Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 288 - Water Moon Four Treasures

Chapter 288 - Water Moon Four Treasures

Ang unang palapag ng lilang pilak na kabaong.

Hindi nahirapan maglakad ng unti-unti sa mga mekanismo si Zhao Feng.

Bawat kuwarto ay may mga gantimpala at mga patibong sa loob nito ngunit ang iba naman ay detalyado, at ang Gid's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay maeestima kung ano ang magagawa nito.

Matapos malalampas sa pang-apat na kuwarto, naabot ni Zhao Feng ang beginner level ng pagkakaintindi sa mga mekanismo at naunawaan ang halos laman ng libro na natanggap niya sa pangalawang kuwarto.

Ito'y hindi dahil natutunan niya ito ng mabilis, kung hindi dahil mayroon na siyang panimulang kaalaman sa mga arrays.

Ayon sa mapa, kailangan ng isa na makalampas sa siyam na mga kuwarto para makarating sa sentro ng kuwarto."

Napaisip si Zhao Feng.

Ang lahat ng mga patibong ay unti-unting humihirap matapos makalampas sa bawat pintuan at gamit ang kaniyang God's Spiritual Eye, kinakailangan niya munang pagmasdan ng mabuti ang bawat kuwarto.

Ang kaniyang layunin ay makuha ang lahat ng mga gantimpala sa bawat kuwarto. Gayon pa man, kapag ginawa niya ito, maapektuhan ang kanjyang bilis.

Nang marating niya ang ang panglimang kuwarto, ay mayroong mga mekanismo sa kuwarto na hindi bababa sa anim.

Gamit ang kaniyang God's Spiritual Eye ay matatanggal niya ang apat na mga mekanismo.

Ang isa sa mga natitirang mekanismo ay nasa gilid habang ang isa naman ay nasa sentro ng palapag.

Hinayaan ni Zhao Feng ang maliit na magnanakaw na pusa para masubukan nito kung gaano kalakas ang pandama nito sa panganib.

Miao miao!

Iwinagayway ng maliit na magnanakaw na pusa ang kaniyang paa at ang kaniyang mga mata nang tumutok ito sa isang sulok.

Pah!

Inikot nito ang kaniyang mga paa at isang faint silver blur ang tumama sa sulok.

Peng!

Isang maitim na usok ang lumitaw sa sulok at agad na sumunod dito, ang 'di mabilang na mga arko ng lilang kuryente ang bumalot sa kuwarto.

Ang kidlat ng lilang mga arko ay hinarangan ang kuwarto, at bumuo ng korteng kulungan.

"Ang kidlat na ito ay paniguradong makakapagbasabog ng normal na mga cultivators na nasa pinakamataas sa 7th Sky at maging abo.

Napaisip si Zhao Feng.

Kung mayroong siyang kasamang ibang cultivator na nasa 7th Sky sa lugar na iyon, ay paniguradong sila'y mamamatay. Kahit na ang tiyansa ng ibang nasa half step True Spirit Realm ay aabot lamang ng 'di hihigit sa 30%.

Gayon pa man, hindi nabalisa si Zhao Feng dahil kung isa itong patibong, ang mga natitirang mekanismo ay ang gantimpala.

Nagkibit-balikt ang maliit na magnanakaw na pusa. Mayroon itong kalkulasiyon, ngunit ito'y hindi perpekto.

Ang suwerte ay masiyadong mahiwaga.

Sa oras na iyon, mismong si Zhao Feng na ang naglakad patungo sa sentro ng kuwarto at mahinang kumatok sa sahig.

Ang pintuan ay awtomatikong nagbukas, naglahad ng isang perpektong Silver Jade na nagbigay ng isang malamig na pagkislap.

Ang hula ngayon ni Zhao Feng ay tama, mayroon ngang mga gantimpala sa bawat kuwarto at sa oras na magbukas ang gantimpala ng mekanismo, ang pintuan sa susunod na kuwarto ay magbubukas. Gayon pa man, kinakailangan na masolusiyonan ang kalahati ng patibong para makapasok sa susunod na kuwarto.

