Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 287 - Pagpasok

Chapter 287 - Pagpasok

Ang katotohanan ay lumabas na sa mga oras na iyon.

Mayroong apat na pintuan patungo sa lilang pilak na kabaong, at ang tatlo doon ay may mga nakatatak na mapuputlang palad.

Sa sitwasiyon na iyon, lumalabas na ang tatlong palad na nakatatak ay pareho ng kay Zhao Feng, Bi Qiaoyu, at ng sa Daoist na naka asul na kapa.

Kapag papasukin ito, tanging ang tatlo lamang na humawak ng stine sign ang makakapasok.

"Ang ayos ng pagkakagawa ng Water Moon Cave ay talaga ngang napakahusay."

Hindi maiwasang pagkamangha ni Zhao Feng.

Siya ang unang naka nakaunawa ng sikreto at siya rin ang unang kumilos.

Shua!

Nagmistulang malabong pigura si Zhao Feng sa bilis ng kaniyang aksiyon nang pumunta patungo sa pinto kubg saan nakatatak ang kaniyang palad.

Ang kaniyang aksiyon ay kumuha ng atensiyon ng dalawang panig.

"Pigilan ninyo siya!"

"Putulin ninyo ang kaniyang palad!"

Ang mata ng Severed Blood Pirates at ng Daoist na naka asul na kapa ay kumislap nang lapitan nila si Zhao Feng.

Ang pintuan kung saan patungo si Zhao Feng ay nasa sentro ng parehong partido.

"Hindi natin hahayaang mapunta ang susi sa mga pirata."

Napatalon ang puso ni Master Bi ng ang kaniyang aura ng True Spirit ay sumabog nang sumugod siya kay Zhao Feng.

Kahit na hindi niya makuha si Zhao Feng nanagrerepresenta ng isang susi, hindi niya hahayaang makuha ito ng mga pirata.

Pah!

Hindi ininda ni Zhao Feng ang mga paparating na mga atake at inilagay ang kaniyang palad sa pintuan.

Weng~~~

Nang bumukas ang pintuan, isang maitim na berdeng ilaw ang bumalot kay Zhao Feng at humigop ng puwersa na agarang humila kay Zhao Feng papasok sa lilang pilak na kabaong.

Sa mga susunod na pangyayari.

Ang mga atake ng Severed Blood Bald Eagle at ni Master Bi ay nagtama kung saan naka-puwesto si Zhao Feng at isang malakas na kapangyarihan na galing sa True Spirit Realm ang tumama sa maitim na berdeng ilaw bago ito maglaho.

Boom!

Sumarado ang pintuan at ang maitim na berdeng ilaw ay unti-unting nagdidilim.

Ang mga atake ng dalawang True Spirit Realm ay sumablay.

Sumama ng kaunti ang ekspresiyon ng Severed Blood Bald Eagle at ni Master Bi.

"Kailangan nating makapasok bago maglaho ang liwanag."

Ang sabi ng Daoist na naka asul na naka kapa gamit ang malalim na boses.

Sa mga oras na iyon, tanging si Zhao Feng lamang ang nahila nang hinawakan niya ang maitim na berdeng ilaw.

Gayon pa man.

Ang ilaw ay lumilitaw lamang sa maikling panahon, kaya ang bilang ng mga taong makakapasok sa loob ng kaunting panahon ay limitado lamang.

"Tanging tatlo hanggang apat na pinto lamang ang mayroong palad na nakatatak dito kaya kung mayroon tayong pababalikin na tao…"

Nagpalitan ng tingin ang Severed Blood Bald Eagle at ang Daoist na naka asul na kapa habang sila'y nag-uusap.

Naunawaan ni Mastwr Bi na ang isa sa mga apat na pintuan ay walang palad na nakatatak dito.

Kung maaari silang magpabalik ng isang tao at matatakan ang stone sign, makakakuha sila ng panibagong susi.

Gayon pa man, ang daan pabalik ay punong-puno ng panganib. Kahit na ang mga nasa True Spirit Realm ay kakailanganing mag-ingat.

Sa mga saglit na iyon.

