siya.
"Kung magpapatuloy ang set up na ito, ang mga gantimpala sa ikatlong palapag ay hindi rin mapapasa-akin."
Nagningning ang mga mata ni Zhao Feng.
Dahil mag-isa lamang siya, ang kaniyang bilis na makalapas sa mga mekanismo ay halatang mas mabagal kaysa sa isang Mechanisms Master. Subalit kung susuko si Zhao Feng ngayon, nagdadalawang-isip pa siya.
Subalit, kung lakas at dami ang pag-uusapan, mas mababa pa rin siya kumpara sa iba.
Kung ganito na kaganito na ang sitwasyon sa ikalawang palapag, kung ganoon ang pagkakaiba nito sa ikatlong palapag ay mas magiging malaki.
Umikot ang isipan ni Zhao Feng habang nakabuo na siya ng isang plano.