At sa inaasahan, ang pintuan sa pang-anim na kuwarto ay bumukas.

Ang kidlat na bumabalot sa kuwarto ay hindi naglaho, kaya si Zhao Feng ay naging isa asul na guhit ng kidlat at lumampas sa lilang kidlat.

Ang mga makakapangyarihang mga kuryente ay humalo sa kaniyang asul na liwanag.

Nagulat ng kaunti ang puso ni Zhao Feng ng ang isang nakakamanhid na pakiramdam ang kumain sa kaniyang katawan, kaya, mabilis niyang itinutok ang kaniyang kapangyarihan patungo sa kaniyang dantian.

Matapos maging matagumpay ang pagsipsip sa kidlat, ang True Force ni Zhao Feng ay bahagyang naging malakas.

At sa ganoon ay nalampasan ni Zhao Feng ang mga pintuan.

Dahil sa kaniyang God's Spiritual Eye, nagawa ni Zhao Feng na tapusin ang karamihan sa mga patibong at ginamit ang maliit na magnanakaw na pusa para lumaki ang kaniyang tiyansa na magtagumpay.

Samakatwid, ay nalampasan ni Zhao Feng ang mga panganib ng walang kahirap-hirap.

Nang marating ni Zhao Feng ang pangwalong kuwarto, ang mga gantimpala ay mas lalong dumami.

Isa sa mga gantimpala ay ang Spiritual Pill na tinatawag na Hundred Changing Pill na kung saan ay maaaring makapagpagamot sa karamihan ng klase ng mga lason at ang tanging makakagawa nito ay ang Water Moon Pirate.

"Ang Water Moon Pirate ay mahusay sa larangan ng heyograpiya, medisina, arrays… at sa 'di mabilang na mga kayamanan. Hindi nakapagtatakang makakaya niyang magawa ang lahat ng hilingin niya sa Canopy Great Country."

Hindi maiwasan ni Zhao Feng na humanga sa mga skills ng Water Moon Pirate.

Ang mga mekanismo sa loob ng pangwalong kuwarto ay umabot sa sampung mga patibong at matapos gumawa ng kaunting aksiyon, nakatanggap ng si Zhao Feng ng isang kakaibang abong bato.

Ang Water Moon Pirate ay sadyang nakakolekta ng sobrang daming mga kakaibang kayamanan na kahit si Zhao Feng ay hindi alam ang mga ito.

Miao miao!

Ang maliit na magnanakaw na pusa ay tumakbo sa kaniya, at ninakaw ang abong bato, at kinagat ito gamit ang kaniyang mga ngipin, gayon pa man, walang gasgas ang lumabas. Mula dito, makikita ang katigasan ng batong ito.

Nagpatuloy sa Zhao Feng sa pangsiyam na kuwarto at ang panghuling kuwarto.

Ang bilang ng mga mekanismo sa kuwartong ito ay umabot sa labing-isa.

Gamit ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng, hindi niya pinansin ang anim sa mga ito at ang dalawa pang mekanismo ay nalampasan niya gamit ang kaniyang kaalaman sa mga arrays.

Ibig sabihin na tatlo na lamang ang natitirang mekanismo na kailangang masubukan.

Kahit na mabilis na nahanap ng kaniyang God's Spiritual Eye ang lokasiyon ng mga mekanismo, nagawa pa rin ni Zhao Feng na umiwas sa sandaling oras.

Ayaw niyang sumuko sa mga gantimpala na nasa kuwarto.

Habang sinusubukan ni Zhao Feng ang mga mekanismo, ang dalawa pang grupo ay nagpatuloy na pumasok.

May alam ng kaunti sa grave robbing ang Daoist na naka asul na kapa na kasama sa mga pirata.

Ang importanteng bagay ay mayroon silang maraming tauhan at isa sa True Spirit Realm ang humahawak sa depensa at kahit na ito'y sobrang delikado, nagawa parin nilang makalampas dito.