Weng~~

Isang matingkad na ilaw ang lumitaw sa ika-apat na pintuan kung saan isang panibagong maputlang palad na nakatatak ang lumabas.

"Hindi ito maganda!" Tila parang ang pangatlong partido ay nakapasok na sa Water Moon Secret Cave."

Ang ekspresiyon ng lahat sa stronghold at ng mga pirata ay biglang nagbago.

Ang mga pirata ay bumuo ng alyansa kasama ang mga tao sa stringhold para mabuksan ang kayamanan, ngunit ang sitwasiyon ngayon ay biglang nagbago.

Maliban sa dalawang puwersa, ang pangatlong partido ay biglang nangialam.

Maaari itong magdulot ng hindi inaasahang resulta.

"Kailangan nating mabuksan ang kayamanan bago pa makarating ang pangatling partido."

Pormal na sabi ni Master Bi at inutusan si Bi Qiaoyu.

Inilagay ni Bi Qiaoyu ang kaniyang maliit na kamay sa pintuan at 'di kalaunan, isang maitim na berdeng ilaw ang lumitaw.

Agad na hinila papasok si Bi Qiaoyu at si Master Bi na Head ng pamilyang Bi at isa pang eksperto sa half step True Spirit Realm na kasama ring nahila.

Apat na katao ang nakapasok mula sa Transverse Water Stronghold.

Nagkaroon rin ng isang mabigat na alyansa kasama ang partido ng isang True Spirit Realm, dalawang half step True Spirit Realm, at isang ekperto mula sa pinakamataas na 7th Sky.

Sa parehong oras na iyon.

Mula sa pasukan ng Water Moon Cave.

Tatlong pigura ang huminto sa mga madilim na daanan.

Sila ang Fan Flying Bandit, ang magandang babae, at ang maliit na

elder.

Ang batang may hawak na pamaypay ay inilabas at inilagay ang kaniyang palad sa stone sign katumbas ng dalawa hanggang tatlong hingahan nang lumabas ang kakaibang pakiramdam.

"Tila parang may eksperto mula sa grupo ang pumasok sa loob nito.

Ang mekanismo dito ay lubhang nakatago at mahirap matagpuan kahit na ang mga nasa Spiritual Sense. Tanging isa lamang ang makakakita nito gamit ang kaniyang mata kung titignan ito sa malapitan. Samakatuwid, ang makakabukas ng kayamanan ay kinakailangang ilagay ang kanilang mga palad sa stone sign katumbas ng dalawa hanggang tatling hingahan para makakuha ng susi."

Bumuntong hininga ang maliit na elder.

Kung ang Daoist na naka asul na kapa o si Zhao Feng ang narito, sila ay lubhnag magugulat dahil sa loob ng maliit na pangungusap, ang maliit na elder ay nalutas agad ang misteryo ng

stone sign.

Kahit na natagpuan ni Zhao Feng ang stone sign na kakaiba at hinawakan ito, parti lamang itong kaniyang suwerte habang ang maliit na elder ay nakita niya kaagad ang katotohanan sa

isang tinginan lang.

Habang sinusundan ito.

Pinangunahan ng maliit na elder ang daan at naglakad na parang namamasiyal. Ang mga patibong at mekanismo sa daan ay tila nagbigay sa kaniya ng signales para magpatuloy.

Habang tinitignan ang mga katawan na nakakalat sa sahig, hindi maiwasan ng bata na mamangha

"Si Sir ay talagang hindi mapagkakaila bilang Mechanisms Master. Ang aking Master Water Moon Pirate ay nakakuha ng maraming techniques sa mga mekanismo na nanggaling sa inyong pamana."

"Ang Water Moon Pirate ay talaga ngang talentado, ngunit naglaan nga lamang ng pagsisikap sa delikadong daan. Kamangha-mangha ngang natutunan niya ang 20-30% ng aking mga

ipinamana sa kaniya."

Hindi maiwasan ng maliit na elder ang bumuntong hininga.

Ang tatlong grupo ay madali lang na nakalampas sa kuwebang puno ng mga patibong.