Mula sa Transverse Water Stronghold, si Bi Qiaoyu ang pinaka talentado dahil sa katunayang natuto siya sa isang guro.

Sa kanilang paglalakbay, ang kaniyang kaalaman ay tumaas ng sobra habang si Master Bi naman na nasa True Spirit Realm ay prinotektahan siya.

Pagdating sa kasanayan, si Zhao Feng na ang masasabing pinaka-mabilis, madali niyang nalagpasan ang mga pirata. Gayon pa man, nagsumikap siya para maperpekto at hindi mawala sa kaniya ang mga gantimpala.

Samakatwid, siya ay hindi gaanong maalam sa mga mekanismo at ang tanging mayroon lamang siya ay ang maliit na magnanakaw na pusa at ang kaniyang sarili, kaya ang bilis niya ay kagaya lamang ng sa ibang pang dalawang grupo.

Habang sumasakit ang mga utak ng pangatlong partido na sinusubukang makalampas sa mga mekanismo, tatlong pigura ang tumawid sa bug river.

Ang leader ay ang batang nakasuot ng brocade at sa pagwagayway niya ng kaniyang pamaypay, nagbigay ito ng aura na agarang nagpalikido sa lahat ng mga Dead Corpse Bugs sa loob ng paikot na sampung yarda.

Pagdating sa lakas, ang bata ay mas malakas kaysa sa kararamihan ng mga cultivators na nasa True Human Rank.

Tatlong pigura ang bumaba sa harapan ng lilang pilak na kabaong.

"Ang mga tao ay pumasok galing sa norte, silangan, at sa timog."

Ang maliit na elder ay naglakad ng saglit bago makumpirma na ang pintuan nila ay nasa kanlurang bahagi, salungat ng pintuan ni Zhao Feng.

Mayroon doong nakatatak na maputlang palad sa kanlurang pintuan kagaya ng sa bata.

"Huli na ba tayo?"

Mabilis na sabi ng magandang babae.

"Kailangan nating makahabol. Sa apat na mga direksiyon, ang silangan ang pinaka-masuwerte. Sa mekanismo, "silangan" ang nagrerepresenta ng panalo. Kung tama ako, ang unang taong makahawak sa stone sign ay ang taong makakapasok sa silangan."

Isang ilaw ang kumislap sa mga mata ng maliit na elder.

Ang pagsusuri niya ay tama – si Zhao Feng ang pumasok mula sa silangan.

"Hindi na mahalaga kung nanggaling sila sa silangan o kanluran. Ngayon ay papatayin natin silang lahat.

Kumpiyansa niyang sabi na may halong kayabangan.

Mapait na ngumiti ang maliit na elder ngunit hindi ito tumutol.

Ang Fan Flying Bandit ang pinaka-talentadong disciple ng Water Moon Pirate at nagtataglay din ng 'di mabilang na techniques. Si Master Bi at ang mga pirata ay paniguradong walang panama sa kaniya.

Ngunit mayroong bagong importanteng punto.

Inimbitahan ng Fan Flying Bandit ang maliit na elder na may kasanayan sa mga mekanismo para sumali sa kanila, at ang kaalaman niya sa mga mekanismo ay kaya pang higitan ng nasa Water Moon Pirate.

Ang kombinasiyon nila ay ang paniguradong tatapos sa kanila.

Ang tatlo ay mabilis na pumasok sa pintuan sa kanluran na ang direksiyon ay salungat kay Zhao Feng.

Ang bilis ng maliit na elder ay matatawag ng himala.

Sa loob ng maikling panahob, nalampasan niya ang mga naunang mga kuwarto.

"Aye, ang mga mekanismong ito ay magulo ng kaunti; ang Water Moon Pirate ay halatang nagmamadali noong ginawa niya ito."

Ang maliit na elder ay tila naglalakad lang ng parang namamasyal.

Ang tatlo ay hindi tumigil kahit minsan kahit nang marating nila ang oangsiyam sa kuwarto.