Napataas ng kilay ang maliit na elder nang marating nila ang pasilyo, "Ang pasilyong ito ay wala man lang mga mekanismo o kaya'y mga patibong na inilagay, ngunit ang gumawa nito ay hindi

ito ilalagay kung wala lang ito."

"Ehh? Tila mayroon ditong aura ng Drunken God Perfume at ang Master's 8-Sided Incense Poison dito."

Ang batang nakasuot na brocade ay suminghot at tumawa.

Ang kombinasiyon nga ng tatlo ay napaka-makapangyarihan.

Ang maliit na elder ay isang Mechanisms Master at maaaring mas magaling pa nga sa Water Moon Bandit. At ang bata at ang magandang babae naman ay mga disciples ng Water Moon Pirate.

Sa loob ng higanteng lilang pilak na kabaong.

Lumitaw si Zhao Feng sa isang lila at kulay pilak na kuwarto.

Mayroon ditong upuan at lamesa, at sa lamesa ay mayroong scroll.

Nang buksan niya ito, napagtanto ni Zgao Feng na isa itong mapa na naka-korteng kabaong.

Ang mapa ay nahahati sa tatlong palapag na nagrerepresenta sa distribusiyon ng kabaong.

Ang lokasiyon ni Zhao Feng ay nasa ika-una na nasa silangang bahagi at nasa loob ng unang kuwarto. Ang kuwarto ay kasing laki lamang ng maliit na parisukat na nasa mapa.

"Kahanga-hanga. Nakapagtataka kung bakit ito iniwan ng may gawa nito dito."

Binuksan ni Zhao Feng ang kanjyang God's Spiritual Eye at iginuhit ang mapa sa kaniyang isip.

Ayon sa scroll, bawat palapag ay may lamang kayamanan.

Ang kuwarto ng kayamanan sa una at pangalawang palapag ay matatagpuan sa sentro nito.

Sa sentro ng pangatlong palapag, ay naroon ang kabaong ng Water Moon Pirate.

"Ang sentro ng bawat palapag ay maaaring nagtataglay ng pinakatangi-tanging kayamanan ng Water Moon Cave."

Naunawaan ito ni Zhao Feng.

Ibinaba niya ang scroll at saka naglakad patungo sa pangalawang kuwarto. Ang kuwartong kaniyang pinaggalingan ay ang pinaka-simula.

Gayon pa man, ay hindi siya pumasok kaagad at ginamit ang kaniyang God's Spiritual Eye para pagmasdan ang unang kuwarto.

Nakikita ng kaniyang mata ang mga bagay na mas makapangyarihan pa kaysa sa normal na Spiritual Sense. Walang sinuman ang makakatakas sa mga mata ni Zhao Feng.

At sa puntong iyon.

Pinagmasdan ni Zhao Feng ang upuan gamit ang kaniyang God's Spritual Eye.

Sa kuwartong ito, mayroon lamang upuan at lamesa.

Madalas, ang mga tao ay tututok sa lamesa. Sino naman ang magbibigay ng atensiyon sa upuan?

Inisip ito ni Zhao Feng at saka umupo sa upuan.

Chi Cha Chi Cha!

Lumubog ng dalawang taas ang upuan at sumadsad pabalik ng tatlong hakbang.

Habang sumusunod dito.

Isang maliit na butas ang lumabas kung saan nakapuwesto ang upuan.

Sa loob ng butas ay mga set ng teaware kasama ang mga baso at mga tea pot.

Nag-iba ang ekspresiyon ni Zhao Feng. Ang pagpaplanong ito ay masiyadong kasuwal.

Inabot niya ito at nagbuhos ng dalawang basong tsaa

Ang tsaa ay may kaunting pagkalamig na at tinawag ni Zhao Feng ang maliit na magnanakaw na pusa.

Ang paglaban ng maliit na magnanakaw na pusa sa mga lason ay masiyadong mataas. Naranasan na rin nga nitong makakain ng nakalalasong kulisap sa Hundred Graves Forbidden Ground at nakalunok na rin ng Drunken God Perfume sa pasilyo.

Ang paggamit sa maliit na magnanakaw na pusa bilang tester ay isang magandang ideya.

Miao miao!

Ang maliit na magnanakaw na pusa ay uminom sa baso habang umiikot ang mata bago ito tumango patungo kay Zhao Feng.

Uminom naman si Zhao Feng ng isang baso at nakaramdam ng malamig na pakiramdam patungo sa kaniyang mga laman at diretso sa kaniyang mga buto, na agarang nagpanginig sa kaniya.

Gayon pa man, matapos niyang inomin ang isang baso ng tsaa naramdaman ni Zhao Feng ang kaniyang mga attributes sa katawan ay mas lalong lumakas.

"Hehe, kamangha-mangha."

Matapos niyang inomin ang tsaa, binuhat ni Zhao Feng ang maliit na magnanakaw na pusa nang pumasok siya sa pangalawang kuwarto.

Sa dulo ng pangalawang kuwarto ay mayroong panibagong pintuan, ngunit ito'y sarado.

Tumayo ng saglit sa kuwarto si Zhao Feng ngunit ang pintuan ay hindi nagbukas.

"Mukang kinakailangan muna nating makalampas sa mga kuwarto gamit ang mga pintuan."

Hindi siya nakaramdam ng pagkabalisa o kaya ng pagmamadali.

Isa pang muli, ginamit niya ang Gid's Spiritual Eye para pagmasdan ang kabuuan ng kuwarto.

Kahit na pinagcaralan ni Zhao Feng ang mga arrays noon, hindi siya gaanong maalam sa mga mekanismo, ito ay ang branch ng arrays.

Ang bagay na pinaka-maaasahan niya ay ang God's Spiritual Eye.

Ang God's Spiritual Eye ay kayang makakita at magsuri ng bawat maliliit na detalye, kaya rin nitong makita kahit na ang mga atoms.

Sa di kalayuan.

Nakakita si Zhao Feng ng lima hanggang anim na kahina-hinalang na mga puntos.

Miao miao!

Biglang tumalon ang maliit na magnanakaw na pusa patungo sa lampara na isa sa mga puntos ng mekanismo.

Weng~

Nagliwanag ang lampara at isang libro ang nahulog mula sa kisame.

Nang binuksan niya ito, napagtanto ni Zhao Feng na isa itong libro tungkol sa mga panimulang impormasiyon ukol sa mga mekanismo. Pinagmasdan niya ito gamit ang kaniyang God's Spirtual Eye, ang lahat ng mga laman nito ay nakopya niya sa kaniyang isipan.

"Kamangha-mangha, ngunit ano ang punto nito? Ano ang pinaplano ng Water Moon Pirate?"

Napangiti ng maputla si Zhao Feng.

Sa mga oras na iyon.

Ang pangalawang kuwarto sa ika-unang palapag na nasa norte.

!

Boom!

Isang mabaho at nakasusuklam na gasolina ang kumakalat sa loob ng kuwarto.

"Cough cough."

Si Master Bi na nasa unahan ay nakatakip ng mukha ngunit kahit na anong gawin niyang pagpunas, ay hindi ito natatanggal.

At ang iba na rin ay nagsimula ng hindi makahinga.

"Master Bi, naapakan mo ng 'di sinasadya ang patibong."

Nanghihinang itinuro ni Bi Qiaoyu ang pintuan.

Ang pangalawang kuwarto na nasa kanluran.

"Zhe zhe, mukhang may mga gantimpala at mga patibong ang bawat kuwarto. Ang lahat ay naka dipende sa lakas, paningin, at suwerte."

Mayabang na sabi ng Daoist na naka asuk na kapa.

.

Gamit ang kaniyang skills, narating niya ang pangatling kuwarto at pinangunahan ng niya ito ng walang pag-aalinlangan.

Gayon pa man, sa pangalawa niyang hakbang sa pangatlong kuwarto, dalawang bakal na kadena ang lumitaw sa pader na kasing bilis ng pana na bumalot sa kaniyang paa.

"Ahhhh!"

.

Sumigaw ang Daoist na naka asul na kapa ng ang kaniyang buong katawan ay sumabit ng nakapatawirik sa kisame.