At mula nga sa pagkakasabi ng maliit na elder, ang kanlurang bahagi ay hindi nga maganda. Hindi lang ito mahirap, pati na rin ang mga gantimpala ay hindi rin maganda.

Ang silangang bahagi ay ang bahagi ng mga kampeon at may kalamangan.

Si Zhao Feng ang unang nag-iwan ng palad na nakatatak at samakatwid siya ang may pinakamalaking kalamangan.

Kahit na itong ang sinasabi, ang mga daliri ng maliit na elder ay hindi tumigil.

!

Crack!

Nakapasok na ang maliit na elder sa pangsoyam na kuwarto sa loob ng dalawampung hingahan lamang habang si Zhao Feng , ang mga pirata at ang grupo ng Stronghold ay naglaan ng oras katumbas ng kalahating oras para makagawa ng tsaa.

Ibig sabihin na ang maliit na elder ay nakalampas sa siyam na kuwarto habang ang iba naman ay hindi pa nakaka-kumpleto sa huling kuwarto.

Ang Masters ay may lubos na kapangyarihan at kakayahan sa loob ng kaniyang propesiyon. Kahit na bumalik sa hukay ang Water Moon Pirate, kailangan niyang aminin ang pagkakaiba nila.

Matapos makalampas sa pangsiyam na kuwarto, ang Fan Flying Pirate at ang iba pa ang narating na ang sentro ng unang palapag.

Bago sa kanila ay mayroong kuwarto na kasukat ng isang maliit na pamilihan.

Sa sentro ng kuwarto ay isang kristal na kabaong na naglalaman ng mga 'di pangkaraniwang bagay, maningning na mga alahas, at kahit mga sandata ng Spiritual grade.

Ang mga bagay na ito ay maaaring makapagpalabo ng mga mata Kkung sino man ang tumingin.

Kahit na alin sa mga bagay dito ay magpapa-ilaw ng mga mata ng isang normal na cultivator na nasa True Spirit Realm.

Gayon pa man, ang kabaong ay hindi naglalaman ng kahit na anong bangkay.

"Ayon sa pagkakaayos nito, ang mga gantimpala sa unang palapag ay hindi maganda. Ang gantimpala sa pangalawa at pangtlong palapag ay mas maganda. Tanging sa pangatlong palapag lamang matatagpuan ang bangkay ng Water Moon Pirate at ang pinaka-importante ay ang mga kayamanang nandoon."

Ang kaniyang suwestiyon ay sumuko na sa unang palapag at magtungo na lamang sa pangalawa.

Gayon pa man, ang Fan Flying pirate at ang magandang babae ang parehong 'di gumalaw at sa halip ay tumingin sa mga kayamanan na nasa loob ng unang kabaong.

"Hundred Flower Sack! Mayroon iton Hundred Flower Sack!"

Sigaw ng maliit na elder.

Ang Water Moon Four Treasure ay apat na mga bagay na nakatulong sa Water Moon Pirate habang siya ay nabubuhay pa.

Ang Hundred Flower Sack ay isang bagay na kayang makabuo ng lason at may walang hanggang gamit. Ang Drunken God Perfume ay isa sa mga halimbawa.

"Ang Hundred Flower Sack ay naglalaman ng daan-daang mga lason. Ang iba ay kayang manlinlang sa mga taong nasa True Spirit Realn; at ang iba pa ay kayang pumatay ng mabilis ng mga nasa True Spirit Realm. Mayroon din na maaaring makapagpataas ng lakas ng tao o kaya nama'y makapagpahaba ng buhay ng isang tao.

Ang boses ng magandang babae ay biglang nanginig.

Ang Hundred Flower Sack ay ang pangarap ng 'di mabilang na mga tao na nasa landas ng kasamaan. Maaari nila itong magamit para pumatay ng tao, magligtas ng tao, magpalakas ng sarli… kaya nitong gawin ang kahit na ano.

Sa oras na mapunta ang bagay na ito sa kamay ng iba, magkakaroon sila ng tiyansa para patayin ang mga tao na nasa True Spirit Realm kung gugustohin man nila.